Professional Documents
Culture Documents
Modyul 1: Mga Basehan at Benipisyo ng Pagtuturo at Pagkatuto ng Mother Tongue (Unang Wika)
Deskripsyon ng Modyul: Ang modyul na ito ay naglalaman ng hanay ng mga aktibidad para magamit ng guro
sa silid-aralan upang hikayatin ang mga mag-aaral na mapalawak at mapalalim pa ang kasanayan sa pagbasa,
pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong
sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Ang mga aktibidad ay higit na
idinisenyo upang maging isang praktikal na gawin ang pagbasa at pagsulat, at pananaliksik sa Filipino,
panggrupo man, o indibidwal. Saklaw rin ng modyul na ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular
sa presentasyon ng pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue.
Layunin:
1. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga gamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan,
at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan.
2. Maisapraktika at mapaunlad pa ng mga mag-aaral ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik.
3. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
Batis/Sanggunian: Alcudia Fina Felisa et. Al., Mother Tongue: for Teaching and Learning. LORIMAR Publishing,
Inc. 2016.
Ipinapabatid sa modyul na ito ang pangangailangan ng Mother Tongue bilang isang paksa at bilang wika para
sa pagtuturo at pagkatuto. Karagdagan nito ay tuklasin ang mga benepisyo na makukuha mula sa paggawa
nito. Ito ay magbibigay-daan sa iba't ibang mga probisyon sa kagawaran ng edukasyon Order 74, s. 2009 bilang
isang patakaran na isinabatas ang Mother Tongue Based- Multilingual Education (MTB-MLE) sa bansa.
Gayundin ang iba pang legal na batayan ay mababanggit dito. Malalaman mo rin sa modyul na ito ang mga
pakinabang na makukuha ng mga mag-aaral ng Filipino mula sa paggamit ng Mother Tongue.
Narinig mo na ba ang Mother Tongue Multilingual-Education (MTBMLE) noon? Ano ang unang wika na
nasambit mo nung una kang nakapagsalita? Ingles ba? tagalog? Ilokano? Cebuano? Hilgaynon? Chabacano?
Bisaya? o iba pang wika sa Pilipinas? Naintindihan mo ba ang kung ano ang sinasabi mo twing ginagamit mo
ang wikang gamit din sa inyong tahanan? Ang wika na gamit mo sa inyong bahay ang tinatawag na mother
tongue o unang wika/ sinusong wika. Ito ang wika na alam ng mga bata at higit na ginagamit dahil ito ang
unang wika ng learner.
Bilang guro sa hinaharap, bakit kailangan mong matuto at magamit ang mother tongue sa mababang antas sa
paaralan? Bakit ginawa ng Kagawaran ng Edukasyon na maging mandato sa bawat paaralan na gamitin ang
mother tongue bilang asignatura at bilang wika ng pagtuturo ar pagkatuto mula kindergardeb hanggang grade
3?. Alamin natin.
Mula sa adbokasiya ng United Nations Educational Scientific ba Cultural Organization (UNESCO) ang paggamit
ng mother tongue at ipinagdiriwang pa nga ang Mother Tongue Day tuwing February 21 bawat taon. Ang
United Nations, sa pagdedeclara ng Education for All (EFA) ay isinama ang probisyon sa paggamit ng mother
tongue upang mapreserba ang iniwang pamana ng Jonmien Declaration.
Sa ating bansa, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpanukala ng Order No. 74, s.2009 ng Institutionalizing
Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE). Na pinagtibay naman ng deklarasyon ng pangulo ng
Pilipinas na si Benigno Aquino, Jr, nang sinabi niya:
Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to your country. Retain your
dialect and connect to your heritage.
Ayon sa DepEd Order 74, s. 2009, ang MTBMLE ay mabisang gamit ng higit pa sa dalawang lenggwahe sa
pagkatuto at pagtuturo. Pinatototohanan ng lokal at internasyunal na pag-aaral ang superiority ng paggamit
muna ng mother tongue sa pagpapaunlad ng learning outcomes at pagpopromote ng Education for all.
1. Ang gabay ng ortograpiya (Alpabeto at pagbabaybay) para sa lokal na wika na tanggap sa pangkalahatang
gagamit at magtataguyod ng pagkatuto patungkol sa wika.
