You are on page 1of 3

Jenny Babes P.

Ogama

BEED 2

MODYUL 9: Tungo sa Pagbuo ng Filipinong Diskursong Pangkalinangan

A. Magkaroon ng pagsasaliksik sa mga nabanggit na paksa at isulat ito sa isang malinis na papel, lagyan
ito ng mga taong naging sangkot sa pagtalakay at batayang aklat o internet.

1. Ano-ano ang institusyunal na Pagpaplanong Pangwika?

Ang institusyonal na pagpaplanong pangwika o tinatawag din na deskriptibong pagpaplanong pangwika


ay nakatuon sa iba't ibang institusyon, kilusan, organisasyon, gawain at ideolohiya ng mga institusyon.
Mahalagang maipakita dito hindi lamang ang korelasyon ng mga datos na lingguwistik, semi-
lingguwistik, at extra-lingguwistik sa isa't isa bilang isang kabuuan para sa institutional coherence kundi
ang korelasyon nito sa iba pang variable sa loob ng institusyon: ideological, kultural, sikolohikal at
maging sa mga institusyonal na imprastraktura at melyu, sa proseso at praktis.

2. Sino si Melania Abad sa pagsusuri ng patakarang pangwika?

Si Melania Abad ang sumulat ng artikulong "Neoliberalistang Pagpapaplanong Pangwika: Tungo sa Ko


Modipikado at Episyenteng Pagpapahayag". Sa artikulong ito ay kanyang tinalakay na ang malawak na
pagtanaw sa pagsusuri at pag-aaral sa wika ay binibigyang pansin sa balangkas ng pagpaplanong
pangwika. Sa aspektong ito ay sinusuri ang gamit at/o pagpapalawak ng gamit o function ng wika
(istatus), ang mga pagbabago sa wika (korpus) at pagtuturo at pagpapalakas sa pamamagitan ng
pagtuturo at pagpaparami ng gumagamit (akwisisyon) ng partikular na wika (Cooper 1989). Sa
napakaraming pagpapakahulugan sa pagpaplanong pangwika ay madalas na ito’y ikinakabit sa
patakarang pangwika at tungo sa pagkakamit ng mga layuning labas sa usaping pangwika at mahigpit na
kakabit ng mga konseptong kapangyarihan at dominasyon. Kanya ring tinuran na "ang pagkatuto ay
mabilis at epektibo kung direktang gumigising ito sa maraming pandama at sensibilidad ng mga mag-
aaral at wala nang iba pang wikang kakatawan dito kundi ang wika niya sa araw-araw at wikang
magbibigay sa kanya ng higit na tiwala at pagkakakilanlan."

3. Ano ang estandardisasyong tunguhin sa wika ni Galileo S. Zafra?

Si Galileo S. Zafra ay isa sa mga natatanging na patuloy na bumubuhay at aktibong lumalahok sa


pagtataguyod at preserbasyon ng wikang Filipino at mga katutubong wika ng Filipinas sa iba’t ibang
larangan o disiplina. Siya ang sumulat ng artikulong "Ilang Tala sa Estado at Direksiyon ng
Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino". Dalawang paksa ang kanyang tinalakay dito, ang isa'y kung ano
ang nagawa na para sa intelektwalisasyon ng Wikang Filipino at kung ano ang nararapat pang gawin.
B. Unawain ang mga sumusunod na tanong, sagutin ito ng may malawak at maayos na paliwanag.

1. Ano ang iyong pinakamalalim na pag-unawa sa mga nabasang tekstong makikita sa bahaging
pagtalakay?

Ang aking pinakamalalim na pag-unawa sa mga nabasang tekstong makikita sa bahaging pagtalakay ay
sumisentro sa usaping tunay na intelektuwalisasyon. Naunawaan kong ginagamit ng mga Filipinong
intelektwal at iskolar ang Wikang Filipino sa pag-iisip at pagbuo ng mga kaisipan, kaalaman, at
karunungang hinango sa karanasan ng mga Filipino at nakatuntong sa katutubong tradisyong
intelektwal. Hindi ito makakamit kung isasalin lang natin ang mga salitang banyagang naghahayag ng
mga konsepto at kategoryang pangkulturang kanluranin. Ang mas puspusang paglaganap ng paggamit
ng Wikang Filipino sa edukasyon at pagsasa-Filipino ng diskurso sa agham panlipunan at iba pang sangay
ng karunungan tungo sa pagbuo ng iisang diskursong pangkalinangan na maaaring tanglawan ng
pantayong pananaw ay mahalagang sangkap ng mithiing kalayaan ng bayan. Ang Filipinong intelektwal
ay kayang makabuo ng bago, sarili at orihinal, sa wikang nag-uugnay sa kaniya sa kalinangang bayan.

2. Bakit bilang isang indibidwal o kabilang sa mga mamamayang Pilipino kailangan mong maunawaan
maunawaan at pahalagahan ang mga dapat matutuhan sa aralin? Maghanay ng mga halimbawang
patunay ng iyong kasagutan.

Nararapat na bilang isang indibidwal o kabilang sa mga mamamayang Pilipino kailangan kong
maunawaan at pahalagahan ang mga dapat matutunan sa aralin sapagkat ang araling ito ay krusyal sa
pagbuo ng isang intelektwalisadong wika kung kaya't ang taimtim na pag-unawa at pagpapahalaga dito
ay malaki ang magagawa upang matukoy natin ang tunay na kalagayan ng ating wika at ano-ano ang
maaaring maging aksyon sa mga problemang kinakaharap nito ngayon.

3. Saang bahagi ng pagiging isang mag-aaral nagdulot ng positibong epekto ang natutuhan sa aralin?

Nagdulot ng positibong epekto ang natutuhan sa aralin sa aking damdaming makabayan. Mas napag-
alab nito ang malasakit at pagmamahal ko sa wika ng ating bansa.

4. Nakikita mo ba ang iyong sarili bilang mapagpahalagang indibidwal sa wika ng ating bansa?

Oo. Nakikita ko ang aking sarili bilang mapagpahalagang indibidwal sa wika ng ating bansa dahil
ginagawa ko ang lubos na aking makakaya upang maging mabuting huwaran sa iba sa paggamit ng ating
pambansang wika at bukas ako na matuto at matutunan pa ang mahahalagang usapin patungkol sa
Wikang Filipino sa mas ikauunlad ng pagmamahal ko sa ating wika.
5. Ano ang nakikita mong pag-unlad na pansarili at ng iyong kapwa ang matatamo matapos ang
pagtalakay sa nilalaman ng aralin?

Ang nakikita kong pag-unlad na pansarili at ng aking kapwa na matatamo matapos ang pagtalakay sa
nilalaman ng aralin ay mas napagtibay nito ang pagmamahal at malasakit ko/namin sa Wikang Filipino.
Ang pakikibaka para itampok ang kaisipang Filipino at narinig ang mataginting na tinig ng Filipinong
intelektwal na mahigpit na nakaugnay sa kalinangang bayan ay mahalagang sangkap ng mithiing
kalayaan ng bayan. Kailangang humupa, lalong mabuti'y mawala ang pagdududa ng Filipinong
intelektwal sa sarili niyang kakayahang makabuo ng bago, sarili at orihinal, sa wikang nag-uugnay sa
kanya sa kalinangang bayan. Ang lalong mainam ay kumalat ang kamalayang ito sa hanay ng mga bago
at sumisibol na intelektwal.

You might also like