You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Region VIII – Eastern Visayas


Schools Division Office of Biliran
District of Almeria
TABUNAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Tabunan, Almeria, Biliran

Name: Year/Section: Score:

Panuto: Bago sagutan ang mga katanungan sa ibaba ay nararapat lamang na sundin ng maigi ang nakasaad sa
panutong ito. Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng pandaraya sa pagsusulit. Hindi rin pinapahintulutan
ang sinuman na tumayo o lumabas sa silid aralan sa kalagitnaan ng pagsusulit. Iwasan rin ang pagbubura dahil ito
ay maaaring maging kabawasan sa puntos na iyong makukuha. Kung sakaling mayroong mga katanungan o mga
hindi nauunawaan ay nararapat lamang na lumapit sa tagapanukala ng pagsusulit.

Test I. Panuto. Basahing mabuti ang bawat katanungan at isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Naiinis si Alma dahil hindi niya lubos na naintindihan ang inuulat ng tagapagbalita sa radyo dahil gumagamit ito ng
magkahalong Tagalog, Cebuano, at Ilonggo. Anong uri o sistema ng wika ang ginagamit ng tagapagbalita sa
radio?
a. Multilinggwalismo c. Monolinggwalismo
b. Bilinggwalismo d. Lahat ng nabanggit
2. Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kanyang ipinag-uutos ang paghuli sa mga tambay sa kamaynilaan
at hinihikayat niya ang mga ito na sundin ang anumang ordinansang ipapatupad sa kani-kanilang lugar. Anong
tungkulin ng wika naman ang ginagamit ni Pangulong Duterte?
a. Paggamit bilang sanggunian c. paghihikayat
b. Pagpapahayag ng damdamin d. pagsisimula ng ugnayan
3. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man dumating ang mga
Espanyol. Dahil sa pareho silang walang alam sa wikain sa isa’t-isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na
estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila. Anong barayti ng wika ang tinutukoy dito?
a. Register b. etnolek c. pidgin d. creole
4. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa
usapan ang mga salitang lesson plan, quiz,essay, at grading sheets. Mula rito ay alam na niyang mga guro ang
mga nakaupo sa harap niya. Anong barayti ng wika naman ang ginagamit sa sitwasyong nakasaad?
a. Register b. etnolek c. pidgin d. sosyolek
5. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan ng mamasyal siya sa Batanes. Saan man siya
mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay
tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan. Sa anong barayti ng wika mabibilang ang ipinakitang
sitwasyon?
a. Etnolek b. sosyolek c. dayalek d. idyolek
6. “You are so asar! I’m galit na to you!” Ang pananalitang ito ay halimbawa ng---
a. Conyospeak b. jejemon c. jargon d. salitang beki
7. “Handa na ba kayo?” ito ang pamusong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang programang Rated K.
Kahit hindi na nakatingin sa telebisyon at naririnig lang ang kanyang pagsasalita ay tiyak na malalaman mong si
Korina nga ito dahil sa sarili niyang istilo ng pagbigkas. Anong barayti ng wika ang gamit ni Korina Sanchez?
a. Register b. idyolek c. pidgin d. creole
8. Bakit napakahalaga ng wika sa buhay ng isang tao?
a. Sapagka’t kung walang wika, hindi magkakaunawaan ang mga tao sa mundo.
b. Sapagka’t kung walang wika ay hindi mo maipaparating ang anumang iyong saloobin.
c. Sapagka’t kung walang wika, ay napakalabong magkaroon ng pagkakaisa ang lahat.
d. Lahat ng nabanggit
9. Ano ang mangyayari kung ang dalawang taong nag-uusap ay gumagamit ng kani-kanilang wika at hindi alam
gamitin ang wika ng bawat isa?
a. Sila ay magkakaunawaan.
b. Sila ay magiging masaya
c. Magkakaroon ng problema sa daloy ng kanilang usapan at maari pang mauwi sa hindi
pagkakaunawaan.
d. Lahat ng nabanggit
10. Paano maituturing na patay ang isang wika?
a. Kung hindi na ito ginagamit.
b. Kung bihira na lamang ang may alam gamitin ito.
c. Kung nakakalimutan ng gamitin ito ng mga tao.
d. Lahat ng nabanggit.
