You are on page 1of 6

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pangalan: Petsa:
Taon at Pangkat: Guro:
Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga
konseptong pangwika F11 PT – Ia- 85
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot na tumutukoy sa kahulugan at kabuluhan ng mga
konseptong pangwika.
1. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita
A. Pantulong na wika C. Ikalawang wika
B. Katutubong wika D. Unang wika
2. Ito ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura. (Gleason,
1961)
A. letra B. pantig C. salita D. wika
3. Ang tawag sa isang grupo ng tao na gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at
nagkakaunawaan sa paggamit ng wika.
A. Linggwistikong pambansa C. linggwistikong komunidad
B. Linggwistikong panlipunan D. linggwistikong pangwika
4.Ang wika ay mahalaga sapagka t ito’y .
A. sumasalamin sa imahe ng bawat Pilipino
B. nagbibigkis sa damdamin ng mga Pilipino
C. ginagamit na instrumento sa pakikipagtalastasan
D. sumisimbolo ng pagkakakilanlan ng isang bansa
5. Kahulugan ng salitang Latin na lingua.
A. Teorya B. Kamay C. Wika D. Dila
6. Ang tawag sa isang grupo ng tao na gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at
nagkakaunawaan sa paggamit ng wika.
A. Linggwistikong pambansa C. Linggwistikong komunidad
B. Linggwistikong panlipunan D. Linggwistikong pangwika
7. Alin sa sumusunod ang pinaka epektibong paraan sa pagpapanatiling buhay ng isang wika?
A. Kapag ito ay patuloy na ginagamit C. Kapag ito ay dumarami
B. Kapag ito ay binabago D. Kapag ito ay nauunawaan

Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na


sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon F11 PD- Ib- 86
8.Ano ang kaugnayan ng mga palabas sa telebisyon sa konseptong pangwika at
situwasyong pangkomunikasyon?
A. TV ang makapangyarihang media na mag-ugnay sa tao gamit ang wika.
B. Sa TV napapanood ng tao ang mga palabas at programa.
C. Maraming mapapanood sa TV gamit ang iba’t ibang wika.
D. Nauunawaan ng mga manonood ang nakikitang palabas.
9. “Ngayon, Bukas, at Magpakailanman!” ito ang sikat na linyang binibitawan ni Mel Tiangco sa
pagtatapos ng kanyang programang “Magpakailanman” sa telebisyon. Anong wika ang kanyang
ginagamit?
A. Unang Wika C. Wikang Panrehiyon
B. Ikalawang Wilka D. Wikang Panlalawigan
10. “Excuse me po!” Ito ay tuwinang nababanggit ni G. Mike Enriquez sa bawat pagkakasamid sa
kanyang paghahatid ng balita. Kalauna’y ito’y naging pagkakakilanlan
niya kahit naririnig lamang ang kanyang tinig dahil sa estilo ng kanyang pananalita. Anong
kaparaanan sa pagsasalita ang kanyang ginagamit?
A.Dayalek B. Sosyolek C. Etnolek D. Idyolek

Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling


kaalaman, pananaw at mga karanasan,

11. Kung ang isang tao ay maraming wikang sinasalita, ano ang tawag sa kanya?
A. monolingguwal B. bilingguwal C. multilingguwal D. Nolingguwal
12. Wika na kadalasan ay nagmula o sinasalita sa loob ng tahanan
A. Dayalek B. Etnolek C. Idyolek D. Ekolek
13. “Sir, na-encode ko na po yung report at ise-send ko na lang sa fb.” Anong
domeyn ang makikita sa rehistro ng wikang ipinahayag?
A. agrikultural B. edukasyon C. computer D. pang-agham
14. Isang guro sa Filipino II si Bb. Stella Hermoso at mula sa iba’t ibang lugar nagmula ang kanyang mga
estudyanye. Sa oras ng klase ukol sa araling barayti ng Wika, pinabigkas niya ang salitang ganda na
may damdamin sa apat na estudyanteng nagmula sa iba’t ibang lugar.
Cavite: Aba, ang ganda! Aurora: Ka ganda ay!
Batangas: Ala e, ka ganda! Rizal: Ka ganda hane!
Anong barayti ng wika ang ipinakikita sa mga naging kasagutan?
A. Dayalek B. Sosyolek C. Etnolek D. Idyolek

Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google at iba
pa)sap ag-unawa sa mga konseptong pangwika

15. Ang sumusunod ay makatutulong sa paglaganap ng wikang Filipino sa


pagpopost sa social media MALIBAN sa .
A. Sa pamamagitan nito ay mas lalo pang mapapatatag ang wikang Filipino.
B. Mas mapapalawig pa ang sariling wika.
C. Mas maisusulong pa ang intelektuwalisasyon ng ating wika.
D. Mas pinatutunayan nito na walang pag-unlad ang ating wika.
16. Paano nakaaapekto ang social media sa paggamit ng wikang Filipino?
A. Sa paggamit ng mga hiram na wika
B. Sa pagtalikod sa wikang Filipino
C. Sa paglinang ng mga nakasanayang wika
D. Sa pagpapahalaga sa wikang Filipino
17. Ang sumusunod na pahayag ay tama maliban sa…
A. Ang social media ay isang mabisang mediun ng komunikasyon
B. Ang facebook ay nagagamit na behikulo upang ipakita ang pag unlad ng isang wika
C. Nagagamit ang mga katutubong wika sa facebook
D. Pawang mga katotohanan at nagbibigay ng inspirasyon ang post sa social media
18. Paano umiinog ang wika batay sa social media na pananaw?
A. Sa paraan ng wastong paggamit nito
B. Sa paraan ng pagmamalaki
C. Sa paraan ng pagpapahalaga nito
D. Sa paraan ng paglinang nito
Kasanayang pampagkatuto: Nabibigyang- kahulugan ang mga komunikatibo gamit ang wika sa
lipunan. F11 PT-Ic- 86
19. Ang tungkuling ito ng wika ay makikita sa paraang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa tulad ng
pagbibiruan, pakikipagpalitan ng kuru-kuro at pagkukuwento.
A. Personal B. Impormatibo C. Regulatori D. Interaksyunal
20. Gamit ito sa pagkontrol sa ugali at asal ng ibang tao, ang pagbibigay ng direksyon gaya ng
pagluluto, pagsagot sa pagsusulit, paalala, babala, at mga panuntunan.
A. Heuristic B. Personal C. Regulatori D. Imahinatibo
21. Maaari ko bang malaman kung gaano katagal bago matapos ang proyektong ito?
A. Impormatibo B. Instrumental C. Heuristiko D. Personal
22. Ang tungkulin ito ng wika ay nagpapakita ng pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan. Kasama na rito ang pagsulat ng talaarawan at pagpapahalaga sa anumang
anyo ng panitikan.
A. Impormatibo B. Personal C. Regulatori D. Instrumental

Kasanayang pampagkatuto: Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa


pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula. F11PD – Id – 87

23. “Huwag ismolin ang barangay election. Ang barangay bilang pinaka-basic political unit sa bansa, ang
pinakanadaramang mukha ng ating gobyerno kaya alamin natin sa araw na ito ang mga plataporma ng mga
kandidato at problema sa barangay.”

Lourd; Bakit ka nag-file?

Kinapanayam 1: Maging boses ng kabataan. Kinapanayam

2: Maibalik ang gawain ng mga kabataan

- Word of the Lourd, Barangay at SK Election


Anong tungkulin ang ginamit sa sitwasyong ito?
A. Heuristik B. Impormatibo C. Instrumental D. Interaksyunal

24. “Minsan gusto ko nang ipagsigawan, kaya lamang ako lang naman ang nagmumukhang tanga.
Bakit
ba naman kasi ang complicated magmahal?
- Basha, One More Chance

A. Instrumental B. Interaksyunal C. Personal D. Impormatibo


25. “Akala ko ba ay ok na? Nagdadrama ka na naman. Di nga ba pagdating sa kapakanan ng pamilya,
walang panga-panganay, walang ate-ate, walang bunso-bunso! Ang meron lang… kapit- bisig” -
Maya, Be Careful with My Heart
A. Instrumental B. Interaksyonal C.Personal D. Impormatibo
26. “ Executive Order, kontra illegal contracting at subcontracting para sa mga manggagawa, pirmado na
ng pangulo ngunit naniniwala ang pangulo na hindi sapat ang E.O. ng pangulo upang wakasan
ang
problema at upang matiyak ang security of tenure kaya dapat na kumilos ang kongreso”.
- 24 Oras, GMA Balita
Anong tungkulin ng wika ang ipinahahatid nito?

