You are on page 1of 3

Pangalan: ___________________________________________________ Petsa: _______________

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Dito nakapaloob na ang Filipino ang wikang pambansa ng bansang Pilipinas.


a. Phil. Constitution 1977 c. Phil. Constitution 1987
b. Phil. Constitution 1997 d. Phil. Constitution 2007
2. Paggamit ng dalawang wika sa Sistema ng Edukasyon.
a. Multilingguwalismo b. Multikulturalismo c. Bilingguwalismo d. Barayti ng wika
3. Kahulugan ng salitang Latin na lingua
a. Teorya b. Kamay c. Wika d. Dila
4. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon.
a. Wikang Panturo b. Wikang Ingles c. Wikang Opisyal d. Bilinggwal
5. Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog.
a. dayalek b. salita c. dila d. wika
6. Ang wika ay nagbabago.
a. Masistemang balangkas b. Arbitraryo c. Dinamiko d. Pinipili
7. Kinikilalang lingua franca ng mundo
a. Mandarin b. Niponggo c. Filipino d. Ingles
8. Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang Tagalog dahil
a. Ito ang salitang ginagamit sa Maynila, ang punong-lungsod
b. Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong Quezon
c. Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at Espanyol na mga dayuhang salita
d. Karamihan sa mga hukom na nasa assembliyang nagpatibay sa ating wikang pambansa ay mga Tagalog
9. Sino ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa?
a. Francisco Balagtas b. Jose Rizal c. Manuel L. Quezon d. Jose Palma
10. Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:
a. Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon ng guro at mag-aaral
b. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
c. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
d. Lahat ng ito
11. Ang iyong local na diyalekto ay ______________ Ingles at Filipino.
a. di-gaanong singhalaga ng b. mas mahalaga kaysa c. singhalaga ng d. dapat mapalitan ng
12. Ipinagagamit sa pagtuturo mula kinder hanggang baitang 3.
a. Pantulong na wika b. Katutubong wika c. Mother Tongue d. Wikang Ingles
13. Ito ay kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at nararapat na sumailalim sa pagkilala ng batas
a. Pantulong na Wika b. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal d. Wikang panturo
14. Wikang pinagtibay ng pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang nasasakop.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal d. Wika
15. Sinong dalubhasa ang nagsabing “Ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo”?
a. Henry Allan Gleason Jr. b. Cambridge Dictionary c. Charles Darwin d. Lumbera
16. Ano ang iyong maipapayo sa kabataang tulad mo na mahilig mag-post sa social media?
a. Patuloy nilang gamitin nang wasto ang wikang Filipino c. Gumamit sila ng ibang wika sa pagpo-post
b. Huwag nilang gamitin ang wikang Filipino d. Huwag na silang mag-post
17. “Magandang Gabi Bayan’’ ni Noli De Castro. Anong uri ng barayti ng wika ang ginamit sa pahayag?
a. Idyolek b. sosyolek c. dayalek d. etnolek
18. Ito ay barayti ng wika na nalilikha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa particular na rehiyon o
lalawigan na kanilang kinabibilangan.
a. idyolek b. sosyolek c. dayalek d. etnolek
19. “Oh my God, it’s so mainit naman dito.” Anong uri ng barayti ng wika ang ginamit sa pahayag?
a. idyolek b. sosyolek c. dayalek d. etnolek
20. Ito ay isang uri ng barayti ng wika na nadedebelop mula sa salita ng mga etnolinggwistang grupo.
a. sosyolek b. dayalek c. etnolek d. idyolek
21. “Anak pumunta kana sa silid-tulugan.” Anong uri ng barayti ng wika ang may salungguhit na salita?
a. pidgin b. ekolek c. dayalek d. idyolek
22. Ito ang barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan.
a. pidgin b. ekolek c. etnolek d. sosyolek
23. Mga barayti ng wika na nadedebelop dahil sa pinaghalohalong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito
ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar.
a. ekolek b. creole c. pidgin d. register
24. “Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado.” Anong uri ng barayti ng wika ang ginamit sa pahayag.
a. pidgin b. ekolek c. etnolek d. sosyolek
25. Mga salitang ginagamit ng iba’t ibang propesyon gaya ng mga doctor.
a. creole b. sosyolek c. etnolek d. jargon
26. “Repapips, ala ng ako datung eh.” Anong uri ng barayti ang ginamit sa pahayag?
a. creole b. sosyolek c. Register d. etnolek
27. “Ang Buhay ay weather weather lang.” ni Kim Atienza. Anong uri ng barayti ng wika ang ginamit sa pahayag?
a. idyolek b. register c. dayalek d. creole
28. Mga salitang ginagamit mula sa lalawigan.
a. kolokyal b. pampanitikan c. lalawiganin d. Teknikal
29. Pinakamababang uri ng antas ng wika.
a. teknikal b. balbal c. kolokyal d. pampanitikan
30. Gamit sa iba’t ibang disiplina o sitwasyong pang-akademiko.
a. pambansa b. balbal c. kolokyal d. pampanitikan
31. Wikang natutunan ng isang tao mula nang kaniyang kapanganakan. Batayan para sa pagkakakilanlang sosyolingguwistika.
a. lingguwistikong komunidad b. unang wika c. ikalawang wika d. ikatlong wika
32. Si Allan marunong magsalita ng linggwaheng Ilocano at chavacano. Ano ang tawag sa taong dalawang lengguwahe ang alam
gamitin?
a. Multilingguwalismo b. Bilinggguwalismo c. homogeneous d. Heterogeneous

