You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Division of Eastern Samar
Borongan

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG


PILIPINO
(MGA KONSEPTONG PANGWIKA)

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ayon sa kanyang panayam, ang wika ay isang masistemang balangkas, sinasalitang


tunog, pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.

A. Sapir
B. Webster (1974)
C. Gleason (1988)
D. Borja (1999)

2. Sa pelikulang “Ang Titser” ang ginamit nilang lenggwahe ay tagalog. Nagmula ang
salitang lenggwahe sa salitang Lingua ng Latin. Ano ang kahulugan ng salitang
Lingua?

A. Dila
B. Salita
C. Dayalekto
D. Bibig

3. Ang tunog na “Haha” o tawang nilikha ng tao sa radio ay sumisimbolo na ang tao ay
masaya. Saang Teorya ng wika nakapaloob ang tunog na “Haha o tawa”?

A. Teoryang Ta-ta
B. Teoryang Yo-he-ho
C. Teoryang Ding-dong
D. Teoryang Bow-bow

4. “Maupay nga aga” bati ni Maria sa kanyang talumpati sa mga taga Samar. Ang
ginamit na lenggwahe ni Maria sa kanyang talumpati ay halimbawa ng anong antas
ng wika?

A. Pambansa
B. Balbal
C. Kolokyal
D. Lalawiganin

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |Page 1 of 9


5. Sa dula-dulaang panradyo ang salitang “kerida – querida” at “minamahal –
kinakasama ng lalaki na hindi niya asawa”. Isang katangian ng wika na nagsasabing
ang wika ay Dinamiko.

A. Ito ay nagbabago
B. Ito ay masistemang balangkas
C. Ito ay arbitraryo
D. Ito ay ginagamit

6. Sa panayam kay Janeth Napoles siya ay naglulubid ng buhangin. Ang pariralang


“naglulubid ng buhangin” ay nagsasaad ng anong antas ng wika?

A. Pampanitikan
B. Pambansa
C. Kolokyal
D. Balbal

7. Sa tuwing walang pasok, laging sinasambit ni Lourdes sa kanyang kalaro ang


salitang “Neneng ang pangalan ng aking ermat.” Anong antas ng wika ang
nakasalungguhit?

A. Kolokyal
B. Balbal
C. Lalawiganin
D. Pambansa

8. Sa kanyang debate, Pinatunayan ni Ginoong Baldomar “mismo ang tao ang


gumagawa ng kaniyang wika upang may magamit sa kaniyang pakikipag-usap.”
Anong teorya ng wika ang kaniyang tinutukoy?

A. Teoryang Ding-dong
B. Teoryang Yo-he-ho
C. Teoryang Pooh-pooh
D. Teoryang Pakikisalamuha

9. “Meron akong nalaman. Di ko sasabihin sa iyo” Nasa anong antas ng wika ang
salitang nakasalungguhit?

A. Pampanitikan
B. Kolokyal
C. Balbal
D. Lalawiganin

10. Ang salitang “ala eh naman”, “gabi-i”, “kalamunding” na nabanggit ni Papa Jack sa
kanyang komersyal sa radyo ay nasa anong antas ng wika maaaring gamitin ang
mga ito?

A. Kolokyal
B. Pambansa
C. Balbal
D. Lalawiganin

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |Page 2 of 9


11. Ano ang naging pangalan ng wikang Pambansa noong 1959?

A. Pilipino
B. Filipino
C. Wikang Pambansa
D. Tagalog

12. Alin sa mga sumusunod na titik ng Alpabetong Filipino ay isang hiram?

A. Y
B. B
C. C
D. Ng

13. Ang unang alpabeto na alibata ay binubuo ng bilang na ito.

A. 30
B. 28
C. 20
D. 17

14. Taon na napagtibay ng Batas Komonwelt Blg 184 na lumikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa.

A. 1926
B. 1946
C. 1936
D. 1956

15. Kailan pinagtibay ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa ang pinagyamang


alpabeto na binubuo ng 31 letra?