3. Ang paggamit ng mga learner's ng unang wika bilang primaryang midyum sa pagtuturo mula pre-school
hanggang at least grade 3. Ito ang magiging pangunahing daa. Sa pagtuturo ng pagkakaunawa at mastery ng
asignatura
4. Ang Mother Tongue o ang first language (unang wika) bilang isang subject at wika sa pagtuturo at pagkatuto
ay ipapakillala sa grade one para sa konseptwal na pagkatuto.
5. Ang pagsasama ng dagdag pang lenggwahe gaya ng Filipino o Ingles at iba pang lokal o banyagang
lenggwahe ay ipapakilala bilang hiwalay na asignatura sa maayos at planadong pacing programs.
6. Sa antas ng sekondarya, ang Filipino at Ingles ay magiging primaryang midyum ng pagtuturo (medium of
instruction -MOI). Ang unang wika ng learners ay maaari paring gamitin bilang kahaliling midyum o pantulong
na wika ng pagkatuto.
7. Maliban sa English, Filipino (o Arabic para sa Madaris schoolsl, ang pagpili ng mga karagdagang lenggwahe
ay dapat na maging kagustuhan din ng mga magulang at inindorso ng mga lokal na stakeholder bilang
resources permit. Kapag handa na ang mga mag-aaral, ang Filipino at Ingles ay dapat na unti-unting magamit
bilang medium of instruction na hindi mas aaga kaysa sa grade three. Gayunpaman, ang unang wika ay dapat
na epektibong magamit sa pangunahing baitang ng pag-aaral.
8. Ang wika ng pagtuturo (teaching) ay dapat ding maging pangunahing wika para sa pagsubok sa lahat ng
regular school-based and system-wide examinations at lahat ng international benchmarking at pagtataya
pagsasanay. Dapat itong mapanatili na ang pokus ng pagtatasa ng kaalaman ay dapat na partikular sa mag-
aaral sa kanilang pag-unawa sa nilalaman ng paksa at hindi ukol sa pagtataya lamang sa lenggwahe.
Ang pag-alam at pag-unawa sa DepEd Order 74 na naglalaman ng mga legal na batayan para sa pag-aaral at
pagtuturo ng mother tongue sa paaralan ay nagbibigay ng isang matibay na pundasyon para sa mga susunod
na gurong tulad mo.
GAWAIN 1:
Matapos basahin ang talakayin at pagkaunawa sa kung ano ang legal na basehan sa MTB-MLE, gawin ang
sumusunod.
A.
Yv f gvt
Ang kaalaman ay ang kakayahang nakukuha ng isang tao sa pamamagitan ng karanasan o pag-aaral; ang
pagkakaintindi sa isang paksa, sa gawa man o sakaisipan. Ito ay nabibigay ng buhay sa isang tao upang iayon
ang sarili sa ibang bagay at kung papaano gamitin ang isang bagay. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon
ng mga makabagong imbensyon tulad ng telepono at iba pang mga bagay. Ang ating mundo ay lumalawak na
sa mga paraan upang mas mapadali ang pamumuhay ng isang tao. Ang kaalaman ay hindi lamang natutunan
sa karanasan lamang, kung hindi ay sa pagtuturo ng mga guro. Ang pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo
at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim:
ang pagbabahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at katunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng
edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi. Ang edukasyon ay isang puhunan ng bawat
mamamayan ng isang partikular na bansa upang maging produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng
ekonomiya. Sa pagtuturo ay gumagamit ng wika ang bawat isa. Sa araling ito, Matatalakay ang kahalagahan ng
paggamit ng Mother tongue bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan upang masanay at gayundin ay
hindi malimutan ng bawat Pilipino ang kani-kanilang mga katutubong wika tulad ng Pangasinan, Ilokano, at
marami pang iba.
Suliranin ng Pagaaral
Ang pangunahing suliranin sa araling ito ay, "Kung makakatulong ba ang Mother Tongue sa pag-unlad ng
bawat Filipino. Alam natin na hindi sapat ang kaalaman ng bawat Pilipino upang mapaunlad ang bansa, kaya
maaari bang ito ang maging isang solusyon para sa kaunlaran. Tiyak na suliranin. Marami sa mga Pilipino ang
nagsasalita ng kanilang katutubong wika. Halos araw-araw nating sinasambit ang bawat salita ng ating wika.