A. Personal B.Regulatori C. Impormatibo D. Interaksyunal

Kasanayang pampagkatuto: Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa


pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa
Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat pangungusap at tukuyin ang cohesive device
na ginamit. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
27. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay nito ay ang mabilis na pagbabago sa larangan ng paggawa
ng pelikula.
A. bagong milenyo B. kasabay nito C. larangan D. mabilis
28. Pinagtuunan ng pansin ni Oscar ang pag-aaral sa kanilang pagsusulit sa halip na paggamit ng
telepono.
A. ang pag-aaral B. sa halip C. paggamit D. pinagtuunan
29. Bilang konklusyon, bumaba ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas ngayon.
A. bilang konklusyon B. ekonomiya C. kalagayan D. bumaba
30. Nagkakaroon ng hindi pagkakaintidihan sa pagkakaibigan kapag hindi nagsasabi ng totoo sa bawat
isa.
A. totoo B. hindi C. kapag D. bawat
Kasanayang pampagkatuto:Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit
ng wika sa lipunan
31. Pagtatanong sa isang direksyon patungo sa destinasyong pupuntahan.
A. interaksyonal B. regulatoryo C. heuristiko D. personal
32. Pangangalap ng impormasyon gamit ang sarbey.
A. interkasyonal B. regulatoryo C. heuristiko D. personal

33. Nagbigay ng liham ang lolo mo para sa gaganaping “Grand Reunion” ng pamilya niyo
A. representatibo B. interaksyonal C. heuristiko D. personal
34. Pagtuturo ng magulang sa kanyang anak ng mga hakbang sa pagluluto ng ulam na
adobo.
A. interaksyonal B. instrumental C. regulatoryo D. personal
35. Pagbibigay ng opinyon sa napanood na balita.
A. interaksyonal B. heuristiko C. personal D. regulatoryo
36. Pagsusuri sa isang pelikulang napanood. Pagbibigay ng kritisismo.
A. representatibo B. regulatoryo C. heurisrtiko D. personal
37. Paggawa ng patalastas ng mga kandidato para sa gaganaping eleksyon.
A. representatibo B. instrumental C. regulatoryo D. heuristiko
Kasanayang pampagkatuto: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan
tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa

38. Ang tawag sa katutubong paraan o sistema ng pagsulat ng mga katutubo na binubuo ng
labimpitong letra, tatlong pantig, at labing-apat na katinig.
A. Abakada B. Alpabeto C.Alibata D. Abecedaryo
39. Ang Proklamasyon Blg.1041 na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ay nagtatadhana ng pagdiriwang
ng Buwan ng Wika. Ito ay isasagawa tuwing sumasapit ang buwan ng .
A. Abril B. Mayo C. Hulyo D. Agosto
40. Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, ipinahayag na ang ang gawing
saligan ng Wikang Pambansa.
A. Ilokano B.Tagalog C. Cebuano D.Hiligaynon
41. Ayon sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, anong seksyon ang nagsasabing ang
Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas?
A. Seksyon 2 B. Seksyon 6 C. Seksyon 11 D. Seksyon 12

Kasanayang pampagkatuto: Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng
wika

42. Ayon kay Dr. Otley Beyer, isang amerikanong antropologo, may tatlong pangkat ng taong dumating
sa Pilipinas, ang grupo ng mga Negrito, Indones at Malay, ang nagsimula ng lahing Pilipino. Ang
kanyang teorya ay tinatawag na .
A. Teorya ng Pandarayuhan C. Teorya ng imigrasyon
B. Teorya ng Pagpapangkat D. Teorya ng Pananakop
43. Ang teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa isang parabola sa Bibliya.
Ito’y makikita sa aklat ng .
A. Genesis B. Exodus C. Leviticus D. Numbers
44. Ayon kay Jesperson, isang linggwista, naniniwala siyang ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang emosyonal. Ang teoryang ito ay tinatawag na .
A. Teoryang Bow-wow C. Teoryang Ding-dong
B. Teoryang Sing-song D. Teoryang Yo-he-ho
45. Siya ang nagsabi na ang wika ang pinaka elaboreyt at pangunahing gawaing simboliko ng tao.
A.Henry Gleason B. Archibald Hill C. Aristotle D. M.A.K Hallida

