You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII – Central Visayas
DIVISION OF CITY SCHOOLS
CITY OF NAGA, CEBU
NAGA NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH
West Poblacion, City of Naga, Cebu

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


DIAGNOSTIKONG PAGSUSULIT

Pangalan:____________________ Iskor:_________
Taon at Seksyon: ____________ Petsa:_________

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.


A. Grapiko B. Krokis C. Senyas D. Wika
2. Isang dalubhasang nagsabi na ang wika ay masistemang balangkas, tunog at isinasaayos sa
paraang arbitraryo.
A. Henry Gleason B. Bernales C. Mangahis D. Lumbera
3. Disyembre 30 sa taong ito ay iprinoklama ni Pang. Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog
upang maging batayan ng Wikang Pambansa.
A. 1935 B. 1937 C. 1939 D. 1940
4. Sa Saligang Batas ng , pinagtibay ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. A.
1985 B. 1986 C. 1987 D. 1988
5. Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang ay_____.
A. Unang wika B. Tagalog C. Dayalek D. Pangalawang wika
6. Ang mga salitang “fossilized snails, shellfish, at coral” ay saang konseptong pangwika
nabibilang?
A. Register B. Barayti C. Homogenous D. Heterogenous
7. Ginamit sa panahong ito ang wikang Ingles bilang wikang panturo.
A. Rebolusyong Pilipino B. Katutubo C. Amerikano D. Hapon
8. Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba sa katayuan o antas panlipunan o
dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
A. Sosyolek B. Register C.Dayalek D. Ekolek
9. Batay sa teoryang ito, na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang
puwersang pisikal.
A. Yo-He-Ho B. Pooh-Pooh C. Ding-Dong D. Ta-Ta
10. Sa teoryang ito, pinaniniwalang ang wika ay nagmula raw sa panggagaya ng mga sinaunang
tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop.
A. Ding-Dong B. Ta-Ta C. Bow-Wow D. Pooh-Pooh
11. Sa teoryang ito naman sinasabing ang wika ay nagmula raw sa mga salitang namutawi sa
mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin.
A. Bow-wow B. Ding-Dong C. Pooh-Pooh D. Yo-He-Ho
12. Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin.
A. Bernales C. Henry Gleason
B. Alfonso O. Santiago D. Pamela C. Constantino
13. Siya ang tinaguriang amo ng ating Pambansang Wika.
A. Manuel Roxas C. Manuel L. Quezon
B. Apolinario Mabini D. Emilio Aguinaldo
14. Ano sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga
mamamayan dito?
A. Ikalawang Wika C. Heterogenous
B. Homogeneous D. Bilingguwalismo
15. Ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng wika MALIBAN sa isa.
A. Masistemang balangkas C. Pinipili at hindi isinasaayos
B. Arbitraryo D. Dinamiko at nagbabago
16. Ang Tagalog ay ang naging batayan sa pagpili ng Wikang Pambansa. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI naging batayan sa pagpili nito?
A. Ito’y nahahawig sa iisang wikain sa bansa.
B. Magkahawig sa bigkas, baybay at kahulugan
C. Siyam hanggang sampung libong salita ang katulad
D. Lahat ng nabanggit
17. Ang sumusunod ay makatutulong sa paglaganap ng wikang Filipino sa pagpopost sa social
media MALIBAN sa____.
A. Mas maisusulong pa ang intelektuwalisasyon ng ating wika.
B. Sa pamamagitan nito ay mas lalo pang mapapatatag ang wikang Filipino.
C. Mas pinatutunayan nito na walang pag-unlad ang ating wika.
D. Mas mapapalawig pa ang sariling wika.
18. Tuwing nalalapit ang pasko, naaalala ng mga Pilipino si Jose Marie Chan sapagkat ang
awiting “Christmas in Our Hearts” ay hudyat ng mga Pilipino upang magsimulang
maramdaman ang presensya ng pasko sa puso at isipan ng bawat isa. F11EP-Ie-31
A. Personal C. Interaksyunal
B. Representatibo D. Imahinatibo
19. Bilang isang indibidwal na kabilang sa isang komunidad, paano mo masasabi na ikaw ay
kabilang sa isang Lingguwitikong komunidad?
A. May iisang uri at barayti ng wika ang ginagamit.
B. May kaisahan at kaunwaan sa paggamit na maraming uri ng wika.
C. Maraming baryasyon ng wika ang ginagamit sa komunidad.
D. Maraming gumagamit ng iba’t-ibang lengguwahe sa komunidad.
20. Ang mga sumusunod ay ang gamit ng social media sa pagsulong ng kahalagahan ng wika
