Professional Documents
Culture Documents
I. PANIMULA
Ang pagsulat ay isa sa pinakakomplikadong makrong kasanayan na nangangailangan ng
masidhing pag-unawa. Kasangkot dito ang uri, paraan, hakbang at iba pang kaalaman.
Sa modyul na ito iyong mapag-aaralan ang mga konsepto at proseso ng malikhaing
pagsulat mula pagkuha ng paksa hanggang sa pagbuo rito. Higit sa lahat susubukin ka rin sa iyong
pag-unawa sa pamamagitan ng paglikha ng mga halimbawa ng sulatin na naayon sa mga
pangyayari sa buhay at lipunan.
PROSESO NG PAGSULAT
Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito
ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at
pagsulat muli ng nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at
pagkatapos ay pagsulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin.
Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel patungo sa isang
kumpletong sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng mga
kailangang impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabing mahirap ang magsulat lalo
na kung hindi natin alam ang ating isusulat.
Sa pagsulat, walang taong magtatangkang sumulat kung walang plano sa dapat isusulat.
Dapat isaisip at planuhin ang susulatin sa gayon kailangan ang pagkokolekta ng mga impormasyon
kaugnay sa nabuong ideyang isusulat. Dapat tandaan sa pagsulat ang magiging epekto ng akda sa
mambabasa.
Hindi madaling magsimula ng susulatin dahil kaharap mo ang isang blankong papel.
Naghihintay ka sa pagdaloy ng isip o talagang wala kang maisip. Ito ang karaniwang
nasusumpungan ng mga manunulat lalo na ang mga baguhan.
Ang isang manunulat ay maaaring makakukuha ng mga ideya o paksa sa: (a) iba’t ibang
uri ng babasahin tulad ng mga magazine, pahayagan, peryodikal; (b) ,midya – radyo, telebisyon,
internet; (c) mga pelikula o dokumentaryo; (d) mga sining biswal; (e) mga panaginip o alaala; (f)
diskusyon at palitang-kuro; (g) pagsasatao at pagsasadula; (h) pananaliksik; (i) interes ng sarili o
ng klase.
Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa isang upuan lamang.
Ang isang magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa burador hanggang
sa pinal na papel.
Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga estudyante na
nahihirapan sa gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila
nakakahiligan ang pagsulat. Ang mga katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo nito,
magagawa natin ang pagsulat nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang proseso at
hindi isang gawain na dala lamang ng pangangailangan.
Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante (2000), ang
pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador;
(C) Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.
✓ Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at
pinapalitan ang dapat palitan.
D. Pag-eedit
✓ Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap,
wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.
✓ Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay
naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-magkaugnay na pangungusap ay
muling isinusulat upang higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.
E. Paglalathala
✓ Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa. Kabilang
sa gawaing ito ang mga sumusunod:
1. Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus
2. Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba
3. Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat
4. Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat
KAHULUGAN NG PAGSUSULAT
Ano ang pagsulat?
1. Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na permanenteng
panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kung saan maari itong mulingmakuha
nang walang interbensyon ng nagsasalita.
2. Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolong ginagamit upang
kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala
ang mga mensahe na maaaring makuha o mabigyang – kahulugan ng sinuman na may alam sa
wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.
3. Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang isipan.
4. Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha at makagawa ng maayos
na sulati; isang kasanayan.
5. Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at produkotong konteksto na
nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig an gating nadarama na di natin kayang sabihin
6. Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at makumbinsi
ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion.
7. Ayon kay Arapoff, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay
ng pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan..
8. Ito ay isang tao-sa-taong komunikasyon at paraan ng paghubog ng damdamin at isipan ng tao.
Kahalagahan ng Pagsulat
a. Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang
nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam
pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.
b. Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang
nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung
nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang
iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang
sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin
tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
c. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y
nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang
paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.
d. Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga
naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.
BAHAGI NG TEKSTO
B. GITNA O NILALAMAN
Ito’y pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng mga
pangunahing kaisipan at mga pantulong o pansuportang detalyeng maayos ang pagkasunod-sunod
tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa.
