You are on page 1of 7

Pagtuturo ng Filipino sa

Elementarya I Estruktura at Gamit


ng Wikang Filipino

Kabanata 1

Ang Wika sa Larangan ng


Edukasyon

1|Pahina
Kabanata 1

Ang Filipino sa Nakaraang Kurikulum


Panimula
Patuloy ang pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang Filipino, bilang
wikang pambansa at wikang opisyal ng Pilipinas at bilang wikang panturo sa mga
paaralan.
Sa Konstitusyon ng 1987, maraming magagandang probisyong pangwika ang
nakapaloob ditto kaugnay sa pagtuturo at paggamit ng Filipino bilang wikang panturo.
Tunghayan ang isinasaad ng Artikulo XIV, Seksyon 7:
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang tinatadhana ang batas, Ingles. Ang
wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi
na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang
Kastila at Arabic.
Mapapansin na sa Sekyon 7 ng 1987 Konstitusyon, tiniyak ang mga wikang
panturo. Bilang pagtugon sa batas, naglunsad ang Kagawaran ng Edukasyon (ngayon
DepEd) ng palisi sa edukasyong bilinggwal na nakasaad sa DECS Order No. 52, s. 1987
na may pamagat na “Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng 1987.”
Layunin ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal ang Pagtatamo ng
magkapantay na kasanayan sa paggamit ng Filipino at Ingles sa lebel pambansa sa
pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wika at panggamit ng mga ito bilang midyum
ng pagtuturo sa lahat ng antas ng edukasyon. Magiging wikang pantulong ang mga
wikang rehiyunal sa mga unang baiting ng paaralang elementarya. Isang mithiin ng
sambayanang Filipino na magkaroon ng kasanayan ang mga mamamayan sa wikang
Filipino upang magampanan nila ang kanilang tungkulin bilang Filipino, at kasanayan
sa wikang Ingles upang matugunan nila ang mga pangangailangan ng bansa sa
pakikipagtalastasan sa iba’t ibang bansa sa daigdig.
Sa unang talata ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, malinaw na tinukoy na
ang edukasyong bilinggwal ay ang magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles
bilang wikang panturo sa mga tiyak na araling (subject) sa kurikulum. Sa
pagpapakahulugang operasyunal, ang Filipino ay gagamiting wikang panturo sa mga
aralin na may tuwirang kinalaman sa kultura, samantalang Ingles ang wikang panturo
sa mga araling walang kinalaman sa kultura. Gagamiting wikang pantulong ang mga
bernakular sa mga tiyak na pangangailangan sa pagtuturo at pag-aaral sa iba’t ibang
lugar at rehiyon. May pag-aangkop ang mga pamamaraang ito sa mga aralin mula
elementarya hanggang tersyarya, at maging sa mga paaralang gradwado.

Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Naiuugnay ang Wika sa Larangan ng Edukasyon
2. Natutukoy ang tungkulin ng Wika sa Larangan ng Edukasyon
3. Naiisa-isa ang ibat-ibang mithiin sa pagtuturo ng Wika

2|Pahina
Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay
Kabanata 1: Ang Wika sa Larangan ng Edukasyon = 3 oras
(2 oras para sa talakayan; 1
oras para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)
Talakayan

Ang Pagtuturo ng Filipino


Ayon kay Gonzales (1998), isa sa pinakaepektibong tagapagpalaganap ng
batayang kaalaman sa Filipino ay ang Sistema ng paaralan. Dito, itinuturo ang Filipino
bilang isang wika at ginagamit itong midyum ng pagtuturo sa Filipino, Agham
Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapalakas, Edukasyon sa Pagpapahalaga, at iba pa. Ang
pagiging epektibo at kabisaan ng Filipino ay dahil sa itinuturo ito sa isang kapaligirang
pabor sa wika. Bunga nito, nagiging mabilis ang pagkalat ng wika.

