You are on page 1of 8

Mga Pananda at Pantukoy

RICHIE GIALOGO UMADHAY


MASTER OF ARTS IN TEACHING – FILIPINO
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY – ACCESS CAMPUS
Pananda
 ay nagbabadya o nagsisilbing tanda ng gamit
ng pambalarila ng isang salita sa loob ng
pangungusap.
1. Pantukoy – ay kataga o mga katagang lumilinaw sa kailanan ng kasamang
pangngala o panghalip at kung ito ay tumutukoy sa tao, bagay o pook.

Tandaan:

 Si at sina ang mga pantukoy sa pantanging ngalan ng tao.

 Ang at ang mga ang mga pantukoy sa pangngalang pambalana at pangngalang


pantangi ng pook o bagay.

a. Ang bagong halal na Brangay Chairman na si G. Jose Santos, ay nanawagan sa


mga may-ari ng mga industriyang pambahay na taasan ang kalidad ng kanilang
mga produkto.
2. Pang-ukol

2.1 Pang-ukol na ng:

 Pananda ng Pangngalang Ginagamit na Layon ng Pandiwa

a. Nagtatayo ngayon ng pangkontrol sa baha sa Kamaynilaan.

 Pananda ng Pangngalang Ginagamit sa Panuring ng Paari.

b. Ang mga estero ng Kamaynilaan ay nilinis upang malayang dumaloy ang


tubig hanggang sa lawa,

 Pananda ng Pangngalang Ginagamit na Tagaganap ng Pandiwa

c. Winasak ng pamahalaan ang mga illegal na konstruksyon sa mga estero


upang mawala ang sagabal sa pagdaloy ng tubig.
2.2 Pang-ukol na sa:
 Pananda ng Pangngalang Ginagamit sa Layon ng Pandiwa

a. Nakipagtulungan sa maykapangyarihan ang mga taong-


bayan upang malinis nang mabuti ang mga malalaking
kanal.
 Pananda ng Pangngalang Ginagamit na Panuring

b. Maliligaya at nasisiyahan ang mga naninirahan sa paligid


ng mga esterong nilinis.
2.3 Pang-ukol na ni:

 Ang ni Bilang Pananda ng Pangngalang Ginagamit na Panuring na Paari

a. Ang talumpati ni Kalihim Torres ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng


mga kursong bokasyunal.

 Panandang ni sa Unahan ng Pangngalang Ginagamit na Tagaganap ng


Pandiwa

b. Ipinaliwanag ni Kalihim Torres na higit nating kailangang ngayon ang


mga dalubhasa sa mga kursong tekniko.
 2.4 Pang-ukol na kay:

 Ang kay Bilang Pananda ng Pangngalang Ginagamit na Layon ng


Pandiwa

a. Nakikipagtulungan kay Minister Roco ang lahat ng mga direktor ng


rehiyon sa lahat ng kanyang mga proyekto.

 Ang kay Bilang Pananda ng Pangngalang Ginagamit na Panuring

b. Ang paggalang ng mga mag-aaral kay Bb. Santos na kanilang guro


ay kahanga-hanga.
3. Ang Pangawing na (ay)
 Ito ay ginagamit upang ipakita ang ayos ng pangungusap.

a. Karaniwang Ayos (Panaguri + Paksa)

Hal. Laging galit si Fred.

b. Di Karaniwang Ayos (Paksa + Panaguri)

Hal. Si Fred ay laging galit.

You might also like