Para sa bilang 33

Dating nakatira si Luisa sa lalawigan ng Bikol kaya natoto siya ng lingguwahe ng bikol at ngayon sila ay nakatira na ng Manila.
Makaraan ang isang taon nagbakasyon sila sa Cebu kaya natutunan niya rin ang lengguwahe doon.

33. Ano ang tawag sa taong maraming alam na lengguwahe?


a. Multilingguwalismo b. Bilinggguwalismo c. homogeneous d. Heterogeneous
34. Pagtatanong sa guro ng gawaing ibinigay sa klase.
a. impormatibo b. heuristiko c. interaksyonal d. personal
35. Paglalagay ng liham sa lamesa bilang paalala.
a. Interaksyonal b. heuristiko c. Regulatoryo d. personal
36. Pangangalap ng sarbey tungkol sa mga tatakbong pulitiko sa darating na eleksyon.
a. representatibo b. regulatoryo c. instrumental d. heuristiko
37. Pagbibigay ng opinyon tungkol sa isyung panlipunan.
a. interaksyonal b. regulatoryo c. personal d. heuristiko
38. Pagsusuri ng isang akdang pampanitikan.
a. representatibo b. heuristiko c. regulatoryo d. personal
39. Pagtuturo ng tatay sa kanyang anak kung paano gumawa at magpalipad ng saranggola.
a. interaksyonal b. regulatoryo c. instrumental d. regulatoryo
40. Pagpapaliwanag sa magulang dahil hindi naging malinaw ang mensaheng natanggap mula sa kaibigan.
a. representatibo b. heuristiko c. regulatoryo d. personal
41. Paggawa ng patalastas tungkol sa hakbang para makaiwas sa COVID-19.
a. representatibo b. regulatoryo c. personal d. heuristiko
42. “Igisa ang bawang, sibuyas, atkamatis. Lagyan ng kaunting tubig, pakuluan, timplahin, ilagay ang giniling, huli ang patatas.” Anong
uri ng wikang panlipunan ang ginamit sa pahayag?
a. Instrumental b. interaksiyon c. regulatoryo d. personal
43. “Wika, dapat pagbubuuin tayo hindi tayo dapat paghihiwalayin” ano nais ipakahulugan ng pangungusap?
a. Ang wika ay paraan upang magkaroon ng kalayaan c. Ang wika ay ang magbubuklodbuklod sa bawat isa sa atin
b. Ang wika ay ang magbubuo ng bawat isa sa atin d. Ang wika ang dahilan kung bakit walang organisa ang isang bansa
44. Nagkaisa ang mga paring dayuhan na mag-aral ng mga katutubong wika.
a. panahon ng Hapon b. panahon ng Kastila c. panahon ng Amerikano d. panahon ng Rebolusyon
45. Dito nagsimulang manamlay ang wikang Tagalog.
a. panahon ng Hapon b. panahon ng Kastila c. panahon ng Amerikano d. panahon ng Rebolusyon
46. Ito ang panahong ginamit ang wikang rehiyunal bilang wikang pantulong.
a. panahon ng Hapon b. panahon ng Kastila c. panahon ng Amerikano d. panahon ng Rebolusyon
47. Ginamit ang alpabetong Romano bilang unang hakbang tungo sa pormalisasyon ng mga wika sa Pilipinas.
a. panahon ng Hapon b. panahon ng Kastila c. panahon ng Amerikano d. panahon ng Pangkasalukuyan
48. Ayon sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, anong seksyon ang nagsasabing ang Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas?
a. Sekyon 2 b. Seksyon 6 c. Seksyon 11 d. Seksyon 12
49. Sa Kautusang ito, inihayag ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga pampaaralang pampubliko at pribado simula
Hunyo 19, 1940
a. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 c. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 d. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
50. Ipinahayag sa Kautusang ito na Tagalog ang siyang magiging batayan ng wikang pambansa sa Pilipinas.
a. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 c. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 d. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 87

You might also like