A. Oktobre 8, 1971
B. Disyembre 4, 1971
C. Oktobre 4, 1971
D. Agosto 4, 1971

16. Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

A. Sintaks
B. Ponema
C. Ponolohiya
D. Morpema

17. Ito ay ang pag-aaral ng makabuluhang tunog ng isang wika?

A. Palabuuan
B. Ponolohiya
C. Morpolohiya

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |Page 3 of 9


D. Sintaks

18. Isang pag-aaral tungkol sa wika na tinatawag ding palabuuan, ay ang ______.

A. Wala sa nabanggit
B. Morpolohiya
C. Sintaks
D. Ponolohiya

19. Ang tawag sa alinmang dalawang magkasunod na magkaibang katinig sa isang


pantig.

A. Diptonggo
B. Klaster
C. Pares minimal
D. Lahat ng nabanggit

20. Nagtipon-tipon ang mga Kapampangan, Cebuano, at Hiligaynon sa isang pelikula.


Anong barayti ng wika ito?

A. Idyolek
B. Sosyolek
C. Ekolek
D. Dayalekto

21. Ang “Hindi po namin kayo tatantanan” at “Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras”
ay mga tanyag na pahayag ni Mike Enriquez sa telebisyon. Sa anong barayti ng wika
ito nauuri?

A. Jargon
B. Dayalekto
C. Idyolek
D. Sosyolek

22. “Wow pare ang tindi ng tama ko! Heaven!” Ang salitang ito ay nakabatay sa mga
anong pangkat ng lipunan maaaring iangkop ang pangungusap na nabanggit.

A. Wika ng mga bakla


B. Wika ng mga Bikolano
C. Wika ng mga adik
D. Wika ng mga Kapampangan

23. Titser nasa itaas ang inyong tsok. Anong barayti ng wika nakapaloob ang
dalawang salita na nakasalungguhit?

A. Dayalekto
B. Idyolek
C. Jargon
D. Sosyolek

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |Page 4 of 9


24. “Girl, bukas na lang tayo maglayb, mag- malling muna tayo ngayon”. Anong barayti
ng wika ang kanilang ginamit.

A. Idyolek
B. Dayalekto
C. Jargon
D. Sosyolek

25. Mapapanood sa telebisyon na “Nakulong si Janette”. Ibigay ang ayos ng


pangungusap.

A. Payak
B. Karaniwan
C. Di-karaniwan
D. Tambalan

26. “Naku! Nabasag ang mamahaling pinggan”. Ano ang ginamit na bantas sa salitang
naku?

A. Tutuldok
B. Tandang pananong
C. Tandang padamdam
D. Kuwit

27. Anong bahagi ng pananalita na tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay, hayop, at


pangyayari?

A. Pang-uri
B. Pangngalan
C. Pandiwa
D. Panghalip

28. “Umiiyak si Mang Jose habang siya ay nanonood ng telebisyon”. Anong uri ng
pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?

A. Tambalan
B. Hugnayan
C. Padamdam
D. Pasalaysay

29. Iniulat ni Margie ang kaniyang naging karanasan tungkol sa bahaghari. Nasa
anong kayarian ng salita ang nakasalungguhit?

A. Langkapan
B. Tambalan
C. Payak
D. Hugnayan

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |Page 5 of 9


30. Sa Manila ginaganap ang “State of the Nation”. Ibigay ang pokus ng pandiwa na
nasa pangungusap.

A. Ganapan
B. Tagatanggap
C. Tagaganap
D. Sanhi

31. Ikinatuwa ng madla ang magandang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte


kahapon. Anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?

