You are on page 1of 5

Althea G.

Rosales
STEM 11 – METHONE

1. din/rin, daw/raw, diyan/riyan, at doon/roon

 Ginagamit ang rin, raw, riyan, at roon kapag patinig (vowel sounds: A, E, I, O, U) at mala-patinig
(W,Y) ang huling letra ng isang salita.

Mga halimbawa sa paggamit ng rin:

 Kagaya ni Leah, ako rin ay nag-aaral para sa pasulit.


 Tayo rin naman ang magsisikap.
 Mahal kita Sarah, ako pa rin ba ang iyong mahal?

Mga halimbawa sa paggamit ng raw:

 Sabi ni Marlo, ikaw raw ang magbabantay sa bata.


 Maghugas ka na raw ng mga pinggan.
 May handa raw tayo para sa kaarawan ni Harry.

Mga halimbawa sa paggamit ng riyan:

 Hindi riyan ang ating pupuntahan.


 Ilagay mo riyan ang aking mga nabili sa palengke.
 Sa baba mo riyan ilagay.

Mga halimbawa sa paggamit ng roon:

 Hindi daw tayo pupunta roon.


 Mukhang hindi masarap ang mga pagkain na ibinibenta roon.
 Sabi ni Anna, roon nalang daw tayo matutulog.
 Ang din, daw, diyan, at doon ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.

Mga halimbawa sa paggamit ng din:

 Si Rose ay naglilinis din sa bahay.


 Maria din ang kaniyang pangalan.
 Magtatanghal din ng palaro ang paaralan.

Mga halimbawa sa paggamit ng daw:

 Masakit daw ang tiyan ni Angela.


 Lechon din ang lulutuin ni Marsha.
 Doon daw pupunta si Robin.

Mga halimbawa sa paggamit ng diyan:

 Maraming uri ng damit diyan sa kabila.


 Sabi ni Louise, diyan muna siya kakain.
 Kakain sina Marcos at Marc diyan.

Mga halimbawa sa paggamit ng doon:

 Pagdating natin sa hotel, doon nalang tayo kakain.


 Sabi ni George, doon nalang daw tayo sa kanila gagawa ng proyekto.
 Sa bandang kanan, doon mo makikita ang kanilang bahay.

2. ng at nang

 Ang “Ng” ay sumasagot sa mga tanong na ano at nino. Ito ay ginagamit bilang pang-uko o
preposition sa Ingles na nagpapahayag ng may pagmamamay-ari. Ito ay makikita sa pagitan ng
dalawang pangngalan o noun.

Mga halimbawa sa pagggamit sa salitang ng:

 Ito ay pagkain ng tao.


 Pumunta ng paaralan ang mga bata.
 Bumili ng magandang laruan si nanay para kay Ella.

 Ang “Nang” ay sumasagot sa mga tanong na paano, kailan, gaano, at bakit. Ginagamit ito bilang
pananda na sinusundan ng pang-abay o adverb, bilang pangatnig o conjunction, bilang pang-angkop,
bilang pinagsamang na at na, at bilang pinagsamang na at ng.

Mga halimbawa sa paggamit ng salitang nang:

 Isinarado nang Aleng Mira ang bahay.


 Kain ka nang kain, hindi ka naman nabubusog.
 Mamamasyal kami mamaya nang alas otso sa dagat.

3. kong at kung

 Ang " kung " ay ginagamit na pangatnig sa mga sugnay na di makapag-isa sa mga pangungusap na
hugnayan.

Mga halimbawa sa paggamit ng salitang kung:

 Kung may nagawa kang mali, subukan mo itong itama.


 Kami ay manunuod ng sine kung walang pasok sa Lunes.
 Matutulog na si Ara kung papatayin mo na ang ilaw.

 Ginagamit yung “kong” kapag tinutukoy ay sarili mo at pagaari na isang bagay.

Mga halimbawa kung paano at kailan gagamitin ang salitang kong:

 Ipapadala ko ang kinuha kong damit.


 Nais kong tulungan ka ngunit tulungan mo muna ang iyong sarili
 Maasahan sa pagluluto ang matalik kong kaibigan na si Erich.
4. mga pang-angkop (na, ng at g)

 Ang pang-angkop na ''na'' ay nag-uugnay sa dalawang salita kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig o consonant maliban sa titik N. Sinusulat ito na magkahiwalay sa mga
salitang pinag-uugnay.

Mga halimbawa sa paggamit ng salitang “na”:

 Ang malinis na hangarin sa kapwa ay nagpapakita ng pagiging isang mabuting tao.


 Si Risa ay nakasuot ng maluwag na pantalon.
 Lumalim ang kanilang samahan na nagsimula noong sila ay bata pa.

 Ang Pang-angkop na ''ng'' ay nag-uugnay ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u).
Ang pang-angkop na ito ay karugtong at hindi magkahiwalay sa salitang pinag-uugnay.

Mga halimbawa sa paggamit ng salitang “ng”:

 Ang pagtulong sa kapwa ay mabuting gawain.


 May malaking utang si Eddie kay Chrissy.
 Lumang-luma na ang kanyang sapatos.

 Ang Pang-angkop na ''g'' ay ginagamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa titik na n.
Ang pang-angkop na ito ay karugtong at hindi magkahiwalay sa salitang pinag-uugnay.

Mga halimbawa sa paggamit ng salitang “g”:

 May maraming halamang gamot si Mia sa kanyang bakuran.


 Ang masunuring anak ay kinagigiliwan ng mga magulang.
 Lahat ng bibilhin ni John ay makikita sa pamilihang bayan.

You might also like