You are on page 1of 18

Marjorie D.

Sumangit
Filipino 311

Mga kaugaliang/kasanayang Pangwika, Ideolohiya at Paniniwala, Pamamahala at


Pagpaplano
Ni: Bernard Spolsky

Patakarang Pangwika(language Policy)


Marami sa mga bansa ay may patakarang pangwika kung saan denisenyo upang paboran
o di kaya’y pigilan ang paggamit ng isang partikular na wika o set ng mga wika. Bagama’t sa
kasaysayan ng isang bansa ay makikita na gumagamit ito ng mga patakaran upang palawakin o
paunlarin ang wikang opisyal , may mga bansa rin na may patakarang pangwika upang
protektahan at paunlarin ang rehiyonal at katutubong wika lalo na yong may posibilidad na
nanganganib na mawala. Ang patakarang pangwika ay ang ginawa ng gobyerno sa
pamamagitan ng lehislasyon, desisyon ng korte o polisiya na magpapasya kung paano gagamitin
ang wika, at linangin ang kakayahan ng wika upang matamo ang pambansang prayoridad at
patatagin ang karapatan ng isang indibidwal o grupo ng mga taong gumamit at nagpanatili sa
wika.
Ang patakarang pangwika ay isang ekspresyon ng pangmatagalang “ linguistic
culture”, halimbawa ay ang paniniwalang kultural at kaugalian sa pagtanggap ng wika, ang
programa at pagsisikap batay sa pinagkasunduan ng lokal –historikal na karanasan at hangarin
(Schiffman, 1996).
Ayon kay Fishman (2001), ang patakarang pangwika ay ang paglalaan ng tuntunin na
maaaring mapagkunan sa istatus o kurpos ng wika kung saan nakadesinyo ang palisiya nito.

Mga ilang halimbawa :


