You are on page 1of 7

YUNIT III - WIKA AT EDUKASYON

KAHULUGAN NG EDUKASYON

https://www.pinoynewbie.com/kahulugan-kahalagahan-ng-edukasyon/

Sa pangkalahatang kahulugan, ang edukasyon ay ang proseso ng pagbabahagi, pagkuha


at pag-iipon ng kaalaman. Ito ay tumutulong sa tao upang mapaunlad ang kanyang
kakayahan, pang-unawa at pagkatao. Ito rin ay tumukoy sa pag-aaral ng iba’t ibang
asignatura upang matuto ng iba’t ibang kasanayan para magamit sa pang-araw-araw na
buhay at para sa kinabukasan.

Ang edukasyon ay maaring maganap sa pormal at di-pormal na pamamaraan. Hindi


lamang sa paaralan naka-sentro ang edukasyon. Ito ay makikita rin maging sa ating tahanan
at kapaligiran. Simula pa man noong tayo ay mga bata pa, tinuturuan na tayo ng ating mga
magulang ng mabuting asal. Tinuruan din nila tayo kung paano magsalita, magsulat at
magbilang. Patunay lamang ito na sa labas ng paaralan mayroon ding edukasyon.

Ang edukasyon ay hindi laging nabatay sa laman ng libro. Ito ay matatagpuan mismo sa 
ating mga buhay. Natututo tayo mula sa ating mga ginagawa at mga karanasan. Sa
pamamagitan ng ating mga magkakamali, natututo tayong umisip ng mga paraan kung
paano natin maiiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari sa hinaharap.

ANG PAPEL NG WIKA SA ATING PAGKATUTO

https://www.pressreader.com/

Ang wika ay ang pangunahing instrumento nating mga tao sa pakikipag-ugnayan, sa


pagkalap ng kaalaman, sa komunikasyon at sa marami pang aspeto ng buhay. Samakatuwid,
malaki ang ginagampanan ng wika sa ating buhay dito sa lupa at maging ang magiging buhay
natin kapag tayo ay namatay na. Una, ang wika ay nagsisilbing kasangkapan ng tao sa
pakikipagkomunikasyon. Ito ay isang mahalagang instrument upang ang bawat bansa ay
magkaroon ng pambansang kaunlaran.

Ang bawat bansa o nasyon ay may sari-sariling wikang isinasalita ngunit mayroon pa
rin tayong tinatawag na “universal language o isang lenggwaheng dapat alam ng lahat at ito
ay ang wikang Ingles. Pangalawa, ang wika ay isang kasangkapan sa pagkalap ng
kaalaman. Sa pamamagitan ng wika ay nagkakaroon tayo ng kakayahan na
umintindi ng mga bagay-bagay at ipaliwanag ang kahulugan ng mga ito.
Sa paaralan, ang wika ang nagsisilbing tulay sa pagkatuto hindi lamang ng
mga mag-aaral kundi maging ng mga guro. Nakasalalay ang epektibong pagkatuto at
matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa pamamagitan ng wika. At
ito ay lubos na magiging matagumpay kung ang guro ay bihasa o may sapat na
kaalaman sa pakikipag-ugnayan. Kinakailangang maging mahusay ang isang
indibidwal sa pagsasanay ng wika upang magamit ito nang maayos.

1
Sa makabagong panahon, dapat maisaalang-alang ng bawat paaralan ang
pag-aaral ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng edukasyon o wikang
panturo. Sa ganitong paraan, hindi mawawala ang pagkakaroon ng halaga ng ating
wikang pambansa at maitatanim pa natin sa utak at puso ng bawat kabataan ang
imporatnsya ng wikang Filipino. Ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa
edukasyon ay hindi matutumbasan ng kahit ano. Katulad ng mga nabanggit ito ay
tulay na magdudugtong tungo sa kaunlaran ng mga nasyon at kalagayang
panlipunan ng isang bansa.

