You are on page 1of 5

Immaculate Conception Archdiocesan School

Senior High School Department


Tetuan, Zamboanga City

FILILPINO 3
First Semester, SY 2020 -2021

5th Week

Susan T. Depositario
Amicor C. Guerrero
Subject Teachers

Name: _Nuromar_H._Adil_____________________
Grade Level and Strand: _STEM_12A_St._Jerome
Address: _Villa_Theresa_Subd._Putik_Z.C_______

PRE-TEST
Contact Number: _09770768331_____________________
Panuto: Piliin ang titik para sa inyong sagot at isulat sa bawat patlang.
____a____1.Sa panahon ng inagurasyon, umiiral ang talumpati na
a. pangkabatiran
b. okasyonal
c. panghihikayat
d.
____c____2.Ang pagpapahayag ng sariling opinion sa isang mahalagang paksa ay
a. Posisyong Papel
b. Sanaysay
c. Talumpati
d.
____c____3.Ito ay karaniwang binabasa o binibigkas sa isang partikular na okasyon
a. Posisyong Papel
b. Anektoda
c. Talumpati
d.
_____a___4.Ang paggamit ng mga datos at estadistika sa talumpati ay
a. nagpapalakas
b. nagpapahaba
c. nagpapaganda
d.
_____a____5.Ang karaniwang pagbigkas ng talumpati ay tumatagal ng
a. 5-30 minutos
b. 10 minutos
c. 1 oras
_____a____6.Ang uri ng talumpati ng mga kandidato sa halalan ay
a. T Nanghihikayat
b. T Okasyonal
c. T Impormatibo
d.
_____b___7.Ang sermon ng pari ay halimbawa ng anong talumpati?
a. pangkabatiran
b. nanghihikayat
c. mang-aliw
d.
_____b____8.Ang talumpati na binibigay ng mga bagong lipat sa trabaho ay
a. impromptu
b. okasyonal
c. mang-aliw
d.
______a___9.Ang talumpati ng guro sa loob ng classroom ay
a. pangkabatiran
b. panghihikayat
c. okasyonal

_____c_____10.Ang talumpati na may speech plan ay


a. impromptu
b. pangkabatiran
c. ekstemporaneous

Learning Activity Sheet


TALUMPATI IKA LIMANG LINGGO

OBJECTIVE/ LAYUNIN
Pagkatapos ang araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahan ;
Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
1.1. Nakapagbibigay sa kahulugan ng ilang termino na may kaugnay sa talumpati
1.2. Nakabubuo ng isang napapanahong talumpati

II – ESSENTIAL KNOWLEDGE AND SKILLS/ MAHALAGANG KAALAM AT


KASANAYAN
1.3 Summary of essential concept/ Pagbubuod ng mahalagang ideya

Ano ang Talumpati?

Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na
ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at
nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.

Uri ng Talumpati

Talumpating Pampalibang

Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento. Kadalasan ito ay


binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.

Talumpating Nagpapakilala

Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay
kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa
husay ng kanilang magiging tagapagsalita.

Talumpating Pangkabatiran
Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang
samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para
lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.

Talumpating Nagbibigay-galang

Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa
kasamahang mawawalay o aalis.

Talumpating Nagpaparangal

Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito. Sa
mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.
 Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan
 Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
 Pamamaalam sa isang yumao
 Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo

Impromtu- Walang Paghahanda


Extemporaneous- Nagmumukha lamang walang paghahanda . Sa katotohanan ,pinaghandaan ito sa pamagitan
ng pagsulat ng speech plan.

Talumpating Pampasigla
Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas ito ng:
 Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro
 Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro
 Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani
Mayr oon itong tatlong (3) uri ayon sa pamamaraan. Ito ay ang mga sumusunod:

Dagli
Ito ang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan.
Maluwag
May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang kanyang pagsasalita.
Pinaghandaan
Maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa paksa.

