You are on page 1of 6

SENIOR HIGH SCHOOL

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


PERIODIC EXAMINATION
School Year 2017 – 2018

I. Basahing maiigi ang bawat tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod na ideolohiya ang itinuturing ni Marx at sinang-ayunan ni Asenjo na isang


kamalayang praktika?
a. komunikasyon b. pampublikong pagbigkas
c. wika d. retorika
2. Ano ang isang dalubwika?
a. taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa medisina
b. taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa wika
c. taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa sining
d. taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa literature

3. Anong pahayagan ng Katipunan ang gumamit ng wikang Tagalog?


a. La Solidaridad b. Kalayaan
c. Kartilya ng Katipunan d. Diariong Tagalog

4. Kung ang pagbabago-bago ng isang wika ay batay sa heograpikal na kondisyon ng isang lugar, ito ay
tinatawag na ___________.
a. dayalek b. sosyolek
c. idyolek d. ekolek

5. Ano ang wikang panturo?


a. Ang wikang panturo ang (mga) wikang pambansa natin.
b. Ang wikang panturo ang (mga) wikang ginagamit o itinatalaga ng pamahalaan para sa
edukasyon.
c. Ang wikang panturo ang (mga) wikang opisyal natin.
d. Ang wikang panturo ang (mga) wikang pamana.

6. Ano ang opisyal na wika?


a. wikang ginagamit sa lahat ng uri ng opisyal na komunikasyon at opisyal na transaksyon ng
pamahalaan
b. wikang ginagamit sa pakikipagkalakalan
c. wikang ginagamit sa loob ng paaralan
d. wikang ginagamit ng lahat ng mamamayan sa isang bansa upang magkaunawaan

7. Ayon kay Lev Vygotsky, ano ang may mahalagang papel sa pag-unlad ng katalinuhan o kakayahan ng
tao na makinabang sa pagtuturo?
a. kultura b. paaralan
c. relihiyon d. wika

8. Ano ang tinutukoy ng heterogenous na kalikasan ng wika?


a. pagkakatulad b. pagkakaiba-iba
c. pagpapangkat-pangkat d. paghihiwa-hiwalay

9. Tukuyin kung anong barayti ng wika ang pinatutungkulan:


Akala ni Joel, hinihingan siya ng pitong pisong bayad nang sabihin ng barbero na gupit siyete ang
gagawin sa kaniya. Iba pala ang ibig nitong sabihin.
a. dayalekto b. sosyolek
c. idyolek d. rehistro

10. Ano ang ginagamit upang epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan?


a. kultura b. wika
c. ponema d. morpema

11. Anong kalikasan ng wika ang tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika bunga ng paggamit ng iba't bang
indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, gawain, tirahan, interes, edukasyon?
a. homogeneous b. heterogeneous
c. monogeneous d. polygenes

12. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga aralin at paglilinaw hinggil sa wikang Filipino na inilalathala sa
Facebook?
a. Kikomachine b. WIKApedia
c. Komisyon sa Wikang Filipino c. Wikasyonaryo

13. Ano ang tawag sa wikang natutuhan ng isang tao simula pagkabata o sa isang kritikal na yugto ng
pagkatuto?
a. unang wika b. pangalawang wika
c. pangatlong wika d. anumang wika

14. Ano ang tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos matuto ng kaniyang unang wika?
a. mother tongue b. pangalawang wika
c. wikang banyaga d. wikang global

15. Ano ang ibig sabihin ng gamit ng wika bilang instrumental?


a. Ang wika ay ginagamit upang magpahayag ng pag-utos.
b. Ang wika ay ginagamit upang magpahayag ng damdamin.
c. Ang wika ay ginagamit upang makaimpluwensiya.
d. Ang wika ay ginagamit upang magpahayag ng imahinasyon.

16. Ano ang gamit ng wika bilang regulatoryo?


a. Ang wika ay ginagamit upang magpahayag ng damdamin.
b. Ang wika ay ginagamit upang magbawal o magbigay permiso sa pag-aasal.
c. Ang wika ay ginagamit upang mang-impluwensiya.
d. Ang wika ay ginagamit upang magpahayag ng imahinasyon.

17. Ano ang gamit ng wika bilang interaksyunal?


a. Ang wika ay ginagamit upang bumuo at magpanatili ng mga ugnayan
b. Ang wika ay ginagamit upang manira ng relasyon
c. Ang wika ay ginagamit upang mang-impluwensiya
d. Ang wika ay ginagamit upang magpahayag ng imahinasyon

18. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapaliwanag ng pagkakaroon ng sistema ng wika?


a. Bawat wika ay may sariling gramatikang sinusundan.
b. Bawat wika ay may sariling bokabularyo.
c. Lahat ng wika ay may barayti. x
d. Lahat ng wika ay may sariling alpabeto.

