You are on page 1of 4

JOHN M. HYLAND INSTITUTE OF LEARNING, INC.

Sudtonggan Road Basak, Lapu-Lapu City, Cebu,6015


Contact Number: 0943 366 0105 (032)326 2624
Email: jmhschool@yahoo.com

FIRST PRELIM EXAMINATION IN KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK 11

Pangalan: _________________________________________________ Petsa: _____________________


Baitang at Seksyon: _________________________________________ Iskor: _____________________
Guro: Binibining Evan Bacus Dungog
I. Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat katanungan. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay katangian ng wika na kung saan ito ay isang makaagham, ito ay naging batayan upang umiral ang
laranggan ng Linggwistik.
A. Sinasalitang tunog C. Masistemang balangkas
B. Pinipili at isinasaayos D. Arbitraryo
2. Dahil sa modernisasyon ang wika ay patuloy na nag-iiba, nadadagdagan, o maaring mawala. Anong katangian
ng wika ang nabanggit sa itaas?
A. Arbitraryo C. Nakabatay sa kultura
B. Patuloy na ginagamit D. Nagbabago
3. Ponolohiya ay pag-aaral ng ________.
A. Tunog C. Salita
B. Gramatika D. Telepono
4. Ito ay ang katangian ng wika na kung saan ito ay ginagamit sa lugar na kinabibilangan nito.
A. Patuloy na ginagamit C. Pinipili at isinasaayos
B. Nakabatay sa kultura D. Sinasalitang tunog
5. Ang tunog na aww-aww ay sa aso, meow-meow sa pusa. Sila ay matatawag na _____.
A. Sinasalitang tunog C. Pinipili at isinasaayos
B. Masistemang balangkas D. nagbabago
6. Ang wika bilang ______ o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may
kani-kaniyang wikang ginagamit. -Taylan, et al. 2017.
A. Dayalekto C. Lingua Franca
B. Register D. Barayti
7. Ang mga halimbawa sa ibaba ay matatawag na.
Maynila – Aba, Ang ganda! Bataan – Ka ganda ah!
Batangas - Aba, ang ganda eh! Rizal – Ka ganda, hane!
A. Dayalekto C. Idyolek
B. Sosyolek D. Register

8. Ang _____ ay maituturing bilang isang variety ng wika. Nagkakaiba ang kahulugan ng salita depende sa paraan
ng paggamit nito.
A. Dayalek C. Register
B. Barayti D. Homogenous
9. Barayti ng wika na nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon,
lalawigan o pook.
A. Text C. Sosyolek
B. Dayalekto D. Heterogenous
10. Ito ay natatangi at espisipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao. Personal na dayalek ito ng isang tao na
nagiging marka o pagkakakilanlan niya.
A. Sosyolek C. Homogenous
B. Idyolek D. Heterogenous
11. Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika. May kaugnayan din ito sa paggamit ng
isang partikular na wika.
A. Sosyolek C. Homogenous
B. Idyolek D. Heterogenous

12. Tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng wika. Iba-iba ang wika dahil sa lokasyong heograpiko,
pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal at edukasyonal na katangian ng isang partikular na lugar o komunidad
na gumagamit ng naturang wika.
A. Sosyolek C. Homogenous
B. Idyolek D. Heterogenous
13. Ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng
nakapag-aral ng wika.
A. Impormal C. Pormal
B. Pambansa D. Lalawiganin
14. Ang mga salitang nalilikha ng grupo ng tao upang maging wika nila at sila lang ang nakakaintindi. Salitang kanto
ang karamihan nito. ang pinakamababang antas na karaniwang ginagamit sa lansangan
A. Impormal C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Balbal
15. Pagpapaikli ng isang salita, katulad ng meron sa mayroon.
A. Impormal C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Balbal
16. Ginagamit sa partikular na pook o lalawigan, madalas ang pagkakaroon ng punto sa pagsasalita ng mga taong
kabilang sa lugar na yaon.
A. Impormal C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Balbal
17. Ito ay gamit ng wika sa lipunan nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
A. Personal C. Instrumental
B. Regulatori D. Interaksiyonal
18. Ito ay gamit ng wika sa lipunan naghahanap ng mga impormasyon o datos.
A. Imahinatibo C. Heuristiko
B. Representatibo D. Personal
19. Ito ay gamit ng wika sa lipunan komokontrol/gumagabay sa kilos at asal ng iba.
A. Instrumental C. Interaksiyonal
B. Regulatori D. Personal
20. Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika. Nalilikha ng tao ang mga bagay-
bagay upang maipahayag niya ang kaniyang damdamin. Anong uri ng gamit ng wika ang nabanggit?
A. Imahinatibo C. Heuristiko
B. Impormatibo D. Personal
II. Panuto: Isulat sa patlang kung ito ay masistemang balangkas, sinasalitang tunog, pinipili at isinasaayos, pinipili at
isinasaayos, arbitraryo, patuloy na ginagamit, nakabatay sa kultura, nagbabago.
____________________ 1. “humuhugot ka na naman”, “charot”
____________________ 2. Pagkatapos kumulo ng tubig ay isagol ang mga utan.
____________________ 3. TSUBIBO - Ferris Wheel, KALIMBAHIN - pink
____________________ 4. BOMBA - Pampasabog, -Igiban ng tubig, - Kagamitan sa paglalagay ng hangin
____________________ 5. “tubo - tub:boh - pipe, tub:bo - profit”
____________________ 6. “Salitang ugat - Tubig, kanin”
____________________ 7. “Iro- tawag sa hayop na may apat na paa sa Bisaya.”
____________________ 8. “Tiktilaok- tunog ng manok”, “moo-moo - tunog ng baka”
____________________ 9. “gg”, “besh”
____________________ 10. “Lingi ang tamang sagot sa bawat bilang”
III. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng wasto. Isulat ang MALI kung ito ay
nagsasad ng kamali.
_____________ 1. Naga – Magayonon ka, Marita! Ito ay matatawag na Sosyolek.
_____________ 2. “I know, right. Sige, go ahead na” ay isang halimbawa ng Register.
_____________ 3. shinits itey? -sino ito? Ay na Homogenous.
_____________ 4. Ang pag ubo at pagsasabi ni Mike Enriquez ng “Excuse me po!” at “Di namin kayo tatantanan!” ay
matatawag na Homogenous.
_____________ 5. Ang masayahin na pananalita ni Mark Logan sa mga Kwento ni Marc Logan. Ito isang halimbawa ng
sosyolek
_____________ 6. Naiibang tono sa pagbigkas ni Noli de Castro ng mga katagang, “Magandang Gabi Bayan!” Ito ay isang
halimbawa ng idyolek.
_____________ 7. “OMG! Lakas naman the rain. And there is a baha na out there. So yuck talaga!” (Ang lakas
naman ng ulan at baha na sa labas. Nakakadiri talaga!) ay isang sosyolek.
_____________ 8. “puNO- walang espasyo, PUno-Tree” ito ay matatawag na isang heterogenuos
_____________ 9. BUkas-Open, buKAS-Tomorrow ay matatawag na homogenuos
_____________ 10. Ang magkahalong Ingles at Tagalog na lengwahe ni Kris Aquino ay isang idyolek.
IV. Panuto: Basahing mabuti ang talata at tukuyin kung anong antas ng wika (Pambansa, Pabalbal, Kolokyal,
Lalawiganin at Pampanitikan) nabibilang ang mga salitang ginamit sa talumpati. Isulat ang sagot sa talahanayan.