Kasanayang pampagkatuto: Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga


napakinggang pagtalakay sa wikang Pambansa
Panuto:Tukuyin kung ang pahayag ay katotohanan o di-katotohanan. Isulat ang titik ng tamang sagot
46. Umiral ang dayalektong Tagalog sa administrasyon ni Pangulong Manuel Luis Quezon.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
47. Kailangan ng pagbabatayang batas kung nais baguhin ang katawagan ng partikular na wika.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
48. Ang itinuturing na lingua franca ng Pilipinas ay ang dayalektongTagalog.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
49. Ang itinuturing na lingua franca ng Pilipinas ay ang dayalektong Tagalog.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
50. Binanggit ni Kom. Francisco Rodrigo na ang Pilipino ay batay sa Tagalog at ang Filipino ay batay sa
Pilipino.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
51. Hindi nagtataglay ng historikal na perspektiba ang Wikang Filipino.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
52. Isinasaad at pinatutunayan na ang Wikang Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing
lenggwahe.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan

Kasanayang pampagkatuto: Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na


yugto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa
53. Isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng kuro-kuro ng may akda hinggil sa isang bagay.
A. maikling kuwento C. nobela
B. sanaysay D. tula
54. Tinuturing na pinakamahalagang bahagi ng sanaysay, sapagkat ito ang unang titingnan ng
mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon.
A. simula C. tema
B. gitna D.wakas
55. Elemento ng sanaysay na naglalahad na mas mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na
pahayag.
A. wika at istilo C. damdamin
B. kaisipan D. anyo at istruktura
56. Bahagi ng sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang ideya o punto ukol sa tema at nilalaman
nito.
A. simula B. wakas C. gitna D. tema

Kasanayang pampagkatuto: Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may
kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa
57. Sa panahon ng mga katutubo, nabatid natin ang ating mga ninuno ay nagmula sa tatlong malalaking
pangkat na nandayuhan sa ating bansa. Ano ang ibinunga nito sa pag-unlad ng ating wika?
A. Nahirapang makipagtalastasan ang ating mga ninuno
B. Walang isang wikang nanaig sa ating bansa
C. Iba’t ibang wika ang natutuhan ng ating mga ninuno.
D. Hindi nag-usap ang ating mga ninuno.
58. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa – ang baybayin.
Nang dumating ang mga Espanyol ay sinunog nila ang mga ito. Ano ang sanhi ng pagsunog nila rito?
A. Labis na pagkamuhi ng mga Espanyol sa mga katutubo.gusto nilang buwagin ang simbolo
ng pagkakaisa.
B. Mahirap unawain at pag-aralan ang baybayin. Hindi sila nagkakaunawaan kung ito ang
gagamitin.
C. Ayon sa kanila, ito raw ay gawa ng diyablo, subalit ang totoo naisip nilang
makahahadlang ito sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
D. Gusto nilang turuan ng bagong paraan ang mga katutubo upang maunawaan ang kanilang
sinasabi.
59. Noong panahon ng Espanyol ay ginamit ang wikang katutubo sa pakikipag-usap sa mga
mamamayan. Ano ang sanhi nito?
A. Naniniwala ang mga Espanyol na mas mapapalaganap nila ang pananampalataya kung
wikang nauunawaan ng mga katutubo ang gagamitin.
B. Nabatid ng mga Espanyol na mas maganda pala ang wikang katutubo kaysa sa kanilang
wika.
C. Nagdududa ang mga Espanyol sa kakayahan ng mga katutubong matuto ng bagong wika
D. Nagustuhan ng mga Espanyol ang mga salita ng katutubo kaya ito ang kanilang ginamit.
60. Kagustuhan ng mga Espanyol na maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ano ang
ibinunga nito?
A. Ang mga misyonerong Espanyol ay kumuha ng tagasalin para makipag-ugnayan sila sa
katutubo.
B. Ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
C. Ipinaglaban ang mga misyonerong Espanyol ang paggamit ng wikang Espanyol.
D. Ipinaglaban ang mga misyonerong Espanyol ang paggamit ng katutubong wika

You might also like