Professional Documents
Culture Documents
Tersyarya
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang ibang tinatadhana ang batas, Ingles. Ang wikang panrehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang
panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic.
SA ELEMENTARYA
SA SEKUNDARYA
SA TERSYARYA
Ayon pa rin kay Gonzales, apat na mahahalagang puntos ang dapt na isaalang-alang sa
pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya.
Una: Dahil sanay na sanay na sa Filipino ang mga estudyante pagtuntong sa kolehiyo
sa lebel ng BIC (Basic Interpersonal Communication) o iyong Filipino para sa gamit sosylisasyon
(social language skills), ang kailangan nila ay ang Cognitive Academic Language Proficiency
(CALP: Cummins, 1980, 1981) sa Filipino upang matuto sila sa paggamit ng Filipino sa higit na
matataas na abstraktong pag-iisip sa mga espesyal na paksa sa kurikulum.
Tinutukoy sa CALP ang kakayahang gamitin ang wika sa mga sitwasyong tinatawag na
context reduced, ang kakayahang gamitin ang wika sa pag-aaral at pagtalakay ng mahihirap na
kaisipan (abstractions). Sa madaling salita, malapit na kaugnay ng literasi ang CALP, ang
kakayahang gamitin ang wika bilang kasangkapan ng karunungan, pagbasa para sa mensahe at
para masiyahan at maglibang, pagsulat upang makipagtalastasan sa iba at marahil, ang mas
mahalaga, magagamit ang wika sa paglilinaw ng kaisipan at pagtuklas pa ng mga bagong
kaalaman at kaisipan. Kung patuloy na bibigyan natin ng madadaling babasahin ang mga mag-
aaral, mananatili silang mababaw sa wika (linguistic infant) at kalalakihan ang ganoong
kababaw at pagiging bansot sa kahinugang intelektwal (intellectual maturity) sa Filipino. Kaya
nararapat na turuan at sanayin natin ang mga mag-aaral sa pag-iisip nang malalim at
paabstrakto sa Filipino.
Ikalawa: Huwag ituro ang balarila kahit na makabago pa. Isang abstraktong disiplinang
teoretikal ang balarila. Hindi ito daan sa mas mataas na kasanayang pangwika kundi sa
kasanayan sa pagsusuri sa araling linggwistika. Sa kabilang dako, nararapat pa rin sigurong
bigyang puwang ang pagtuturo ng ilang aspektong pambalarila dahil kailangan ito sa
pagpapataas ng paggamit ng wika. Siguro nasa pangangailangan ang pagtuturo nito.
Ikaapat: Pasulatin sila nang pasulatin dahil isang kapangyarihan ang pagsulat sa
paglagong kognitibo at pagtatamo ng CALP. Ito’y mga sulatin na lampas pa sa pagsasalaysay,
eksposisyon, argumento, at deskripsyon.
Ayon pa rink ay Cummins (1981), ang CALP, kapag natamo sa unang wika, ay
magagamit o maililipat sa iba pang wika na matutuhan ng isang tao. Sa madaling salita, kapag
naging edukado ang isang tao, siya ay kikilalanin bilang isang tunay na edukado. Sa ganitong
kalagayan, matututuhan at magagamit niya ang wika na nakasanayan bilang kasangkapang
pangkarunungan (intellectual tool).
Ang CALP ay kaalamang matatamo sa tulong ng unang wika, halimbawa, Filipino at
nakapagpapadali ito sa pag-unawa ng mga input sa Ingles.
Isaalang-alang ang kasong ito ng dalawang bata na kapwa limitado ang kahusayan sa
Ingles nang sila ay tumuntong sa ikaapat na baitang. Natutuhan ng bata A ang matematika sa
kanyang unang wika at nauunawaan niya itong mabuti hanggang tumuntong siya ng ikatlong
baitang. Samantala, hindi masyadong naunawaan ng bata B ang pagtuturo ng matematika
hanggang sa nakatuntong siya ng ikatlong baitang. Kung ang matematika ay ituturo sa ikaapat
na baitang at Ingles ang wikang panturo, higit itong mauunawaan ng bata A kaysa sa bata B.