Wikang Panturo

 Wikang ginagamit na midyum o daluyan ng pagtuturo at pagkatuto sa sistema


ng edukasyon.
 Ito ang wikang gamit ng guro upang magturo sa mga magaaral.
 Sa pamamagitan ng wikang panturo, nauunawaan ng mga mag-aaral ang
pangkalahatang nilalaman at kasanayan sa isang tiyak na asignatura o
larangan.
 Ipinapatupad sa Pilipinas ang Bilingual Education Policy (BEP) noong 1987 ang
paggamit ng Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo.
 Ipinatupad din ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB MLE)
noong 2009, na nagbibigay-diin sa paggamit ng mga katutubong wika bilang
unang wika ng mga mag-aaral na wikang panturo.

Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon


https://www.panitikan.com.ph/kahalagahan-ng-wika

Mayroon ding mahalagang papel ang wika sa pag-aaral at edukasyon sa bansa.


Sa Pilipinas, isang asignatura ang tumututok sa kasanayan ng mga mag-aaral sa
wikang Filipino. Dito ay inaalam ng mga mag-aaral ang wastong baybay, balarila, at
pagkakabuo ng mga salita at pangungusap upang magkaroon nang maayos na
talastasan.

Bagaman maraming negosyo sa Pilipinas ang nakatuon sa paggamit ng wikang


Ingles sa araw-araw na transaksiyon, hindi maiaalis na ang wikang Filipino ang
mabisang ginagamit upang maabot ang lahat ng uri ng mamamayan sa lipunan.
Bawat isa ay nakauunawa ng Filipino—mayaman man o mahirap dahil ito ang

2
pangunahing wika sa bansa. Dahil dito, mabisang naipahahayag ang layunin ng mga
negosyo sa mga mag-aaral, mamamayan, at mamimili.
Mahalaga rin ang wikang Filipino at iba pang wika sa bansa sa pagkatuto ng
mga mag-aaral. Sa kasalukuyang kurikulum na K-12, ginagamit ang mother tongue o
kinalakihang wika sa isang lugar sa pagtuturo ng karamihan sa mga aralin at
asignatura. Sa ganitong paraan daw kasi ay mas nauunawaan ng mga bata ang
aralin at hindi na kailangan pang matuto ng ibang wika, lalo na ang mga musmos pa.
Mas mabisa raw ito dahil mas gagaan ang pasanin at responsibilidad ng isang mag-
aaral sa pag-unawa sa kaniyang aralin.

WIKANG PAMBANSA
Ayon kay Arthur Cassanova, Akting Tagapangulo ng KWF, sa kanyang pahayag
sa pagdiriwang ng buwan ng wika 2020, mahalaga ang pagsulong, pagpapayaman,
pagpapayabong ng ating wikang Pambansa dahil ang Filipino ang siyang simbolo ng
ating pagka-Pilipino. Ang wika at kultura ay magkakabit, hindi pwedeng ihiwalay ang
wika sa kultura. Sa kasalukuyan ang wikang pambansang Filipino ay maituturing
nang isang intelektuwalisado- ibig sabihin may kakayahan na ang ating wikang
pambansang Filipino na gamit sa akademya sa lalong mataas na edukasyon.
Kung kaya’t hinihimok ni Cassanova ang mga mag-aaral, hindi lamang sa Basic
Education sa mababang paaralan, junior high school, senior high school at maging
sa kolehiyo na gamitin ang wikang Filipino sa pakikipagtalastasan, talakayan, sa mga
forum; sa pagsulat ng ating mga papel: ng mga disertasyon ng mga nagpi.Phd at
tesis ngmga nag-i.M.A. Dagdag pa niya na sa basic education ay mahalaga na sa
murang edad ng mga bata na ating tinuturuan ay maisapuso na nila ang
pagmamahal sa sariling wika dahil kung maihahatid sa mga kabataan, sa mga guro,
sa mga kawani ng paaralan ang mga kabatiran at impormasyon hinggil sa
pandemyang corona virus ay higit pang mauunawaan ng ating mga kababayan kung
ano ang dapat gawin, kung ano ang mga dapat iwasan, kung paano tayo
makasusulong sa pagsapit ng bagong normal na tinatawag natin.
Ayon pa rin kay Cassanova ang ating pagmamahal sa sariling wika ay mahalaga.
Ito ang ating kakanyahan. Bahagi ito ng ating kultura. Kung kaya’t bilang Akting
Tagapangulo ng KWF, hinihimok niya ang mga mag-aaral, guro, at kawani ng mga
paaralan sa buong kapuluan na gamitin ang wikang pambansa sa araw-araw nating
pamumuhay, maging sa mga usaping may kinalaman sa suliraning panlipunan. Iginiit
niya na mas naisasapuso at mas naiintindihan natin ang mga isyu, ang mga usapin
kung ang wikang pambansa natin ang ating gagamitin. Dahil kung sa wikang
banyaga gagamitin ang ating mga kaisipan at ang ating mga pananaw, hindi
magiging madali dahil ang Ingles ay pangalawang wika lamang natin. Paalala niya sa
mga kabataang nasa elementarya, junior high school, senior high school maging sa
kolehiyo ay palaganapin ang wikang pambansa. Dahil kapag nasa puso’t isipan na
nila, higit nilang mapahahalagahan ang pagkatuto at pagtuturo ng guro sa wikang
Filipino.

