You are on page 1of 6

Ang Paghahanda ng Modyul

Sa kasalukuyan, napapanahon na ang malawakang paghahanda ng mga modyul


bilang bahagi ng makabagong sistema ng pagkatuto at pagtuturo sa mga paaralan. Ito
na ang tinaguriang bagong normal sa ating kalakaran sa edukasyon bunsod ng
pandemya na COVID-19.

Hindi na garantisado ang pagkakaroon ng klase sa loob ng silid-aralan at


iminumungkahi ang blended learning. Ngunit, sa mga pampublikong paaralan na hindi
pa kayang tustusan ang online classes, naging isang mahalagang tulay tungo sa patuloy
na pagtaguyod ng kalidad na edukasyon ang pagbubuo ng mga modyul.

Kinapapalooban ang mga modyul sa bawat asignatura ng mga mas pinadali at


pinainam na mga talakayan at gawain para sa mga mag-aaral. Bagkus, ang mga ito ay
bunga ng masusing ebalwasyon sa mga kompetensi sa K+12 na sa ngayon ay tinatawag
na MELC (Most Essential Learning Competencies).

Inaasahan na sa gitna ng mga hamon sa edukasyon sa kasalukuyan,


matutugunan pa rin ng mga guro ang mga mag-aaral ng sapat na karunungan na
kanilang kinakailangan.

Nilalayon ng mga modyul na binuo ng Kagawaran ng Edukasyon na maibigay


pa rin ang lubos na kinakailangang pagkatuto ng mga mag-aaral sa gitna ng hamon ng
pansamantalang pagkakaroon ng distance learning. Bagamat gagastos nang malaki ang
DepEd para sa mga materyales sa pagpi-printa ng mga modyul, isang mabigat na
gawain din para sa mga guro ang paghahanda, pag-iisip at pagbubuo ng mga modyul.

Ang Kahulugan at mga Bahagi ng Modyul

Isa sa mga pangunahing hakbang sa paghahanda ng modyul ay ang paglilinaw


sa katuturan nito.

Ang modyul ay isang uri ng kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto na ganap sa


kanyang sarili at naglalahad ng mga tiyak na takdang gawain sa sistematikong paraan.
Maaari itong gawin sa bahay o distance learning na walang patnubay ng mga
guro at tanging kakayahan lamang ng mag-aaral ang gagamitin sa pagtamasa ng
karunungan.

Sa aklat ni Villafuerte (2008) isinasaad ni Lardizabal (1991) na ang modyul ay


sariling linangan at na naglalaman ng maraming gawain sa pagkatuto, kalimitan ay
mga papel na sinagutan ng mga mag-aaral. Ito’y maaaring magamit bilang bahagi ng
kurso o disenyong pang kurikulum.

Sinabi din ni Keuscher (1970) sa aklat ni Villafuerte (2008) na ang modyul ay


nanghihikayat ng demokratikong pamamaraan, mapanuring pag-iisip, sariling
pagsisikap o pagkukusa; nakalilinang ng tiyak na kaalaman at mga kasanayang
hinahangad ng mga guro; nagbibigay kasiyahan sa mga mag-aaral.

Nabanggit din ni Villafuerte (2008) sa kanyang aklat na nagagawang baguhin ng


modyul ang pagtuturo sa pamamagitan ng paghubog ng mga gurong may kakayahang
gumawa ng mga kagamitang pagturo na makatutugon sa mga pangangailangan ng
bawat mag-aaral, kagyat nakalilinang ng kaalaman, kasanayan at halagang
pangkatauhan at gawain ng mga mag-aaral, Cruz (1990).

Ang modyul din ay isang tanging gamit sa pagtuturo na nagtataglay ng gabay


para sa mag-aaral at guro na tumitiyak na sa bawat karagdagang pagkatuto ng
nilalaman, teknik ng paglalahad, pagsasanay at paggamit ng nilalaman at paraan ng
pagtuturo gamit ang iba’t ibang teknik.

Espesyal na dinisenyong gamit sa pagtuturo at pagkatuto na binubuo ng mga


panuto para sa mga mag-aaral, at nakasaad ang mga layunin ng pagkatuto, ang
paksang dapat matutuhan, mga teknik ng presentasyon ng aralin, kasanayan at gamit
ng paksa o aralin (Johnson, 1972).