Ngunit bakit natin kailangan pang ipatupad ang Mother Tongue ang kasanayan na ng mga estudyante (hal. ang
paggamit ng wikang Filipino kung sa maynila) sa bawat paaralan sa elementarya . Sa pagsagot sa mga
katanungan ng mga guro, sa pagtatanong ng mga estudyante sa ibang kamag-aral, sa pagsulat ng kwento o
sanaysay. Sa kabila ng paggamit ng wikang Filipino sa bawat aspeto sa paaralan, magkakaroon ba ng malaking
pagbabago ang paggamit ng Mother Tongue sa bawat paaralan. Tayo ay may maraming katutubong wika,
lahat ng lalawigan sa ating bansa ay may katutubong wika. Magkakaintindihan ba ang bawat mamamayan sa
iba-ibang lalawigan kung papairalin ang paggamit ng Mother Tongue?
Kahalagahan ng Pananaliksik sa araling ito, magkakaroon ang mga mag-aaral ng kaalaman kung bakit kailangan
ang paggamit ng Mother Tongue sa buhay. Kung papaano ang tamang paggamit ngwika sa pakikipag-ugnayan
sa bawat taong nakakasalamuha. Mabibigyang linaw ng araling ito ang pagkakaroon ng pagmamahal sa wikang
nakagisnan at pagrespeto sa katutubong wika. (ito rin magkakaroon ng kaalaman para mapaunlad ang bawat
sarili at pagkatao)
Batayang Konseptwal
Batayang Teoretikal
Ang wikang nakagisnan o Katutubong wika ay dapat na ituro sa mga bata sa di hihigit sa 1 taon upang mahasa
ang pananalita at malaman ang mga iba't ibang kahulugan ng bawat salita ng katutubong wika. Kung matapos
ang 1 taon sa pagtuturo ng Katutubong wika ay maaari nang matutunan ang pang malawakang wika na Ingles.
Sa paraang ito, hindi malilimutan ng bawat mag-aaral ang wikang nakagisnan at nang sa gayon ay mapaunlad
pa ang wika ng bawat lalawigan sa Pilipinas.
Saklaw at limitasyon
Ang araling ito ay naglalayon na mapaunlad ang mga ibat ibang wika ng Pilipinas at nagsisilbing gabay para
hindi natin makalimutan ang ating sariling wika .Magsisilbi itong dahilan kung gaano kahalaga ang wika sa
buhay ng mga Pilipino; kung papaano nito mababago ang buhay ng Pilipino at kung papaano ito magsisilbing
instrumento upang mahalin natin ang ating sariling wika at pagmamahal sa ating bansa.
http://leyannfrancisco.blogspot.com/2017/03/magandang-epekto-ng-mtb-mle-sa-mga.html
I. Panimula:
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matukoy ang mga mabuting epekto ng paggamit ng estilo sa pagtuturo
na MTB-MLE na kaakibat ng kurikulum ng DepEd na K-12, sa mga kabataang Pilipino na nakararanas ng
nasabing estilo ng pagtuturo. Kasama din dito ang pagtukoy kung epektibo ba ang paraan ng pagtuturo na ito
para sa mga kabataang Pilipino.
Kaakibat ng layunin na ito, nilalayon rin ng pag-aaral na ito na ipaalam sa mga kapwa Pilipino kung ano ba ang
mabuting epekto ng MTB-MLE sa mga kabataang Pilipino. Kasama rin nito ang pag-engganyo sa mga kapwa
Pilipino na tangkilikin ang paraan ng patuturo na ito, at kaugnay rin ang epekto nito na maaring magamit itong
paraan upang mailigtas ang pagkawala ng mga dayalekto sa pagkakagamit sa ating bansa. Matutulungan
nitong mabuhay at maisalba ang mga dayalekto na unti-unti nang nawawala.
Ang MTB-MLE ay unang inilunsad sa Pilipinas bilang pagtupad sa Kurikulum ng K-12, na ipinatupad noong
2012. Ang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquno III ang siyang nagpatupad ng
pagbabago na ito sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ito ay inaasahang maipatupad sa lahat ng paaralan sa
Pilipinas, partikular na sa mga batang may nag-aaral sa Kindergarten at unang tatlong taon sa elementarya.
