You are on page 1of 5

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

1
Sulating Akademik 3

Sulating Akademik 3

Mga Batayang Kasanayang Dapat na Matamo:


 Nailalahad ang mga proseso ng pagsulat
 Nakasusunod sa estratehiya o istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin

Simulain para sa iyo:

Ilahad ang mga magandang dulot o tulong ng pag-aaral ng proseso ng


pagsulat.

Talakayin at unawain: Mga proseso sa pagsulat


1. BAGO SUMULAT (Prewriting)
Ito ang unang hakbang upang makabuo ng isang sulatin.
Nangangailangan munang mag-isip ng isang paksa at magkakaroon ng
“brainstorming” o malayang pagbibigay ng saloobin at ilang kaalaman
ukol sa paksang napili. Mahalaga ring magkaroon ng pangangalap at
paglilista ng mga datos, pagbabasa at pananaliksik, interbyu at sarbey.
Magiging madali na lamang ang pagsusulat kung matibay na ang

Course Module
kapasyahan sa pagpili ng paksa at paggawa ng klaster o pagmamapa
sa mga ideya.

2. HABANG SUMUSULAT (Actual writing)


Ang hakbanging ito ay pasimula na ng pagsusulat ng isang burador o
draft (sulating ginagawa muna bago maging pinal na bersyon). Dito na
ang aktuwal na pagsulat ng mga nakalap na impormasyon at pagbuo
ng isang sulatin. Ginagawang malaya ang pagsulat at hindi muna
nagiging mapaghatol sa mga isinusulat. Sa hakbanging ito ay
nakakagawa ang isang manunulat ng sulatin sa paraang tanong-sagot
o palitang kuro, sariling opinyon, batay sa nakalap na impormasyon,
at dating kaalaman.

3. PAGKATAPOS SUMULAT (Post Writing)


Sa bahaging ito ay maaari nang basahing muli, suriin at irebisa o iedit
ang mga ideya, magkaltas o magdagdag ng mga ideya kung
kinakailangan. Sinisigurado rin ang gramatika sa bahaging ito upang
magkaroon ng katiyakan at kalinawan sa paghahatid ng diwa mula sa
mga nabuong pahayag o ideya. Kung tiyak na sa gramatika,
pagkakasunod-sunod ng mga ideya at kaisahan ng nabuong sulatin ay
maaari na ring tiyakin ang mga wastong baybay, gamit ng salita,
bantas at kapitalisasyong naisulatupang maging pinal na papel o
sulatin.

Bahagi ng teksto
1. PANIMULA
Ang introduksyon ang magbibigay ng impresyon at motibasyon sa
mambabasa kung ipagpapatuloy pa niya ang pagbabasa sa teksto. Kaya
isang malaking hamon sa isang manunulat ang sumulat ng kapukaw-
pukaw na simulain para magustuhan ito ng mambabasa.

2. KATAWAN
Ito ang may pinakamahabang bahagi, sapagkat dito ipinaliliwanag,
inilalarawan, nangungumbinsi, nagsasalayasay, o iniisa-isa ang mga
pahayag nang may pagkakaugnay at may kaisahan. Maaari ring itong
balangkasin upang mas mabisa ang pagkakabuo sa gitnang bahagi ng
sulatin.

3. WAKAS
Sa bahaging ito, naglalaman na ito ng kabuuan ng sulatin. Dapat din itong
maglaman ng mga pahayag o ideya na mag-iiwan ng aral o kakintalan sa
mga mambabasa.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
3
Sulating Akademik 3

