You are on page 1of 4

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

FINAL EXAMINATION
Fil 105 – Panimulang Lingguwistika
Pangalan: _______________________________________

Test I. Ibigay kung anong bahagi ng pananalita ang salitang maysalungguhit. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Ang karangalan ay di mapapantayan ng salapi.
a. pangngalan b. pandiwa c. pang-uri d. pang-abay
2. Ang mga taong tamad ay walang pag-unlad sa buhay.
a. pang-uri b. panghalip c. pangngalan d. pantukoy
3. Ang taong may malinis na puso ay pinagpapala ng Panginoong Diyos.
a. pandiwa b. pangawing c. padamdam d. panghalip
4. Ang aking pangarap ay kaya kong abutin.
a. panghalip b. pantukoy c. pangngalan d. pandiwa
5. Ang tunay na kalooban ng tao ay nakikita sa gawa hindi sa salita.
a. pangatnig b. pandiwa c. pantukoy d. pandamdam
6. Ang ating mga pagsisikap ay para sa ating kinabukasan.
a. pangngalan b. panghalip c. pang-abay d. panghalip
7. Masipag na guro si Bb. Seladeng.
a. pangngalan b. pantukoy c. pangawing d. pandiwa
8. Ang lahat ay gumagaan kapag may pagtutulungan.
a. panghalip b. pang-uri c. pangngalan d. pang-abay
9. Nakahanda ako kung kailangan mo ang aking tulong.
a. pangatnig b. panghalip c. pandiwa d. pantukoy
10. Ang imposible ay walang puwang sa aking bokabularyo.
a. pangngalan b. pang-uri c. pandiwa d. panghalip
11. Mahal tayo ng Diyos.
a. panghalip b. pantukoy c. pangawing d. pang-ukol
12. Ang buhay natin ay sadyang mahalaga.
a. pang-uri b. pandiwa c. pangngalan d. panghalip
13. Dapat igalang ang lahat ng nilalang.
a. pandiwa b. pang-abay c. panghalip d. pantukoy
14. Ang aking mga estudyante ay mababait at matatalino.
a. pangngalan b. pang-uri c. pangngalan d. pantukoy
15. Tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan.
a. pangngalan b. pang-abay c. panghalip d. pantukoy
16. Ang positibong pag-iisip at pagganap sa tungkulin ay daan tungo sa isang matiwasay na
buhay.
a. pangngalan b. panghalip c. pang-uri d. pang-abay
17. Matuto kang gumalang sa lahat ng nilalang.
a. pandiwa b. pang-abay c. panghalip d. pantukoy
18. Nakaalis na siya ____ dumating ang bise alkalde.
a. ng b. nang c. na d. ngunit
19. Nainip ka ___ sa kahihintay sa akin?
a. na b. nga c. ba d. naman
20. Nagdala ako ng payong _____ madilim ang langit.
a. kasi b. kaya c. naman d. bagkus
21. Hindi ako nagkamali, ikaw _____ ang gusto nilang manalo sa contest.
a. Nga b. muna c. man d. raw
20. ___________ nasa madilim na lugar, matalas ang mga mata ng pusa.
a. Kung b. kapag c. dahil d. sapagka`t
21. Si tatay ay pumapasok sa trabaho __________ siya ay may sakit.
a. Kung b. kapag c. dahil d. kahit
22. Anim na taong gulang na si Josie _______maari na siyang pumasok sa paaralan.
a. Kaya b. kung c. kapag d. dahil
23._____________ang Hacienda Luisita ng Pamilya Cojuangco.
a. Malawak b. maliit c. malaki d. magulo
24. Samahan mo si Lola sa palengke _____ hindi maligaw.
a. kung saan b. noong c. ng d. nang
25. Nakaranas ang mga tao sa Maynila ng gutom _______ panahon ng Hapon.
a. noong b. ng c. nang d. dating
26. __________ piraso ang dala niyang pasalubong.
a. labingwalong b. labinwalong c. labimwalong d. labing-walong
27. ________ talagang gusto mong magtagumpay, kailangan mong magsumikap.
a. Dahil b. Kung c. Nang d. Kaya
28. Nanawagan ang pamilyang naging biktima ng kalamidad ___ humingi ng tulong.
a. upang b. bago c. subalit d. maski
29. Wala _______ gagawin pa kundi ang maghintay.
a. ng b. pang c. nang d. ng mga
30. ________ ng mga pulis ang kadena sa kanyang mga kamay.
a. Nalagyan b. Nilagyan c. Inilagay d. Naglagay
31. Gaganda ang ating pamumuhay____________________________.
a. Kaya mayaman tayo c. kung magsisipag tayo
b. Sapagkat masipag tayo d. dahil masipag tayo.
32. Samahan mo si Lola sa palengke _____ hindi siya maligaw.
a. kung saan b. noong c. ng d. nang
33. “Kapag pinagsama ba ang panghalip na ikaw at ako, possible bang maging tayo?”. Ang mga
panghalip sa pahayag ay mga panghalip na ______.
a. pahimaton b. pananong c. panao d. panaklaw
34. Ang anak ay kawangis ng ama. Ang antas ng pang-uri sa pahayag ay ______.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol d. ganap
35. Ikinagalit ni Abby nang sobra ang kanyang lihim na pagsisinungaling. Ano ang pandiwa sa
pahayag?
a. Ikinagalit b. sobra c. lihim d. pagsisinungaling