Ang mga kagamitan,at pagtuturo kailangang gamitin sa estilo ng pagtuturo na ito ay dapat nakabase sa
“Mother Tongue” ng kanilang kinabibilangang rehiyon. Sa kabuuan, may labindalawang “Mother Tongue” na
inaprubahan ng DepEd upang ituro sa mga kabataang Pilipino, na depende sa kanilang rehiyon. Ito ay ang mga
sumusunod: Iloko, Pangasinan, Kapampangan, Tagalog, Bikol, Waray, Hiligaynon, Cebuano, Maranao,
Chavacano, Maguindanaon, at Tausug. Ngunit sakasalukuyan, may idinagdag ang DepEd na pito pang “Mother
Tongue”: Ibanag, Ivatan, Zambal, Aklanon, Kiniray-a, Yakan, at Surigaonon.
V. Sakop:
Ang sakop lamang ng pag-aaral na ito ay ang mabuting epekto ng MTB-MLE sa mga kabataang Pilipino mula
kindergarten at unang tatlong taon ng elementarya. Nakapaloob din sa pag-aaral na ito ang posibleng dahilan
at eksplanasyon sa mga mabuting epekto ng MTB-MLE sa mga kabataang Pilipino.
VI. Katawan:
a. Mother Tongue
Mother tongue ang kailangang gamitin ng mga kabataang Pilipino mula kindergarten hanggang unang tatlong
taon ng kanilang pag-aaral. Ngunit ano nga ba ang mother tongue? AngMother Tongue ay tinatawag
ding Lingua Franca ng karamihan. Ito ang unang wika ng na ginamit ng isang indibidwal o tao. May mga
eksperto ring nagsasabi na ang mother tongue ay ang wikang ginagamit ng magulang ng isang indibidwal.
Ngunit babase tayo sa unang kahulugang aking tinuran. Halimbawa, ipagpalagay natin na may isang batang
nakatira sa La Union, ang kanyang unang wikang ginamit ay Ilokano, kaya’t maipapalagay natin ang
kanyang Mother Tongue ay Ilokano. May mga pagkakataon din na kinokonsidera bilang mother tongue ng
isang indibidwal ang dayalekto ng lugar na kanyang kapanganakan. Halimbawa, may isang batang
ipinanganak saBulacan, kaya’t ang kikilalaning mother tongue ng bata ay Tagalog, dahil Tagalog ang
pangunahing dayalekto sa Bulacan. Ang ginamit na batayan ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang partikular na
dayalekto ng lugar na kinabibilangan ng bata.
b. Bilingualismo at Multilingualismo
Ang susi sa pagpapatupad ng MTB-MLE ay ang mga magiging epekto nito sa mga batang makakaranas ng
ganitong paraan ng pagtuturo. Ngunit ano nga ba ang Bilingualismo o Multilingualismo? Ito ay ang kakayahan
ng isang indibidwal natagumpay na matutunan at magamit ang dalawa o higit pang wika.
Napatunayan sa maraming pag-aaral ang mabuting epekto nito sa mga indibidwal na nakagagawa
nito. Sa aspeto ng pakikipag talastasan, matututo ang isang indibidwal na makipag talastasan sa maraming tao,
na may kinalaman sa kanyang ikalawang wika. Magkakaroon ang indibidwal ng maraming kaibigan,
pagkakaintindi sa ibang kultura, pagkakaroon ng malawak na perspektibo sa mga bagay bagay, pagtaas ng
tiwala sa sarili at iba pang may kinalaman sa komunikasyon. Sa perspektibo naman ng kalusugan, partikular na
sa utak, nahahasa ang pag-iisip ng mga indibidwal na multilingual, nagiging mas matalino, maaari ring dahilan
ng pagbawas ng posibilidad na magkaroon ng sakit na Alzheimer’s Disease at lahat ng benepisyo na maaaring
makuha ng isang indibidwal na may kinalaman sa pag-iisp at utak. May mga benepisyo din ang pagiging
multilingual sa akademiko at propesiyonal na perspektibo. Ilan dito ay ang pagkakaroon ng mas maraming
oportunidad sa mga trabaho na may kinalaman ang komunikasyon, at mas higit pang pagkakatuto. Ang
benepisyong makukuha sa pagiging multilingual/bilingual ay ang nais makamit ng gobyerno para sa mga
kabataang Pilipino.
