You are on page 1of 3

Tanggal Wika

Ang wika ay umuusbong sa pangangailangan para sa pag-unawa sa


isa't isa sa pamayanan. Mula sa pananaw ng di-makatwirang mga simbolo,
nasaksihan ng kasaysayan ang pag-unlad nito at ang napakalaking
kapangyarihan nitong baguhin ang lipunan. Patunayan na ang wika ay
isang paraan ng paglaban.

Nagpasiya na tanggalin ang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo.


Maraming paaralan na ang gumagawa ng hakbangin upang pahinain ang
wikang Filipino, mula sa pagmumulta sa estudyanteng gumagamit nito
hanggang sa pagsulong sa Ingles bilang wika ng pag-unlad. Malaki ang
gampanin ng edukasyon sa pagpapanatili ng lagay ng lipunan o sa
pagbabago nito, kaya ang mga pamantasan pinatatamaan ng ang unang
mga palisiyang mapanupil.

Madalas na katwiran sa pagtanggal kolehiyo ang duplikasyon ng pag-


aaral nito mula elementarya hanggang hayskul. Mas bigyan daw ng pansin
ang Ingles dahil ito ang magbibigay ng mas maraming oportunidad sa pag-
unlad.

Ayon sa Tanggol Wika, hindi pag-uulit, kundi pagpapalalim sa Filipino


ang ginagawa sa kolehiyo. Higit ito sa pagiging asignatura o sa
pagkakaroon nito ng lantay na gramatika, kundi tumutungo ito sa praktikal
na paggamit ng wika sa iba't ibang pag-aaral na tumutugon sa
pangangailangan ng mamamayan.

Ayon naman kay Prop. David Michael San Juan, ang kabuluhan ng
Filipino disiplina bilang ay hindi matatawaran sapagkat ito'y daluyan ng
kasaysayan ng Pilipinas, salamin ng identidad ng Filipino, at susi ng
kaalamang bayan.

Ang pagkawala ng pag-aaral sa pambansang wika ay pagpapalabo


sa hubog ng identidad bilang Pilipino-iyong pamumuhay na inuuna ang
interes ng sariling bansa. Sa patuloy na paglinang lubos na nagagamit ang
wika bilang instrumento sa pagkakaroon ng malayang bansa.
Mga Katanungan:

1. Ano-ano ang mga mahahalagang detalyeng nakapaloob sa sulatin?


Ipaliwanag.

Ang mahahalagang detalye sa teksto ay ang kahalagahan ng wikang


Filipino. Kung paano ito lumago at may malaking kapangyarihan na
nagpabago sa lipunan, nagbuklod sa rebolusyon at nagpatunay na ang
wika ay naging kasangkapan natin sa pakikipaglaban para sa bayan.

Gayunpaman, ayon sa CHED Memorandum Order (CMO) 20, ang


Filipino ay aalisin sa kurikulum ng unibersidad at ang paggamit ng wika
bilang isang medium ng pagtuturo ay naging opsyonal. Mas binigyang diin
ang mga banyagang wika na hindi lubos na nauunawaan ng mga mag-
aaral at hindi bubuo ng ating sariling interes sa bansa. Pinipigilan nito ang
pagbuo ng isang kamalayan na ang pag-unlad ng wikang Filipino at mga
hakbang patungo sa ganap na kalayaan ng bansa. Ang pagkawala ng pag-
aaral ng wikang pambansa ay nagpapalabo ng pagkakakilanlan ng Filipino.

2. Ano-ano ang mga ginamit na batis ng impormasyon sa akda? Isa-isahin


at ipaliwanag kung paano nito binigyang katuwiran ang salaysay.

Ang mga ginamit na batis ng impormasyon sa akda ay ang


primaryang impormasyon at sekondaryang impormasyon.

Ang sariling saloobin at ideya ng tagapagsulat ay kabilang sa


primaryang impormasyon. Masasabi kong primarya ang pagsasalaysay ng
tagapagsulat sa mga kaganapan na lantad sa paningin ng bawat Pilipino
bagama’t galing ito sa sariling karanasahan at obserbasyon ng
tagapagsulat sa lipunan.

Gumamit naman ito ng sekondaryang impormasyon simula sa


pagtanaw ng kasaysayan upang ipahiwatig na mahalaga ang wikang
Filipino dahil isa ito sa naging sandata ng mga sinaunang Pilipino laban sa
mga dayuhan.
Gayundin ang pagsasalaysay ng tagapagsulat sa ipinahayag ng
tagananguna ng Tanggal Wika. Ginamit niya ito upang magkaroon ng
panibagong ideya at pag-uunawa sa impormasyon.

3. Ano ang layuning nakapaloob sa iyong pagbasa ng teksto?


Pangatwiranan.

Ang layuning nakapaloob sa aking pagbasa ng teksto ay ang


pagbibigay halaga sa wikang Filipino. Nais nitong ipabatid sa mga
mambabasa na gamitin natin ang ating pambansang wika hindi lamang sa
pang-araw araw, kundi narin sa mga pormal at propesyonal na pag-uusap.
Ang pagpayag sa wikang Ingles na maging prayoridad at tangkilikin hindi
lamang sa kolehiyo kundi sa pangkalahatan ay masasabing
pagpapahintulot na sumailalim sa kamay ng mga dayuhan. Paano tayo
magiging malaya sa mga dayuhan kung tayo mismo ang nagpapahintulot
sa kanila? Tayo ay may sariling wika, ito dapat ng ating gamitin sapagkat
ito ang ating dangal at upang masabi na tayo ay malaya sa politika at
ekonomiya mula sa mga dayuhan. Ating patunayan na ang wikang Filipino
ay ating sandata sa paglaban.

You might also like