Isang 56 na taong gulang na babaing Turkish ang hindi pumayag na magkaroon ng heart
transplant sa isang klinika sa Hanover sa kadahilanang lack of German ( common among
*Gastarbeiter- taong binigyan ng permiso na makapagtrabaho sa ibang bansa, lalo na sa
German) na kung saan maaaring ang prosesong sa pagrekober ay maaaring mapanganib.
Ipinagtanggol ng klinika ang kanilang desisyon na maaaring mali ang medisinang mainom at
maaaring hindi nakahingi ng tulong kung sakaling may komplikasyon. Ang ministro ng
kalusugan ng nasabing bansa ay nagpahayag na kung sakaling may ganitong kaso kagaya ng sa
babaeng Turkisa, maaari silang maghanap ng praktikal na solusyon. Ang mga doctor at hospital
ay magkakaroon ng patakaran sa wika na siyang magdedesisyon kung paano lutasin an gang
pagkakaroon ng pagkakaiba sa wika.
Sa isang syudad naman ng Jerusalem may mga “street sign” na nakasulat sa sa tatlong
wika o traylinggwal (English, Arabic, at Hebrew sa pinakaitaas) kung saan inerepresenta nito
ang kasaysayan ng lungsod (British Mandate, Jordanian o ang Israel Rule). Ngunit ang ibang
syudad sa Israel ay may dalawang wika lamang ang ginamit sa kanilang “Street sign” at ito ay
ang Hebrew at English. Matapos ang mahabang panahon ng usapin nagdesisyon ang korte na
ang “street signs ay kailangang may nakasulat na Arabic partikular na sa mga syudad na
magkahalong Jewish-Arab na naninirahan.
Ang batas ng Quebec ay nag-utos na lahat ng pampublikong karatula ay kailangang
nakasulat sa French, at pinahihintulutang lagyan ng maliit na titik ng pagsasalin gamit ang ibang
wika.
Sa Wales, ang konseho ay nagdesisyon na ang mga karatula kung saan nakasulat ang
pangalan ng lugar at senyales trapiko ay nakasulat sa wika ng Wales na Welsh. Ang konseho ng
syudad ng Swansea ay di sumang-ayon. “ayon sa konseho na may patakarang bilinggwal sila,
kung gusto nila gawing sentro ng turismo ang lugar ng Swansea at kailangan hikayatin ang mga
Turista na pumunta sa nasabing lugar kaya nararapat lamang na maging bilinggwal ito. (South
Wales Evening Post, March 3, 2000; for more on Welsh, see the section beginning on p.81).
Ang wika ng pampublikong sayn o karatula ay maaaring maliit na isyu lamang subalit
ang isyu tungkol sa wika ay maaaring maging daan o sanhi ng di pagkakaunawaan o kaguluhan.
Hal. Habang nagpatuloy ang kaguluhan sa Macedonia iginiit naman ng konseho ng Europe sa
gobyerno ng Macedonian na payagan ang etnikong grupo ng Albanian na gamitin ang wikang
Albanian sa hukuman, paaralan at administrasyon ng Macedonia. (Agence France Presse, June
28,2001). Maaaring Magkaroon ng digmaan sa wika.
Ayon kay Horowitz (2001:1), marahil hindi sa lahat ng panahon na ang wika ang sanhi
ng kaguluhan. Subalit ang wika ang maaaring isa sa pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng di
pagkakaunawaan o kaguluhan. Maaaring ang nasabing kaguluhan sa wika ay pangkomunidad,
lahi, relihiyon, linggwistika o ng mga etnikong grupo. Ang ibinigay na hal. ni Horowitz ay ang
nagyaring kaguluhan sa Assam noong 1960 at 1972, ang Assam ay isang estado sa Silangang-
Kanluran ng India kung saan ninais nila na ang Assamese ang maging wikang opisyal ng estado,
sa pag-asang papabor sa kanila ang batas (Horowitz 2001:208f). ang kaguluhan ay nagsimula
noong 1960 sa kalagitnaan ng kampanya. Ang Pagbuo ng Assam Language Act” kung saan
nakasaad dito ang sapilitang paggamit ng Assamese. Ang pag-aaral ng wikang Assamese sa
Bengali ng mga imigranteng muslim ay nakasira sa epekto ng nasabing batas kung kaya’t
nagkaroon ng tension at karahasan (Misra 2000).
Ang China kamakailan ay nagpasa ng bagong batas na nagbabawal sa paggamit ng
wikang banyaga at maling paggamit ng wikang Chinese. Ayon sa batas, ang Putonghua ang
opisyal na wika ng bansa at ang istandard na baybay at bigkas nito ay ipatutupad sa mga
mamamahayag o anawnser sa radio, mga guro at maging sa mga kawani ng gobyerno (The
Straits Times, Singapore, Nov. 17, 2000).
Nooong buwan ng Agosto 2002, ang parlyamento ng Turkish, na nag-aplay ng
admisyon sa komunidad ng Europa, na nagpasa ng batas na alisin o tanggalin ang parusang
kamatayan at pahintulutan ang paggamit ng wikang Kurdish sa pamamahayag at edukasyon.
Noong ika-15 ng Nobyembre 2002 ang Russian Duma ( mababang kapulungan ) ay
nagpasa ng batas na nagsasabing ang alpabeto at wika ng Russian Federation ay nakabatay sa
“Cyrillic Alphabet” (Reuters).
Noong Nobyembre 14, 2002 ang mababang kapulungan ng Yugoslav ay nagpasa ng
resolusyon na naghikayat sa lahat ng estado at lokal na gobyerno, institusyon, pampublikong
kumpanya, kagawaran ng edukasyon, kultura at medya institusyon na gumamit ng Cyrillic
(Tanjug News Agency) . Maging noong ika-21 ng Nobyembre 2002, ang kapisanan ng mga
brodkasting ay binigyan ng pahintulot na gamitin ang Kurdish o iba pang rehiyunal na wika sa
loob ng apatnapu’t limang minute bawat araw sa pamamahayag sa radio.
Dahil sa ang wika ang sentro ng edukasyon, maraming kwento tungkol sa pagpili ng
wika bilang midyum sa pagtuturo sa paaralan gaya ng mga sumusunod na halimbawa:
Nobyembre 2000, inaprubahan ng mga botante ng Arizona ang Propsition 203 na
nakabase sa naunang inisyatibo ng California na palitan ang edukasyong bilinggwal ng
immersion English education o ang pagtuturo sa Ingles upang maging bihasa.
Sa Malaysia, nagkaroon ng pagtatalo hinggil sa mga paaralang gumagamit ng wikang
Chinese( Agence France Press, June 23, 2001), ang bagong panukala ay inansyu ng Ministri ng
Edukasyon na paghusayin ang pagtuturo ng Ingles ( The Malaysian National News Agency, May
17, 2001), ang bagong Islamic na istasyon ng radio ay nagbabalak sa paggamit ng Inles. Bahasa
Melayu at Arabic sa broadcasting sa loob ng 24 na oras (New Street Times, July 7, 2001), at ang
di kanais-nais na pampublikong kontrobersya sa pasya ng gobyernong gamiting panturo ang
Inles sa Matematika at Siyensya na nasa loob ng mahigit dalawampung taon ay Malay ang gamit
ng wikang panturo (Malaysia General News, Octobre 29, 2002).
Sa Ghana, nagpasya ang Ministri ng Edukasyon na ang paggamit ng bernakular na wika
sa unang tatlong taon sa paaralan ay tanggalin na at sa halip ay gamitin ang Ingles bilang
midyum sa pagtuturo (Africa News, August 16, 2002).
Sa mundo ng kalakalan, pinag-uusapan din ang tungkol sa patakarang pangwika.
Halimbawa nito ang mga sumusunod:
Ang kumon na pamilihan sa Silangan at Timog-Afrika ay sumuporta sa patakaran ng
Zimbabwe na ang mga dairy products na inimport mula sa Zambia ay kailangang may
instruksyon sa mga pakite na nakasulat sa Shona at Ndebele na opisyal na wika ng Zimbabwe
(Times of Zambia, July 10, 2001).
Dahil sa patuloy na pag-unlad ng globalisasyon, patuloy namang dumarami ang
makinarya o behikulo sa pagsasaling-wika mula sa iba’t ibang wika na maaaring magbigay daan
sa iba’t ibang website.
Maging ang simbahan ay hindi rin nagpapahuli. Ang isang Romano Katolikong pari sa
Wezembeck-Oppem na isang bayan malapit sa Brussels na isang Dutch-speaking Flaridels
region sa Belgium ay tinaggal mula sa kanyang parokya ng isang kardinal dahil sa pagtanggi nito
na tanggapin ang French-speaker na dumalo sa misa sa kanyang parokya (Associated Press, Dec.
30, 2002).
Sa pangkalahatang tuntunin, ang multilinggwalismo kung saan ito ay tumutukoy sa isang
lipunan o bansa na gumagamit ng marami o iba’t ibang wika. Samantalang ang plurilinggwal
naman ay tumutukoy sa iba’t ibang kasanayan ng wika na ginagamit ng isang indibidwal o
kumunidad.

Ano-ano ang mga datos?


