You are on page 1of 2

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura.

Kasangkapang
ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ang pagsilang ng
wika ay nagibibigay buhay sa sibilisasyon. Sa pamamagitan nito, malinaw na
nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng bawat tao. At sa pagkakaroon
ng sariling wika ay lubusang naipapahayag ng nakararaming mamamayan ang
kanilang kaisipan.
Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika
ng ating bansa. Ang ingles ang isa pa ayon sa saligang batas ng (1987). Isa itong
wikang austronesyo at ang de facto (sa katotohan) na pamantayang bersyon ng
wikang tagalog, bagaman ayonsaatas (sa prinsipyo) itong iba rito.
Isang layunin ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang
pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at
politikal na pagkakapatiran at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na
pambansang wika ng isang bansa.
Dapat lamang at napakahalaga na magamit natin ang ating wikang
pambansa sa lahat ng kaparaanan. Hinggil sa ating pakikipagtalastasan
saan man tayong rehiyon nabibilang, dahil bilang isang mamamayan sa
bansa nakapaluob sa ating wikang pambansa ang saliring kulturang
tinataglay na pagkikilanlan ng ating sariling bayan, tungo sa pag-unlad ng
ating pang-economiya at katatagang politika.
Napakahalaga na pagsanayang magamit natin ang ating wika, ayon sa
ikapananatili nito at kalinangan ng ating pag-iisip. Sapagkat ang sariling
wika ng isang bansa ay ang susi sa kaunlaran.
Kung bakit? Ang pagkakaruon ng sariling wika ng isang bayan ang
larawan ng pagkakaroon ng mabuting pakikipagtalastasan, kaisahang pagiisip at magkakaroon lamang ng pagkakaisang may pagmamalasakit nang
bawat pamayanan.
Paano mapapanatili at makakapagtibay kaunawaan kung hindi gagamitin? Pilipino
ka, Pilipino ako, sino pang magsasabing siya ay Pilipino? Kung siya na man ay walang
katibayan kahit sa pananalita? Ano ba ang wika ng isang mamamayang nakatira sa
bansang Pilipinas? Kung sinasabi mo na ikaw ay Pilipino, gumamit ka gamitin mo ang
wikang Filipino na magbibigay katibayan sa iyong pagiging isang mamamayang may
mabuting puso at may pagmamahal sa kanyang sariling bayang tinubuan. Isa ka bang
mamamayan na nagmamahal sa iyong bayan?
Sa wika ayon sa katalagahan nito o tinatawag na naturalesa ang lahat ng nilalang
ay magkakaugnay; nagkakabuklod-buklod. Gaya nalang ng prinsipyo ng tore ni babel.
Ang dahilan kung bakit sila nanatiling matatag at ang pagkakaruon nila ng isang
pamahalaan ay ang wika.

Sa pagkakaruon ng isang wika lahat ng tao ay pantay-pantay, mahirap


o mayaman ay may batas na dapat sundin para mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan nito sa isang bansa.
Hindi nga bat parang sinasayang lang natin ang ating wika kung hindi
natin ito gagamitin, papalaguin, at ipagmamalaki? Samantalang
pinaghirapan itong isulong at itaguyod ng ating mga bayani. Sabi nga ng
ating pambansang bayani na ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit
pa sa hayop at malansang isda. hindi nga ba natin napapansin na parang
naiinsulto na natin sila na matapos nilang lumaban, ibuwis ang kanilang
mga buhay ay hindi natin papahalagahan ang sarili nating wika?
Sabi nga ng ating kasalukuyang pangulo na si Pnoy upang makamtan
natin ang katiwasayan at kaunlaran, kailangan tahakin ang matuwid na
landas, at para matahak ang landas na ito, kailangang magkaisa. Sapagkat,
sa gitna ng globalisasyon at kolonyalismo; wika pa rin ang nagbibigay sa
atin ng kaisahan upang ating maabot ang inaasam na kaunlaran.
Gamitin natin ang wikang Filipino tungo sa ating tuwid na daan, bilang
mabuting mamamayan ng Pilipinas.

You might also like