You are on page 1of 26

PAGBASA AT PAGSUSURI NG

IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK.
RICHIE GIALOGO UMADHAY, T-1, LPT, MAT-FIL(CAR)
Faculty, Tacurong National High School
Senior High School Department
DESKRIPSYON NG
KURSO:
•Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at
pagsusuri ng iba’t ibang anyo at
uri ng teksto na nakatutulong sa
pagbuo ng sistematikong
pananaliksik.
Pamantayan sa
Pagmamarka:
1.Written Works 25%
2.Performance Tasks 50%
3.Quarterly Assessments 25%
100%
Wika
CONCEPT MAP:

. .

. .
3 – 2 – 1 REFLECT
Makabuluhang
3 konseptong natutuhan
Di-malilimutang
2 karanasan o gawain

1
Tanong na nais pang
masagot
BUGTONG
Sira na nga;
Ngunit binubuo pa.

B A S A G
BUGTONG
Tinuran ang mga sinabi,
Ngunit wala namang nangyayari.

P A A S A
BUGTONG
Dalawang nag-uunahan;
Sa dulo’y iisa ang patutunguhan.

P A A
BUGTONG
Sa paghinga’y kaagapay;
Sa sakit maaaring ikamatay.

B A G A
BUGTONG
Maliit sa dagat;
Ngunit isda’y maaagap.

S A P A
BUGTONG
Hinagod ng tingin;
Ang bunga ng naiisip.

P A G B A S A
Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

• naipaliliwanag ang prosesong top-down at bottom-up ng pagbasa;


at

• naisasagawa ang prosesong top-down at bottom-up gamit ang


tekstong binasa.
MGA PAMANTAYAN SA
PAGTATAYA:

• Kawastuhan ng Dayagram 10
• Kahusayan sa Pagpapaliwanag 10

Kabuuang Puntos: 20
PROSESO NG PAGBASA

BOTTOM-UP

TOP-DOWN
MGA PAMANTAYAN SA
PAGTATAYA:

• Kawastuhan ng Dayagram 10
• Kahusayan sa Pagpapaliwanag 10

Kabuuang Puntos: 20
HOTS QUESTIONS:
• Paano nagaganap ang prosesong top-down sa
pagbasa? Kailan naman nagaganap ang prosesong
bottom-up?
• Paano ginagamit ng tao ang kanyang iskema sa
prosesong top-down?
• Paano nagiging makabuluhan ang mga kaalaman na
nakukuha sa prosesong bottom-up sa pagbasa ng
isang tao?
POST A COMMENT:
•Bakit mahalaga ang pagbabasa sa
buhay ng isang tao?
•Paano mo gagamitin ang mga
kaalamang natutuhan mo sa
pagbabasa?
Ang Tutong
ni: Arnel S. Vitor
Ang kalderong pinagsalangan
Ay binuksan
At
Presto!
Mabango . . . Malinamnam
Ang sinaing sa kalan,
Ngunit
Sa ilalim
Ay may tutong
Mamula-mula at maitim
Ito’y isang malaking tanong:
Hindi na ba mawawalan ng tutong
Ang kaldero ng kanin sa pugon?
Bakit hindi pagsamahin
Ang puti at ang itim?
May sustansya rin, marahil. . .
Kahit tutong. . . Kahit tutong. . .
Umaawit ng panaghoy
Ang mga tutong. . .
Umaamot ng tulong
Sa mga taingang makatutugon…
Ikinakaway sa hangin
Ang pinggang walang laman
Pinakakalansing
Ang sikmurang kumakalam
Ibinabandila ang saradong kamao
At sa kalangitang nakatunghay dito
Mandi’y ipinapaalala:
Sila man, kahit tutong, ay mga anak din
Ng panahon!
Sila … silang mga tutong
Ang higit na malapit sa nakapapasong
Halik ng apoy!
Kaunting habag
Kaunting habag mula sa mga nasa itaas…
Mula sa mga kaning maputi at masarap
Ito’y
Isang panawagan
Bakit ang tutong
Laging nasa ilalim…?
At bakit ihihiwalay sa paghahain?
Bakit hindi pagsamahin
Ang puti at ang itim
May sustansya rin, marahil…
Kahit tutong… kahit tutong…
PROCESSING QUESTIONS:
• Sino ang tinutukoy na tutong sa tula? Patunayan ang
sagot.
• Ano ang kahulugan ng salitang “umaamot” sa
pahayag na “Umaamot ng tulong sa mga taingang
nakatutugon.” ?
• Ano-anong mga isyung panlipunan ang tinalakay sa
tula?
PROCESSING QUESTIONS:
• Sa iyong palagay, bakit hindi ipinakakain ang
tutong, lalo na sa mga panauhin? Anong talinghaga
ng buhay ang nais ipahiwatig nito?
• Makatotohanan ba ang paksa ng tula?
Pangatwiranan ang sagot.
• Bilang isang kabataan, paano mo maiaahon ang
sarili sa hamon at hirap ng buhay? Pangatwiranan.
Pagtataya:
• Panuto: Tukuyin ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng prosesong top-down at
bottom-up ng pagbasa.

TOP-DOWN BOTTOM-UP
Takdang-Aralin:
Panuto:
• Magsaliksik kaugnay sa mga pamamaraan sa
pagbabasa. Maghanda sa gagawing pagbabahagian
at pagwawasto sa susunod na sesyon.

You might also like