You are on page 1of 3

BONGABON SENIOR HIGH SCHOOL

SINIPIT, BONGABON, NUEVA ECIJA


Mahabang Pagsusulit (Longtest)
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Taong Panuruan 2021-2022

PANGALAN: _______________________ PANGKAT: ________________ PETSA: ___________ ISKOR:_______

PANGAKALAHATANG PANUTO: Ang kahit na anumang uri ng pagbubura o pagtatapal ng sagot ay maituturing na mali.

Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong/pahayag, Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Maliban sa unang wika ano ang tawag sa wikang kinagisnan.


A. L1 B. L2 C. register D. barayti ng wika
2. Ito ay may simbolong L2, na maaaring matutuhan ng isang bata habang siya ay lumalaki
na maaring magmula sa paaralan, telebisyon, o maging sa kanyang mga kalaro.
A. Pangalawang wika B. mother tongue C. L2 D. sosyolek
3. Sa paanong paraan mo malalaman na ang isang komunidad ay nagtataglay ng heterogenous na wika?
A. Kapag ang mga myembro nito ay isang wika lamang ang sinasalita.
B. Kung ang mga myembro nito ay maraming sinasalitang diyalekto/wika.
C. Kapag mahusay ang mamamayan na gumamit ng mother tongue o katutubong wika.
D. Kung nakapagsasalita ang mga mamayan nito ng wikang Ingles.
4. Ano ang tawag sa magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang mga midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na
asignatura?
A. Multilingguwal C. mother tongue-based education
B. Edukasyong bilingguwal D. vernacular
5. Ano ang tawag sa pagsasalita ng iisang wika lamang?
A. MonolingualB. Multilingual C. Polyglot D. Bilingual
6. Ito ay isang barayti ng wika kung saan ang nagsasalita ay gumagamit ng Ingles at Filipino ayon sa sitwasyon at
okasyon.
A. Lexical Borrowing B. Code Switching C. Interlanguage D. Mode of discourse
7. Nalilinang ito mula sa rehiyong kinabibilangan ng isang tao na nabubuo dahil sa tiyak na ugnayan ng mga taong nasa
loob ng partikular na lokasyon.
A. Sosyolek B. Idyolek C. Diyalekto D. Dimensyong Sosyal
8. Ano ang tawag sa barayti ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo ng iba’t ibang klasipikasyon ng
mamamayan sa lipunan?
A. Sosyolek B. Idyolek C. Diyalekto D. Dimensyong sosyal
9. Ito ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit ng mga taong nasa isang ispesipikong larangan o disiplina.
A. Register ng Wika B. Tenor of discourse C. Mode of Discourse D. Diyalekto
10.Ano ang tawag sa paggamit ng higit sa dalawang wika?
A. MonolingualB. Multilingual C. Polyglot D. Bilingual
11.Wika na tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad,
kasarian, tirahan, gawain at iba pang salik.
A. Monolingguwalismo B. Bilingguwalismo C. Heterogenous D. Homogenous
12.Anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa pahayag sa isang karatulang Mas mabuti pang mahulog sa kanal
kaysa sa mahulog sa taong hindi ka naman mahal ?
A. Barayti ng wika B. Kultura ng wika C. Wikang opisyal D. Unang wika
13.Ginagamit ang mensahe upang makabuo ng kahulugan sa pagitan ng dalawang tao sa isang sitwasyon.
A. Komunikasyong intrapersonal C. Komunikasyong pampubliko
B. Komunikasyong interpersonal D. Komunikasyong pangmasa
14..Ito ay nagaganap sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao
A. Pakikipagkomunikasyon B. Pakikipagmabutihan C. Pakikipagkalakalan D. Pakikipagtuos
15. Ito ay maaaring magsimula sa sarili
A. Pakikipagmabutihan B. Pakikipagtalastasan C. Pakikipagunawaan D. Pakikipagsapalaran
16.Ito ay isang proseso ng paglikha at pagbabahagi ng impormasyon sa kaalaman ng isang tao sa pormal o impormal na
paraan .
A. Komunikasyon B. Komunikatibo C. Kolaborasyon D.Kultura
17. Sa komersyal ng Bear Brand Adult Plus, ipinakita ang mga kagamitan ng mga kawani tulad ng laptop, autocad, T-
square, blueprint at miniature. Sa anong larangan nabibilang ito?
A. Accountancy B. Engineer C. Arkitektura D. Medisina
18. Isang guro sa Filipino II si Bb. Bayot at mula sa iba’t ibang lugar nagmula ang kanyang mga mag-aaral. Sa oras ng
klase sa araling rehistro ng wika, pinabigkas niya ang salitang ganda na may damdamin sa apat na mag-aaral na
nagmula sa iba’t ibang lugar.
Cavite : Aba, ang ganda !
Batangas : Aba, ang ganda ah !
Bataan : Kaganda ah !
Rizal : Ka ganda hane !
Anong paraan ng pagsasalita ang ginamit?
A. Sosyolek B. Dayalek C. Etnolek D. Idyolek
19. Sa kanilang barangay. Nabanggit ng isa ang ganito… “Wow Pare, ang tindi ng tama ko…. heaven”
Anong barayti ng wika ang kanyang narinig?
A. Sosyolek B. Dayalek C. Idyolek D.
Etnolek
20. Ito ay pinauso at ginamit ng isang sangay ng lipunan natin na nakaugat sa kulturang popular ng
kabataang gumagamit ng text messaging sa kanilang pakikipag-komunikasyon
A. Rehistro B. Jejemon C.Homogenous D. Heterogenous
21. Sa iyong sariling palagay, bakit napapabilang sa barayti ng wikang jargon ang mga termino tulad ng
account, balance, diagnosis at test paper?
A. Sapagkat ito ay may kaugnayan sa iba’t ibang hanapbuhay o larangan
B. Sapagkat ito ay mula sa isang particular na komunidad
C. Sapagkat ito ay mula sa mga etnolinggwistikong grupo
D. Sapagkat ito ay wikang di pag-aari ninuman
22. Ang sumusunod ay makatutulong sa paglaganap ng wikang Filipino sa pagpopost sa social media MALIBAN sa
__________________.
A. Sa pamamagitan nito ay mas lalo pang mapapatatag ang wikang Filipino.
B. Mas mapapalawig pa ang sariling wika.
C. Mas maisusulong pa ang intelektuwalisasyon ng ating wika.
D. Mas pinatutunayan nito na walang pag-unlad ang ating wika.
23. Ano ang pangunahing tuon ng social media lalo’t higit sa mga taong gumagamit nito?
A. Malaman ang mga nagyayari sa lipunang ginagalawan
B. Makiuso dahil laganap ang mga wika sa iba’t ibang aspeto
C. Malinang ang kaalaman sa mga sitwasyon ng mundo
D. Makita ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino
24. Ang wika ay kasangkapan ng _______________________.
A. mekanikal B. pakikipagtalastasan C. ugali ng tao B. isip at damdamin
25. Sa ating pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang dako ng daigdig, napatunayan na nating hindi sapat ang kahusayan sa
_______________________.
A. Wikang katutubo B. Wikang dayuhan C. Wikang nakasanayan D. Wikang nilimitahan.