Bahagi ng Talumpati

 Simula
 Katawan o Gitna
 Katapusan o wakas

Paano Gumawa ng Talumpati

Narito ang ilang payo sa paggawa ng talumpati.

 Pumili ng magandang paksa.


 Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa napiling paksa.
Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga babasahin na may kaugnayan sa
paksang gagamitin.
 Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang simula, katawan at
katapusan.
 Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa sarili at
pansariling kapakinabangan.
 Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati. Kung maari ay magkaroon
ng “sense of humor” sa pagdedeliber ng talumpati at laging isipin ang iyong tagapakinig.

1.1. TESTING FOR KNOWLEDGE / PAGTIYAK SA KAALAMA


Panuto : Isulat sa patlang ang T kung Tama at M kung Mali
___T____ 1. Ang talumpati layunin nito manghikayat,mag-aliw at iba pa.
___M____2. May dalawang uri ng pamamaraan ang talumpati.
___M____3. Ang impromptu ay may kahandaan.
1.2. Knowledge Scanning/Pagsusuri

Panuto:Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

1. Bakit mahalagang mahatak ang atensiyon ng nakikinig o nanonood ng talumpati ?


Ang pag-akit ng madla o ang paghatak ng atensyon kung ikaw ay nagtatalumpati ay
napakahalaga, sapagkat ito ang magiging batayan para sa pagpapabuti ng iyong mga
kasanayan sa pagsasalita. Kung ang manonood ay binibigyang pansin ang bawat pahayag at
salitang binitiwan mo, nangangahulugan lamang ito na ikaw ay isang mabisang tagapagsalita
sapagkat maakit mo ang interes ng mga taong nakikinig sa iyo.
2. Sa iyong palagay ,makakabuti ba kung sisimulan ang isang talumpati sa kasukdulan nito?
Pangatwiran ang sagot.
Naniniwala ako na hindi makakabuti ang isang talumpati kung sisimulan ito sa kasukdulan
sapagkat dapat natin malaman kung paano ang bahagi nito at para sa akin dapat unahin muna
ang paksa na kung saan ditto mo inahahayag ang iyong layunin at pag-kuha ng atensyon sa
madla bago ang kasukdulan.

1.3. Integration of learning / Pagbubuo


Panuto : Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Mga natutuhan,

Ang natutuhan ko ay tungkol sa talumpati, ang kahulugan nito, bahagi, uri, at kung
paano gumawa ng mahusay na talumpati.

Mga dapat pang linangin,

Wala na kong dapat linangin sapagkat ang mga impormasyon ay buong-buo at


detalyado.

III-SELF DETERMINING PRACTICE /ISAHANG PAGSASANAY


Panuto:Gumawa ng sariling talumpati na naaayon sa mga nangyayari ngayon at isulat sa short
bond paper hindi baba sa 150 na salita. Sa mga online ihiwalay ang gawain na ito .

Rubriks sa Pagsulat ng Talumpati

Nanghihikayat sa mga mambabasa- 10 Puntos


Organisasyon ng nilalaman-10 Puntos
Paggamit ng balarila-5

VI. REFLECTION/PAGNILAYAN

Bilang estudyante ,ano sa palagay mo ang praktikal na kahalagahan sa iyo ng pagtatalumpati


pampubliko?

Napakahalaga ang talumpati sa atin bilang mga mag-aaral, dahil ang pag-tatalumpati ay isang
instrumento daan para sa isang tao upang ipahayag ang mga paniniwala tungkol sa isang tiyak
na problema. Ito rin ay isang madaling paraan upang maibahagi ang iba sa mga ideya at
paniniwala.

Sanggunian:

Dela Cruz(2016).DIWA Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan :
Akademik .Makati:Diwa Learning System Inc.

Inihanda nina:

SUSAN T. DEPOSITARIO
AMICOR C. GUERRERO
Guro

Nabatid :
ROMEO J. GABITO
Assistant Principal

You might also like