You are on page 1of 1

MARY JEAN L..

NAPURAN — BEED 2A

Kahalagahan ng Wika para sa ating Edukasyon

Talakayin kung ano ang kahalagahan ng Wika ng Edukasyon at Komunikasyon.

Ang wika ay napakahalaga sa pangkalahatang aspeto. Ito ay sinasabing sumasalamin sa kultura ng


mga Pilipino, ginagamit din ito sa pang araw-araw na talastasan at sa pagtuturo. Kung wala ang ating
Wikang Pambansa ay marahil wika ng banyaga ang ating ginagamit sa kasalukuyan kaya marapat na
pahalagahan ang Wikang ATIN — ang Wikang Filipino.

Napakalaking gampanin ng ating wika sa pang edukasiyong aspeto dahil ito ay ang ginagamit na
panturong komunikasyon ng ating mga guro lalong-lalo na sa elementarya at sekondarya. Naaayon ito sa
ilalim ng Artikulo XIV Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987 na nagsasabing “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.” At batay sa Seksiyon 7 na nagsasabing “Ukol sa mga
layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.”. Batay sa mga batas na ito, ipinagtibay na ang Filipino ay
dapat tangkilikin, pagyamanin, at gamitin sa aspeto ng edukasiyon at pagtuturo.

Mahalaga ang wika sa edukasiyon bilang panturo at bilang asignatura. Ang Filipino bilang panturo
ay nasabing isa sa mga epektibong paraan ng pagtuturong komunikasyon sa mga mag-aaral lalong lalo
na sa mga mababang antas o grade level. Mas nauunawaan nila ang mga salik na itinuturo ng guro, at
naihahayag din nila ang kanilang sarili kung kaya naman ay nagkakaroon ng epektibong pagkatuto ang
mga mag-aaral dito. Sa kabilang banda, ginagamit din ang mga Mother Tongue bilang alalay ng mga guro
sa pagtuturo sa isang partikular na lugar. Ang Mother Tongue ay ginagamit na wikang pang
komunikasyon sa mga lugar na mas kabisa o fluent sa unang wikang kanilang natutunan. Ilan sa mga ito
ay ang Ilocano, Chavacano, Waray, Kapampangan, Tagalog, Bicol, Waray, Hiligaynon, Cebuano,
Chavacano, Maguindanaoan, at Tausug. Kalaunan ay dinadagan ito ng Department of Education (DepEd)
ng pito pa, ito ay ang Ivatan, Ivanag, Zambal, Akalanon, Kiniray-a, Yakan at Surigaonon. Ito ang ilan sa
mga ginagamit na dayalektong panturo ng mga guro sa ilang mga lugar sa Pilipinas.

Noong 2013, naglabas ang Commision on Higher Education o CHED ng Memorandum Order No.
20, series 2013 na naglalayong tanggalin ang Filipino at Panitikan sa gagawing bagong Curriculum sa
kolehiya. Marami ang tumuligsa at nag bigay ng sari-saring reaksiyon ukol dito. Malaking ang pagtutol ng
mga guro, propesyunal at mga estudyante rito dahil gusto nilang pahalagahan ang Wikang Pambansa sa
Edukasiyon.

Bukod pa rito, kailangan ding pahalagahan ang ating Wikang Pambansa bilang pang
komunikasyon dahil ito ang nagsisilbing identitad ng Pilipinas sa pang komunikasyong aspeto. Sa
kasalukuyan, marami ring mga Pilipino ang marunong o fluent sa wikang Ingles, ang Wikang Ingles ay
tinatawag ding “universal language” kung saan maaari itong gamitin pang komunikasyon sa iba’t- ibang
lugar sa buong mundo. Ang pagkatuto ng Ingles bilang gamit pang komunikasyon ay hindi dahilan ng
pagkalimot at pagsasantabi ng sarili nating wika. Kung kaya naman ay gamitin, pahalagahan at ingatan
natin ang wikang ating sinasalita— ang Wikang Filipino.

You might also like