A. Sanhi
B. Tagatanggap
C. Ganapan
D. Tagaganap

32. Hayon ang mga bata na masayaang naglalaro. Ang salitang hayon ay isang
________.

A. Panghalip
B. Pang-angkop
C. Pang-abay
D. Pangngalan

33. Pahalagahan ang pag-aaral _______ hindi malihis ang landas. Anong pangatnig ang
angkop sa pahayag na ito?

A. Sakali
B. Habang
C. Kahit
D. Nang

34. Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang pahayag na “Magandang araw
po”?

A. Pormulasyong panlipunan
B. Pamanahon
C. Eksistensyal
D. Modal

35. Ang salitang “Bana” na katumbas ng “Husband” sa wikang Ingles ay mula sa anong
lugar sa Pilipinas?

A. Kailukanuhan
B. Katagalugan
C. Kabikulan
D. Kabisayaan

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |Page 6 of 9


36. Piliin sa apat na pangungusap ang nasa karaniwang ayos ng pangungusap.

A. Nagsinungaling si Laila Batongbakal.


B. Si Laila Batongbakal ay nagsinungaling sa harap ng madla.
C. Si Jose ang pinakamahusay sa apat na magkakapatid.
D. Ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng maikling pagsusulit sa Filipino.

37. Ang aming aklat sa Filipino ay Pluma. Ang salitang Pluma ay maiaangkop sa ______.

A. Klaster
B. Pares minimal
C. Ponema
D. Diptonggo

38. Alin sa apat na salita ang may pares minimal?

A. Bala-Pula
B. Tela-Tila
C. Giliw-Sayaw
D. Pluma-Trono

39. Ubod ng ganda ang aking napanood na “Word of the Lourd”. Anong kaantasan ng
pang-uri ang bahaging nasusulat sa malaking titik?

A. Lantay
B. Pasukdol
C. Payak
D. Pahambing

40. Tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos matuto ng kaniyang unang
wika?

A. Mother Tongue
B. Wikang Banyaga
C. Pangalawang Wika
D. Wikang Panlipunan

41. Tinatawag nilang “wikang sinuso sa ina” o “inang wika”?

A. MTB
B. Unang Wika
C. Wikang Pansarili
D. Pangalawang Wika

42. Ano ang tawag sa taong may kakayahang gumamit at magsalita ng dalawang wika?

A. Bilinggwalismo
B. Multilingguwalismo

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |Page 7 of 9


C. MTB
D. Wikang Pambansa

43. Ano ang Mother Tongue Waray?

A. Ito ay isang aklat na dapat sundin.


B. Ito ang unang sinasalita ng mga taong nakatira sa samar.
C. Ito ang unang sinasalita ng mga taong nakatira sa leyte at samar.
D. Ito ang unang natutuhan ng isang bata sa kanilang bahay o sa kanyang ina.

44. Saang lugar sa Pilipinas pangunahing sinasalita ang Tagalog?

A. Mga lalawigan ng Cavite, Laguna, at Batangas.


B. Mga bayan ng National Capital Region.
C. Rizal, Quezon, Bulacan at iba pang lugar na hindi sakop ng mga nabanggit
ngunit tagalog ang kanilang sinasalita.
D. Lahat ng nabanggit.

45. Si Dr. Jose P. Rizal ay may alam na dalawampu’t dalawang wika, dahil siya ay may
kakayahang magsalita ng mga ito siya ay tinatawag na ____.

A. Dalubwika
B. Multilingguwalismo
C. Mahusay
D. Bilingguwalismo.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |Page 8 of 9


SUSI SA PAGWAWASTO:

1. B
2. C
3. B
4. D
5. A
6. A
7. B
8. D
9. B
10. D
11. A
12. C
13. D
14. C
15. C
16. D
17. B
18. B
19. B
20. D
21. C
22. C
23. C
24. D
25. B
26. C
27. B
28. B
29. B
30. A
31. A
32. A
33. D
34. A
35. D
36. A
37. A
38. B
39. B
40. C
41. B
42. A
43. C
44. .
45. B

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |Page 9 of 9

You might also like