Sa pagbuo ng bahaging ito ng komposisyon, alalahaning dapat na mapanatili angkawilihan
ng mga mambabasa. Ang nakalilito at malabong pagpapahayag ng mga ideyaay makababagot sa
mga mambabasa. Kailangang mapagsama ang mga kaisipangmagkakatulad, magkakauri at
magkakaugnay upang maging maliwanag at hindinakalilito ang pagpapahayag.
Mga Paraan
1. Pakronolihikal
Ito’y pag-aayos sa mga pangyayari na magkasunod-sunod mula sa pinakamatagalhanggang
sa pinakasalukuyan.
2. Paanggulo
Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat taotungkol
sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Ang isang isyu, ang tatlong
anggulo ay sapat na para makabuo ng isang komposisyon.
3. Paespasyal o Paagwat
Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-bagay dito’y
alam na alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang mga bagay-agay ay hindi gaanong
kilala o VISE versa
C. WAKAS O KONGKLUSYON
PAMAMARAAN NG PAGSULAT
Pag-asinta (Triggering)
Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may
paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat.
Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.
Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas.
Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating
sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine, ensayklopedya, pahayagan,
interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.
Paghugis (Shaping)
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis ang ating paksang
susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng
mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus ng ating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong
sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
Pagrebisa (Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay
nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador,
hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago
at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.
Ano ang prompt na ibinigay sa akin? Kung nagsusulat ka ng isang talata bilang isang tugon o
sagot sa isang partikular na prompt, tulad ng "Napagpasyahan mong magbigay ng pera sa charity.
Aling charity ang pinili mo at bakit?" o "Ilarawan ang iyong paboritong araw ng linggo,"
kakailanganin mong mag-isip nang mabuti tungkol sa prompt na iyon at siguraduhin na direkta
mo itong tinutugunan, sa halip na umalis sa paksa.
Ano ang mga pangunahing ideya o isyu na kailangan kong tugunan? Pag-isipan ang tungkol
sa paksang tinanong sa iyo o napagpasyahang isulat at isaalang-alang kung ano ang pinaka-
kaugnay na mga ideya o isyu na nauugnay sa paksang iyon. Tulad ng mga talata ay karaniwang
maikli, mahalaga na subukan mong ma-hit ang lahat ng mga pangunahing ideya, nang hindi
lumalabas sa paksa.
Para kanino ako sumusulat? Mag-isip tungkol sa kung sino ang magiging balak na mambabasa
ng talata o papel na ito. Ano ang kanilang naunang kaalaman? Pamilyar ba sila sa paksang nasa
ngayon, o mangangailangan ba ito ng isang bilang ng mga paliwanag na pangungusap?
Kung ang iyong mga talata ay bahagi ng isang mas malaking sanaysay, ang pagsulat ng isang
balangkas ng sanaysay ay maaaring makatulong sa iyo na tukuyin ang mga pangunahing ideya o
layunin ng bawat talata.
Isulat ang impormasyon at mga ideya na nauugnay sa paksang iyon. Kapag mayroon kang
isang mas malinaw na ideya ng kung ano ang nais mong tugunan sa iyong talata, maaari mong
simulan ang pag-aayos ng iyong mga saloobin sa pamamagitan ng pagsulat ng iyong mga ideya sa
isang notepad o dokumento ng salita. Hindi na kailangang magsulat pa ng buong mga
pangungusap, isulat lamang ang ilang mga pangunahing salita at parirala. Kapag nakita mo na ang
lahat sa papel, maaari kang makakuha ng isang mas malinaw na ideya kung aling mga puntos ang
mahalaga upang isama sa iyong talata, at kung aling mga puntos ang labis.
*Sa puntong ito, maaari mong mapagtanto na mayroong isang puwang sa iyong kaalaman
at kinakailangan na maghanap ng ilang mga katotohanan at numero upang suportahan ang iyong
argumento.
*Magandang ideya na gawin ang pagsasaliksik na ito ngayon, upang madali mong maabot
ang lahat ng nauugnay na impormasyon pagdating sa yugto ng pagsulat.
Gawin: huwag mag-atubiling magsimula sa isang hindi malinaw na ideya kung sa tingin mo ay
natigil, at pagbutihin ito kapag natapos mo ang talata.
*Ang bawat iba pang pangungusap na iyong isinulat ay dapat suportahan ang paksang
pangungusap at magbigay ng karagdagang detalye at talakayan ng mga isyu o ideyang inilabas
nito. Kung ang anumang pangungusap na iyong isinulat ay hindi maaaring direktang nauugnay sa
paksang pangungusap, hindi ito dapat isama sa partikular na talatang ito.
