You are on page 1of 2

Halimbawa ng Liham na Nag-Aaplay ng Trabaho:

509 Gen.Mascardo St.,Little Baguio


Lungsod ng San Juan, Metro Manila
Ika- 14 ng Oktubre, 2009

Kagalang -galang na Manuel Villar


Municipal Mayor
Lalawigan ng Bulacan
Malolos, Bulacan

Kagalang-galang na Mayor:

Isang magandang umaga po ang ipinaaabot ko sa inyo.


Ako po ay nagtapos ng high school noong nakaraang
Marso sa Mount Carmel Academy. Wala na pong
pangtustus ang aking mga magulang para sa aking pag-
aaral sa kolehiyo. Wala pong trabahong permanente
ang aking ama kaya po kami kinakapos sa buhay.

Sumulat po ako sa inyo upang mag-aplay ng trabahong


kaswal sa inyong tanggapan. Gusto ko po sanang
makapag-ipon para sa aking pag-aaral sa kolehiyo.
Anuman pong trabaho ang maari nyong ibigay sa akin
ay aking pagbubutihan at gagawin ang lahat ng aking
makakaya.

Maraming salamat po sa anumang tulong na maibibigay


ninyo sa akin. Tatanawin kong malaking utang na loob.

Sumasainyo,

Renz Domingo

You might also like