You are on page 1of 11

 

KABANATA 1
ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA ASIGNATURANG SENSYA NG
MGA PILING MAG-AARAL NG BSBA MARKETING MANAGEMENT NEUST-SIC
TABON ANNEX

Panimula
Ang wikang panturo ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Sa
pangkalahatan ay Filipino at Ingles ang ga opisyal na wikang panturo sa paaralan ngunit matagal
na itong isyu s larangan ng edukasyon sa kung ano ang mas dapat gamitin sa pagtuturo sa
paaralan. Mayroong nagsasabing wikang Filipino ang mas dapat gamitin dahil mas naiintindihan
ito ng mga mag-aaral ngunit sa kabilang banda, mayroon ding nagsasabi mas dapat gamitin ang
wikang ingles upang mas mahasa ang paggamit nito at ito ang Universal Language ng mundo.

Layunin ng mga akademikong institusyon na epektibong ipaintindi sa mga mag-aaral ang


bawat paksa at aralin ngunit obligasyon dinng bawat akademikong institusyon na tumupad sa
mga itinakda ng batas. Itinakda ng Patakarang Edukasyon Bilingguwal sa mga paaralan noong
194-1975 ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nag uutos na magkahiwalay na paggamit ng
wikang Pilipino at Ingles bilang midyum na pagtutro ng mga tiyak na asignatura sa primaryam,
intermedya at sekondarya. Ipinatupad ng pamahalaan ang Executive Order No. 210 noong Marso
17, 2003 na mulng nagtatakda sa wikang Ingles bilang panagalawang wika sa pagtuturo sa
pribado at pampublikong paaralan. Nilalayon ng kautusang ito na paunlarin pa ang kasanayan ng
mga estudyanteng Pilipino sa wikang Ingles. Kabilang sa probisyong ito ang pagtatakda na ituro
ang mga asignaturamng Matematika at Agham gamit ang wikang Ingles simula sa ikatlong
baitang ng mga paaralang primarya. Bukod pa rito, Inaatas ding gawing Ingles ang pangunahing
wikang panturo sa paaralang sekundarya. Inilabas din ng Kagawaran ng Edukasyon ang Order
No. 26 noong Agosto 22, 2006 upang maipatupad ng nasasabing utos. Sa pagsunod dito ng mga
Akdemikon Institusyon, hindi lamang sa loob ng silid-aralan ginagamit ang wikang Ingles ngunit
maging sa labas nito, isang patunay dito ay ang mga nakapaskil sa paligidna English speaking
zone at pagbabawal sa maga mag-aaral na gamitin ang sariling wika.
Sa kabilang banda Ayon sa Seksyon 6ng Artikulo 14 ng Kontitusyon 1987, ang wikang
pambansa ay Filipino. Ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig na umiiral na wika sa
Pilipinas. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng
kongreso, dapat mag sagawa ng mga hakbangin ang Pamaaalaan upang ibunsod ang puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum na opisyal ng komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa Sistema ng Edukasyon. Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 isinaad ang
pagbabago sa Patakarang Edukasyong Biligguwal na ang patakarang bilingguwal ay naglalayong
makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas na pambasa sa pmamagitan ng
pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum na pagtuturo sa lahat ng antas. Sa pag
pasok ng bagong kurikilum na K-12 Currriculum, ipinasa ng Kagawarang g Edukasyon ang
Kautusan Blg. 74 Serye 2009 na may pamagat na Intitutionalizing Mother Tongue-based
Multilingual education (MLE)
Sa kabila ng nasasbing batas at ordinansa, ang pagsasalita at paggamit ng wkang Ingles
ang nagging batayan ng lipunan sa katalinuhan aat antas ng isang tao. Mas itinataguyod ang
wikang Ingles bilang midyum na pagtuturo’t komunikasyon kaysa sa sariling wikang Filipino. Sa
kabilang banda naman, hindi rin makakailang may pakinabang rin sa mga mag aaral ang
pagtuturo ngamit ang wikang Ingles. Bukod sa lumalawak ang kanilang kaalaman hinggil sa
daigdig, nahahasa ang kanilang kakyahan gumamit ng ang wikang Ingles lalo na’t ito ang
wikang ginagamit sa larangan ng komersyo at agham ngunit hindi rin makakaila na mas
komportable ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang kinagisnan dahil mas naiintindihan nila
ang aralin kung wikang Filipino ang gamit sa pagtuturo lalo na sa mga mahihirap na paksa, at
mas naipapahayg at naipapaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin at mensahe.
Sabagong Kurikulum na K-12 at ang pag pasa ng Mother Tongue-Based Multilinual Education
(MLE), inaasahang mapapayabong hindi lamanag ang mag-aaral kundi pati ang sariling wika.
Iba-iba man ang mga dayalekto maaring makagisnan ng mga mag-aaral, ang mga dayalektong ito
ay wikang Filipino pa rin. Ang kalagagayan ng wikang Filipino sa larangan ng Edukasyon ay ay
kapansinpansin na pinagtutuunan ng pansin ang Wikang Ingles. Kapansinpansin din na mas
naiintindihan ng mga mag-aaral ang aralin kapag ang paksa ay ipinapaliwanag sa wikang
Filipino. Sa pag pili ng wikang ginagamit sa pagtuturo ay mahalagang isaalang-alang ang
kaunawwaan ng mga mag-aaral.
Layunin ng mga mananaliksik ang malaman ang kaapektuhan ng paggamit ng wikang
Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa mga piling mag aaral ng NEUST taong 2019-2020.