*Ang mga mas may karanasan na manunulat ay maaaring isama ang kanilang paksang
pangungusap sa anumang punto ng talata; hindi ito kinakailangang maging unang linya.
Gayunpaman, ang mga manunulat na bago o hindi gaanong komportable sa pagsulat ng talata ay
dapat na manatili sa pagkakaroon ng paksang pangungusap muna, sapagkat makakatulong ito
upang gabayan ka sa buong natitirang talata.
*Ang iyong pangungusap na paksa ay hindi dapat maging masyadong malawak o
masyadong makitid. Kung ang iyong pangungusap sa paksa ay masyadong malawak hindi mo
magagawang talakayin nang sapat ang mga ideya nito sa iyong talata. Kung masyadong makitid,
wala kang sapat upang talakayin.
Alamin kung kailan lilipat sa isang bagong talata. Minsan maaaring mahirap sabihin kung saan
dapat magtapos ang isang talata at magsimula ang isa pa. Sa kabutihang palad, maraming bilang
ng mga alituntunin na maaari mong sundin na maaaring magpasya na magpatuloy sa isang bagong
talata isang halatang isa. Ang pinaka-pangunahing patnubay na dapat sundin ay sa tuwing
nagsisimula kang talakayin ang isang bagong ideya, dapat kang magpatuloy sa isang bagong talata.
Ang mga talata ay hindi dapat maglaman ng higit sa isang sentral na ideya. Kung ang isang
naibigay na ideya ay may maraming mga point o facet, pagkatapos ang bawat indibidwal na aspeto
ng ideya ay dapat bigyan ng sarili nitong talata.
*Ginagamit din ang isang bagong talata sa tuwing magkakaiba ka ng dalawang puntos o
paglalahad ng bawat panig ng isang pagtatalo. Halimbawa, kung ang iyong paksa ay "dapat bang
makatanggap ang mga tagapaglingkod ng sibil ng mas mababang suweldo?" haharapin ng isang
talata ang mga argumento na sumusuporta sa mas mababang bayad para sa mga sibil na
tagapaglingkod, habang ang iba pang talata ay magbibigay ng mga argumento laban dito.
*Ang mga talata ay ginagawang mas madaling maunawaan ang isang piraso ng pagsulat at
bibigyan ang mga mambabasa ng isang "pahinga" sa pagitan ng mga bagong ideya upang matunaw
ang nabasa lamang. Kung sa palagay mo ang talata na iyong sinusulat ay nagiging kumplikado, o
naglalaman ng isang serye ng mga kumplikadong punto, baka gusto mong isipin ang tungkol sa
paghati-hatiin sa mga indibidwal na talata.
*Kapag nagsusulat ng isang papel, ang pagpapakilala at pagtatapos ay dapat palaging
bibigyan ng kanilang sariling mga talata. Dapat na tukuyin ng panimulang talata ang layunin ng
papel at kung ano ang inaasahan nitong makamit, habang nagbibigay din ng isang maikling
balangkas ng mga ideya at isyung tatalakayin nito. Ang pagtatapos na talata ay nagbibigay ng isang
buod ng impormasyon at mga argumento na nilalaman sa papel at isinasaad sa malinaw na mga
termino kung ano ang ipinakita at / o napatunayan ng papel. Maaari rin itong magpakilala ng isang
bagong ideya, isa na magbubukas sa isip ng mambabasa sa mga katanungang itinaas ng papel.
*Kung nagsusulat ka ng kathang-isip, kailangan mong magsimula ng isang bagong talata
sa dayalogo upang maipakita ang isang bagong tagapagsalita.
Magpasya kung kumpleto ang iyong talata. Kapag nabasa mo ulit ang talata at naayos ang
anumang mga pagkakamali sa gramatika o pangkakanyahan, dapat mayroon ka pang isang sulyap
dito upang matukoy kung kumpleto na ito. Subukang tingnan ang talata nang may layunin at
magpasya kung sapat itong sumusuporta at bumuo ng iyong pangungusap na paksa, o kung
kailangan nito ng ilang higit pang mga detalye o karagdagang katibayan upang mai-back up ang
iyong mga paghahabol. Huwag: mag-bogged sa mga menor de edad na pag-edit bago mo natapos
ang iyong sanaysay.