Elementarya
Dalawang tuon ang dapat na pagtuturo ng Filipino sa elementarya, paglilinaw
ni Gonzales. Una – sa mga nagsasalita na ng Filipino, dapat silang sanayin sa mabisang
pag-aaral ng pagbasa at pagsulat sa wika. Ikalawa – sa mga di Tagalog na kailangan
pang maging bihasa sa Filipino, makatutulong ang pagtuturo sa kanila ng Filipino
bilang istandard na wika at sanayin sila sa pakikinig at pagsasalita. Ang dapat mangyari
sa paaralang elementarya ay maging mabilis ang pagkatuto ng mga estudyante sa
paggamit ng Filipino para madali nilang maunawaan at maipaliwanag ang mga
kaalaman sa mga araling pangnilalaman (content subjects) sa pamamagitan ng wikang
ito. Ibig sabihin nito na kailangan ang mas mahihirap na material na nasusulat sa
Filipino: kasama ang mga mayamang teksto para mahusay ang pagkatuto sa
pamamagitan ng Filipino.
Ang Mga Komponent ng Programa ng Mga Sining ng Wika
Pinagkaugalian na ng maraming edukador ang pananalig na ang pagtuturo ng
mga sining ng wika ay nakatuon sa paglinang ng kahusayan ng mag-aaral sa apat na
lawak ng kaparaanan ng wika: pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Subuking
tingnan at pag-aralan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.
Ang Apat na Kaparaanan sa Wika
Pagtanggap Paglikha
Pangunahing Pakikinig Pagsasalita
Kasanayan
(Pasalita)
Sekundaryang Pagbasa Pagsulat
Kasanayan
(Pasulat)
Panonood
Ang pakikinig at pagsasalita ay mga pasalitang kaparaanan ng wika. Tinatanaw
rin ang mga ito bilang pangunahin (primary) dahil impormal itong natutuhan bago pa
man pumasok sa paaralan ang mga bata. Bagama’t alam natin na ang mga bata na may

3|Pahina
kaligirang literate ay may taglay nang kaalaman tungkol sa pagbasa at pagsulat,
tinatanaw pa rin ang mga pasulat na kaparaanang ito ng wika bilang sekundaryang
kasanayan (secondary) at nakaatang sa mga guro ang paglinang ng mga ito at pormal
na itinuturo ang mga ito sa paaralan.
Kagaya ng makikita sa talahanayan, mapapangkat din natin ang mga
kaparaanan ng wika ayon sa kung paano ang pagproseso ng mga ito. Ang pakikinig at
pagbasa ay pagtanggap (receptive); kasangkot sa pagproseso ng mga ito ang pagbuo ng
pagpapakahulugan mula sa mensahe o wikang galling sa ibang tao. Samantalang ang
pagsasalita at pagsulat ay mga kaparaanan ng paglikha (productive); kasangkot dito ang
pagbuo ng isang mensahe at pagbabahagi ng wika.
Sa kabuuan, kung titingnan natin kung paano natutuhan at ginagamit ng mga
mag-aaral ang wika, ang dibisyong inilahad ay tunay na artipisyal o paimbabaw
lamang. Ayon kay Smith (1979), ang mga bata ay hindi gumagamit ng iba’t ibang
pagproprosesong mental kapag sila ay nakikinig, nagsasalita, nagbabasa, o nagsusulat.
Lahat ng ito’y mayroong tunguhing pangkomunikasyon at lahat ay nangangailangan ng
pagbuo ng pagpapakahulugan tungo sa pagtatamo at pagkatuto ng wika na integral na
bahagi rin sa pagkatuto ng bawat aralin sa kurikulum.
Modelong Pangkasanayan
Masasalamin sa modelong ito ang paniniwala na ang layunin sa pagtuturo ng
sining ng wika ay ang masteri o lubusang pagkatuto ng mga kasanayan sa wika. Ito ay
nananalig na ang pinakamabuting paraan sa paglinang ng mga kasanayang pangwika
ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng isang set ng mga discrete skill na may leybel ng
mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Dahil dito, ang pagtuturo
ng wika sa maraming klasrum ay nakapokus sa isang may herarkiya at sunud- sunod na
pagtuturo at pagsasanay ng mga kompetensi o kasanayan, kahit na ang ganitong
kalagayan ay di- pinananaligan at pinuna sa maraming pananaliksik at ng mga edukador
hinggil sa kabisaan ng ganitong pagtuturo. Ang mga kagamitang panturo gaya ng mga
basal reader at mga bai- baitang na batayang aklat sa wika at pagbasa ay nakaangkla
sa ganitong oryentasyon (Goodman, et al., 1988).
Modelong Pamana
Layunin ng mga tagapagtaguyod ng modelong ito sa pagtuturo ng wika ang
paghahatid o transmisyon sa susunod na mga salinlahi ang mga pagpapahalaga,
tradisyon, at kultura sa pamamagitan ng pag-aaral ng ilang tiyak na lawak ng literatura
at mga walang maliw na karanasan gamit ang mga babasahin sa iba't ibang genre at
iba't ibang anyo ng pagpapahayag- pasalita o pasulat. Ang programa sa pagtuturo ng
wika at panitikan sa mga paaralang sekundarya ang nagpapakita ng halimbawa ng
modelong ito. Katulad ng modelong pangkasanayan, ang pagtuturo ay nakaangkla pa
rin sa mga aklat at pagsusulit. Alinma'y hindi isinasaalang- alang ang katotohanang
patuloy na lumalago at umuunlad ang mga lawak sa pag aaral partikular na ang
literatura. Sa kabuuan, dapat nating tanggapin na ang karunungan ay maaaring
magdagdag o magpabago ng ating mga kaalaman hinggil sa kung paano matatamo ang
literal.
Modelong Tuon sa Mag-aaral

