You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
CUYAPO NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulala, Cuyapo, Nueva Ecija

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pangalan:_______________________________ Iskor:________________
Section:_________________________________ Petsa: _______________

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang teoryang kilala rin bilang Teorya ng Kalituhan?


a. Pentecostes c. Tore ng Babel
b. Tarara boom de ay d. Stimulus Response
2. Isang aparato o instrument sa isip na taglay ng isang bata. Ito ay tumatanggap ng mga impomasyon mula sa
kapaligiran sa anyo ng wika.
a. Cognitive c. Brocas Area
b. Language Acquisition Device d. Stimulus Response
3. Sa teoryang ito sinasabing, nagsimula ang pagpapalaganap sa Salita ng Diyos sa iba’t ibang lupalop ng daigdig.
a. Pentecostes c. Tore ng Babel
b. Tarara boom de ay d. Stimulus Response
4. Wika niya, “ Isang midyum at isang instrumento ang wika na nakatutulong sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan,
at pag-uunawaan ng mga tao.
a. J.V. Stalin c. Jessie Grace Rubrico
b. Bienvenido Lumbera d. Pamela Constantino
5. Ayon sa kanyang pananaliksik tungkol sa wika at lipunan, may kaugnayan sa pagkakaroon ng baryasyon ng wika ang:
kalagayang panlipunan, kasarian, edad, etnisidad, relihiyon, at iba pang dimension na mahalaga sa lipunan.
a. J. V. Stalin c. Joos
b. Lev Vygotsky d. Jessie Grace Rubrico
6. Ang wika ay nag-uugat sa mga tunog na nalilikha ng mga sianunang tao mula sa ritwal at dasal.
a. Pentecostes c. Tore ng Babel
b. Tarara boom de ay d. Stimulus Response
7. Katangian ng wika na nagpapatunay sa Verbalizing Power.
a. Masistemang Balangkas c. Arbitraryo
b. Sinasalitang Tunog d. Natatangi
8. Ito ay dayalekto ng isang wika, may tanging pamamaraan kung paano binibigkas ang mga salita.
a. Pampanitikan c. Lalawiganin
b. Pambansa d. Kolokyal
9. Katangian ng wika na may katangiang makaagham.
a. Masistemang Balangkas c. Arbitraryo
b. Sinasalitang Tunog d. Natatangi
10. Ipinangkat niya ang baryasyon ng wika sa tatlo-diyalekto, sosyolek at rehistro ng wika.
a. J. V. Stalin c. Jessie Grace Rubrico
b. Bienvenido Lumbera d. Pamela Constantino
11. Ayon kina Page at Pinnel ( 1979 ), ang dalawang teoryang ito ay halos magkatulad. Ang tanging pagkakaiba ng
dalawang teorya ay ang implikasyon ng mga ito sa paraan ng pagkatuto ng bata.
a. Yoheho at Stimulus Response c. Behaviorist at Innative
b. Biblikal at Siyentipiko d. Cognitive at Innative
12. “Hagardo Versoza” na naman siya, ay halimbawa ng anong antas ng wika?
a. Pambansa c. Balbal
b. Kolokyal d. Pampanitikan
13. Ang pagkakaiba-iba ng wika batay sa kalagayang panlipunan, kasarian, edad, etnisidad at iba pa.
a. Diyalekto c. Sosyolek
b. Rehistro d. Heograpiko
14. Bawat pangkat ng tao ay may kanya-kanyang code na ginagamit sa pakikipagtalastasan
a. Diyalekto c. Sosyolek
b. Rehistro d. Heograpiko
15. Antas ng wika na nakatali sa hiwaga at sining nang pagpapahayag nito.
a. Pampanitikan c. Kolokyal
b. Pambansa d. Lalawiganin
16. Anong antas ang ipinapakita ng pangungusap na ito, “Teh, taralets na.”
a. Pambansa c. Balbal
b. Kolokyal d. Pampanitikan
17. Ayon sa kanya tumutukoy ang rejister ng wika sa istilo ng pagsasalita ng mananalita
a. J. V. Stalin c. Joos
b. Lev Vygotsky d. Jessie Grace Rubrico
18. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na nagmula ang wika sa panggagaya ng tao sa tunog ng kalikasan.
a. Teoryang Ding-dong c. Teoryang Bow-wow
b. Teryang Pooh-pooh d. Teoryang Yo-he-ho
19. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na sa kumpas ng kamay ng tao na kanyang ginagawa ay sinusundan ng paggalaw ng
dila at nagging sanhi upang matutong makabuo ng salita ang tao.
a. Teoryang Ta-ta c. Teoryang Bow-wow
b. Teryang Pooh-pooh d. Teoryang Yo-he-ho
20. Ang ngiyaw ng pusa ay halimbawa ng anong Teorya?
a. Teoryang Ding-dong c. Teoryang Bow-wow
b. Teoryang Pooh-pooh d. Teoryang Yo-he-ho
21. “Aray” o “ouch” ay halimbawa ng teoryang ito.
a. Teoryang Ding-dong c. Teoryang Bow-wow
b. Teoryang Pooh-pooh d. Teoryang Yo-he-ho
22. Ayon sa konseptong ito, malaki ang ginagampanan ng kamalayan ng bata sa kanyang kapaligiran, na siya namang
nagtatakda ng kanyang pagkatuto.
a. Brocas area c. Behaviorist
b. Language Acquisition Device d. zone of proximal development
23. Ginagamit ito sa karaniwang pakikipag-usap sa kaibigan, kakilala o di man kakilala.
a. Nananatiling Register c. Karaniwang Rejister
b. Akademikong Rejister d. Konsultatibong Rejister
24. Ang teoryang ito ay nakatuon sa puwersang pisikal ng tao.
a. Teoryang Ding-dong c. Teoryang Bow-wow
b. Teryang Pooh-pooh d. Teoryang Yo-he-ho
25. Tumutukoy ito sa rejister ng wika na ginagamit sa mga Saligang Batas, Panunumpa sa Watawat at iba pa.
a. Nananatiling Register c. Karaniwang Rejister
b. Akademikong Rejister d. Konsultatibong Rejister
26. Isa sa mga halimbawa ng rejister na ito ay ang gamit sa pag-uusap ng naglalambingang magkasuyo o magkasintahan.
a. Nananatiling Register c. Karaniwang Rejister
b. Akademikong Rejister d. Intimasiyang Rejister
27. Ito ang wikang gamit sa mga paaralan kung paanong matatamo ng mga mag-aaral ang leksyong dapat matutunan.
a. Unang wika c. Wikang panturo
b. Pangalawang wika d. Lingua Franca
28. Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino.
a. Michael Alexander Kirkwood Halliday c. Ernesto Constantino
b. Dr. Ricardo Ma. Duran F. Nolasco d. Lev Vygotsky
29. Ito ay ginagamit upang makatuklas at mapatotohanan ang mga hinuha upang makamit ang kaalamang akademik o
propesyunal.
a. Impormatibo c. Instrumental
b. Regulatori d. Heyuristik
30. Dalawang opisyal na wika na nakasaad sa Saligang Batas.
a. Ilocano at Filipino c. Ilocano at Ingles
b. Filipino at Mandarin d. Filipino at Ingles
31. Ilan sa halimbawa nito ay ang HDTV, radio, cellphone, laptop at iba pa.
a. elektronikong midya c. desktop midya
b. online midya d. social midya
32. Nandito ako para ipaliwanag na mali lamang ang iyong pagkakaintindi sa aking sinabi. (pagbibigay-diin sa diwa ng
mensahe sa halip na sa nagsasalita) ,ito ay halimbawa ng anong tungkulin ng wika?
a. Impormatibo c. Instrumental
b. Regulatori d. Heyuristik
33. Ito ay ginagamit sa pakikipagkapwa, pagpaplano, pagpapayabong o pagpapanatili ng ugnayan sa iba, gayundin
maaari rin namang may tungkuling panatilihin ang ekslusibidad.
a. Interaksyonal c. Imahinatibo
b. Personal d. Instrumental
34. Anong tungkulin ng wika ang ipinapakita ng pangungusap na ito, “AlDub You.”
a. Interaksyonal c. Imahinatibo
b. Personal d. Instrumental
35. Ayon sa kanya, may pitong pangunahing tungkulin ang wika.
a. Michael Alexander Kirkwood Halliday c. Ernesto Constantino
b. Dr. Ricardo Ma. Duran F. Nolasco d. Lev Vygotsky
36. Tungkulin ito ng wika na ginagamit upang hikayatin ang mambabasa o tagapakinig na mapagana ang imahinasyon o
kaya unawain o bigyang-hugis sa isipan.
a. Interaksyonal c. Imahinatibo
b. Personal d. Instrumental
37. “Aray!” “Naku sorry, nasaktan k aba? Ang pahayag ay halimbawa ng anong tungkulin?
a. Interaksyonal c. Imahinatibo
b. Personal d. Instrumental
38. Ang pagsusuot ng uniporme sa pagpasok at pagiging nasa paaralan sa takdang oras ay halimbawang bunga ng anong
tungkulin?
a. Impormatibo c. Instrumental
b. Regulatori d. Heyuristik
39. Ito ang pinakagamiting wika sa sentro ng kalakalan, wiakng nabuo bunga ng magkausap na may magkakaibang wika
at dominanteng wika ng iba’t ibang larangan ng pag-aaral.
a. Unang wika c. Wikang panturo
b. Pangalawang wika d. Lingua Franca
40. “ Nakain ka na?” ay halimbawa ng anong antas ng wika?
a. Pambansa c. Lalawiganin
b. Kolokyal d. Pampanitikan