Sa kabilang banda, kabilang na sa pag-aalam ng kahulugan ng modyul ang


pagtukoy sa mga pangunahing bahagi nito. Mainam na maunawaan ang mga ito
lalong-lalo na sa mga guro na bumubuo nito dahil ito ay ang istandard na dapat sundin
upang mas maging kapaki-pakinabang ang mga modyul na gagawin. Ito ay ang mga
sumusunod:

Una ay ang pamagat; sa pagbubuo ng pamagat ng modyul, nararapat na ito ay


malinaw, masaklaw at maikli at hindi na kinakailangan ng maraming salita.

Pangalawa ay ang target population na tumutukoy sa antas at uri ng mga mag-


aaral na gagamit ng modyul. Sa bahaging ito, dapat alam ng manunulat ng modyul na
marami sa mga gagamit ng modyul ang nahihirapan pa at dapat nauunawan na ang
mga talakayan at gawain ay hindi dapat madali para sa mga matatalino at hindi rin
ganoon kahirap para sa mga nahuhuli sa pagkatututo. Layunin nito na magkaroon ng
balanseng pagkatuto.

Pangatlo ay ang panimula o rasyunal; nakikita ito sa unang bahagi o pahina ng


modyul at kukung sisipatin, nakasaad dito ang pangkalahatan o kabuoan ng modyul at
malaya ang mga mag-aaral na magkaroon ng panghinaharap na pananaw ukol sa
modyul.

Pang-apat ay ang mga tunguhin o layunin; nailalahad ito sa pangkalahatan at


maging sa bawat aralin at malinaw na isinasaad sa mga layunin kung ano ang mga
dapat tapusin ng mga mag-aaral upang matamo nila ang ganap na pagkatuto sa isang
tiyak na aralin.

Panlima, mga panuto; ito ang bahaging hindi dapat nakaliligtaan ng manunulat
ng modyul dahil ito ay ang pinakasusi sa pagtatapos at paggawa ng mga gawain. Ito
ang nagsisilbing direksiyon ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Mas mainam na malinaw
at pinadali ang pagkakalahad ng panuto.

Pang-anim, panimulang saloobin; sa bahaging ito, hinahayaan ang mga mag-


aaral na magkaroon ng panimulang saloobin bago magsimula sa mga aralin. Ito ang ay
kanilang mga inaasahan na matututunan sa bawat gawain.
Pampito, panimulang pagsusulit; ito ang tinatawag na diagnostic test na may
layuning matiyak kung gaano nauunawaan ng mga mag-aaral ang isang paksa o hindi
kaya ay nasusukat ang lawak ng kanilang kalaaman sa nilalaman kung mayroon man.

Pangwalo ay ang mga panimulang pagsusulit o pagtataya; ito ay mga susi ng


pagwawasto o panukat sa mga panimulang pagsusulit. Ginagamit ito upang matiyak
ang kaganapan ng pagkatuto o kung pumasa ba o hindi ang isang mag-aaral.

Pansiyam, ay ang mga gawain sa pagkatuto; ito ay mga gawain sa bawat aralin
na nagpapayaman sa kaalaman ng mag-aaral. Ang mga gawain ay dapat na angkop
lamang sa kakayahan ng mga mag-aaral sa tiyak na antas.

Higit at huli sa lahat, ang pagpapahalaga; sinusuri sa bahaging ito ang pagiging
replektib ng isang mag-aaral sa kanyang natamong karunungan, paano niya ito
mailalapat sa pang-araw-araw na buhay at sitwasyon at paano niya magagamit ang
mga natutunan sa susunod na pagtamo niya ng mas mataas na antas ng kaalaman.

Ang mga Katangian ng Modyul

Mayroong iba’t ibang uri ng pagkakagawa ng mga modyul ngunit ang mga ito
ay napag-iisa ng pangunahing layunin na dapat matamo ng mga mag-aaral ang rurok
ng karunungan sa kabila ng kawalan ng ganap na paggabay sa pag-aaral.

Isang mahusay na katangian ng modyul ay ang mabisang paggamit ng mga


teknik at estratehiya na nakabatay sa layunin ng bawat aralin. Likas na sa mga guro ang
paghahanap ng mga samut-saring mga pamamaraan sa mas mainam na pagkatuto.
Gayumpaman, inaasahan na sa pagbuo ng modyul, ang mga nakatakdang gawain ay
tiyak na angkop lamang sa kanilang kakayahan.

Laging pakatatandaan na gaano man kainam at kaayos ang napiling mga


estratehiya, mas pinabubuti ito kung ang mga gawain ay sumusunod sa pagbabagong
kurikulum at uri ng pagtuturo sa kasalukuyan, learner-centered.