Ayon kay Gng.Reyno, "Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa
itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan."

Ang isang batang matatas sa wikang Filipino ay angat sa karaniwan. May kakayahan siyang
makipag-ugnayan sa kahit kanino sa ating bansa. Minsan isang tanghalian, habang ako ay
teacher prefect sa aking mga mag-aaral, naitanong sa akin ng isa kong estudyante kung bakit pa
raw niya pag-aaralan ang Filipino kung magiging CEO naman siya ng kanilang kumpanya
balang-araw. Sinagot ko muna siya ng isang tanong bago ko sagutin ang totoo niyang tinatanong.
“Gusto mo bang maging isang mahusay at mabuting CEO sa iyong mga manggagawa?” Sa
simpleng tanong kong ito, nakita ko ang pagkunot ng noo at pagsalubong ng kanyang mga kilay.
At habang ipinaliliwanag ko ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino upang makipag-
ugnayan mula sa simpleng manggagawa hanggang sa mga aral at dalubhasang kasamahan sa
kumpanya, nakita ko rin ang unti-unting pagliwanag ng kanyang mukha. Napalitan ng ngiti at
matamis na “Salamat Ma’am” ang natanggap ko mula sa kanya.

Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang
magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung tatanungin muli ako
kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon. Ang kabataan
ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino at
magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang
magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at kultura.
Nararapat lamang na matutuhan nila ito.

Si Gng. Desiree Reyno ay Subject Area Coordinator ng Ateneo Grade School. Bilang guro ng
Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga batang tinuturuan kung bakit nila pinag-
aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong ito, malalaman nila na higit sa isang asignatura ang
Filipino na kanilang pinag-aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at
kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika, magiging matatag ang
pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa
ating mga Pilipino. Ang mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang
mga kuwentong naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas
napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-
ugatan ng damdaming pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal sa ating bansa,
sa ating pagka-Pilipino. Hindi ba’t kay sayang isipin na nauunawan ng mga batang Pilipino ang
kanilang kultura gamit ang wikang Filipino?

Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang
Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit
ito araw-araw sa kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang
wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata ang mga bahagi
ng pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa kanyang
pakikipagtalastasan sa iba.

Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng pang-uri o salitang naglalarawan. Mas
mabuting ipalarawan sa mag-aaral ang kanyang kalaro o kaibigan kaysa ipaisa-isa sa kanya ang
mga salitang naglalarawan. Sa ganitong paraan, babaunin niya ang kaalaman at kasanayang
natutuhan upang sa kanyang paglabas sa paaralan ay magamit niya nang wasto at makabuluhan.
Ganoon din, isang araw, kapag kinailangan niyang ilarawan ang kanyang sarili sa oras ng
panayam o anumang gawaing may kinalaman sa pagpapakilala, kakayanin niyang gawin ito
dahil hindi naman itatanong sa kanya kung ano ang pang-uri sa halip, ipalalarawan sa kanya ang
kanyang sarili.

Ipinakikita sa Larawan Blg. 1 ang paradaym ng pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa
Pamantasang Sentral ng Maynila. Sa dalawang grupong kalahok, pagkukumparahin ang mga
iskor ng mga mag-aaral na nag-aaral gamit ang wikang Filipino sa iskor ng mga mag-aaral na
nag-aaral gamit ang wikang Ingles. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagsusulit na
magsisilbing pangunahing pagkukunan ng datos. Susuriin ng mga mananaliksik ang mga datos
upang mapatunayan ang bisa ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo.