c. Aktwal na Resulta
VII. Konklusiyon:
Bagaman may mga problema parin sa ibang kabataan, mahihinuha na may kagandanang nabago sa paraang ng
pag-iisip ng mga bata, partikular sa akademiko at intelektuwal na aspeto. Ito ay ang mga sumusunod:
Nabawasan ang mga Drop out o lumiliban ng klase, nabawasan na pag-uulit sa klase, naging mas aktibo sa
klase ang mga bata, ang mga bata ay umunlad sa pananalita at pagkakatuto, at pag-unlad sa komunikasyon.
Nabawasan ang mga drop-outs at pag-uulit dahilsa pagkakabuo at pag-unlad ng tiwala sa sarili ng mga mag-
aaral. Mahihinuha na ito ay dulot ng pagengganyo sa bata na gamitin ang kanyang wika na ginagamit sa bahay
o unang wika. Hindi rin napapahiya sa klase ang mga bata kung ginagamit ang kanilang kinagisnang wika sa
bahay, dahil ito mismo ay kanilang pinag-aaralan. Ito rin ang dahilan kung bakit naging aktibo ang mga bata sa
klase. Ang mga bata ay umunlad sapagkatuto at pananalita dahil mas naipapresenta ng mga bata ang kanilang
nais. Sa kadahilanang ito, nasasabi ng mga bata ang kanilang nais matutunan, hindi naintindihan, at
pangangailangan. Bunga nito, nahahasa ang kanilang intelektwalna kakayanan, dahil nasasagot ang
katanungan sa kanilang mga isipan.
VIII. Sanggunian:
Cruz, N.T., 2015, ‘THE IMPLEMENTATION OF THE MOTHER TONGUE-BASED MULTILINGUAL EDUCATION IN
GRADE I IN THE PUBLIC
Cajes, K.C., 2015, Effects of MTB-MLE on English Proficiency among Grade 3 Level Of Pasta Elementary
School, March 26, 2017,<http://s3.amazonaws.com/academia.edu.documents/34563247/Research_in_MTB-
MLE.docx?
AWSAccessKeyId=AKIAIWOWYYGZ2Y53UL3A&Expires=1490532435&Signature=4drMYPExhoClqynGCF8N%2BZ
%2BeNgs%3D&response-content-disposition=attachment%3B%20filename%3DResearch_in_MTB_MLE.docx>
Oct. 10, 2016, Mother Tongue-based learning makes lessons more interactive and easier for
students, Republic of the Philippines: Department of Education, March 26, 2017, <www.deped.gov.ph/press-
releases/mother-tongue-based-learning-makes-lessons-more-interactive-and-easier-for-students>
May 3, 2014, Mother Tongue Based - Multilingual Education (MTB-MLE) in Philippines, March 26, 2017,
<https://www.slideshare.net/sVcdALe/mother-tongue-based-of-multilingual-education-mtbmle>
July 12, 2012, Mother Tongue Based Education in the Philippines, Cultural Survival, Inc., March 26, 2017,
<https://www.culturalsurvival.org/news/mother-tongue-based-education-in-the-philippines>
Mercola, Dr. K.C., January 14, 2016, The Brain Benefits of Being Bilingual, March 26, 2017,
<http://articles.mercola.com/sites/articles/archive/2016/01/14/brain-benefits-being-bilingual.aspx>
ni Mildred F. Ruallo
Awtor/Editor
Mother Tongue Tagalog
Ayon sa K to 12 Curriculum
Nilimbag ng
Mga antas
Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:
Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-
araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino
Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
Lalawiganin/Panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo
sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito rin ay
maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa.
Pampanitikan/panitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.
Mga Kagamitan
Ito ang pitong kagamitan ng wika:
mayroon=meron
ayaw ko= ayoko
nasaan=nasa'n
Wika Ito ay isang mahalagang instrumento na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaisipan at damdamin.
Ito ay ginagamit sa lahat ng larangan ng disiplina at sa lahat na gustong paunlarin, tuklasin at pagyamanin.