3
WIKA/WIKANG KATUTUBO
EROS ATALIA
Premyadong Manunulat

Kinakatawan ng mga katutubong wika sa Pilipinas ang kabuuan ng karanasan,


kasaysayan at reyalidad nating mga Pilipino. Sa mga wikang ito makikita ang
nagaganap na reintroduksyon, reinterpretasyon, redipinisyon at renegosasyon ng
mga konseptong kakambal ng pamumuhay ng higit na nakararaming mga Pilipino.

Karaniwang Pilipino- na may karaniwang pangarap, sapat at masustansiyang


pagkain, simpleng tahanan kasama ang buong pamilyang hindi na kailangang
hanapin sa ibang bansa ang kasaganahan. Makaagham, makabayang edukasyon,
makabuluhang paglilibang at sapat na pahinga; ligtas na hangin, tubig, lupa at
baybaying maituturing na atin. Mga katutubong wika sa Pilipinas ang ang midyum
upang maglikom at magpasa ng kaalaman. Ito rin ang ginagamit para ang mga
mamamayan ay maaaring makinabang sa karunungan ng bawat isa.

Maaasahan natin ang literatura na magsadokumento ng ating panahon,


ilalarawan at hahamunin nito ang ating panahon. Maaaring hindi tayo komportable
nito at kampante dahil isa ito sa kanyang mga papel. At papaanong magagawang
itawid ng literatura ang kasalukuyang panahon sa mga darating na henerasyon?- sa
wikang higit na naiintindihan at ginagamit ng higit na nakararami, ang wikang Filipino
at mga katutubong wika sa Pilipinas.

Kung ganoon, hindi lamang pang-klasrum o pangbuwan ng mga wika sa


Pilipinas o buwan ng wikang Pambansa ang Filipino at iba pang katutubong wika sa
Pilipinas. Dahil ito ang wika ng karaniwang tao sa karaniwang buhay at karaniwang
sitwasyon. Tumatalon ito mula sa pader ng eskwelahan; tatakbo sa lansangan;
papanhik sa mga overpass; lulusot sa mga underpass; makikipagpatentero sa mga
sasakyan; susugatan ang mga bukid at palayan; magtatampisaw sa tabing dagat;
dederetso sa mga tindahan, palengke, talipapa, barberya, karenderya, pagawaan,
pandawan at pandayan. Sisingit sa mga madidilim na eskinita hanggang sa
makarating sa ating mga tahanan. Walang duda, ito ang wika ng mga karaniwang
Pilipino. Hahanapin natin ito sa mga bibig ng mga maykapangyarihan, ng ating mga
pinuno, ng mga intelektuwal at iskolar ng mga kumakatawan sa atin.