Personal na Sulatin
Ito ay ang di pormal o impormal na uri ng sulatin. Ito ay kadalasang ginagamit ng mga
estudyante dahil sa ganitong paraan nila nailalabas ang kanilang saloobin, damdamin, ideya at iba
pa ng may kalayaan.
Liham
Dyornal
Tala
Talambuhay
Transaksyunal na Sulatin
Ito naman ang uri ng sulatin na pormal. Ito ay may sariling pokus at mensahe na nais
ipahatid.
Proposal
Patakaran
Memo
Plano
Malikhain na Sulatin
Ito ang sulatin na lumalabas sa mga hangganan karaniwang propesyunal, o teknikal na anyo
ng panitikan.
Nobela
Bugtong
Editoryal
Maikling Kwento
Pagsulat at Karanasan
Halimbawa:
Ngunit kailangang linawin na iba ang makata sa persona sa kaniyang tula, ang kuwentista
sa tagapagsalaysay sa kaniyang katha, at iba ang mandudula sa pangunahing tauhan sa kaniyang
dula. Kaya hindi ibig sabihing kung may pagkakatulad man sa pisikal na anyo ang manunulat sa
serial killer sa kaniyang kuwento, halimbawa, ay mamatay-tao na rin siya. Ibang usapin naman
ang personal na sanaysay, awtobiyograpiya, memoir, at mga katulad na akda na hayagang
nagpapakita ng karanasan ng manunulat.
May ilang manunulat na naniniwalang pag-aari na ng mambabasa ang isang teksto sa oras
na mabasa nila ito. Hindi na nila hawak kung ano ang kahulugan ng mga salitang iniluwal nila;
ang mga mambabasa na ang nagbibigay-kahulugan sa mga salita. Sabi nga ni Roland Barthes
(1997) sa “The Death of the Author,” ang kaisahan ng teksto ay hindi matatagpuan sa
pinanggalingan nito (awtor), kundi sa destinasyon nito (mambabasa). Kaya para sa mga manunulat
na ito, hindi na mahalaga kung hango ba sa kanilang karanasan ang akda. Ang mahalaga ay kung
paano ito babasahin at tatanggapin ng kanilang mambabasa.
Pagbuo ng Imahen
Ang epektibong pagbuo at paggamit ng imahen ay isa sa mga paksang karaniwang inaaral
ng mga bagong manunulat. Ano ba ang imahen? Ang imahen ay salita at pahayag na nag-iiwan ng
kongkreto at malinaw na larawan sa isipan ng mga mambabasa. Hindi lamang ito tungkol sa
simpleng paglalarawan ng isang tao, bagay, o pangyayari. Ito ay paglalarawang nagbibigay-kulay
sa inilalarawan at bumubuhay sa naratibo.
Idinisenyo ang imahen upang paigtingin ang paningin, pang-amoy, pandinig, panlasa, at
pandama ng mambabasa. Masasabing mahusay ang pagbuo at paggamit ng imahen kapag nadadala
ang mambabasa sa mundo ng tula o kuwentong binabasa.
Magandang halimbawa rin ng pagbuo at paggamit ng imahen ang saknong na ito mula sa
tulang “Ale-aleng Namamayong” ni Julian Cruz Balmaseda. Malinaw na malinaw ang
paglalarawan sa isang modernong Pilipina noong dekada 1920:
Isa rin sa mga pinakagamiting halimbawa ang Imagist na tulang “In a Station of the Metro”
ni Ezra Pound:
Ang tulang ito ay binubuo ng 30 Iinya noong una itong isulat ni Pound. Ngunit binakias
niya ito at ang natira na lamang ay ang sinematikong imahen ng dalawang linyang binubuo ng 14
na salita. Ipinakikita dito na hindi kailangang gumamit ng maraming salita sa paghuli, pagbuo, at
paggamit ng imahen. Ito ang sinasabing ekonomiya ng salita sa pagsulat.
3. Gumamit ng simbolo.
Gamit ang isang imahen, nagagawa ng manunulat na magpahayag ng higit sa isang diwa.