Ito ay binubuo ng masistemang balangkas; a. Makahulugang tunog o pasalita. b. Masistemang kayarian kung
pasulat.
Ito ay may kapangyarihan na manghikayat, mag-utos, manira, manggulo, makiusap, magpaalaala, magturo,
magtanong, manakit at iba pa.
Ponolohiya Ito ay pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng isang salita sa isang wika. Ang tunog ay
binubuo at nagiging daan upang makapagsalita nang maayos at mabisa ang isang tao.
Ponema Ito ang pinakamaliit na makabuluhang yunit ng tunog. 2 uri ng ponema a. Segmental b.
Suprasegmental
Ang pagbigkas na malumi, maragsa at impit na tunog o glottal stop ay napadagdag sa katinig dahil
nakapagbabago ng kahulugan ng salita.
mga saklaw: a. Ponema (tunog) b. Diin (stress) c. Pagtaas o pagbaba ng tinig (pitch) d. Pagpapahaba ng tunog
(lengthening) e. Paghinto(juncture)
salik ng ponema upang makapagsalita ang isang tao ng maayos 1. Ang hangin Ito ang nagiging midyum o
pahatiran ng mga alon ng tunog na siya nating naririnig. 2. Ang enerhiya Ito ang presyong nalilikha ng
pagpapalabas ng hiningang galing sa baga.
salik ng ponemaupang makapagsalita ang isang tao ng maayos 3. Ang nalikhang tunog na namodipika ng bibig-
patunugan o resonador Ang itinuturing na resonador ay ang bibig at guwang ng ilong.
Mga bahaging kailangan sa pagbigkas ng tunog: 1. Dila at panga (sa ibaba) 2. Ngipin at labi (sa unahan) 3.
Matigas na ngalangala (sa itaas) 4. Malambot na ngalangala (sa likod)
Paraan ng artikulasyon: 1. Pasara o hinto Sarado o harang ang daanan ng hangin/p/ at /b/, /t/ at /d/, /k/
at /a/. 2. Nasal o pailong Sa ilong lumalabas ang hangin na harang at hindi na sa bibig: /m/,/n/,at /ng/.
Paraan ng artikulasyon: 3. Pasutsot Ang hanging tumatakas ay nagdaraan sa pagitan ng dila ng ngalangala o
babangtingang tinig: /s/, /h/. 4. Pagilid o lateral Ang dulo ng dila ay nakadikit sa harap ng gilagid kaya ang
hangin ay lumalabas sa gilid ng dila:/l/
Patinig: malapatinig a. Sa /h/, /k/ at /g/ ay hindi ginagamitan ng gitling Halimbawa: pangkatok singkapal
panghalo singganda
Patinig: malapatinig c. Malapatinig na /w/ at /y/ ay hindi na rin ginagamitan ng gitling sa paglalapi. Halimbawa:
pangwalis pangyaya pangwasak pangyarda
Digrapo Ito ay kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin o bigkasin ang isa. Gamitin ito
sa mga letrang /ch/,/sh/,/ng/.
Mga halimbawa: unahan gitna hulihan Chinelas- tsinelas langoy sumbong Shampoo-syampu langit sabong
nguya pangit ilong
Mga halimbawa: unahan gitna hulihan Chart- tsart bangin daing ngiti hinga piling ngunit panga baitang
Mga pares minimal Ito ay mga pares na salita na magkatulad maliban sa isang ponema nagbabago ang
kahulugan ng salita. Halimbawa: abo-apo basa-pasa lapad-lapat bakas-bakat sanay-panay hipag-sipag
Diptonggo Ito ay ang aw, iw, oy, uy, ay, iy. Anumang patinig na sinusundan ng /w/ at /y/ sa loob ng pantig
ay itinuturing na diptonggo.
Kung ang /y/ at /w/ ay napapagitnaan ng dalawang patinig at napasama sa sumusunod na pantig ay hindi na
diptonggo. Halimbawa: kawayan gulayan aliwin babuyan
https://www.slideshare.net/airezmhist143/istruktura-ng-wikang-filipino
Uri at Halimbawa:
Uri ng Pandiwa:
1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno. Halimbawa: Lubos na mahirapan ang walang tiyaga mag-aral.