Salungguhitan ang mga pang-abay sa pahayag. Sa tabi ng mga pahagay ay isulat ang mga
uri nito.

1. Kaunting sandali pa at aalis na tayo.


2. Nagbabakasyon kami sa Hongkong taun-taon.
3. Buksan mo ang pinto sa kusina.
4. Pag-aaralin kita kung sa amin ka titira.
5. Binigyan niya ako nang matinding sampal sa mukha.
6. Kumain ako ng mabilis para makanood agad sa telebisyon.
7. Marahil ay wala na tayong aabutan kung tutuloy pa tayo.
8. Tila may ilalakas pa ang ulan.
9. Tunay ngang napakabuti ng ating Diyos.
10. Sadya namang mahusay ang kapatid niya dahil may pinagmanahan.
11. Hindi ako makakapayag sa nais mo.
12. Kung ayaw mong sumunod ay makakaalis ka na sa bahay ko.
13. Ang ayaw kolang ay masyado kang maingay.
14. Isang gatang na bigas ang isaing mo mamayang hapo.
15. Sampung piso na ang pamasahe sa jeep.
16. Saan po maaring makakuha ng libreng tubig?
17. Mamaya po kami pupunta sa inyo.
18. Mas marami siyang alam kaysa sa akin.
19. Higit na kahanga-hanga ang buhay ni Bonifacio kaysa kay Rizal.
20. Mas mabuting kumain ng masustansiyang pagkain kaysa mga sitsirya.

Punan ang talahanayan sa ibaba gamit ang salaysay.

SERMON NI FATHER…

May isang batang araw-araw na nanghihingi ng kaning-baboy sa isang malaking bahay.


Ibinibigay naman ng kasambahay ang kaning-baboy. Pero nang makita ng mayamang may-ari
ang bata, sinita niya ito at ang sabi pa...”baka kakutsaba ka lang ng mga magnanakaw, ha?” “
Hindi po, marami po kasi kaming baboy” giit ng bata. Lihim na sinundan ng mayaman ang bata at
nakita niyang ito ay nakatira sa isang abandonadong lote. Napakaliit ng bahay. Kasya lamang
siguro ang isang baboy. Nilapitan niya ang bata at sinita. “Wala ka palang baboy, bakit
nangunguha ka ng pagkaing-baboy? sinungaling kang bata ka”. Lumuhod ang bata habang
umiiyak. “Pasensya na po, sir nagsinungaling po ako.” “Ano ba ang ginagawa mo sa kaning-
baboy?” galit na tanong ng mayaman. “Yung mga panis na kanin, hinuhugasan ko po at
sinasangag, `yung mga panis na ulam, hinuhugasan ko rin po at muli kong pinapakuluan upang
may pagkain kami ng nanay kong may sakit.” sambit ng bata. Naiyak sa awa ang mayaman,
niyakap niya ang bata. Pinagamot niya ang nanay at pinag-aral ang bata hanggang makatapos ng
kolehiyo... at ang sabi pa ni father…ang batang iyon ay AKO!

PANGNGALAN PANG-URI PANDIWA PANG-ABAY PANGHALIP

Prepared by:

MYLENE E. BARZUELA, MA Fil.


Instructor
Noted:

ELIZABETH C. FETALVERO, PhD.


Chairperson, College of Arts and Sciences

You might also like