11. Noong ikaw ay nasa elementarya pa lamang ay naranasan mo narin gaya ng iba ang maatasang magpaliwanag
sa isang aralin hango sa inyong aklat. Ayon kay Jacobson, anong paraan ng pagbabahagi ng wika ang iyong
ginamit sa ganitong sitwasyon?
a. Pagpapahayag ng damdamin c. panghihikayat
b. Paggamit bilang sangguniang d. patalinghaga
12. Dahil sa takot na maglabas ng tunay na damdamin si Miguel, ay naisipan niyang gumawa ng isang tula patungkol
sa kanyang nararamdaman upang ito ay kanyang maipalabas. Anong paraan naman ng pagbabahagi ng wika
ang ginamit ni Miguel?
a. Patalinghaga c. paggamit bilang sanggunian
b. Pagpapahayag ng damdamin d. paggamit ng sanggunian
13. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paggamit ng wikang may tungkuling instrumental?
a. Paggawa ng liham pangangalakal c.Panonood sa telebisyon
b. Pagbibigay ulat d. Pag-iinterbyu
14. Ang tungkuling ito ng wika ay tumutukoy sa pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan.
a. Regulatoryo c. personal
b. Impormatibo d. heuristiko
15. Tumutukoy ito sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aralan.
a. Impormatibo c. instrumental
b. Heuristiko d. personal
16. Nakatanggap si Ana ng premyo mula sa patimpalak na kanyang sinalihan noong isang linggo. Masaya niyang
ibinahagi ang kwento sa kanyang mga kaibigan. Anong tungkulin ng paggamit ng wika ang tinutukoy dito?
a. Regulatoryo c. interaksyonal
b. Personal d. impormatibo
17. Anong tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao?
a. Regulatoryo c. interaksyonal
b. Personal d. impormatibo
18. Sa barayti ng wika na ito ay lumulutang ang katangian at kakayahang natatangi ng taong nagsasalita gaya ng
“Ahaha,ha ha! Nakakaloka!” ni Kris Aquino.
a. Idyolek b. sosyolek c. dayalek d. register
19. Gustong-gustong panoorin ni Elisa ang FYI channel dahil dito siya natututo ng tamang proseso sa pagluluto ng
iba’t-ibang uri ng mga pagkaing Oriental. Anong tungkulin ng wika ang tumutukoy sa proseso ng pagluluto?
a. Personal b. heuristiko c. regulatoryo d. instrumental
20. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa--- ang baybayin. Nang
dumating ang mga Espanyol ay sinunog nila ito. Ano ang sanhi ng pagsunog nila dito?
a. Labis ang pagkamuhi ng mga Espanyol sa mga katutubo.
b. Mahirap unawain at pag-aralan ang baybayin.
c. Ayon sa kanila ito raw ay gawa ng diyablo, pero ang totoo naisip nilang makahadlang ito sa
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
21. Kagustuhan ng mga Espanyol na maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ano ang ibinunga
nito?
a. Ang mga misyonerong Espanyol ay kumuha ng mga tagasalin upang makipag-ugnayan sila
sa mga katutubo.
b. Ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
c. Ipinaglaban ng mga misyonerong Espanyol ang paggamit ng wikang Espanyol.
22. Anong kautusan ang nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang
pambansa?
a. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
b. Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3
c. Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3
23. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga isinusulong ng mga Hapones sa panahon ng kanilang
pananakop sa bansa?
a. Ipinagbabawal ang paggamit ng lahat ng mga aklat at peryodiko tungkol sa Amerika.
b. Ipinagamit ang katutubong wika, partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan
c. Ipinatupad ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang
Espanyol at wikang Hapones.
d. Ipinagbabawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay.
24. Sinong pangulo ng Pilipinas ang lumagda sa Saligang Batas 1987 na nagsusulong sa paggamit ng wikang
Filipino?
a. Pang. Manuel L. Quezon c. Pang. Benigno Aquino
b. Pang. Corazon C. Aquino d. Pang. Gloria M. Arroyo
25. Anong kautusan ang nilagdaan ni Jose Romero na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang
Pambansa?
a. Kautusan Bilang 7 (1959) c. Kautusan Bilang 7 (1969)