Ayon kay June Jordan (2009), “You will never teach a child a new language by scoring,
ridiculing and forcibly erasing his first language. Sa simula ng pag-aaral, ang mother tongue ay
napakahalaga hindi lamang para mapaunlad ang mas matatag na pundasyon ng edukasyon kundi
para mas mapatibay ang kognitibong pag-unlad ng mga mag-aaral. Sa paghubog ng kakayahang
pangliterasiya sa unang wika, ang multilingual na base sa mother tongue ay makakatulong sa
pagpapatibay ng unang wika at tumutugon sa magandang transisyon mula sa L1 (unang wika)
hanggang L2 (pambansang wika) at L3 (internasyonal na wika) na ginagamit bilang paraan at
kagamitan sa pagtuturo.
PANGKALAHATANG LAYUNIN:

1.1 SA MGA MANANALIKSIK

Ang layunin ng aming pag-aaral ay para mapalawak ang kaalaman ng bawat estudyante ng
NEUST San Isidro kung ano ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa Asignaturang Syensya
upang makatulong na mas mapalawak ang ating kaalaman sa mahusay na pagpapaliwanag at sa
mabuting pagpapahayag ng saloobin.

1.2 SA MGA ESTUDYANTE

Mahalaga ito sa mga estudyante ang Wikang Filipino upang mabigyan sila ng malawak na
kaalaman at mabigyan nila ng pansin kung ano ang kahalagahan ng wikang Filipino sa atin.

1.3 SA MGA GURO

Mahalaga ito sa mga guro sapagkat malaking tulong sa pagpapalawak ng kaisipan ng mga
estudyante sa pamamagitan ng mabisang pagpapaliwanag at sa marami pang aspetong meron ang
asignaturang Filipino.

ANG SULIRANIN AT SAKLAW NITO

1. Ang mga mananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin bigyan ng kasagutan.
2. Sa ao-anong mga paraan nakakatulong ang Wikang Filipino sa mas higit na kaunawaan
ng mga aralin?
3. Ang suliranin ng mga mag-aaral kung papaano nila maipapaliwanag ang mensahe na
gustong iparating at saloobin upang mas maging epektibo na maipaliwanag
PANIMULANG HAKA

Naniniwala ang mga mananaliksik na mas dominanteng wika ang Ingles sa mga akademikong
institusyon dahil ang asignaturang gumagamit ng wikang Filipino ay ang Filipino lamang habang
ang natitirang mga asignatura ay gumagamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo.
Nakakatulong ang wikang Filipino sa pamamagitan ng mas madaling pag-unawa sa mga paksa at
dahil dito ay nagiging mas produktibo ang mga mag-aaral samantalang mas nahihirapang
umunawa ang mga mag-aaral sa mga paksang wikang Ingles ang midyum na nagdudulot ng mas
mababang kaproduktibuhan ng mga mag-aaral. At dahil sa nasabing mga rason, naniniwala ang
mga mananaliksik na mas mabisa ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo.
Mahalagang gamitin ang wikang Filipino upang mas mapagyabong ang sariling wika at sa mas
epektibong pag-aaral ng mga mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang wika sa isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa komunikasyon, pagkikipag-
ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan. Sa edukasyon, mahalaga ang wikang
ginagamit para sa mas epektibong pagtuturo sa mga mag-aaral.

PAGLALAHAD NG MGA KAUGNAYAN NG MAG AARAL AT LITERATURA

SURBEY NG SANGGUNIAN

Pamagat May- Taon/Petsa Buod o mahalagang bahagi na kailangan sa


akda/mga Pagkakatha pananaliksik
may-akda la
pagkakapos
t
(hanggang
elektoniko)
BANYAGANG National  Ayon sa National Education Support
PAG-AARAL Education Strategy ng United Educational,
Support 1953 Scientific and Cultural Organisation
Strategy ng (UNESCO), lubhang nakakabahala na
United mababang kalidad ng edukasyon sa
Educational, elementarya sa Pilipinas base sa
Scientific achievements rates. Dalawamput anim
and Cultural na porsiyento (26%) lamang ng mga
Organisatio mag aaral sa ika-anim na baitang ang
n may mastery of English (ang mastey ay
(UNESCO) 2005 nangagahulugan 75% o higit pa ang
marking nakuha). Tatlungpu’t isa
Kosonen (31%) ang may mastery of
(2005 2001 Mathematics at 15% naman ang sa
Agham. Ganun rin ang isinasaad ng
2000 istatisika sa High School: 7% na
Bialysok kahusayan sa Ingles; 16% sa
Matematika at 2% sa Agham.
Cummins 2007  Ang UNESCO ay hinihikayat ang
paggamit ng mother tongue instruction
King & sa primaryang edukasyo simula pa
Mackey nonong 1953 dahil simula’t sapul, ito’y
may kapakinabanangang maidudulot sa
edukasyon:
 Ayon kay Kosonen (2005) ang mga
bata sa mga probinsya na hindi gaanong
gamay ang dominanteng wika ay mas
lumalagi sa paaralan at mas madalang
na umulit na baitang ng pag-aaral; ayon
kila Bialysok (2001), Cummins (2000),
King & Mackey (2007),ang mga bata
sa multilingual educatiion ay mas
umuunlad sa thinking skills kumpara sa
mga monolingguwal.