MALIBAN sa isa.
A. Magpost ng spoken poetry sa “Facebook” patungkol sa gamit ng wika sa komunikasyon
B. Lumikha ng awit tungkol sa pag-ibig at e-upload sa “Youtube”.
C. Magtweet tungkol sa kahalagan ng wika sa pakikipag-ugnayan sa ng tao sa lipunan.
D. Mag-upload ng litrato sa “Instagram” at lagyan ng caption na “Sariling Wika ay
pagyamanin”.
21. Ang sumusunod ay alinsunod sa Batas ng Komonwelt Blg. 184 sa pamamagitan ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ni Pang. Quezon ang Wikang Pambansa
na batay sa Tagalog. Alin dito ang HINDI nabibilang sa mga batayan?
A. Ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa.
B. Siyam hanggang sampung libong salitang katulad
C. Magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan
D. Ay may kinalaman sa sistema ng ating edukasyon
22. Ang mga mag-aaral sa senyor hayskul ay hinihikayat na malinang ang kanilang kakayahan sa
mga akademikong gawain sapagkat kanila itong magagamit ng lubusan sa iba’t ibang
kursong kanilang kukunin sa kolehiyo at higit lalo sa larangan ng paghahanap-buhay
pagdating ng araw. F11PN-Ia-86
A. Wikang Katutubo C. Wikang Pambansa
B. Wikang Opisyal D. Wikang Panturo
23. Si Filipina ay isang turista sa Batangas. Habang siya ay naghihintay ng binili niyang kapeng
barako bilang kaniyang pasalubong sa kaniyang pag-uwi tinanong niya ang tindera.
Filipina: Bakit kilala ang kapeng barako sa inyonglugar?
Tindera: Dahil ang aming kape ay matapang at naiiba ang lasa sa lahat ng kape sa Pilipinas.
Bakit ga mo naitanong iha?
Bataysa usapan ng turista at tindera, anong barayti ng wika nabibilang ang mga nakalihis na
salita. F11PD-Id-87
A. Idyolek C. Dayalek
B. Sosyolek D. Etnolek
24. Sa tuwing selebrasyon ng World Teacher’s Day,iba’t ibang presentasyon ang naiisip ng mga
mag-aaral tulad ng paggawa ng sulat, mga pagbati sa socialmedia, paghahandog ng awitin
at mga sopresa na inihanda sa loob ng silid-aralan upang makita at maipadama ang lubos na
pagpapahalaga sa lahat ng sakripisyo naginagawa ng mga guro sa bawat mag-aaral. F11EP-
Ie-31
A. Representatibo C. Personal
B. Imahenatibo D. Regulatoryo
25. Hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos.
A. Dula B. Pelikula C. Nobela D. Telenobela
26. Ang wika na maaaring ginagamit sa pagbabalita kung ang istasyon ng radyo
o telebisyon ay wala sa Katagalugan.
A. Bicol B. Bisaya C. Ingles D. Rehiyunal
27. Siya ang tinaguriang Ama ng Pelikulang Pilipino.
A. Jose Palma B. Jose Rizal C. Jose De Jesus D. Jose Nepumoceno
28. Ang tema ng mga pelikulang pilipino ngayon ay ibinabatay sa panlasa ng:
A. Kababaihan B. Kabataan C. Kalalakihan D. Matatanda
29. Saan kabilang na propesyon ang mga salaitang balancesheet, revenue, balance, gross profit at
liabilities? F11WG-IIc-87
A. Guro B. Accountant C. Nars D. Pulis
30. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagkakaiba-iba ng kultura sa Pilipinas
MALIBAN sa;
A. impluwensiya ng mga dayuhan C. pagkakaiba-iba ng wika
B. katangiang heograpikal nito D. pagkakatulad-tulad ng paniniwala
31. Ang kahulugan ng pamagat ng dulang Pilipino sa “Sinag sa Karimlan”.
A. sikat ng araw sa umaga C. kadiliman at mga pagsubok
B. liwanag at pag-asa sa kabila ng kadiliman D. paghahanda sa pagsubok
32. Ano sa tingin mo ang isa sa mga dahilan na lahat ng mamamayan ay nakakaunawaan at
nakakapagsalita ng wikang filipino?
A. Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling
programa na sinubaybayan ng halos mamamayan.
B. Dahil sa mahina ang mga teleseryeng pantelibisyon.
C. Ang pagdami ng mga palabas na wikang ingles na teleserye.
D. Wala sa nabanggit
33. Ano ang nais ipahiwatig ni Ivana Alawi/Barbara sa pelikulang Partners in Crime nang sabihin
niya kay Jack/Vice Ganda na “Alam mo click tayo”?
A. Bagay sila C. Pumindot na sila
B. Magkaibigan sila D. Magkapatid sila
34. Ano ang tawag sa pagpapalit ng wika ingles at wikang filipino?
A. Code switching C. Code Variation
B. Code exchange D. Code
35. “Kapag ikaw ay nagmamahal, pero sasaktan mo rin naman dapat maghamon ka nalang ng
suntukan” Anong uri ng sitwasyong pangwika ang pahayag?
A. Bugtong C. Hugot lines/Pick up
B.Balagtasan D. Mga linya