b. Kautusan Bilang 7 (1979) d. Kautusan Bilang 7 (1909)
26. Aling sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa pinagmulan ng wika na naaayon sa biblical na paniniwala?
a. Ang Torre ng Babel c. Teoryang Bow-wow
b. Teoryang Ding-dong d. Ebolusyon
27. Sinasaad sa teoryang ito na natutong magsalita ang mga tao dahil sa mga masisidhing damdamin na kanilang
naranasan, at nagpabulalas sa mga ito ng mga di-sinasadyang tunog.
a. Teoryang Pooh-pooh c. teoryang Ding-dong
b. Teoryang Bow-wow d. Teoryang Tata
28. Ayon sa Teoryang Yo-he-ho, dahil umano sa paggamit ng lakas ay nakalikha ng mga tunog ang tao at dahil dito
ay natuto silang magsalita. Alin sa mga sumusunod na tunog ang nasasaklaw na halimbawa ng teoryang ito?
a. Arraaay! C. Splash
b. Hooooooo! D. Meooowww
29. Bakit sinasabing ang wikang Tagalog ay naging biktima ng pulitika sa panahon ng Pangulong Emilio Aguinaldo?
a. Sapagkat pilit na isinusulong ni Aguinaldo ang paggamit ng wikang Ingles dahil sa mga illustrado
na may pakay na makapagsulat gamit ang wikang banyaga.
b. Sapagkat hindi na ipinapagamit ang wikang Tagalog kanino man.
c. Sapagkat ipinapagamit lamang ang wikang Tagalog sa loob ng tahanan at hindi sa paaralan.
d. Wala sa nabanggit
30. Sa panahon ng mga katutubo, nabatid nating ang mga ninuno ay nagmula sa tatlong malalaking pangkat na
nandayuhan sa ating bansa. Ano ang ibinunga nito sa pag-unlad ng wika?
a. Nahirapang makipagkalakalan ang ating mga ninuno.
b. Walang isang wikang nanaig sa bansa.
c. Hindi nag-uusap ang ating mga ninuno.
31. Ano ang naging epekto sa aspetong pangwika ang hatid ng pagdagsa ng mga banyagang mamumuhunan sa
ating bansa pagkatapos ng pananakop ng mga Amerikano?
a. Naging bantulot ang pagsulong at pag-unlad ng wikang pambansa
b. Naging masigasig ang pag-usad ng ekonimiya sa bansa.
c. Naging matibay ang pagpapaunlad ng wikang Tagalog.
d. Wala sa mga nabanggit.
32. Ano ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang “isang bansa, isang diwa?
a. Gumawa ng batas ang mga Espanyol na gawing wikang pambansa ang Tagalog.
b. Pinilit ng mga maghihimagsik na pag-aralan ang wikang Espanyol
c. Nabatid ng mga manghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga
kababayan nila.
33. Sa panahon ng mga Amerikano, ano ang naidudulot ng pagkakaroon ng pambansang sistema ng edukasyon sa
pagsulong ng wikang pambansa?
a. Humina ang pag-usad ng wikang pambansa dahil sa pagpapatupad sa paggamit ng Ingles bilang
wikang pangkalahatan.
b. Humina ang ekonomiya ng bansa.
c. Nagkagulo ang mga Pilipinong guro at mga sundalong Amerikano na nagsisipagturo.
d. Wala sa mga nabanggit
34. Noong panahon ng mga Espanyol ay ginamit ang wikang katutubo sa pakikipag-usap sa mga mamamayan, ano
ang sanhi nito?
a. Naniniwala ang mga Espanyol na mas mapalaganap nila ang pananampalataya kung wikang
nauunawaan ng mga katutubo ang gagamitin.
b. Nakabatid ang mga Espanyol na mas maganda pala ang wikang katutubo keysa kanilang wika.
c. Nagduda ang mga Espanyol sa kakayahan ng mga katutubong matututo ng bagong wika.
35. Ano ang naging mabuting sanhi ng pagsikil ng mga Hapones sa paggamit ng wikang Ingles sa anumang uri ng
pakikipagpanayam?
a. Sumigla ang paggamit ng mga wikang bernakyular at maging ang wikang Tagalog.
b. Naging independente ang mga Pilipino.
c. Naging bihasa ang mga Pilipino sa paggamit ng Niponggo.
d. Naging opisyal na wika ang Niponggo.

Test II. Pagpapaliwanag. (36-40). Ipaliwanag ng maigi ang katanungan.

Bakit itinuturing na simula pa sa panahon ng pamumuno ni Gloria Macapagal Arroyo hanggang sa ngayon ay
patuloy paring nahaharap sa malaking hamon ang pagpapatatag sa wikang pambansa? Isulat sa nakalaang
espasyo sa ibaba ang iyong kasagutan.

Kriterya Puntos Sanaysay

Nilalaman 1

Pagkakasunod- 1
sunod ng mga
ideya

Istruktura ng mga 1
pangungusap

Kaiklian at bigat 1
ng ideya

Istrukturang 1
panggramatiko

Kabuuan 5

You might also like