Mga dapat na sunding estratehiya sa akademikong pagsusulat


Mahalagang may sinusunod na estratehiya bilang gabay sa pagbuo ng isang
akademikong sulatin. Narito ang mga sumusunod (Rosario U. Mag-atas et. al.,
2011):
 Pakikinig nang mabuti sa mga lektura o talakayan at itala ang mga di-
pamilyar na bokabularyo.
 Magbasa ng iba’t ibang sulatin hinggil sa isang tiyak na larangan at
pag-aralan ang mga istilo o huwarang ginamit sa pagkakasulat nito.
 Alamin ang isyung napapanahon hinggil sa isang tiyak na larangan at
kung paano magkakainteres ang mga mambabasa ukol dito.
 Sumangguni muna sa mga tiyak na huwarang teksto bago
magsimulang sumulat sa isangtiyak na larangan.
 Kumonsulta sa mga taong bihasa sa pagsulat sa larangang nais
pasukin gayundin kung ano ang inaasahan (expectation) ng madla
mula rito.
 Isaalang-alang din ang paggamit ng lohika. At ito ang mga sumusunod:
o Maling paglalahat. Ito ay kadalasang humahantong sa
tinatawag na stereotyping kapag hindi naagapan. Halimbawa.
Bagaman may mga babaeng magaslaw/masagwang tingnan
kapag naka-miniskirt ay hindi tamang ipagpalagay nalahat na
lamang ng nagsusuot ng miniskirt ay pawang magagaslaw.
o Pagtalon sa kongklusyon nang walang kaukulang batayan.
Halimbawa. Bagaman sinasabi ng 1991 EDCOM (Educational
Commission) repot na bumaba ang antas ng pagkatuto ng mga
Pilipino gamit ang banyagang wika ay hindi ito
nangangahulugan na ganap na walang saysay ang naging
implementasyon ng bilinggwalismo sa bansa. Ang ganitong
pananaw ay nangangailangan ng ibayong pag-aaral o
pagpapatunay.
o Maling Pagpapakahulugan. Sa wikang latin ay tinatawag
itong Non Sequitor na nangangahulugan sa wikang Ingles na It
does not follow. Halimbawa: Si Ana ay mahusay sumulat ng
tula kaya siya ay magiging mahusay na guro sa hinaharap. Ang
koneksyon sa pagitan ng pagiging magaling na guro at
mahusay na manunulat ay hindi man lamang naistablisa kaya
paanong magiging tama ang ganitong pahayag . . .
o Kaswal na pagkakamali. Sa wikang Latin ay tinatawag itong
Post Hoc, ergo prompter hoc na nanganghulugan sa Ingles na
After this, Therefore because of This . . .
o Pag-atake sa Personalidad. Sa wikang Latin ay tinatawag na
ad hominem na mas kilala sa tawag na character assassination
sa wikang Ingles. Ang akademikong pagsulat ay laging
nakakawing sa pagiging responssable at walang puwang dito
Course Module
ang mga walang batayan at di-makatarungang pagpuna na
maaaring makasira sa personalidad ng iba.
o Paulit-ulit na pangangatwiran. Ang paikot-ikot na pagahhain
ng argument ay nakababawas sa pagiging intelehente ng isang
sulatin. Tumutukoy ito sa mga pangangatwiran na wala
namang pinatutunguhan.

SURIIN:
1. Bakit kailangang sundin ang mga proseso sa pagsulat?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________
2. Ano-ano ang magiging epekto kapag hindi nasunod ang anumang proseso
sa pagsulat?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________
3. Ibigay ang kaugnayan ng proseo ng pagsulat sa bahagi ng teksto sa
pamamagitan ng dayagram sa ibaba.

B I
a n
g t
o r
H Go
sa id
ub tu
ma nk
Pun Was
alg ay
ga koo
ktS an
au sK
tm a
4. Bakit kailangan ng mga mag-aaral na tulad mo na pag-aralan ang mga
au t
proseso at bahagi ng teksto?
ps a
ou w
5. Paano nakatutulong sa iyo ang pagkatuto ng paksang ito?
sl a
a n
M t
GAWAIN: a
g
s
Pasulat o pasalita
u
Sumulat ng sanaysay ukol sa kalagayang pang-edukasyon ng Pilipinas.
l
Siguruhing masusundan ang proseso ng pagsulat at ang bahagi ng teksto.
a
t
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
5
Sulating Akademik 3

Kaugnayan sa Media
Gumawa ng isang blog mula sa nagawang blogsite. Bumuo ng mga
sanaysay ukol sa napapanahong isyu sa ating lipunan.

Pamantayan sa pagmamarka ng guro:


Nilalaman 40
Malikhaing blog site 30
Pagiging kilala ng mga blog site at mga sulatin 30
Kabuuan 100 puntos

References:
Rosario U. Mag-atas et. al., 2011, Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(Filipino 1) (Binagong Edisyon), Booklore Publishing Corporation,
Manila
Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS
Publishing House, Inc. Quezon City
The University of Manila, Modular activities in Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
sa Iba’t Ibang Panahon
Rolando A. Bernales, 2008, Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo
sa Pananaliksik (Batayan at sanayang-aklat sa Filipino 2, Antas
Tersyarya, Alinsunod sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon),
Mutya Publishing House Inc, Valenzuela City
Lakandupil C. Garcia et. al., 2012, Pananaliksik sa Wikang Filipino
(Intelektuwalisasyon, Disiplina at Konsepto), JIMCYVILLE
PUBLICATIONS, Malabon City
Lakandupil C. Garcia et. al., 2008, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananalik
(Binagong Edisyon), JIMCYVILLE PUBLICATIONS, Malabon City
Mary Joy A. Castillo, et. al., 2012, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik,
JIMCYVILLE PUBLICATIONS, Malabon City
The American Heritage Dictionary Third Edition, 1994, Dell Publishing
Group, Inc.

Course Module

You might also like