19. Ano ang tawag sa gamit ng wika na nagbibigay daan para sa kaalaman ng tao?
a. heuristiko b. impormatibo
c. personal d. regulatory

20. Ano ang gamit ng wika kung ang pahayag ay naglalaman ng mga kaalaman o impormasyon?
a. Representatibo x b. heuristiko
c. instrumental d. regulatory
21. Alin sa sumusunod ang hindi totoo tungkol sa wika sa Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol?
a. May sarili ng alpabetong ginagamit ang mga Pilipino.

b. Iba’t iba ang wika sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


c. Hindi maaaring magkaintindihan ang mga Pilipinong mula sa iba’t ibang lugar ng bansa.
d. Mataas ang antas ng literasi ng bansa bago pa man dumating ang mga Espanyol. X

22. Ano ang wika noong panahon ng rebolusyon sa Pilipinas?


a. Tagalog b. Tagalog at Espanyol
c. mga wikang komon at Espanyol d. mga wikang komon

23. Sa anong paraan ipinakilala ng mga Amerikano ang kanilang wika sa mga Pilipino?
a. bilang wikang komon b. bilang wikang panturo
c. bilang wikang pambansa d. bilang wikang opisyal

24. Ano ang naging opisyal na wika sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Hapones?
a. wikang Tagalog b. wikang Ingles
c. wikang Pranses d. wikang Tsino

25. Sa panunungkulan ng sinong pangulo naganap ang pagsasa-Pilipino ng pangalan ng mga gusali at
tanggapan ng gobyerno?
a. Manuel Quezon b. Ramon Magsaysay
c. Ferdinand Marcos d. Corazon Aquino

26. Ano ang gamit ng wika ayon kina Constantino at Zafra?


a. Pagpapaunlad ng kabuhayan b. Pagpapalawak ng nasasakupan
c. Pakikipag-ugnayan sa iba d. Pagpapanatili ng sistema

27. Ang mass media o ________________ ay iba’t ibang midyum ng teknolohiya na nililikha para sa mga
tiyak na tagatanggap ng mensahe.
a. social media b. pangmadalang artikulasyon
c. midyum d. pangmadlang komunikasyon

28. Ano ang social media?


a. Ito ay mga website at application
b. Ito ay kasangkapang teknolohikal
c. Ito ay koneksyong dumadaloy sa mga computer
d. Ito ay makinarya para sa pakikipag-ugnayan ng tao

29. Ano ang dula?


a. Ito ang anyo ng panitikang binubuo ng isa o higit pang yugto at tinatanghal sa entablado
b. Ito ang anyo ng panitikang isinasatelebisyon
c. Ito ang anyo ng panitikang binubuo ng mga saknong at binibigkas
d. Ito ang anyo ng panitikang binubuo ng dalawang linya at hinuhulaan

30. Ano ang wikang pinagmulan ng creole?


a. Pidgin b. Sosyolek
c. Dayalekto d. Idyolek

31. Saan maiuugat ang kasalukuyang kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino?


a. Kasaysayan b. Agham
c. Sining d. Panitikan

32. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa rehistro ng wika?
a. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan sa isang larangan
b. Pangunahing dahilan ito ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkaibang larangan
c. Nakatutulong ito upang magkaugnayan ang dalawang indibidwal mula sa magkaibang lugar o
pangkat ng lipunan ngunit magkasama sa isang larangan
d. Ang rehistro ng wika ay barayti ng wika
33. Anong konsteksto ng social media ang ipinapakita ng sitwasyon na naging dahilan ng pagbabago sa
wika? Maraming pahayag ang nakasulat sa Taglish.
a. Limitado ang espasyo b. Mabilis ang takbo ng usapan
c. Kanluranin ang kultura d. Hindi binibigyang-pansin ang estruktura ng wika

34. Ano ang malaking nagagawa ng mass media sa lipunan?


a. Kaya nitong impluwensyahan ang isipan ng mga mamamayan.
b. Naaalis nito ang agam-agam sa isipan ng mga mamamayan.
c. Serbisyong totoo ang ibinibigay nito sa mga mamamayan.
d. Nasisira nito ang pagtitiwala ng tao sa kapuwa.

35. Ano ang komunikasyon?


a. Pagbabahagi ng impormasyon b. Sistema ng sinasalitang tunog
c. Pakikipagtagpo ng tao sa ibang tao. D. Pagtatala ng kaalaman

36. Ito ay ang simbolong kumakatawan sa kahulugan.


a. Linguistic competence b. Communicative competence
c. Signifier d. Signified

37. Alin sa mga sumusunod ang HINDI totoo tungkol sa diskurso?


a. Nakabatay ito sa literal na kahulugan ng teksto.
b. Hindi ito maaaring bigyan ng kahulugan na labas sa konteksto nito.
c. Nagbubunsod ito ng iba’t ibang lebel ng pagpapakahulugan.
d. Nangangailangan ito ng pagtingin maging sa pinakamaliliit na detalye ng teksto.