Hindi nauubusan ng kwento at istorya ang tungkol sa patakarang pangwika, kung paano
ito isinalin sa mga datos ay maaaring bumuo o gumawa ng teorya.
May ilang mga bansa kung saan nakatala o nakasulat ang kanilang patakarang pangwika
sa kanilang Konstitusyon o batas subalit may iba naman na wala.
Inemplementa ng iba ang kanilang mga patakaran subalit may ilan naman na hindi. Ang
ibang bansa ay nakapagbigay ng datos tungkol sa bilang ng mga taong nakapagsalita ng iba’t
ibang wika. Ang iba naman ay wala. Halimbawa sa Estados Unidos, may sensus sila kung ilan
sa mga tao na lumaki sa nasabing bansa na may wikang sinasalita liban sa Ingles.

Tatlong Salik ng Patakarang Pangwika


Upang maging makabuluhan, gumawa ng mga hakbang tungkol sa tatlong salik ng
patakarang pangwika sa isang komunidad
 Kaugalian/kalakarang pangwika (Language practices)-Nakaugalian/Nakasanayang patern
sa pagpili ng mga varayti ng wika
 Paniniwala o ideolohiya ng wika (Language beliefs or ideology)-Ang paniniwala tungkol
sa wika at ang gamit nito
 Anumang ispisikpikong pagsisikap upang mapadali ang anumang nakaugalian sa kahit
anong klase ng intervention sa wika, pagpaplano o pamamahala.

Iminungkahi ni Haugen (1966b) na ang patakaran ay maaaring mabuo sa pamamagitan


ng apat na dimension
 Seleksyon-ang pagpili ng norm kung saan dito makikilala ang suliraning pangwika
 Kodipikasyon- ang anyong (pasulat o pasalita na pamamaraan) ang gramatika at
leksikon (pagbigkas)
Ayon kay Kloss (1969), ang seleksyon ay tinatawag ring “Status planning” o istatus ng
pagpaplano at ang kodifikasyon “ay “corpus planning”
 implementasyon(Pagtanggap)- pamaraan kung paano ipanatupad ng pamahalaan ang
pagpili at kodifikasyon at kung ang nasabing patakaran ay tinaggap at sinusunod ng mga
tao o target population . Hal. Maaaring maipatupad ito sa pamamagitan ng paggawa ng
mga libro, pamphlets, pahayagan, at mga libro na gumagamit ng bagong codified
standard.
 elaborasyon- proseso sa pagpapalawak ng gamit ng wika upang makamit ang
pangangailangan sa modernisasyon at pag-unlad. Hal. Ang pagtatalaga ng mga bagong
koda tulad ng sa seyensya at teknikal na mga terminolohiya.
Ang problemang pangwika sa Quebec noong 1950 ay makikita sa pamamagitan ng
pagtingin o pagtuon sa kanilang kaugalian pangwika, kung saan ang nakararaming nagsasalita ng
French ay kinakailangang matoto ng Ingles sa pakikipagkomunikasyon sa mga monolingual
English-speaking minority, na komukontrol sa kalakalan sa probinsya. Sinamantala ng French
ispeker ang kanilang kapangyarihang political upang baguhin ang patakaran. Naglabas ng mga
batas na naglilimita sa paggamit ng Ingles sa paaralan at nagsusulong na ang French ang
gagamitin sa mga pampublikong gawain. Sa pagtataguyod ng political at ahensya ng gobyerno,
nagbabago ang kaugaliang pangwika sa pamamagitan ng pamamahala sa mga interbensyong
pangwika, ekonomiya, politika, sosyal at cultural na kadahilanan at kinahinatnan.
Samantala sa Gapun, ay walang malinaw na pamamahala na humantong sa pagbabago ng
patakarang pangwika.
Sa ganitong kaso, ang wika at ang patakarang pangwika ay parehong umiiral sa mas
masalimoot, interaktibo, at dinamikong konteks, ang modipikasyon ng kahit alinmang bahagi na
magkakaugnay sa iba pang mga bahagi.

Linggwistik ekologi
Ayon kay Haugen (1971), ang ekologi ay isang pag-aaral tungkol sa interaksyon sa
pagitan ng wika at ng kapaligiran. Kinilala ni Haugen ang paggamit ng terminong ito sa
Voegelin, Voegelin at Schutz (1967) at Voegelin at Voegelin (1964), na nagmungkahi na sa ang
linggwistik ekologi ay hindi nagsisimula sa isang partikular na wika kundi sa isang partikular na
lugar.
Ang linggwistik ekologi ay kailangang tingnan sa post-genome na pamamaraan kung
saan ang kalikasan at at pangangalaga ay hindi na kailangang magkahiwalay (Spolsky, 2001).
Ang wika ay nakabubuo ng sistemang cultural, isang sistema ng pagiging komplekado at
kakayahang umangkop. Nakukuha natin ang kasanayang pangwika sa pamamagitan ng patuloy
at makabuluhang pakikipag-interaksyon (Oyama, 2000) sa lipunan maging sa kapwa-tao at
kalikasan kung kaya’t ang pagbabago sa varyabol ng wika ay magkakaugnay sa non-linguistic
variable.
Ipinaalala sa atin ni Trim (2002), na higit na makapangyarihan ang mga gawaing
pangwika kay sa kamalayan at ideolohiyang patakaran. Ang ebolusyon ng wika ay maaaring
maipaliwanag hindi lamang sa varyasyon ng kalagayang geograpikal kundi pati na rin sa gamit at
seleksyon ng lipunan gumagamit nito.