B. Panuto: Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideya sa magkabilang hanay. Piliin ang letra ng tamang sagot sa hanay B at isulat
ito sa patlang sa hanay A.
A B
_____1. Rehistro ng Wika a. Tinatawag din itong wikain ng iba
_____2. Teoryang Behaviorist b. Kilala rin sa tawag na Teorya ng Kalituhan
_____3. Sinasalitang tunog c. Nabubuo at napepreserba dahil sa wikang gamit ng tao
_____4. Kolokyal d. Karaniwan nang maihahanay rito ang salita ng mga bakla o gay lingo at
salita ng mga tambay.
_____5. Kultura e. Set ng mga makahulugang tunog o ponema.
_____6. Nagbabago f. Kakayahan ng mga salitang pangngalan na maging pandiwa
_____7. Tore ng Babel g. Ang pagkatuto ng wika ay naaapektuhan din ng kanyang kapaligiran
_____8. Verbalizing Power h. Dinamiko ang wika
_____9. Diyalekto o Dayalek i. Bawat pangkat ng tao ay may kanya-kanyang code na ginagamit sa
pakikipagtalastasan
_____10. Balbal j. May kagaspangan ang mga salitang ginagamit sa antas ng wika na ito.

Inihanda Ni: Itinama Ni: Sinang-ayunan Ni:

Jayben J. Benavidez Nenita C. Buisel Aurora T. Aguila


Guro II, SHS Pangalawang-Punong Guro II Punong Guro III

You might also like