Ngayong nahaharap tayo sa krisis na dulot ng Covid-19, tamang kaalaman,


tamang gawi at tamang impormasyon ang pinakamainam na armas nating lahat.
Tanging sa wikang Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas lamang higit na
epektibong mapapadaan ang dapat nating malaman nang malinaw, malapit sa puso,
tagos sa isip at kadikit ng bituka. Bakit? Dahil ang mga katutubong wika din lang ang
puwedeng kumatawan sa lahat ng ating nararamdaman-gutom, takot, pangamba,,
pag-aalala, pag-asa, pagsusumikap, pakikipaglaban, pag-ibig at pangarap.

Kung iisa ang wika ng karaniwang tao at nasa kapangyarihang intelektuwal, at


mga kumakatawan, baka higit tayong magkakaintindihan. Mapabilis ang paglaban sa
pandemya at sabay-sabay tayong bumangon at gumaling, tayong lahat, bilang isang
bansa.

4
WIKA SA PAKIKIPAG-USAP/ WIKA SA AKADEMYA

Binanggit ni Jun Cruz Reyes, Ama ng Panitikang Pilipino sa kanyang pahayag


na ang ating panahon ay panahon ng inseguridad- panahon ng pandemya. Sa
pakikipag-usap sinabi niya na gamitin ang wikang alam natin- iyong wika na
nauunawaan ng nakararami sa atin. Iyong laman ay karanasang pambansa, mula sa
karanasan ng mga Lumad (halos di na natin nababalitaan) hanggang sa akademya.
Dagdag pa niya, puwede ring mga kuwento mula sa bukid, pabrika, mula kanto,
palengke, kalsada pati na iyong mga leksyon natin sa ating mga klasrum.

Ayon pa rin kay Reyes, mahalagang nag-uusap tayo para magkaintindihan at


kapag nag-uusap tayo, dapat ang isa sa atin ay nakikinig. Walang silbi ang pag-
uusap kapag hindi nagkakaintindihan, kapag walang nakikinig. Hindi kailangang
sumigaw, magmura, at magalit. Mag-uusap tayo ng puso sa puso para
magkaunawaan, para huwag maghati-hati, para mabuo natin ang adhikain ng
sambayanan-adhikaing makabubuti para sa mas lalong nakakarami, ito ang halaga
ng wika.

Binanggit rin ni Reyes na ang wika’y hindi lang salita, laman din nito ang ating
kasaysayan, ang simpatya, ang adhikain ng isang panahon. Inirerekord ng panulat
ang lahat ng diskurso. At bilang estudyante, bukod sa pag-uusap lalo na sa panahon
ng pandemya na bawal makipag-usap nang walang social distancing at face mask,
maaari tayong magbasa, maaari tayong magguhit.

Dagdag ni Reyes, anuman ang itinatanong natin, malamang ay naisulat na o


may nagsulat na. Noong nagsusulat si William Shakespear, may panahon ng
pandemya at siya ay nakagawa ng pinakamagandang akda ng mundo. Si Rizal
noong nagsulat ay may pandemya rin. Mayroon noong kolera. Ganoon ang
background kung paano niya sinulat ang Noli. Si Tols Toy at Hemingway, kahit “The
Great Gatsby” isinulat din noong panahon ng pandemya. Mas marami tayong
panahon ngayon na magbasa para mag-usisa at sumagot

WIKA BILANG KASANGKAPAN SA PAGTUTURO NG PANITIKANG PAMBATA


Luis P. Gatmaitan
Premyadong Manunulat ng Kwentong Pambata

Malaki ang ambag ng mga panitikang pambata sa literasi na kailangan ng mga


bata ngayong panahon ng pandemya. Kung titingnan ngayon, ang mga bata ay nasa
bahay lamang. Ito ang magandang pagkakataon na ang mga magulang ay kasama
nila na magbasa ng mga aklat. Lalo na ngayon na ang panitikang pambata sa
Pilipinas ay buhay na buhay. Ang mga librong pambata ngayon ay tumatalakay sa
ibat’ibang aspekto ng buhay tulad ng karanasan ng mga batang Pinoy. Ang
mayamang ani ng panitikang pambata sa bansa ay may mga kuwentong
tumatalakay sa pagkakasakit, tungkol sa relasyon ng mga magulang at mga anak
pati LGBTQ na isyu ay may mga existing story books na ngayon. Ito ang
magandang panahon para mapag-usapan ang mga kakaibang paksa na ito. Dahil
may kwentong hatid ang panitikang pambata, hindi napapansin ng mga bata na
natuto na rin silang bumasa at magsulat at napapabuti na rin ang kanilang
bokabularyo dahil na rin sa kawili-wili ang mga kwentong pinababasa sa kanila.