Intervensyon (Pamamahala at Pagpaplano)


Sa pag-aaral ng patakarang pangwika, sinisikap nating unawain kung ano ang kaibahan
ng language variable at non-language variable ( anumang katangian na pwedeng mabago o
baguhin). Ang language variable ay tumutukoy sa ebolusyon ng wika o pagbabago ng wika,
patakarang pangwika, at ideolohiya at paniniwalang pangwika.
Ang patakarang pangwika ay maaaring isang batas na nakasulat sa pambansang
konstitusyon,o kaya’y batas pangwika.
Ang tagapamahala ng wika(language manager) ay maaaring yaong pambansang
lihislatura na gumagawa ng batas na nagdedetermina kung anong wika ang gagawing opisyal.
Maaaring isang estado o probinsyal, cantonal o iba pang local na pamahalaan na magpapasya sa
language of signs. Pwede ring grupo na maaaring makaimpluwensya sa liheslatura na magsusog
na baguhin ang konstitusyon at gumawa ng bagong patakarang pangwika. Maaaring ang korte,
administreytor na nag-iimplementa ng batas pangwika.
Umiral ang patakarang pangwika kahit walang malinaw na pamamahala ng mga
awtoridad. Maraming mga bansa, institusyon at mga grupong panlipunan ang walang formal na
nakasulat na patakarang pangwika , kung kaya’t ang kanilang patakarang pangwika ay nagmula
sa kanilang pag-aaral sa kaugaliang pangwika at paniniwala. Kahit na may formal na nakasulat
na patakarang pangwika ang epekto nito sa kaugaliang pangwika ay maaaring hindi
gumagarantiya o consistent.
Ang patakarang pangwika ay hindi lamang tumutukoy sa wika at varayti nito kundi ito
rin ay tumutukoy sa bahagi ng wika kung kaya’t kasali nito ang pagsisikap na mapalitan ang
tinatawag na “bad language” at sa halip ay hikayatin ang paggamit ng tinatawag na “good
language”

Ang wika at ang Kaugaliang Pangwika


Ayon kay Hymes (1967: 1974) ay napakalawak ang saklaw ng kaugaliang pangwika.
Ang wikang pasalita ay binubuo ng pinagdugtong-dugtong na magkakaugnay na mga tunog na
pinagsama upang makabuo ng makabuluhang tunog na binibigkas. Samantalang ang varyasyon
ay isang sistema na nauunawaan ng tagapakinig na kinikilalang pinagmulan o ang sosyal na lebel
ng mga ispeker (labov 1966). Ang ganitong klase ng varyasyon ay matagal ng
kinilala/ginagamit sa bokabularyo.: limang daan na ang nakalipas, ang unang English printer ay
pinagtakhan kung paano nasulat ang salitang eggs na tawag sa timog ay eggys o eyren sa Hilaga
(Caxton, 1490).
Ang kaugaliang pangwika ay tumutukoy sa tunog ng mga salita at pagpili ng gramatika
ng isang individwal na ispeker na minsan ay di sinasadya o sinasadyang nakagagawa ng
huwarang marka o modelo ng iba’t ibang varayti ng wika. Ang mga varayti ay maaaring
ikategorya. Ito’y maaaring sa pinaka mataas na lebel ng wika. Ang proseso sa pagkategorya ay
hindi madali sapagkat halos lahat ng mga wika ay may varayti (Grimes 2000). Kaama sa
kaugaliang pangwika ang mga tunog, salita at gramatika; ang mga itoay may iba’t ibang antas o
lebel ng formalidad sa pagsasalita at ang iba ay sumasang-ayon sa kung anong tuntunin at
varayti ng wika ang angkop na gamitin sa iba’t ibang sitwasyon. Isinama ng multilingwal na
komunidad ang angkop na pagpapangalan sa bawat wikang ginagamit.
Sa pamamagitan ng pag-uugali, edad, kasarian, antas ng pamumuhay, lugar ng
kapanganakan, at antas ng edukasyon ay matutukoy kung anong variety kaugaliang pangwika o
patakarang pangwika ang ginagamit ng isang individwal. Ang pagpili ng wika ay ayon sa
ipinatupad na patakaran, hindi tulad ng tuntunin sa gramatika na natutunan ng mga kasapi ng
speech community habang sila ay lumalaki.
Ang patakarang pangwika ay tumutukoy sa lahat ng kaugaliang pangwika,
paniniwala ,pamamahala at desisyon ng komunidad o di kaya’y ng pamahalaan. Ang patakarang
pangwika ay maaaring iaplay/gamitin sa iba’t ibang lebel sa pangkalahatan. Maaari sa antas ng
isang individwal o di kaya’y grupo ng mga individwal na gumagamit ng iba’t ibang varayti ng
wika.
Ang pamamahala sa wika ay maaaring iaplay sa isang individwal linggwistik –mikro
yunit (tunog, ispeling) o di kaya’y koleksyon ng yunit (palabigkasan, leksikon o iskrip) o makro-
varayti (wika o dayalekto). Ang wika at iba pang varayti ng wika ay binubuo ng kombensyunal
na napagkasunduang set ng pagpipiliang linggwistika, isang patakaran sa pagpapatupad ng
pagbabago ng isang lebel na nagkokonekta sa lahat ng lebel , ang pagpapalit ng leksikal aytem
ay isang potensyal na hakbang sa pagpapalit ng varayti ng wika. Maraming purist sa wika ang
naniniwalang ang panghihiram ng salita mula sa ibang wika ay simula ng pagkawala ng wika o
language loss.