 Ayon sa UNESCO, nakakabahala


ang mababang kalidad ng edukasyon sa
elementarya sa bansang Pilipinas base
sa “achievement rates”. Mahaba ang
porsyento ng kasanayan ng mga mag-
aaral sa elementarya sa larangan ng
mga asignaturang Matematika, Ingles at
Agham. Gayundin ang kasanayan ng
mga mag-aaral sa sekondarya, ang
porsyento ng kanilang kasanayan sa
Ingles, Matematika at Agham ay
mababa. Nangangahulugan mababa ang
porsyento ng kasanayan ng mga maag-
aaral sa Pilipinas na nasa elementarya
at sekondarya. Ayon kay Nolasco ng
Linguistic department ng Unibersidad
ng Plipinas, mas nagigigng mahirap ang
pag-aaral ng mga bata gamit ang
Wikang Ingles.

LOKAL NA  Noong taong 2003, inilabas ng dating


LITERATURA Pangulong Pangulong Gloria Arroyo ang E.O.
Gloria 2003 210na naglalayong palakasin ang
Arroyo wikang Ingles bilang ikalawang wika ng
Pilpino. Ito rin marahil ang dahilan
Arao 2010 kung bakit noong mga nagdaang taon,
isinulong ng isang mambabatas ang
pagtatag sa Ingles bilang tanging
midyum ng instruksyon. Ayon sa
“English bill” na inakda ni Rep.
Eduardo Gullas; mali ang sistema ng
edukasyon at ito raw ay
nangangailangan ng wikang dinamiko
tulad ng Ingles
 Inilahad ni Arao (2010), isang propesor
sa Department of Journalism ng College
of Mass Communication sa Unibersidad
ng Pilipinas, na ang mga studyante’y
mas komportableng gamitin ang wikang
kinagisnan nila, ang midyum na
ginagamit sa pakikipag – usap sa
magulang,mga kapatid, kalaro at iba
pang kakilala. Ito’y sa kadahilanang
nasa dugo ang pagiging Pilipino, ang
wikang Filipino’y natural na bahagi ng
katauhan ng bawat Pilipino. Wikang
Filipino ang kinagisnang wika at ito rin
ang gamit sa pakikipagtalastasan sa
pang araw-araw kaya hindi hamak
namas bihasa ang mga mag-aaral sa
paggamit nitong wika at mas
nakakaunawa sila kung sariling wika
ang gamit at hindi ang wikang bayaga.