Isang blockbuster ang pelikula noon. Maraming manonood. “1. Yan ang Pinoy.” Kabilang na kami ng 2. utol kong manonood.
3. Unta adlaw kami manonood kaya lang wala ang 4. titser namin ngayon kaya maaga pa ay nasa lobby na ako ng sinehan,
naghihintay sa aking utol sa sinundo pa ang aking 5. ilaw ng tahanan sa aming 6. tahanan. Mas maganda kasing manood sa sinehan
kaysa sa mga PC, tablet o TV.

Habang naghihitay, naisipan ko munang magbasa sa wattpad at tumabi ako sa naupong 7. lespu na abala sa 8. kanyang cp
sa pag-tetext. Mayamaya nakaramdam ako ng 9. pagkalam ng sikmura kaya kumuha ako ng isang piraso ng biskuwit na nasa aking
tabi. Nilingon ako ng lespu at kumuha rin siya. 10. Diri naman sanang problema kung binigay ko sa kaniya o kumuha siya. Kaya lang
napansin ko na sa bawat pagkuha ko ng biskuwit kumukuha rin siya hanggang isa na lang ang natira. Aba, gusto pa niyang kunin.
Inunahan ko nga siya, sabay tayo sa hirap at ginhawa ko. Ngumiti lang ang pulis “Infairness” sabi ko sa sarili, mabait din naman siya.

Pangungusap Antas ng Wika


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

V. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Piliin ang mga kasagutan sa loob ng kahon.
Instrumental Regulatori Interaksiyonal Personal
Heuristiko Representatibo/Impormatibo Imahinatibo

________________ 1. Si Gab at Dorothy ay nangasiwa ng survey sa kanilang mga kamag-aral kung pabor ba ang kanilang mga
kaklase sa paggamit ng selpon tuwing nagklaklase.
________________ 2. Pagkatapos panoorin ng Grade 8-Fleming ang pelikulang Heneral Luna, ay nag anunsiyo ang
kanilang guro na suriin ang pelikula base sa mga aral nito.
________________ 3. Si Roejean ay nagbigay ng liham pangangalakal sa opisina ng kompanya ng mga unan, nais niya
ibahagi ang kanyang mga ideya sa kompanya.
________________ 4. Ang pangkat nila Eunice ay inatasan na gumawa ng isang anunsyo tungkol sa mga batang
nawawala sa kanilang baranggay.
________________ 5. Naatasan si Charles sa kanilang grupo na gumawa ng isang akdang pampanitikan tungkol sa sa
talambuhay ni Andres Bonifacio.
________________ 6. Binigyan ni Hannah ng liham sila Summer at Rhea para imbitahin silang dalawa sa darating na ika-
18 taong kaarawan ni Hannah.
________________ 7. Pagkatapos nila kumain sa bahay ni Ryan ay hiningi ni Julie ang resipe sa pagluto ng spaghetti sa
mama ni Ryan.
________________ 8. Nagpamahagi ng liham si Katelyn sa kanilang mga kaibigan para sa darating na anibersaryo ng
kaniyang asawa, nakasulat dito na sila ay imbitado sa kainang magaganap.
________________ 9. “Si Lovely ay gagawa ng isang patalastas tungkol sa sabon?” ang naguguluhang tanong ni Godeska
kay Angel.
________________ 10. Si Jillian ang naatasan ng kanyang guro na gumawa ng mga panuto para sa darating na
pagsusulit.

“You are braver than you believe, stronger than you seem and smarter than you think.”
– A.A. Milne, British author of Winnie-the-Pooh, 1882-1956

You might also like