Ang baha, sunog, kagubatan, karagatan, at takipsilim ay ilan lamang sa mga unibersal na simbolo.
Ang baha ay parehong sumisimbolo ng pagkasira at paglikha; ang sunog ay nagbibigay ng init at
buhay ngunit may kapangyarihan din itong manira at kumitil ng buhay; ang kagubatan at karagatan
ay nagpapakita ng kagandahan at karahasan ng kalikasan; at ang takipsilim ay simbolo ng halalapit
na pagyao.
Diksiyon
Ang diksiyon ay isa sa mga isinasaalang-alang ng mga makata at kuwentista sa kanilang
paglikha. Sa simpleng pakahulugan, ang diksiyon ay ang mga salita, parirala, o pahayag na
pinipiling gamitin ng manunulat. Isa ang diksiyon sa mahahalagang elemento ng panitikan dahil
ginagamit ito sa pagpapahayag ng aksiyon, paglalarawan ng lunan, pagpapakilala ng tauhan,
pagtukoy ng tema, paghuhudyat ng atityud, at iba pa. Ginagamit din ito bilang pantulong sa pagbuo
ng tono ng kabuuang akda.
Halimbawa, sa unang tingin, pareho lamang ang ibig sabihin ng mga salitang bahay,
tahanan, tirahan, at tinutuluyan. Ngunit maaaring mag-iba ang kahulugan ng mga ito depende sa
konteksto. Kung ang persona o pangunahing tauhan ay may mapagmahal at mapagkalingang
pamilya, maaaring “Sa tahanan kung saan ako lumaki” ang isusulat ng awtor. Kung siya naman ay
hindi ganoon kalapit sa kaniyang pamilya, maaaring “Sa bahay kung saan ako lumaki” ang pipiliin
ng manunulat. Ang “tirahan” ay lugar lamang kung saan nananatili ang tao, samantalang ang
“tuluyan” ay kung saan pansamantalang nananatili ang tao. Iba pang halimbawa:
payat, seksi, patpatin, slim, tingting na nagkatawang tao, simpayat ni Kim Chiu
mataba, malusog, mabilog, mapintog, chubby, obese, lumba-lumba, elepante
kumain, tumikim, lumamon
matakaw, masiba, patay-gutom
ama, tatay, tatang, itay, papa, papang, dad, daddy
mahirap; dahop; dukha; isang kahig, isang tuka; poor; Purita Kalaw-Ledesma
Sa humor writing nina Bob Ong, Marcelo Santos, Eros Atalia, Beverly Siy, at Joselito delos
Reyes, mapapansing pang-araw-araw na lenggLiwahe ang kanilang ginagamit—impormal,
kolokyal, balbal, at minsan ay bulgar. Magaan at karaniwan ang mga salita at pahayag dahil ang
layunin ay magpatawa. Hindi magtatagurnpay ang mga akda sa kanilang layunin kung
napakaseryoso ng mga pahayag. Tiyak na hindi papansinin ang mga ito.
Ihambing ang diksiyon sa mga akdang ito sa mga akdang ang namamayaning tono ay
lungkot, pagdurusa, at pighati. Karaniwang mabigat, pormal, at seryoso ang lengguwaheng
ginagamit ng mga awtor upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Kailangang maging
maingat ang manunulat sa diksiyon. May mga mambabasang patulo na ang luha sa binabasa ngunit
biglang magbabago ang diksiyon. Ano ang nangyari? Bakit biglang gumaan ang eksena? Bakit
biglang nagpatawa ang persona sa isang linya ng tula? Sa mga pagkakataong tulad nito, maaaring
mapakamot lamang ng ulo ang mambabasa, o kaya naman ay itigil na ang pagbabasa ng akda dahil
sa inis.
Ang malikhaing pagsulat ay kilala rin bilang Panitikan o literatura kung saan ang
manunulat ay malaya sa pagpapahayag ng mga naiisip at nararamdaman kaugnay ng mga paksang
LAYUNIN NG PAGSUSULAT
Pansariling Pagpapahayag o Ekspresiv. Ito’y pagsulat o pagtataya ng mga bagay na
nakikita, naririnig o nababasa. Ito rin ay nagpapahayag ng nararamdaman at nasasaloob ng mga
tao. May malayang pamamaraan, hindi gasinong pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng mga
salita bagkus minmahalaga ang mailbas ang tunay na iniisip at nadarama ng isang tao.
