You are on page 1of 4

John M Hyland Institute of Learning, Inc of Lapu-Lapu City

Sudtunggan Rd., Basak, Lapu-Lapu City

Unang Pagtataya sa Komunikasyon at Pananaliksik 11

Pangalan : Baitang at Seksyon: Marka:________


Pangalan ng Guro: Lagda ng Guro:__________ Petsa:________

Layunin:

 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. (F11PT – Ia – 85)
 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PD – Ib – 86)
 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa radyo,
talumpati, mga panayam at telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie,Word
of the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com) F11PN – Ia – 86.
 Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa. (F11PS – Id – 87).

I. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat katanungan. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.
Bawal magbura.

1. Ito ay katangian ng wika na kung saan ito ay isang makaagham, ito ay naging batayan upang umiral
ang laranggan ng Linggwistik.
A. Sinasalitang tunog C. Masistemang balangkas
B. Pinipili at isinasaayos D. Arbitraryo

2. Dahil sa modernisasyon ang wika ay patuloy na nag-iiba, nadadagdagan, o maaring mawala. Anong
katangian ng wika ang nabanggit sa itaas?
A. Arbitraryo C. Nakabatay sa kultura
B. Patuloy na ginagamit D. Nagbabago

3. Ponolohiya ay pag-aaral ng ________.


A. Tunog C. Salita
B. Gramatika D. Telepono

4. Ito ay ang katangian ng wika na kung saan ito ay ginagamit sa lugar na kinabibilangan nito.
A. Patuloy na ginagamit C. Pinipili at isinasaayos
B. Nakabatay sa kultura D. Sinasalitang tunog

5. Ang tunog na aww-aww ay sa aso, meow-meow sa pusa. Sila ay matatawag na _____.


A. Sinasalitang tunog C. Pinipili at isinasaayos
B. Masistemang balangkas D. nagbabago

6. Ang wika bilang ______ o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng
taong may kani-kaniyang wikang ginagamit. -Taylan, et al. 2017.
A. Dayalekto C. Lingua Franca
B. Register D. Barayti

7. Ang mga halimbawa sa ibaba ay matatawag na.


Maynila – Aba, Ang ganda! Bataan – Ka ganda ah!
Batangas - Aba, ang ganda eh! Rizal – Ka ganda, hane!
A. Dayalekto C. Idyolek
B. Sosyolek D. Register

8. Ang _____ ay maituturing bilang isang variety ng wika. Nagkakaiba ang kahulugan ng salita depende
sa paraan ng paggamit nito.
A. Dayalek C. Register
B. Barayti D. Homogenous

9. Barayti ng wika na nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular
na rehiyon, lalawigan o pook.
A. Text C. Sosyolek
B. Dayalekto D. Heterogenous

10. Ito ay natatangi at espisipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao. Personal na dayalek ito ng isang
tao na nagiging marka o pagkakakilanlan niya.
A. Sosyolek C. Homogenous
B. Idyolek D. Heterogenous

11. Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika. May kaugnayan din ito sa
paggamit ng isang partikular na wika.
A. Sosyolek C. Homogenous
B. Idyolek D. Heterogenous

12. Tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng wika. Iba-iba ang wika dahil sa lokasyong
heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal at edukasyonal na katangian ng isang partikular
na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika.
A. Sosyolek C. Homogenous
B. Idyolek D. Heterogenous

13. Ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo
na ng nakapag-aral ng wika.
A. Impormal C. Pormal
B. Pambansa D. Lalawiganin

14. Ang mga salitang nalilikha ng grupo ng tao upang maging wika nila at sila lang ang nakakaintindi.
Salitang kanto ang karamihan nito. ang pinakamababang antas na karaniwang ginagamit sa lansangan
A. Impormal C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Balbal

15. Pagpapaikli ng isang salita, katulad ng meron sa mayroon.


A. Impormal C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Balbal

16. Ginagamit sa partikular na pook o lalawigan, madalas ang pagkakaroon ng punto sa pagsasalita ng
mga taong kabilang sa lugar na yaon.
A. Impormal C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Balbal

17. Ito ay gamit ng wika sa lipunan nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.


A. Personal C. Instrumental
B. Regulatori D. Interaksiyonal

18. Ito ay gamit ng wika sa lipunan naghahanap ng mga impormasyon o datos.


A. Imahinatibo C. Heuristiko
B. Representatibo D. Personal

19. Ito ay gamit ng wika sa lipunan komokontrol/gumagabay sa kilos at asal ng iba.


A. Instrumental C. Interaksiyonal
B. Regulatori D. Personal

20. Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika. Nalilikha ng tao ang mga
bagay-bagay upang maipahayag niya ang kaniyang damdamin. Anong uri ng gamit ng wika ang
nabanggit?
A. Imahinatibo C. Heuristiko
B. Impormatibo D. Personal

II. Panuto: Isulat sa patlang kung ito ay masistemang balangkas, sinasalitang tunog, pinipili at
isinasaayos, pinipili at isinasaayos, arbitraryo, patuloy na ginagamit, nakabatay sa kultura,
nagbabago
____________________ 1. “humuhugot ka na naman”, “charot”
____________________ 2. Pagkatapos kumulo ng tubig ay isagol ang mga utan.
____________________ 3. TSUBIBO - Ferris Wheel, KALIMBAHIN - pink
____________________ 4. BOMBA - Pampasabog, -Igiban ng tubig, - Kagamitan sa paglalagay ng
hangin
____________________ 5. “tubo - tub:boh - pipe, tub:bo - profit”
____________________ 6. “Salitang ugat - Tubig, kanin”
____________________ 7. “Iro- tawag sa hayop na may apat na paa sa Bisaya.”
____________________ 8. “Tiktilaok- tunog ng manok”, “moo-moo - tunog ng baka”
____________________ 9. “gg”, “besh”
____________________ 10. “Lingi ang tamang sagot sa bawat bilang”

III. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng wasto. Isulat ang MALI
kung ito ay nagsasad ng kamali. Bilugan ang salita na nagpapahayag ng kamalian.
_____________ 1. Naga – Magayonon ka, Marita! Ito ay matatawag na Sosyolek.
_____________ 2. “I know, right. Sige, go ahead na” ay isang halimbawa ng Register.
_____________ 3. shinits itey?-sino ito? Ay na Homogenous.
_____________ 4. Ang pag ubo at pagsasabi ni Mike Enriquez ng “Excuse me po!” at “Di namin kayo
tatantanan!” ay matatawag na Homogenous.
_____________ 5. Ang masayahin na pananalita ni Mark Logan sa mga Kwento ni Marc Logan. Ito
isang halimbawa ng sosyolek
_____________ 6. Naiibang tono sa pagbigkas ni Noli de Castro ng mga katagang, “Magandang Gabi
Bayan!” Ito ay isang halimbawa ng idyolek.
_____________ 7.“OMG! Lakas naman the rain. And there is a baha na out there. So yuck talaga!” (Ang
lakas naman ng ulan at baha na sa labas. Nakakadiri talaga!) ay isang sosyolek.
_____________ 8. “puNO- walang espasyo, PUno-Tree” ito ay matatawag na isang heterogenuos
_____________ 9. BUkas-Open, buKAS-Tomorrow ay matatawag na homogenuos
_____________ 10. Ang magkahalong Ingles at Tagalog na lengwahe ni Kris Aquino ay isang idyolek.

IV. Panuto: Basahing mabuti ang talata at tukuyin kung anong antas ng wika (Pambansa, Pabalbal,
Kolokyal, Lalawiganin at Pampanitikan) nabibilang ang mga salitang ginamit sa talumpati. Isulat ang
sagot sa talahanayan.

Isang blockbuster ang pelikula noon. Maraming manonood. “1. Yan ang Pinoy.” Kabilang na
kami ng 2. utol kong manonood. 3. Unta adlaw kami manonood kaya lang wala ang 4. titser namin
ngayon kaya maaga pa ay nasa lobby na ako ng sinehan, naghihintay sa aking utol sa sinundo pa ang
aking 5. ilaw ng tahanan sa aming 6. tahanan. Mas maganda kasing manood sa sinehan kaysa sa mga
PC, tablet o TV.
Habang naghihitay, naisipan ko munang magbasa sa wattpad at tumabi ako sa naupong 7. lespu
na abala sa 8. kanyang cp sa pag-tetext. Mayamaya nakaramdam ako ng 9. pagkalam ng sikmura kaya
kumuha ako ng isang piraso ng biskuwit na nasa aking tabi. Nilingon ako ng lespu at kumuha rin siya.
10. Diri naman sanang problema kung binigay ko sa kaniya o kumuha siya. Kaya lang napansin ko na sa
bawat pagkuha ko ng biskuwit kumukuha rin siya hanggang isa na lang ang natira. Aba, gusto pa
niyang kunin. Inunahan ko nga siya, sabay tayo sa hirap at ginhawa ko. Ngumiti lang ang pulis
“Infairness” sabi ko sa sarili, mabait din naman siya.
Pangungusap Antas ng Wika
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

V. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Piliin ang mga kasagutan sa loob ng kahon.
Instrumental
Regulatori
Interaksiyonal
Personal
Heuristiko
Representatibo/Impormatibo
Imahinatibo

________________ 1. Si Gab at Dorothy ay nangasiwa ng survey sa kanilang mga kamag-aral kung


pabor ba ang kanilang mga kaklase sa paggamit ng selpon tuwing nagklaklase.
________________ 2. Pagkatapos panoorin ng Grade 8-Fleming ang pelikulang Heneral Luna, ay nag
anunsiyo ang kanilang guro na suriin ang pelikula base sa mga aral nito.
________________ 3. Si Roejean ay nagbigay ng liham pangangalakal sa opisina ng kompanya ng mga
unan, nais niya ibahagi ang kanyang mga ideya sa kompanya.
________________ 4. Ang pangkat nila Eunice ay inatasan na gumawa ng isang anunsyo tungkol sa
mga batang nawawala sa kanilang baranggay.
________________ 5. Naatasan si Charles sa kanilang grupo na gumawa ng isang akdang pampanitikan
tungkol sa sa talambuhay ni Andres Bonifacio.
________________ 6. Binigyan ni Hannah ng liham sila Summer at Rhea para imbitahin silang dalawa
sa darating na ika-18 taong kaarawan ni Hannah.
________________ 7. Pagkatapos nila kumain sa bahay ni Ryan ay hiningi ni Julie ang resipe sa
pagluto ng spaghetti sa mama ni Ryan.
________________ 8. Nagpamahagi ng liham si Katelyn sa kanilang mga kaibigan para sa darating na
anibersaryo ng kaniyang asawa, nakasulat dito na sila ay imbitado sa kainang magaganap.
________________ 9. “Si Lovely ay gagawa ng isang patalastas tungkol sa sabon?” ang naguguluhang
tanong ni Godeska kay Angel.
________________ 10. Si Jillian ang naatasan ng kanyang guro na gumawa ng mga panuto para sa
darating na pagsusulit.

You might also like