LOKAL NA Nolasco 2010  Ayon kay Nolasco (2010) ng Linguistic


PAG-AARAL Department ng Unibrsidad ng Pilipinas,
sa cognitive aspect ng mental
DefEd 2019 development ng mga bata, mas
magiging pahirap ang pag-aaral gamit
ng wikang Ingles Halimbawa, ang isang
estudyante sa maynila na malamang ay
pinalaki sa wikang Tagalog, ay
siguradong malilito sa pag-aaral gamit
ang wikang Ingles. Lalo Itong naging
mas mahirap sa batang hindi-Tagalog
ang unang lingguwahe; mahirap
pagsabayin ang Filipino at Ingles ng
estudyante kung rehiyonal na dayalekto
(tulad ng Cebuana, Hiligaynon,
Mariano, o iba pa) ang ikinalakihan niya
sa bahay.
 Noong nakaraang taon lamang
inaprabuhan at aktuwal na paggamit ng
Multilingual Education (MLE) sa buong
bansa sa bisa ng Department Order #74
ng DefEd ngunit matagal na itong
ginagamit ng mga taga-Lubuagan sa
probinsiya ng Kalinga. Sa nagdaang
sampung taon.
 Ang 4th class municiplity ng Lubuagan
ang naging modelo ng bansa pagdating
sa Multi-lilgual education. Dalawang
dekada na ang nakakaraan,sila ay
napablang sa Top 10 non-performing
schools sa buong Pilipinas. Wikang
Libuagen (isang barayti ng Kalingan
dialect) lamang ang ginagamit sa
Lubuagan Elementary School mula
Grade 1 hanggang 3 kung kaya’t mas
naging madali ang pag-intindi ng mga
aralin kagaya ng Matematika, Agham,
pati na ang pag-aaral ng Filipino at
Ingles. Sa dalawang dekada na paggamit
ng bernakula; mayroong zero drop rate
ang paaralan. Noong 2006, ang
Lubuagan district ang nagtamo ng
pinakamataas na marka sa National
Achievement Test sa Grade3 Reading
Test sa Ingles at Filipino sa mean score
na 76.55% at 76.45%. Hindi rin
nahihirapan ng mga guro sapag tuturo
kunh kaya’t sila’y nahirang na “Best
School for Kalinga” at “ Model of
Multilingual Education in the
Philippines “. Ang mga resulta ng mga
pag-aaral ay mas maliwanag pa sa sikat
ng araw: para matamo ang kahusayan
ng mag-aaral sa Ingles o Filipino, ang
pinaka epektibong paraan ng pagtuturo
ay ang unang wika ng natutunan ng
bata. Kung nakaya nga ng mga bansang
Pransya, Alemanya, Tsina, Hapon, at
iba pa, na gamitinang kanilang sarilig
wika sa mga paa-ralan, siguradong
magagawa rin natin ito sa Pilipinas. ‘ Di
man sila ganoon kagaling sa Inglesan,
mas malalim naman ang kanilang pag
kakaintindi sa mundong nakapaligid sa
kanila.

BANYAGANG Arnold  Ayon kila Arnold, Barlett, Gowani, at


LITERATURA Barlett 2006 Merali (2006), maraming sistema png
Gowani edukasyon a buong mundo na ipinipilit
Merali ang ekslusibong pag gamit ng isa o
ilang pribelehiyong mga wika kahit na
nangangahulugan itong pag liban sa iba
pang wika nasanay ng sinasalita ng mga
bata. Tinutuon ng sisitemang pang-
edukasyon ang paggamit at pag hasa ng
isa o iilang mga wika na hindi
isinasalang-alang ang pang-unawa ng
mga mag-aaral.
BATAYANG Suriang Wi Nobyembre
LEGAL kang 13, 1936  Batay sa Suriang WikangPambansa (S
Pambansa ( WP)
SWP) “Itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas
Pambansa Blg. 184 (binuo ng SaligangBatas
Pambansang Asamblea). Pinili ang tagalog
1979 bilang batayan ng bagongpambansang wika.
Henry
Gleason  Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV,
Sek.3 
1994
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang
Mangahis tungo sa pagpaunlad atpagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa mga na
1986 umiiral na katutubongwika. Hanggang hindi
nag tatadhana ng iba ang batas , ang Ingles at
Santiago Kastila angpatuloy ng gagamiting mga wikang
opisyal.

 Ang wika ay napakahalaga para sa isang


bansa, ito ay isang mahalagang salik sa
pansariling kaunlaran at pang-araw-
araw na pamumuhay ng isang tao.
(Mag-atas,1998).
 Ayon nga kay Henry Gleason (1979),
isang Linggwista, ang wika
aymasistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos
sa paraangarbitraryo upang magamit sa
komunikasyon ng mga taong kabilang
sa isang kultura.
 Ayon naman kay Whitehood, isang
edukador at pilosopong ingles ang wika
daway kabuuan ng kaisipan ng lipunang
lumikha nito. Isinaad naman ni
Mangahis (1994) na hindi
mapapasubalian na ang wika ay
pinakamabisang kasangkapan
sapakikipagtalastasan. Ngunit hindi
kasangkapang mekanikal lamang, higit
ditto ay katangian,kalikasan at
kagamitan ng wika. Ito’y tagapagdala
ng ideya. Nahihikayat nito ang ugali ng
tao, ang isip at damdamin, gawa o kilos
nito, ang wika ay instrument ngpaglikha
ng makabuluhan at malikhaing pag-isip
upang magamit nang
sukdulangkagamitan ang wika, dapat
itong mahawakan nang buong husay at
angkingganap.Dagdag pa ni
Santiago(1986)
ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA ASIGNATURANG SENSYA NG
MGA PILING MAG-AARAL NG BSBA MARKETING MANAGEMENT NEUST-SIC
TABON ANNEX

# 12
03-04-20

MGA MANANALIKSIK

Calma, Juvylene H.

Cantos, Jhan Rhomel

Dela Cruz, John Patrick

Manalastas, Angeline M.

Villaroza, Tricia

You might also like