Kinapapaloobang ito ng sariling karanasan at mga pala-palagay ng manunulat hinggil sa ilang
pangyayari sa paligiid Hal. Talaarawan, jornal, personal na liham, mga reaksyon at mapa o diagram
Pagpapahayag na Impormasyonal o Transaksyunal. Ginagawa ito kung nais
magpaagbot ng mensahe, balita o magpaliwanag, magpayo o makiusap. Gumagamit ito ng mas
pormal at kontroladong paraan sapagkat may istilo na dapat isaalang-alang upang maihatid ang
mensahe sa target niyang mambabasa. Halimbawa: liham, memorandum, reviewer, riserts,
komentaryo, kritiko, ulat, report, poster o slogan at sanaysay
Malikhaing Pagsusulat. Sa tulong ng imahinasyon ng kaisipan ng manunulat at
kapangyarihan sa register ng wika, nagagawang ilarawan ng manunulat ang lipunang kanyang
ginagalawan. May sapat na lakas ang mga salita upang ipadama sa mga mambabasa ang panaromic
na larawan ng buhay. Kabalikat din ang mga maretorikang salitang gagamitin upang mabatak ang
kuryosidad at inspirasyon ng mambabasa.
KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
Mahalaga ang pagsulat dahil kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala
na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon. Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay,
pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel
pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumapay. Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat
tayo ng liham na aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila
sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at marami pang iba.
Mahalaga rin ang pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa iba’t ibang
lugar at sa iba’t ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang aspeto n
gating kultura ay napananatiling buhay sa pamamagitan nito. Sa pamamagitan ng mga nasulat na
tala ay natututuhan natin ang kasaysayan n gating lahi; ang mga paniniwala at matatayog na
kaisipan ng ating mga ninuno; at ang mga pagbabago at pagsulong ng ating bansa.
Personal na sulatin – impormal, walang tiyak na balangkas at pansarili. Ito ang pinakagamiting
uri sa mga mag-aaral dahil nagagawa nilang iugnay ang anumang paniniwala, damdamin, pag-
iisip, o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili.
Transaksyunal na sulatin – pormal, maayos ang pagkakabuo at naka pokus sa mensahe na nais
ihatid dahil komunikasyon ang pangunahing layunin nito.
Malikhaing sulatin – masining na paglalahd ng nasa isip o nadarama. Karaniwang binibigyang
pansin ang wikang ginagamit katulad ng tula, maikling istorya awit, anekdota.
Mga Bahagi
1. Simula / Panimula – Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang inaasahan kung
ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng akda ang
atensyon at damdamin ng mambabasa.
2. Gitna / Katawan – Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o
idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong
puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o
binibigyang pansin.
3. Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng
isinulat niya. Dito tin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na
maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.
PAGSULAT NG BIONOTE
❖ Nakasulat gamit ang punto de bistang pangatlong panauhan
❖ Ang bionote ay impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung
sino ka o ano-ano na ang mga nagawa mo bilang propesyunal.
❖ Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon tungkol sa iyo na may kaugnayan sa
paksang tinatalakay sa papel, sa trabahung ibig pasukan, o sa nilalaman ng iyong
blog o web site.
❖ Iba ang bionote sa talambuhay at autobiography. Ang bionote ay maikli at siksik,
samantalang mas detalyado at mas mahaba ang talambuhay at autobiography.
❖ Iba rin ang bionote sa biodata at curriculum vitae.
V. PAGTATAYA
A. Sumulat ng isang teksto patungkol sa lumalaganap na Covid 19 dito sa ating lalawigan. Siguraduhing
may panimula, katawan at wakas ang tekstong gagawin. Tandaan, kailangang hindi bababa sa 100 na
salita ang gagawing teksto.
___________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
B. Lumikha ng isang talata patungkol sa napapanahong isyu sa inyong sariling pamayanan. Sundin
ang kaalaman na nailahad sa inyong modyul.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
C. Bumuo ng isang orihinal na kwento kaugnay sa karanasan sa buhay gamit ang iba’t ibang
estratehiya na angkop sa konteksto ng pagkatuto-pagtuturo ng malikhaing pagsulat.
VI. SANGGUNIAN