Mabisang katangian din ng isang modyul ang pagkakaroon nito ng kahusayan


sa pagtulong sa mga mag-aaral na mahikayat sa paggawa, pag-unawa at pagtapos sa
kanilang mga gawain bawat aralin. Inaasahan na ang mga itinakda ay tiyak na
makatutulong sa kanilang umunlad ang kanilang kakayahan mag-isa sa paraang
kasiya-siya at hindi nabibigyang-tuon ang mga sagabal gaya na lamang ng labis na
kahirapan ng mga katanungan o gawain. Alalahanin na sa pagkatuto ng mga mag-aaral
gamit ang modyul, maraming dapat isaalang-alang.

Ang modyul ay dapat mas madaling maunawaan, kayang basahin at gawin


mag-isa, nasusuri at nalilinang ang pag-iisip kahit mag-isang ginagawa ang modyul at
nahahasa ang mga kasanayan kahit hindi lubusan napapatnubayan ng mga guro.

Gayumpaman, mabigat na paniniwala pa rin na ang mga guro ang


pinakamahusay na estratehiya dahil sila ang daluyan ng kaalaman. Ang dunong na
nananalaytay sa kanila ay maaari nilang ipamana sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng
mainam na pagkakagawa ng modyul. Tinaguriang pinakaepektibong kagamitang
pampagkatuto ang mga guro sa kadahilanang sila ang pinakamainam na kagamitang
biswal na nakikita at tinatanaw ng mga mag-aaral.

Ang mga Kabutihang Naidudulot ng Modyul sa mga Guro at Mag-aaral

Hindi lang naman sa mga panahong ito ng pandemya, ginamit ang mga modyul.
Bagkus, noon pa man ay mahalagang kagamitan na ang mga ito sa pagtuturo dahil sa
mga sumusunod na mga dahilan:

Una, para sa mga guro; sa pamamagitan ng modyul, malaya ang guro na


malutas at mabigyan ng solusyon ang mga suliranin sa pagkatuto ng mga mag-aaral
dahil mas nabibigyang-pansin ang mga mag-aaral na higit na nangangailangan.

Isa pa, mas napagtutuunan ng mga guro ang pagsasaliksik ng iba’t ibang paraan
ng pagkatuto at malawak na pagpili ng media at mga estilo para sa masistemang
paglinang ng mga nilalaman at pamamaraan.

Higit sa lahat, may sariling direksiyon ang guro sa kanyang nais matamo na
pagkatuto ng mag-aaral dahil nahahasa ang kanyang paglilinang ng sariling
pagpapasiya at pagtataya.
Ikalawa, para sa mga mag-aaral; mangilan-ngilan ang nagsasabi na ang modyul
ay nagbibigay lamang ng mga kalituhan sa pagkatuto dahil hindi ganap ang pagtamo
ng karunungan ng isang mag-aaral ngunit sa katunayan, mas nahahasa sa modyul ang
self-paced learning dahil nagagawa nila ang mga gawain buhat sa kanilang sariling
kapakanan.

Dagdag pa, mas tataas ang pagkakaroon nila ng pananagutan sa kanilang pag-
aaral dahil sila mismo ang magtutuklas ng mga bagay-bagay at ang mga guro ay
magsisilbing daluyan at purong tagagabay na lamang sa pag-abot nila sa kanilang mga
kamalayan.

Gayundin, naiibsan ang pagkakaroon ng negatibong kompetisyon dahil


nasasarili ng bawat mag-aaral ang mga nakatakdang gawain at nahihikayat siyang
sagutin ito hindi upang makalamang, kung hindi ay matapos ang mga gawain para sa
tinatamasang marka. Gayumpaman, sa pamamagitan nito, nagiging ganap ang
pagkatuto ng isang mag-aaral dahil umuunlad ang kanyang kakayahan ayon sa
kanyang piniling estilo sa pagkatuto.

Sa kabuoan, ang kasanayan at kahusayang matatamo ng mag-aaral ay


nakasalalay pa rin sa tinatamong kagalingan ng guro sa kanyang propesyon; paano
niya mailalapat ang kanyang kagalingan sa mas mainam na pagtuturo at paano niya
patuloy na hinahasa ang kanyang angking kasanayan sa pagtatasa ng mga estratehiya.
Siyang tunay, ang mga guro ang pinakamahalagang instrumento sa pagkatuto.

Villafuerte, Patricio V. at Rolando A. Bernales Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at


Praktika. Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc.,2008

You might also like