You are on page 1of 2

Capulong, Alice Kimberly M.

BSMT 2

MODYUL 2

Panimulang Gawain

Batay sa iyong napanood, ipaliwanag sa tatlong pangungusap pataas kung bakit


nahihirapan ang milenyal na tulad mo sa wikang Filipino?

Unang una dahil ang mga milenyal ay walang sapat na kaalamanan sa wikang
Filipino. Kung isasalin sa Filipino ang ibang salitang Ingles ito ay masyadong
malalalim. Hindi naituro sa elementary, highschool o college ang mga ganong salita
at hindi masyado binibigyang pansin ang Filipino na asignatura pag dating sa mga
pagsasalin ng salita mula Ingles.

GAWAIN 1

Panuto : Ibuod ang binasang seleksyon nang hindi kukulangin sa sampung


pangungusap pataas , patalata.

Katulad ng isang pangarap, maisasakatuparan ito kung nakikita natin ito sa ating
isipan at nakadepende sa sitwasyon at pagkakataon. Ang kahalagahan ng wikang
Filipino ay isang malaking salik sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at
angkop na paggamit ng wika, nagkakaron ang gumagamit nito ng kakayahang
kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng ating mga mithi at nararamdaman.Ang
intektuwalisadong wika ay isang proseso upang ang isang wikang hindi
intektuwalisado ay maitaas ay mailagay sa antas ng intektuwalisado nang sa gayo’y
mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan. Matuturing lamang
na isang wika ang intektuwalisadong wika kung ito’y nagagamit sa edukasyon,
agaham, teknolohiya at iba pa. Ang intektuwalisadong wika ay limitado lamang kung
gamitin sa mga nasabing larangan. Register ng wika ang tawag sa tanging paggamit
ng wika. Katulad na lamang sa larangan ng medisina, may mga salitang pang
medisina ang maaring may pagkakatulad sa ibang larangan ngunit mag kaiba ng
kahulugan. Dito pumapasok ang suliranin ng pagkakaroon ng intektuwalisadong
wika. Patuloy parin ang pagpapalano ng mga dalubhasa ang wikang Filipino upang
maging intektuwalisadong wika. Ayon naman sa mga dalubhasa sa wika, ang Filipino
raw ay intektuwalisado dahil nagagawa nito ang ipahayag ang karunungan at aral na
nilalaman ng isang akda gamit ang wikang ito. Sa kabila nito, hindi parin ito sapat
upang masabing intektuwalisado ang wikang Filipino kung ikukumpara sa ibang wika
tulad ng wikang Ingles.
Capulong, Alice Kimberly M.
BSMT 2

GAWAIN 2

Panuto : Batay sa sariling pagkakaunawa , ipaliwanag ang kaisipang nais sabihin nito
sa mambabasa nang hindi kukulangin sa sampung pangungusap pataas , patalata.

Nais sabihin nito sa mga mambabasa na mahalaga ang wikang Filipino, at sa


paggamit ng maayos at angkop nito nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang
kumuha at makapagbahagi ng kaalaman. Nakasalalay ang epektibong pagkatuto ang
matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao. Kailangang hasain ang ang
wika upang magamit ito nang maayos. May mga kurso tayong grammar o balarila, at
sa literature o panitikan. Sa pamamagitan ng mga kursong ito, lumalawak ang pag-
unawa ng mga mag-aaral tungkol sa iba’t ibang paggamit ng mga salita upang
makamit ang mga nais nila. Kinakailangang pag aralan nang mabuti ang proseso ng
intektuwalisadong wika bago ito isagawa. Kailangang maintindihan ng mga tao na
ang ating wika ay hindi unibersal tulad ng wikang Ingles. Maisalin man natin ang
lahat ng salita sa Filipino, hindi pa rin ito magiging dahilan upang gamitin sa lahat.
Hindi masisigurado na ito’y gagamtin sa pang araw-araw na buhay. Bukod rito, hindi
ito magiging madali na proseso kung ito ay ituturo sa mamamayan. Dapat bigyang
pansin at pagkakataon ang mga nais magtaguyod ng intektuwalisadong wika ng
Filipino. Ang intektuwalisadong wika ng Filipino ay hindi imposible, ngunit sa ating
panahon ngayon, hindi rin ito lubusang magagamit. Bukod pa rito ay hindi na rin
mapapalitan ang katotohanang Ingles pa rin ang unibersal na wika.

You might also like