5
Sa literasi, mahalaga ang kapasidad nila at abilidad nilang makasulat,
makapagbasa, pagpapayaman ng bokabularyo at pagiging magaling sa wika sa
pagsasalita. Karamihan sa mga librong pambata ay bilinggwal- dalawang wika ang
pinapakita- may Filipino at Ingles.

Ngayong panahon ng pandemya, mahalagang magpokus tayo sa mga aklat


pambata na may kinalaman sa kalusugan ng katawan dahil alam naman natin ang
pandemyang dinaranas natin.

Maganda rin ang digital literacy. Panahon ngayon ng online education kung kaya
hinihikayat ng DEPED na lahat ay matutong gumamit ng kompyuter at mga bagay-
bagay na magagamit sa online learning. Dagdag pa ni Gatmaitan, dahil digital
natives ang mga bata, hindi magiging mahirap para sa kanila ang digital literacy. Ito
ang dapat na bigyang diin sa panahong ito, dahil marami na tayong mga guro na
bukod sa broadcasters ay nagiging teacher-author na rin na ipinalabas ng DEPED.
Ang mga guro ay maaaring gumawa o sumulat ng sariling kwentong pambata na
maitutulong nila para lumawak ang kaalaman ng mga bata sa panahon ng
pandemya. Halimbawa, bakit kailangang manatili sa loob ng bahay? Bakit kailangang
magtakip ng bibig at ilong kapag bumabahin o umuubo? Bakit kailangang maghugas
ng kamay? Kung bakit kailangan nating malaman ang mga sintoma ng Covid-19?
Lahat ng ito ay makatutulong sa literasi at malaki ang ambag ng panitikang pambata
sa pag-unlad ng karanasan ng mga batang Pinoy sa panahon ng pandemya.

EDUKASYON SA PANAHON NG PANDEMYA

Sa pahayag ni Diosdado M. San Antonio, ikalawang Kalihim, Tanggapan ng


Kurikulum at Instruksyon:

Bilang ahensiya ng pamahalaang nakatutok sa edukasyon, pangunahing tupdin


nito ang mandating nakasaad sa kurikulum na makapaghubog ng mga buo at ganap
na mga mag-aaral na may kapaki-pakinabang na literasi na magagamit sa pang-
araw-araw na buhay, higit ngayong panahon ng pandemya. Kaya nga sa
pamamagitan ng DEPED Order Bilang 74 na nilabas noong 2009 na Mother Tongue-
Based Multilinggual Education (MLE) na paggamit sa unang wika ng mga bata sa
unang taon ng kanilang pag-aaral.

Pinatutunayan ng maraming internasyonal at lokal na saliksik na mahalagang


mapatatag muna ang pundasyon ng unang wika bago tumawid sa ikalawa at iba
pang mga wika. Dulot nito, nakita ng KWF ang ginagampanang papel ng mga wika
sa Pilipinas, hindi lamang ang wikang Filipino sa pagpapalaganap ng wastong
impormasyon hinggil sa pag-iwas at pagsugpo sa lumalaganap na sakit ng Covid-19.
Sa pamamagitan ng kani- kanilang mga unang wika, higit na mauunawaan ng mas
maraming mag-aaral ang kahulugan at kabuluhan ng salitang BAYANIHAN na mula
mismo sa ating Batas Republika Bilang 11469 o mas kilala sa tawag na BAYANIHAN
TO HEAL AS ONE ACT na kailangang isabuhay sa panahon ng pandemya.
Gayundin ang pagkilala ng Kagawaran sa pagkilala ng mga katutubong wika na
nakasaad sa DEPED Order Bilang 32, 2015. Isinasaad ng polisiyang ito ang malalim
at sensitibong kasaysayan ng bawat indigenous people ab anta na mahalagang
maunawaan ng higit na nakararaming mga Pilipino.
Tandaan natin, magkabuhol ang wika sa kultura at identidad ng bawat lahi. Mas
may kahulugan ang bawat simbolo, sayaw, pagdiriwang at may mga natatanging