36. Lahat ay nagsasaad ng sitwasyong pangwika sa text maliban sa isa.
A. Ang pagpapadala ng SMS ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa.
B. Ang Pilipinas ang tinaguraang TEXTING CAPITAL OF THE WORLD.
C. Madalas ang paggamit ng code switching at pagtitipid sa baybay ng mga salita.
D. Ito ay mayroong sinusunod na pamantayan o regulasyon.
37. Sino ang nagpakita ng dayagram taglay ang acronim na SPEAKING?
A. Josefina Mangahis et al. (2008) C. David Berlo
B. Dell Hymes D. Shannon at Weaver
38. Paano mo maipapaliwanag ang modelo ng komunikasyon ni David Berlo?
A. Sa kanyang modelo, ang source at receiver ay dapat may parehong kaalaman o kasanayan
sa komunikasyon para mas higit na maging epektibo ang paghahatid at pag-unawa ng
mensahe.
B. Isinasaad sa kanyang modelo na dapat ang tagatanggap ay ang magbibigay ng mensahe
tungo sa tagahatid.
C. Isinasaad sa kanyang modelo ang paghahatid ng impormasyon sa paraang two way of
circular communication.
D. Sa kanyang modelo ay mayroong electronic signal.
39. Tinawag si Ammy ng kanyang guro para sagutin sa isang katanungan.habang sumasagot si
Ammy ay panay ang pagsasabi niya ng ahmmmmm.. ahm. Anong kakayahan ang ipinapakita
ni Ammy?
A. Lingguwistiko C. Estratedyik
B. Diskorsal D. Sosyolinggwistiko
40. Si Lyndon ay nagpapakita ng kahusayan sa pagsulat na sumusunod sa wastong pamantayan
ng gramatika. Anong kakayahan ang ipinapakita niya?
A. Komunikatibo C. lingguwistiko
B. Sosyolingguwistiko D. diskorsal
41. Makalipas ang dalawang taon grumadweyt ang mga estudyante na nag-aral ng Senior High ,
sila ay nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga eksta- kurikular na
mga gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance Anong
uri ng pananaliksik ang makikita rito?
A. panimulang pananaliksik C. pagtugong pananaliksik
B. pananaliksik na nagtataya D. pagkilos napananaliksik
42. Ang inyong komunidad ay nagkaroon ng malalang problema sa pagkakaroon ng masansang
na amoy sa paligid na ang dahilan ay ang maling pagtatapon ng basura. Anong klase ng
pananaliksik ang aangkop sa suliranin?
A. panimulang pananaliksik C. pagtugong pananaliksik
B. pananaliksik na nagtataya D. pagkilos napananaliksik
43. Alin sa mga sumusunod ang makikita sa Kahalagahan ng Pag-aaral?
A. Ang mga makikinabang sa isinagawang pag-aaral
B. Ang mga makisawsaw sa isinagawang pag-aaral
C. importansya ng pag-aaral sa mga indibidwal
D. wala sa nabanggit
44. Ipinapakita nito ang resulta ng pag-aaral.
A. Rekomendasyon C. Abstrak
B. konklusyon D. lagom ng natuklasan
45. Sa paglabas ng resulta ng pananaliksik na isinagawa ng grupo nina Eulalia, lumabas na ang
resulta ay taliwas sa inaasahan. Sa takot na hindi pumasa sa kanilang pananaliksik ay iniba
nila ang datos para lumabas na maging naayon ang lahat sa inaasahan. Anong tungkulin ang
kanilang nalabag?
A. Walang kinikilingan C. Subhetibo
B. Bukas ang isipan D. Katapatan
46. Isinusulat ni Ben ang aklat na kanyang ginamit sa pangunguha ng datos.
A. pumili at maglimita ng paksa
B. gumawa ng bibliyograpiya
C. magsagawa ng pansamantalang balangkas
D. mangalap ng datos
47. Sinusuring mabuti ni Jane kung mapagkakatiwalaan ba ang datos na kanyang nakukuha.
Anong hakbang ito ng pananaliksik?
A. pumili at maglimita ng paksa
B. gumawa ng bibliyograpiya
C. magsagawa ng pansamantalang balangkas
D. mangalap ng datos
48. Bakit mahalaga ang papel pananaliksik?
A. Ang kahalagahan ng konseptong papel sa pananaliksik ay ito ay nagsisilbing proposal ng
pananaliksik nililinaw kung ano ang gagawing sulatin at tinutukoy rin dito ang
kahalagahan at kabuluhan ng naturang paksa.
B. Mahalaga ang papel pananaliksik sapagkat ito ang paraan upang malutas natin ang ang
lahat ng ating mga suliranin.
C. Mahalaga ang papel pananaliksik dahil sa ganitong paraan din natin malalaman kung ang
mga bagay, tao, o pangyayari ay magkaugnay o mahalaga sa isa't isa. Kadalasan,
ginagamit natin ang sistemang ito upang malamanang mga bagay na hindi pa naabot ng
ating kamalayan.
D. B at C

Inihanda ni: Nirebyu ni:

LURDELINE R. MAPULA LUTCHE RUBY L. SUMALINOG


Teacher II Master Teacher I

Inaprobahan ni:

MA. CRISTY S. DEGUMA


Principal I

You might also like