2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon Halimbawa: Naglinis ng hardin si Nena.
3. Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap. Halimbawa: Ang matiyaga nagwawagi.
4. PANGATNIG - Ang PANGATNIG ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay
ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa
pangungusap.
Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang
maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob. Halimbawa:
Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Jun
na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.
3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan. Halimbawa:
Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban.
4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.
5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di ganap at nangangailangan ng
ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan. Halimbawa:
Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.
5. PANG-UKOL- Ang PANG-UKOL ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan,
panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon.
Mga Halimbawa:
1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.
2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bonus
3. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.
4. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.
2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay para
lamang sa ngalan ng tao tulad ng: ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.
Mga Halimbawa:
1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.
2. Para kay Juan ang pagkaing ito.
3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.
5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
• Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung saan ang naunang salita
ay nagtatapos sa katinig na n. • Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan ng salita
ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit. Halimbawa: luntian ng halaman -
luntiang halaman Maraming banging matatarik sa ating bansa. 3. Pang-angkop na g - ginagamit kung ang
salitang durugtungan ay nagtatapos sa titik na n.
7. PANG-URI• Ang PANG-URI ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang
sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan
o panghalip. • Halimbawa: – Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising. – Napakaganda nga ng bistidang
iyan! – Siya ay higit na matalino kaysa sa kanyang kuya. – Ang sasakyan ay kulay pula. – Libu-libong tao ang
dumagsa sa pagtitipon.
8. PANG- ABAY • Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay. • Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano. Uri ng Pang-abay 1. Pang-
abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa: - Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.
. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng
pandiwa. Halimbawa: - Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban. 3. Pang-abay na
Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa
tanong na saan. Halimbawa: - Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo. 4. Pang-abay na
Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.
5. Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng
pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan. Halimbawa: - Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.
6. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon. Halimbawa:
- Opo, mahusay sumayaw si Gabby. 7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.
Halimbawa: - Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao. 8. Pang-abay na
Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay. Halimbawa:
- Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.
Filipino
Ayon sa ulat ng UNESCO (2003), tinukoy nilang ang mga batang natutong bumasa at sumulat sa unang wika
bago matuto ng ikalawang wika ay mas matagumpay sa pag-aaral kumpara sa mga kamag-aral nilang hindi
natutuhan nang lubos ang wika. Sinusugan naman ito ni Lundberg (2002) sa pagbanggit ni Scott, (2009), na
maraming mga pananaliksik ang nagpapatunay ng positibong ugnayan ng unang wika sa pagkatuto ng
pangalawang wika.
Sa pahayag ni Corson (2001), may karapatan ang batang matuto sa lengguwaheng katulad ng sinasalita sa
kanilang sariling tahanan, at dapat din silang bigyan ng pagkakataon na matutuhan ang kanilang katutubong
wika sa posibleng pinakamataas na lebel ng kasanayang lingguwistika, lalo na ang pagkakaroon ng malawak na
bokabularyo sa pag-unawa ng pinag-aaralan. Dito, makakapahayag sila ng kanilang sariling opinyon,
makapagpaliwanag ng mga bagay-bagay, makalilikha ng mga babasahin. Lubos na gumagana ang kaniyang
pag-iisip at naipapakita ang kaniyang angking talino.
Isa sa mahalagang pagbabago sa Edukasyon sa Pilipinas ay ang midyum ng pagtuturong gagamitin sa paaralan.
Binigyang-halaga ang paggamit ng Mother Tongue o unang wika sa pagtuturo ng mga asignatura lalo na sa
pre-school at unang tatlong baitang ng elementarya. Nagpalabas ang kagawaran ng Edukasyon ng Kautusan
Blg. 74, Serye 2009 hinggil sa pagpapatupad ng Mother Tongue Based Multilingual Education Education sa
pagtuturo ng pre-school hanggang ikatlong baitang sa Elementarya.
Mas mataas ang pagganap at pagkatuto ng mga mag-aaral kung gagamitin ang kanilang unang wika (Walter at
Dekker, 2008), tinutukoy rito ang kahalagahan ng wikang katutubo sa matagumpay na pagtatamong kaalaman
ng mga mag-aaral.