Mga Patakaran at Patakarang Pangwika

Ang pamamahala sa wika ay tumutukoy sa pagbabalangkas at proklamasyon ng isang


malinaw na plano o palisi , kadalasan ang pasulat na dokumento tungkol sa gamit ng wika hindi
nangangahulugang ang mga patakarang ito ay naimplementa o di kaya’y maging matagumpay.
Isa sa pinakamadaling paraan upang matukoy kung ang isang bansa ay mayroong
patakarang pangwika ay sa pamamagitan ng mga opisyal na dokumento kung saan nakasulat ang
palisi tungkol sa wika. Halimbawa ng mga dokumentong ito ay ang pambansang konstitusyon,
batas tungkol sa wika, at mga dokumento mula sa kabinete o administratibo. Mahigit 125 na
pandaigdigang konstitusyon ang naglalaman ng mga patakarang pang wika at mahigit 100 naman
ang nakapangalan bilang opisyal na wika na may ispesyal na gamit. At halos kalahati(78)
naman ang nag-iisa o pambansang wika.
Hal.
 Ang opisyal na wika ng Republika ng Albania (basis a 1998 Konstitusyon na
inamendahan)
 Arabic ang opisyal na wika ng Bahrain (1973 Konstitusyon
32 mula sa 78 na kaso ang pinapangalagaan ang wika ng minorya o ang wika ng mga katutubo.
Hal.

 Ang opisyal na wika ng Guatemala ay Español. Ang wikang bernakular ay bahagi ng

kulturang pamana ng bansa (Guatemalan Constitution 1985)

 Ang pambansang wika ng Indonesia ay Bahasa Indonesia o Indonesian Language. Ang

rehiyunal na wika na iningatan ng mga tao katulad ng Javanese, Sundanese, Madurese at

iba pang wika ay kailangang irespeto at pangalagaan ng estado ( Batay sa Indonesian

Konstitusyon ng 1945)
Ang labingwalong kaso naman ay may dalawang opisyal o pambansang wika ang
nakapangalan bilang pagprotekta sa wika ng mga katutubo.
Hal.
 Pashtu at Dari ang opisyal na wika ng Afghanistan (hanggat wala pang pagbabago sa
1963 Konstitusyon ng Afghanistan)
 Ang Belarusian at Russian ang opisyal na wika ng Republika ng Berlarus. Ang bawat isa
ay may karapatan na gamitin ang katutubong wika at mamili kung anong wika ang
gagamitin sa pakikipagkomunikasyon. Batay sa batas, ang estado ay magbibigay ng
pahintulot sa kalayaang mamili ng wika sa edukasyon at gagamitin sa pagtuturo ( 1996
Constitution of Belarus)
 Ang Belguim ay nahahati sa apat na rehiyunal na wika : ang rehiyon na nagsasalita ng
French (French speaking region); ang Dutch-speaking region, ang bilinggwal region ng
Brussels-Capita, at ang German-speaking region. (1970 Belgian Constitution)
 Ang opisyal na wika ng Republika ng Cameroon ay English at French, pareho ng istatus
ang dalawang wikang ito. Kailangan itong protektahan at paunlarin bilang wikang
pambansa (1996 Cameroon Constitution)
Ang 1997 Constitution ng Democratic republic of Congo ay apat ang pambansang wika
nila at ito ay ang (kikongo, Lingala, Swahili, at Tshiluba) at dalawa ang opisyal na wik ang
French at English. Ang new South Africa Constitution naman ay nagtala ng 11.
Marami ring mga bansa ang walang nakasulat sa konstitusyon na mga batas tungkol sa
wika. Maliban sa mga karapatang pantao, ang isang taong inaaresto ay may karapatan ding
kumuha ng isang interpreter, o hindi maaaring idiskrimina dahil sa ito ay may mababang uri
kasama na rito ang wika. Sa ibang mga bansa, may mga ispesipikong batas pangwika katulad
ng Assamese Language Act o ang Maori Language Act ng New Zealand. Ang France, na isang
bansa na sopistikado at demanding ay mayroon ding patakaran ukol sa pambansang wika. Sila ay
nakapagtala ng maraming patakaran o iba’t ibang batas simula pa noong 1539. May mga bansa
namang mahirap hanapin ang mga patakarang pangwika katulad ng bansang Australia kung saan
ang kanilang batas pangwika ay naisantabi lamang at hindi pinunduhan ng gobyerno. At mas
lalong mahirap magtakda ng pambansang polisiya lalo na kung may tension sapagitan ng federal
at local na palisi katulad ng bansang India.
Ideolohiya at Paniniwalang Pangwika
Ang bawat kasapi ng speech community ay nagbabahagi rin ng mga itinakdang
paniniwala tungkol sa angkop na kasanayang pangwika. Ang iba ay bumubuo ng ideolohiya,
kasanayan at pagkilala sa iba’t ibang aspeto ng varayti ng wikang ginagamit. Ang paniniwalang
ito ay nagmula sa iba’t ibang kaugalian/kasanayan. Maaari itong basehan ng pamamahala sa
wika o pamamahala sa mga palisiya o patakaran na maaaring magpapatibay o kaya’y
magpapabago.
Ang ideolohiya o paniniwalang pangwika ay maaaring magtalaga ng mga
napagkasunduan ng komunidad kung anong katangian ang dapat na gamitin sa bawat baryabol
ng wika o pagpapangalan sa varayti ng wika. Karamihan sa mga estado ay may maraming
ideolohiya katulad ng bilang ng mga katutubo. Maaaring ang wikang ito ay nanggingibabaw.
Ang ideolohiyang pangwika ay ang mga patakarang pangwika na siyang sinusunod, na kung
ano ang iniispi ng tao ay siyang ginagawa. Samantalang ang kaugaliang/kasanayang pangwika
ay kung ano ang aktwal na ginagawa.
Ang Pamamahala sa wika ay maaaring lampas o taliwas sa mga itinakdang paniniwala at
kaugalian na sinusunod ng komunidad na gumagamit ng wika. Ang pamamahala sa wika ay
maaaring ilarawan ang pagkakaiba mula sa pangkalahatang kaugalian at paniniwala na
kailangang baguhin.