4|Pahina
Kakaiba ito sa naunang dalawang modelo dahil ang kurikulum ay hindi
nakabatay sa mga aklat o pagsusulit. Layunin ng modelong ito na mapasigla ang
pagkatuto sa mga pagpoprosesong pangwika na inaasahang hahantong sa pagsulong sa
mga pagpoprosesong pangwika na inaasahang hahantong sa pagsulong at pagkatuto ng
bawat mag-aaral sa mga lawak na pangkasanayan at mga nilalaman. Dahil ang
modelong ito ay inuugnay sa pangangailangan ng mga mag-aaral, wala itong pagtitiyak
sa uri ng pagsusulit o pagtataya ng pagkatuto. Ang anumang kagamitang pagturo at iba
pang karanasang pangwika ay pinipili at inaayon sa kawilihan at mga pangangailangan
ng mga mag-aaral at mga guro. Ang pagtataya sa anumang pagkatuto ay patuloy na
isinasagawa at palagi nang may kaugnayan sa mga “tunay” na karanasang pangklasrum
at hindi sa mga artipisyal na pagsusulit (kaya lamang umiiral dahil kailangang isagawa)
Mga Mithiin (Goals) sa Pagtuturo ng mga Sining ng Wika
Kung iguguhit mo sa isang canvas ang mga mag-aaral na produkto ng isang
mahusay na programa sa pagtuturo ng mga sining ng wika, ano ang kabuuan niya?
Hayaan mong ilarawan ko sa tulong ng ilang piling salita at ang mag-aaral na
ito. Siya iyong mag-aaral na may sapat na kaalaman sa wika, alam kung paano
gagamitin ang wika. At may kabatiran bakit ang wika at literasi ay napakahalaga para
sa isang puspos at makabuluhang pakikipamuhay. Ang sumusunod ay isang lagom ng
mga tiyak na target na kaalaman, kakayahan, at saloobin na dapat na naipapakita ng
isang mag-aaral ng wika sa elementar-ya at sekondarya/.
Pagkatapos ng elementarya/sekondarya, inaasahang naipapakita ng mga mag-
aaral ang sumusunod:

Kasiyahan sa pagbasa at pagsulat at inaangkin ang mga kasanayang ito bilang


integral na bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay.

Kahusayan sa paggamit ng wika upang maunawaan ang kanilang sarili, ang ibang
tao, at ang kanilang daigdig.

Gumamit nang mabisa ang wika bilang instrument upang maisa-gawa ang anumang
bagay. Ang kahusayan sa paggamit ng wika-pasalita o pasulat man ay nagsisilbing
kasangkapan nila upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan.

Epektibong nagagamit ang wika a kanilang pagsasalita, pakikinig, pagbasa, at


pagsulat. Nagagawa rin nilang magbasa at magsulat ng iba’t-ibang uri ng teksto gaya
ng sanaysay, pagsasalaysay, tula, at mga ekspositoring teksto bilang tugon sa iba’t-
ibang layunin at mga uri ng tar-get na awdyens.

Natutukoy ang wika na may intensiyon ng pagmamanipula at pagkontrol sa kanila


at nagagamit nang mahusay ang wika upang tugunan o hadlangan ang ganitong mga
pagtatangka.

Dapat na maging “language theorist” at may sapat na kaalaman sa mga proseso ng


wika. Nakauunawa at nakakagamit ng mga Teknik swa pag-likha ng mga kaisipang

5|Pahina
nais nilang ipaloob sa kanilang sulatin at nai-momonitor ang kanilang mga layunin at
pagproprosesong isinagawa sa pagbabasa.

Napapahalagahan at nabibigyan ng kaukulang respeto at paggalang ang wika at


kultura ng ibang tao. Nagagawa rin nilang makipag-talastasan sa mga taong ang
dayalek, pamanang pangwika, o kultura ay sadyang kakaiba. Sa ganitong kalagayan,
magagawa nilang mapahala-gahan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng iba’t ibang
pangkat natur

6|Pahina
KASUNDUAN SA PAGITAN NG MAG-AARAL AT GURO SA ASIGNATURA

Ako si , __________________________________________________________
nakatira sa
___________________________________________________________________
______
ay opisyal na nagpatala sa President Ramon Magsaysay State University-Santa Cruz
Campus ngayong _______ Taong Panuruan ________________, pumayag,
nanumpa at sumunod sa mga akademikong patakaran na nakapaloob sa silabus at
masigasig na sumunod sa lahat ng pangangailangan.

_______________________________________
(Pangalan at Lagda ng Mag-aaral)

Saksi (Witness):

_______________________________________
(Magulang o Tagapag-alaga at Lagda)

________________________________________
(Guro at Lagda)

Tandaan : Marapat na ibalik ang form sa guro ng asignatura.

7|Pahina

You might also like