Sa paggamit ng Mother Tongue at pagkatuto ng isang mag-aaral, dahil nauunawaan na niyang mabuti ang
wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo, maiisip na magiging madali sa kanila ang paggamit ng mataas
na lebel ng kasanayang pangkaisipan sa mga gawaing pasalia at pasulat. Nakapag-iisip siya ng malalim sa
wikang kaniyang nauunawaan at higit siyang nakapagsusuri at nakapagpapahayag.
Ang mother tongue ang siyang wikang panturo sa mga bansang tulad ng Alemanya, Amerika, Britanya, at
marami pang progresibong mga bansa at ito marahil ang makapagpapaliwanag kung bakit nauuna sila sa pag-
aaral at pagkatuto sa halos lahat ng bagay (Malone, 2010).
Ang pananaw niya sa pag-aaral na ito ay repleksiyon ng kaniyang personal na karanasan bilang guro at hindi
resulta ng komparatibong natamo ng mga mag-aaral sa iba't ibang paraan.
Ang mga lokal na wikang ito ay gagamitin sa pagtuturo sa mga bata sa mga pampubliko at pribadong paaralan
sa ilalim ng programang K-12. May paniniwalang mas madaling matuto ang mga batang mag-aaral kung ang
kanilang mother tongue o unang wika ang wikang panturo ng mga guro. Ang mga karagdagang wika ito ay
ituturo rin bilang asignatura.
Tinukoy ng DepEd noong 2012 ang labindalawang wikang gagamitin sa pagtuturo. Ito ang Tagalog,
Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao at
Chavacano. Samantala, ngayong taon ay nakabilang ang pitong bagong asignatura ng Mother Tongue sa mga
katutubong wikang gagamitin sa loob ng paaralan: Ang Ybanag para sa Lalawigan ng Cagayan at Isabela at
Lungsod ng Tuguegarao; Ivatan para sa Batanes; Sambal para sa Zambales; Akianon at Kinaray-a para sa
Lalawigan ng Aklan at Capiz. Yakan para sa Lalawigan ng Basilan; Surigaonon para sa mga Lalawigan ng Surigao
at Lungsod ng Surigao.
https://prezi.com/gqcc87dzsoyh/mother-tongue-o-unang-wika-bilang-asignatura/
Ang mga estratehiyang ginagamit ng mga guro ay iba-iba, ito ay depende sa paksang tatalakayin. Sa sariling
lengguwahe, ang mga guro ay gumagamit ng mga kwento sa tulong ng mga larawan, mayroong pagsasadula
(role-playing), may pagpapangkat din ng mga mag-aaral namagkakahalintulad ng kakayahan upang mas
matuonan ng pansin ang mga mas nangangailanganng gabay (Explicit Teaching). Gumagamit din sila ng iba-
ibang biswal na ayuda, palaro, namingobjectsat marami pang ibang pamamaraan na makahahalina sa mga
mag-aaral . Isa sa mgasuliranin ng mga guro ay ang kakulangan ng mga materyales sa paggawa ng mga biswal
naayuda para sa kanilang pagtuturo. Kailangang gumawa ang mga guro ng sariling biswal na ayudamula sa
kanilang sariling bulsa. Ang suliranin naman ng iba ay ang mga batang nahihirapangunawain ang MT lalo na
kung hindi Tagalog ang kanilang katutubong wika. Sa kabila ng lahat, marami naman ang sumasang-ayon sa
pagpapatupad ng patakarangnagbibigay-bisa sa pagtuturo ng asignaturang Mother Tongue. Sa kadahilanang
ito ay masmadaling maintindihan dahil nagkakapareho ito sa asignaturang Filipino. Ngunit hindi rinmaiiwasan
ang kalituhan ng mga mag-aaral dahil ang Mother Tongue at Filipino aynagkakapareho at ang mga ito ay
minsang nauulit ang paksa.
https://web.facebook.com/juanPH2016/posts/agham-at-matematika-sa-wikang-filipino-bakit-hindi-pagtuturo-
sa-midyum-na-mas-ma/1971210769609216/?_rdc=1&_rdr
https://www.gmanetwork.com/news/video/balitapilipinas/132493/pagtuturo-ng-mathematics-gamit-ang-
mother-tongue-epektibo-raw/video/