Kondisyon ng mga Patakaran


Ayon kay Ager (1996:11), ang sistemang gumagawa ng polisiya /patakaran, ay ang
sistemang gumagawa ng mga desisyon at organizational network na parehong umiiral sa
lipunang may pisikal, political at sosyo-ekonomikong salik at ang mga salik na ito ay may iisang
kondisyon kaugnay ng pagpapaunlad sa mga patakaran.
Ayon naman kay Ferguson (1977:9), lahat ng gawaing may kinalaman sa pagpaplanong
pangwika ay mangyayari sa isang partikular na sosyo-lingwistikong kaligiran, at ang kalikasan
at saklaw ng nasabing plano ay lubos na maiintindihan sa nasabing kaligiran. Ang
sosyolinggwistikong kaligiran ay kailangang unawain ang lahat ng nakakaapekto sa kaugalian
at paniniwalang pangwika.
Sa lahat ng ito, ang kalagayang sosyolinggwistik at ang organisasyong politikal ay
makatutulong sa pagpapaliwanag sa pangunahing balangkas ng patakarang pangwika, subalit
may iba pang ispisipikong dahilan at motibasyong makapagpapaliwanag sa mga masalimoot na
opinyon.

Pagpaplanong Pangwika at Intelektuwalisasyon


(Andrew B. Gonzalez)

Isang aspekto ng pag-unlad ng wika ang intelektuwalisasyon, Ferguson (1968) at Haugen


(1968), ang pag-unlad ng wika ay karaniwang nagsisimula sa pagpili ng isang wikang
pambansa. Kapag napili na, pinalalaganap ito at kumakalat at habang dumarami ang nasusulat
sa wikang ito, dumadaan ito sa prosesong tinatawag na estandardisasyon na ang mga anyo at
istruktura, humigit-kumulang ay nagiging pare-pareho sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga
tagapagsalita nito o kaya’y sa pagpapatibay dito ng isang ahensya ng wika. Estandardisasyon-
ay karaniwang nako-codify sa pamamagitan ng mga grammar (sa iba’t ibang gamit; lalo na sa
pedagohikal na gamit) at mga diksyonaryo. Ang wikang ito, kung idadaan sa pagpaplano, ay
kinokonsidera ng mga awtoridad sa gayong gawain sa lipunan.(Karaniwang miyembro ng isang
akademyang pangwika) at binibigyan ng istatus (opisyal, pambansa, atbp) ng isang lehislatibo o
administratibong sector. Pagkaraa’y makabubuo ng mga panulat na tatalakay sa mga temang
makabuluhan sa lipunan. Batay sa mga nakasulat sa mga espesipikong paksa, mabubuo ang
tinatawag na register ng wika. Ang isang mahalagang register ay iyong sa pagtuturo sa
eskwelahan. Isa pa’y ang mga panitikan, na sa simula’y malikhain at pagkaraa’y iba pang anyo
ng pagsusulat lalo na iyong ginagamit sa lahat ng level mula elementary hanggang tersyarya
kung ang wika ay magiging wika ng eskwelahan. Ang pagpaksa ng mga ideya sa pinakamataas
na level ng diskurso sa akademya ay tinatawag na intelektwalisasyon, dahil nagagamit ang wika
hindi lang sa araw-araw na usapan sa komunidad kundi bilang wika sa akademya.

Kultibasyon ng Filipino bilang Wika ng Akademikong Diskurso


Konstitusyon ng Komonwelt ng Pilipinas 1935- Pinagtibay ang Pambansang Asemblea na
gagawa ng mga hakbang tungo sa pagbuo ng isang komon na wikang pambansa batay sa umiiral
na wika sa Pilipinas. Nagtatag ng akademya ng wika na tinatawag na National Language
Institute na siyang mamimili ng opisyal na wika ng ating bansa.
Lumabas sa pag-aaral na :
1. Ang Tagalog ang wikang ginagamit ng Maynila kung saan ito ang sentro ng kalakalan sa
panahon ng pananakop
2. May nakalimbag na mga libro sa gramatika at panitikan
3. May mga diksyunaryong nakasulat sa wikang Tagalog
1939- ang wikang Pambansa ay Tagalog
-Nagsimula ang kultibasyon sa mga lektura at publikasyon ukol sa estruktura ng Tagalog
at literaturang Tagalog.
Bago dumating ang mga Hapon (1942-1945), malawak na ang pagpapalaganap ng
wikang pambansa sa pamamagitan ng mga summer schools na isang semestreng asignatura para
sa magiging guro simula 1940; pagtuturo ditto bilang asignatura sa nasa ikaapat na taon sa
hayskul, at pagpapatuloy ng pagtuturo nito bilang asignatura sa bawat grado sa primary at s
sekundarya sa panahon ng kalayaan.
1959- ang wikang pambansa ay Pilipino
1974- Sinimulan ang paggamit ng Pilipino bilang midyum sa pagtuturo batay na rin sa
programang (Edukasyong Bilinggwal), dumami rin ang lingguhan at arawan na publikasyon sa
wikang pambansa. Lumawak din ang gamit nito sa pelikula, , sa mass media (radio at
telebisyon), pagpapagamit sa publikong seremonya, opisina at iba pa.
Ang paggamit ng Filipino sa patuturo sa level na tersyaryo ay hindi nagsimula sa
pambansa o pisyal na level ng DepEd kundi sa inisyatiba ng mga nasyonalistikong propesor at
estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas, Pamantasang Ateneo de Manila, at De La Salle
University. Ang resulta ng mga inisyatibang ito ay ang pagbuo ng mga termino at mga teksbuk
at tradebooks sa Filipino.