38. Ayon kay Alejandro Abadilla, ang sanaysay ay buhat sa dalawang salitang pinagsama, ang ________
at __________.
a. sanay at salaysay b. pagsasalaysay ay kasanayan
c. kasanayan at saysay d. salaysayin at pagsasalaysay

39. Mula ito sa mga salitang web at log na tulad din ng diary o journal na ina-upload sa Internet.
a. Artikulo b. Travelogue
c. Web page d. Blog

40. Layunin ng kritikal na sanaysay na mabigyan ng kaukulang −−−−−−−−−−−−_ ang isang teksto.
a. Pagsusuri b. Paglalagom
c. Hypothesis d. Pagwawasto

41. Ano ang tatlong bahagi ng isang sanaysay?


a. paglalahad, pagtatalakay, paglalagom b. pamungad, pagpapalalim, pagtatapos
c. simula, gitna, wakas d. pamagat, katawan, panapos

42. Ano ang kahulugan ng pananaliksik?


a. pagsusuri ng mga konsepto, bagay, tao, at mga isyu upang bigyan ito ng linaw, patunay, o
pasubali
b. pagsusuri lamang ng mga balita upang magbigay ng sariling opinyon
c. pagsusuri lamang ng mga konsepto, bagay, tao, at mga isyu upang bigyan ito ng katanyagan
d. pagsusuri ng usapin upang makalikha lamang ng isyung pag-uusapan ng iilan

43. Ano ang hinirang na salita ng taon noong 2006?


a. Missed call b. Selfie
b. Lobat d. FB

44. Ang −−−−−−−−−−−−_ ay sumasabay sa mga pagbabagong nagaganap sa kultura sapagkat ito ay
bahagi ng kultura.
a. Wika b. Social media
c. Teknolohiya d. Tradisyon

45. Kung nagtatala pa lamang ang mananaliksik ng mga datos buhat sa kaniyang mga panayam, pagbasa
ng mga aklat, at pag-survey, siya ay nasa hakbang na −−−−−−−−−−−−_.
a. pangangalap ng datos b. pagbasa ng kaugnay na literatura
c. presentasyon ng datos d. pagsulat ng unang burador

46. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng preliminaryong mga pahina ng pananaliksik.
Unang Fly Leaf
Pahina ng Pamagat
Pasasalamat
Talaan ng Nilalaman

47. May apat na uri ng pananaliksik. Ang panimulang pananaliksik, pagtugong pananaliksik, pananaliksik
na nagtataya, at pagkilos na pananaliksik. Ang mga ito ay nakauri ayon sa __________.
a. gamit b. layunin
c. datos d. kahalagahan

48. Ano ang pinakamadaling mapaghahanguan ng paksa ng sulatin sapagkat sa sarili mismo ng
manunulat nagmula ang impormasyon?
a. Internet b. Dalubhasa
c. Sariling karanasan d. Larangang kinabibilangan

49. Sa anong uri ng mapaghahanguan ng datos kabilang ang mga aklat, diksyonaryo, encyclopedia, tesis,
at disertasyon?
a. Pangunahing hanguan b. Pangalawang hanguan
c. Survey d. Panayam

50. Ano ang tawag sa pananaliksik na naglalayong maghatid lamang ng pag-unawa o kaalaman ukol sa
isang paksa?
a. panimulang pananaliksik b. pagtugong pananaliksik
c. pagtatayang pananaliksik d. pagkilos na pananaliksik

51. Ito ay kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunanng pagpapakahulugan para
sa isang tiyak na sitwasyong pangkumunikasyon.
a. Sosyolingguwistiko b. Pragmatiko
c. Lingguwistiko d. Diskorsal

52. Ito ay nanganaghulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal sa


pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran.
a. Sosyolingguwistiko b. Pragmatiko
c. Lingguwistiko d. Etnograpiya

53. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang particular na konteksto upang
magpahayag sa paraang diretsahan o may paggalang.
a. Sosyolingguwistiko b. Pragmatiko
c. Lingguwistiko d. Etnograpiya

54. Ito ay tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan


a. Kinesika b. Pragmatiko
c. Lingguwistiko d. Etnograpiya

55. Ito ay tumutukoy sa oras at distansya sa pakikipag-usap


a. Kinesika b. Pragmatiko
c. Lingguwistiko d. Proksemika

56. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na isa sa mga pinakaunang anyo ng komunikasyon.
a. Kinesika b. Pandama/Paghawak
c. Lingguwistiko d. Proksemika

57. Ito ay kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.


a. Kinesika b. Pandama/Paghawak
c. Lingguwistiko d. Kakayahang diskorsal

58. Alin samga sumusunod ang isinasaad ang instrumentong ginamit upang maisakatuparan ang kilos.
a. Kompletong kagamitan b. Pandama/Paghawak
c. Lingguwistiko d. Kakayahang diskorsal

59. Alin samga sumusunod ang isinasaad ang pinangyarihan ng kilos. Pinangungunahan ng panandang sa
at mga panghalili nito.
a. Kompletong kagamitan b. PKompletong ganapan
c. Lingguwistiko d. Kakayahang diskorsal

60. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng isang mensaheng sinadyang magmintis at
ipinaalingawngaw lamang sa paligid
a. Padaplis b. Pahaging
c. Parinig d. Pasaring

********************GOOD LUCK********************

Inihanda ni:

Richard Juanito V. Estaris

You might also like