Madali rin siyang matututo ng Ingles dahil sa mas nauunawaan niya ang input. Mangyayari ang
ganito dahil mas mataas ang CALP ng bata A at maraming kaalaman sa matematika ang
natutuhan niya sa tulong ng kanyang unang wika. Kaya nga, dalawa ang naging
kapakinabangan ng bata A, samantalang nawalan naman ng dalawang bagay ang bata B: lalo
siyang mahihirapan sa pagkatuto sa matematika at mahihurapan din siya sa pag-aaral ng
Ingles. Ayon kay Cummins, ito ang dahilan kung bakit higit na magagaling ang ilang mga mag-
aaral mula sa ibang bansa na lumipat ng paaralan sa Amerika, halimbawa sa ikaanim na
baitang, na hindi nakapagsasalita ng Ingles ngunit natutong mabuti sa paaralan nila sa sariling
bayan, kung ihahambing doon sa matagal nang naninirahan sa Amerika. Nakatulong sa bagong
lipat na estudyante ang kanyang CALP at ang natamong kaalaman sa mga tiyak na
asignaturang pinag-aralan sa unang wika upang higit na maunawaan ang input sa Ingles.
Pagtanggap Paglikha
Pangunahing Kasanayan Pakikinig Pagsasalita
(Pasalita)
Sekundaryang Kasanayan Pagbasa Pagsulat
(Pasulat)
Ang pakikinig at pagsasalita ay mga pasalitang kaparaanan ng wika. Tinatanaw rin ang
mga ito bilang pangunahin (primary) dahil impormal itong natutuhan bago pa man pumasok sa
paaralan ang mga bata. Bagama’t alam natin na ang mga bata na may kaligirang literate ay
may taglay nang kaalaman tungkol sa pagbasa at pagsulat, tinatanaw pa rin ang mga pasulat
na kaparaanang ito ng wika bilang sekundaryang kasanayan (secondary) at nakaatang sa mga
guro ang paglinang ng mga ito at pormal na itinuturo ang mga ito sa paaralan.
Sa kabuuan, kung titingnan natin kung paano natutuhan at ginagamit ng mga mag-aaral
ang wika, ang dibisyong inilahad ay tunay na artipisyal o paimbabaw lamang. Ayon kay Smith
(1979), ang mga bata ay hindi gumagamit ng iba’t ibang pagproprosesong mental kapag sila ay
nakikinig, nagsasalita, nagbabasa, o nagsusulat. Lahat ng ito’y mayroong tunguhing
pangkomunikasyon at lahat ay nangangailangan ng pagbuo ng pagpapakahulugan tungo sa
pagtatamo at pagkatuto ng wika na integral na bahagi rin sa pagkatuto ng bawat aralin sa
kurikulum.
Kakaiba ito sa naunang dalawang modelo dahil ang kurikulum ay hindi nakabatay sa
mga aklat o pagsusulit. Layunin ng modelong ito na mapasigla ang pagkatuto sa mga
pagpoprosesong pangwika na inaasahang hahantong sa pagsulong at pagkatuto ng bawat mag-
aaral sa mga lawak na pangkasanayan at mga nilalaman. Dahil ang modelong ito ay iniuugnay
sa pangangailangan ng mga mag-aaral, wala itong pagtitiyak sa uri ng pagsusulit o pagtataya
ng pagkatuto. Ang anumang kagamitang panturo at iba pang karanasang pangwika ay pinipili
at iniaayon sa kawilihan at mga pangangailangan ng mga mag-aaral at mga guro. Ang
pagtataya sa anumang pagkatuto ay patuloy na isinasagawa at palagi nang may kaugnayan sa
mga “tunay” na karanasang pangklasrum at hindi sa mga artipisyal na pagsusulit (kaya lamang
umiiral dahil kailangang isagawa).
Ang tatlong modelong inilahad ay di dapat tanawin nang lubos o ganap. Gayunman, ang
bawat isa rito ay maaaring kumatawan sa iba’t ibang aspektong nais bigyang-diin o pagiging
unanang kahalagahan sa anumang programa sa sining ng wika.
Kung iguguhit mo sa isang canvas ang mga mag-aaral na produkto ng isang mahusay
na programa sa pagtuturo ng mga sining ng wika, ano ang kabuuan niya?