Paglalahad mula sa karanasan ng Pilipinas

Naglista si Haugen (1968) ng apat na modelo sa Pagpaplanong pangwika at ito ay


nahahati sa apat na dimension/hakbang
1. seleksyon- ito ay ang pagpili ng varayti ng wika sa isang ispisipikong layunin o gamit ng
wika sa lipunan. Ito ay kinasasangkutan ng opisyal na istatus o pambansang tuntunin sa
pagpaplano.
2. Kodifikasyon/Estandardisasyon-Pagbuo ng istandard na wika sa isang partikular na koda ng
wika, Ito rin ay isang hakbang tungo sa maayos na pagpili ng mga pamantayan na may
kaugnayan sa pagiging istandardisadong proseso sa pagpaplano. Ang kodifikasyon ay nahahati
sa tatlong hakbang 1. graphization- pagbuo ng sistema ng pagsulat; 2. Grammaticalization-
pagpapasya sa mga tuntunin/pamantayan sa grammar/gramatika; 3. Lexicalization – pagtukoy sa
vokabularyo/ talasalitaan
3. implementasyon(Pagtanggap)- pamaraan kung paano ipanatupad ng pamahalaan ang pagpili
at kodifikasyon na maaaring maipatupad sa pamamagitan ng paggawa ng mga libro, pamphlets,
pahayagan, at mga libro na gumagamit ng bagong codified standard.
4. elaborasyon- proseso sa pagpapalawak ng gamit ng wika kagaya ng pagtatalaga ng mga
bagong koda tulad ng sa seyensya at teknikal na mga terminolohiya. Ito rin ay tinatawag na
modernisasyon ng wika ayon kay Fishman. Ang pagpapalaganap at paglikha ng mga bagong
terminolohiya na pwedeng magamit sa modernong pamumuhay at teknolohiya.
Sa aklat ni Gonzales (1988) nilinaw dito na maraming sub dimensyon ang kultibasyon.
Ang kultibasyon ng wika ay nangangailangan ng malawak na paggamit sa lipunan.
Ang sub-dimensyon ng kultibasyon ay napapailalim sa iba’t ibang proseso batay sa mga
layunin at katangian ng mga prosesong ito. Ang isang layunin ay bigyan ng mga termino ang
kontemporaneong realidad; mga terminong hiniram o isinalin, at gamitin ito sa mga modernong
realidad. Kaya, nangyayari ang modernisasyon kapag ang lokal na wika ay ginagamit upang
ipaliwanag ang mga modernong realidad at penomenong gamit ang mga bagong termino.
Gayunman, ang terminong modernisasyon ay hindi lamang tumutukoy sa bagong siyentipiko at
teknikal na realidad kundi pati sa mga realidad na sosyal at ideolohikal.
Ayon sa kanya, ang modernisasyon ay sumasakop sa isang aspekto ng kultibasyon; isa
itong linggwistikong proseso na sumasalamin sa development ng isang prosesong panlipunan.
Sa kontemporaneong diskurso, ipinapahiwatig ng modernisasyon ang prosesong kanluranin at
nagtataguyod sa teknolohikal at seyentipikong aplikasyon ng kanluran sa lahat ng aspekto ng
pamumuhay.
Isaang katapat na termino―na mas malawak ang sakop sa kontemporareng kaalaman at
siyensiya ngunit mas makitid dahil nakakulong ito sa domeyn ng akademya―ang
intelektuwalisasyon (Garvin at Mathiot 1968).
Ang lawak at lalim ng intelektwalisasyon ng isang wika ay sakop ng tungkulin ng
estado ng sining ng disiplinang iyon sa lipunan at sa akademikong komunidad na gumagamit ng
wika. Hangga’t hindi nagkaugat ang intelektuwal na disiplina sa isang lipunan, ang paggamit
ng espesipikong disiplina ay maaaring hindi magkaroon ng kultibasyon sa lipunang iyon.

May sosyolohikal na dimension sa intelektwalisasyon ng wika. Hal. Kung pipiliin ng


lipunan na gamitin ang lokal na wika para sa isang espesipikong domeyn, may mangyayaring
pagbabago sa sosyolohiya ng kaalaman at sa pagpapalago at pag-unlad ng mga disiplina sa loob
ng lipunang nagpapahayag sa wikang iyon.

Intelektwalisasyon: Produkto at Proseso


Ang hindi pagkaunawaan sa salitang intelektwalisasyon ay nag-ugat sa kawalan ng
komunikasyon at kamalayan dahil sa:
1. Kulang na kaalaman sa kasaysayan ng pag-unlad ng mga wika sa kanluran at Japan
2. Unti-unti, hakbang-hakbang na katangian ng pag-unlad ng wika, kung saan sa pag-unlad ay
umaayon sa digri ng kahandaan ng wika para sa gamit ng intelektwal.
3. Ang di pantay na panahon ng paggamit o di pagkagamit sa wika bilang instrument ng
akademiko at siyentipikong diskurso.