6
katangian na unique sa bawat isa na mahalagang maging mala yang lahat. Higit sa
lahat ang paggamit ng mekanismo ng Kagawaran, ang mga paaralan at dedikadong
mga guro sa buong bansa, patuloy ang pakikipagtulungan ng aming mga kaguruan
at paaralansa kani-kanilang local government units para sa information drive para
maging mala yang bawat mag-aaral sa pandemyang dulot ng Covid-19.

Sa pahayag ni Jocelyn DR. Andaya, Direktor IV Beureau of Curriculum


Development:

Bago pa man ang pandemya, nagkaroon na ng mga hakbang at inisyatiba ang


Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng Beureau
Of Curriculum Development upang mapaunlad at mapahusay ang nilalaman ng K+12
Curriculum Guide, katuwang ng mga eksperto sa pandemya at mga tagapagpatupad
ng iba’t ibang disiplina, aming tinukoy ang mga Most Essential Learning
Competencies (MELCS) o sa Filipino ay mahahalagang kasanayan na dapat taglayin
ng mga mag-aaral gamit ang intended curriculum. Ang mga kompetensing ito ay:
(1.) Ito ay naka-allign o nakahanay sa pangkalahatan o pambansang pamantayan,
(2.) Ito ang nag-uugnay sa nilalaman at sa matataas na konsepto ng iba’t ibang
disiplina, (3.) Ito ay nagagamit sa mga iba’t ibang sitwasyon, (4.) Ito ay magagamit
at mapapakinabangan pa rin ng mga mag-aaral kung sakaling sila ay tumigil ng pag-
aaral, (5.) Ito ang mga kompetensi na karamihan ay natutunan sa loob ng paaralan.
Ang prosesong ito ay aming inihanda para sa ating mga mag-aaral sa
pangkaraniwang panahon. Ngunit dala ng pandemya ay kailangan naming ilapat an
gaming nasimulan sa napapanahon at kagyat na pangangailangan ng ating mag-
aaral. Kung kaya naman ay iniluwal ang tinatawag na MELCS.

Ang dating napakaraming bilang ng essential learning competencies na


kasanayan ay lumiit na ngayon ang bilang sa ating MELCS. Ito ay sa pagnanais
nating tukuyin lamang ang pinakamahalagang kasanayan na dapat malinang o
matutunan ng mga mag-aaral lalo pa at isinaalang-alang natin ang iksi ng panahon
ng kanilang pag-aaral at ang maraming magiging sitwasyon nila sa panahon ng
pandemya.

Ipinaliliwanag naman namin na sa pamamagitan ng iba’t ibang mga


oryentasyon, magmula sa mga kinatawan at mga namamahala ng mga rehiyon at
dibisyong kawanihan kung paanong gamitin ng ating mga guro ang MELCS at paano
ito ikinukonteksto ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan
naman ng Beureau of Learning Delivery at Beureau of Learning Resources na aming
katuwang sa BCD upang maging materyal ang nilalaman ng kurikulum ay
nagsagawa na rin ng mga hakbang kung paano gagawin ang iba’t ibang
pamamaraan sa pagtuturo at kung paano maging possible ang pagkatuto.

Tunay ngang ang panahon ngayon ay talaga naming mapanubok at


mapanghamon kung kaya kinakailangan at inaasahan natin ang inyong pakikiisa at
pakikilahok. Tandaan natin na mangyayari lamang ang tunay na Bayanihan sa
panahon ng pandemya kung tayo ay sama-sama.

You might also like