Hayaan ninyong ilarawan ko sa tulong ng ilang piling salita ang mag-aaral na ito. Siya
iyong mag-aaral na may sapat na kaalaman sa wika, alam kung paano gagamitin ang wika, at
may kabatiran bakit ang wika at literasi ay napakahalaga para sa isang lagom ng mga tiyak na
taerget na kaalaman, kakayahan, at saloobin na dapat na naipapakita ng isang mag-aaral ng
wika sa elementarya at sekundarya.
Ang pagtuturong pangwika ay kailangang may integrasyon sas iba pang lawak
ng aralin sa kurikulum ng batayang edukasyon.
Ayon kay Teale (1989),”ang isang epektibong programa sa mga sining ng wika ay hindi
nararapat na nakabatay sa mga batayang aklat at mga pagsusulit. Ito’y nararapat na
nakapokus sa mga mag-aaral att binuo ayon sa mga napapanahong teorya at simulain sa
pagkatuto at sa pagtatamo at pagkatuto ng wika.
A. SA ANTAS ELEMENTARYA
Dinagdagan ang oras sa pagtuturo ng Filipino para sa baitang I-III (80 minuto mula sa
dating 60 minuto) upang magkaroon ang mag-aaral ng sapat na panahon sa pag-unawa ng
bawat aralin at makapagsanay ng mga barayti ng mga tekstong piksyon at di-piksyon sa mga
gawain sa pagbasa at pag-unawa. Tiniyak din sa kurikulum ang inaasahang bunga sa pag-aaral
ng Filipino sa bawat baitang.
PAMANTAYAN 1 – PAKIKINIG
PAMANTAYAN 2 – PAGSASALITA
PAMANTAYAN 3 – PAGBASA
PAMANTAYAN 4 – PAGSULAT
Ang kurikulum ay isang panlahat na pantulong para sa mga paaralan at laging bukas sa
anumang pagbabago. At bilang tagapagpatupad ng alinmang kurikulum, tungkulin nating gawin
itong makabuluhan at taga sa panahon. Paano?
Sa pamamagitan ng isang regular na check-up upang alamin kung ito’y humihinga pa. at
noon ngang pagsisimula noong taong aralan 2005-2006, nagkaroon ng muling pagbisita sa
umiiral na kurikulum upang alamin ang kanyang kalagayan.
Noong Enero 5-6 2006, tumawag ang Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya (BSE) ng
isang konsultatibong pulong sa Filipino at iniulat nila ang kinalabasan ng isang sarbey na
kanilang isinagawa sa ilang representatibong paaralan sa buong Pilipinas. Isang pangunahing
rekomendasyon ng sarbey ang pagrerebyu ng BEC Filipino na nakatuon sa balangkas,
nilalaman, at mga kasanayan sa pagkatuto.
Binigyang-pansin din ang mga gaps, overlaps at/o duplikasyon ng mga nilalaman, lawak
at pagkakasunud-sunod. Kung paghahambingin ang kinalabasan ng sarbey sa BEC- Filipino
(2002) at ng SEDP (1989), halos pareho ang obserbasyong iniulat. Pag-aralan ang sumusunod:
Dahil ang mithiin natin sa pagtuturo ay malinang ang lahat ng aspektong panliterasi,
dapat isaisip ng bawat gurong nagpapatupad ng kurikulum na ang pagbasa, pagsulat,
pagsasalita, pakikinig, pagtanaw, at pag-iisip ay hindi nalilinang bilang mga hiwa-hiwalay na
component at hindi dapat ituro bilang mga hiwalay na asignatura. Sa katunayan, lahat ng
aspekto ng literasi ay nalilinang nang interaktibo at magkakasabay (Freeman at Hatch,
1989; Strickland, 1990). Samakatwid, ang literasi ay nalilinang sa mga mag-aaral habang
sila ay napapaharap sa mga awtentiko at iba’t ibang karanasang lanliterasi at humigit-
kumulang sa mga karanasang ito nila natutuklasan ang mga tunay na gawaing panliterasi
(Cambourne, 1988).
C. SA ANTAS TERSYARYA