Mga Produkto ng Intelektwalisasyon

Maaring intelektwalisado ang wika kapag:


1. Mayaman itong kurpos ng literature (imahinatibo- di- imahinatibo)
Ang proseso ng pagbuo ng sapat na kurpos ng Literatura ay syempre hindi pantay-pantay
sa lahat ng domeyn. Ang ibang larangan ay maaaring mas sapat kaysa iba, dahil marami ang
naisulat sa mga ito, habang sa ibang larangan, ang kurpos ay mas kaunti dahil maaaring
nagsisimula pa lang ang proseso sa wika bilang midyum ng diskurso.
2. Pwedeng suriin kaugnay ng proseso ng intektwalisasyon ang mga tindahan ng libro at aklatan
at mga record para Makita ang bilang ng mga titulo at kopya ng mga nalimbag bawat taon.
3. Ang gamit ng lokal na wika sa paglikha ng panulaan, kwento,drama,at impormal na sanaysay.
4. Makikita rin ang intektwalisasyon sa diyaryo at bahagi ito ng output ng publikasyon bawat
taon.
5. Sa eskwelahan ay ginagamit ang wika bilang midyum sa pagtuturo.
6. Bilang ng mga tao sa lipunan na aktwal na gumagamit ng wika upang mabuo ng mas
maraming produkto at maging bahagi ng mga kontribusyon sa mga intelektwalisadong
produktong ito ng wika na nagpapayaman sa korpus ng koda. Pwedeng tingan ang pagkilos ng
guro at estudyante kaugnay sa lawak ng gamit ng wika sa loob ng klasrum, ng lawak ng
pagpapalit wika, ng kalidad ng diskurso, ng pagkakaroon ng mga material gaya ng teksbuk, mga
libro sa aklatan, at ng gamit ng wika sa mga eksamen at iba pang pantasang aktibidad.

Proseso
Kasabay ng estandardisasyon, o mas kasunod nito ang pagpapalaganap ng wika sa mass
media, eskwelahan, mga workshop at seminar sa mga guro, at sa publikong hindi ang wikang ito
ang una nilang wika. Pakatapos nito, kailangang maganap ang mahabang proseso ng kultibasyon.
Ipinapahiwatig ng salitang ito ang paglikha ng ekolohiya o klima para sa gamit ng wika at sa
aktibong promosyon nito sa pamamagitan ng tutok na pagpaplano.
Sa proseso ng intelektwalisasyon ng wika ay nabuo sa paglikha ng mga domeyn sa
korpus na pagpaplano sa lipunan, habang dinedebelop ang domeyn o kaya’y bilang resulta ng
pagpaplano ang domeyn kung hindi pa ito nagagamit.
Sa pagpaplanong pangwika para sa intelektwalisasyon, maaari ring bumuo ng mga
nakasulat na teksto sa pamamagitan ng sistema ng insentibong pinansyal at sikolohikal.

Sa Pagbuo ng register, kailangan gawin ang mga sumusunod:


1. gawin ang teknikal na bokabularyo, o kaya’y pagsasalin ng mga ito.
2. kailangan ring bumuo ng kabuuang register o espesyal na varayti ng wika (maaaring abutin
ito ng dekada)
3. Pagtanggap ng mga intelektwal na disipulo
Gagamit ng mga bokabularyo at termonolohiya upang bumuo ng kaisipan o ng grupong
nagpapatuloy sa pagpapalaganap.
4. Ang kondisyong panlipunan, lalo na sa political at ekonomikong kondisyon na maaaring
magpadali sa proseso ng paglathala, pag-unlad ng mga aklatan, pagbuo ng korpus ng
siyentipikong literature sa intelektwalisadong wika

 Ang mga ito ay pwedeng pagpilian ng lipunan depende kung gaano katatag at
organisado ang gobyerno sa pag-implementa nito.
 Ang problema sa intelektwalisasyon ng ilang wikang pambansa ay nasa agham.

Panloob na Dimensyon ng Intelektwalisasyon ng Wika

Pananaw Sikolohikal
Sa proseso ng pagsasalin, kailangan ang higit pa sa linya sa linyang paglilipat. Kailangan
ang rekonseptwalisasyon. Ang pinakamahirap na bahagi nito ay ang paglalarawan nang
detalyado at ng pagpangalan sa isang pisikal na realidad. Mahirap gawin ang intelektwalisasyon,
pagpapangalan, paglalarawan ayon sa pagkaintindi dito sa espesipikong disiplina.

Panlabas na dimension ng intelektwalisasyon ng wika:


Pananaw na Sosyolohikal
Ang paraan ng intelektwalisasyon sa loob ng isang larangan ay kailangang dumaan sa
utak ng individwal na mag-aaral sa disiplina sa tinatarget na wika. Kung maulit ang prosesong
ito sa ilang tao ay isa nang bagay na kailangan ang ugnayan sa tao, pamumuno at karisma ng
isang tao o grupo ng tao. Ang bilis ng paglaganap ng wika ay batay sa mga kondisyong
lingwistiko o kaya’y potensyalidad, dahil lahat ng wika ay may potensyal sa intelektwalisasyon.
Ang mismong lipunan ang dapat mamili kung gagamitin o hindi ang local na wika bilang
intelektwal na lingua franca para sa akademikong komunidad.
Sa proseso ng intelektwalisasyon, ilang mga wikang pambansa ang buong madedevelop
sa lahat ng domeyn. Ang ilan naman na opisyal at ginagamit sa pagtuturo sa local na sistema ng
edukasyon ay maaaring madevelop bilang pangunahing wikang pambansa dahil maliit, limitado
ang resorses at walang inaasahang katatagang political ang bansa. Ganito sa Pilipinas kung
titingnan ang kundisyong political, sosyal, at ekonomiko sa bansa. Gayunpaman, ang
realistikong limitasyon ng mga posibilidad ay kailangan pang matanggap ng mga nasyonalistiko
sa Pilipinas.

Referens
Constantino, Pamela C. 2005. FILIPINO At Pagpaplanong Pangwika: Ikalawang Sourcebook
ng SANGFIL. Quezon City:Sentro ng Wikang Filipino, UP Diliman.

You might also like