I.A. Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang pahayag sa bawat bilang.

1. Maraming Pilipino ang gumagamit ng pinaghalong Ingles at Tagalog o mas kilala sa tawag na ________________.
2. Bawat tao o grupo ng ___________ ay may kanya-kanyang diyalekto na ginagamit. May mga gumagamit ng mga
katutubong salita, depende sa lugar na kanilang pinanggalingan.
3. Sa paglipas ng iba’t ibang salik lahi at sa pagsibol naman ng mga makabagong henerasyon, tayo ay nagkaroon ng
maraming barayti at baryasyon ng wikang Pilipino. ________________ ang tawag sa mga wikang ito.
4. Ang Unang Wika ay tinatawag ring ______________, katutubong wika o sinusong wika. Ang wika kung saan
nakilala at pamilya ang isang indibidwal kaya nagkaroon ng kakayahang maangkin ito sa tulong ng kinalakhang
komunidad.
5. Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na "homo" na ang ibig sabihin ay ___________ at
6. salitang "genos" na ang ibig sabihin ay ________________.
7. Ang _______ ay isang barayti ng wika na bunga ng isang sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng
wika.
8. Ang permanenteng barayti ay binubuo ng _____________ at
9. _________________.
10. Ang ___________________ naman ay tumutukoy sa mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon
sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Dito, nababago niya ang gamit ng grammar ng wika sa
pammagitan ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng mga alituntunin.

II. Panuto: Lumikha ng sariling Hugot Lines o Spoken Spoetry. Mamili lamang sa A at B kung ano ang nais gawin. Gamit
ang unang wika sa Konseptong Pangwika gumawa ng sariling:

A. "2 HUGOT LINES" Ukol sa Makabagong Panahon.


B. "SPOKEN POETRY" Ukol sa Kabataan sa Panahon ng Pandemya.

-Isulat ang nagawang Pick-up lines o Spoken Poetry sa Sagutang papel.

Pamantayan sa Pagmamarka (+15 puntos)


PUNTO Pamantayan sa Pagmamarka
S
15 Nilalaman, pagkakaugnay-ugnay ng mga salita, orihinalidad
10 Pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ay may orihinalidad
5 May orihinalidad

-Pagkatapos, i-video o kuhanan ang sarili habang binibigkas ang nagawang "pick-up lines o
spoken poetry, ipasa/i-send ito sa gc ng KPWKP.

Pamantayan sa Pagmamarka (Perfomans).

 Nilalaman (mahusay at angkop ang mga salita na nabigkas gamit ang


unang wika sa konseptong pangwika, at may kinalaman sa paksang napili………………………….…………25%
 Gramatika at Pagkakaugnay-ugnay ng diwa sa mga pangungusap……………………………………….15%
 Orihinalidad……………………………………………………………………………………………………….10%

Inihanda ni:

GLORY JOY C. AGNES


GURO SA FILIPINO

You might also like