You are on page 1of 3

BATANGAN INTEGRATED SCHOOL

1
Batangan, Valencia City, Bukidnon
HIGH SCHOOL DEPARTMENT

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA


AT KULTURANG FILIPINO 11

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


UNANG SEMESTRE
A.Y 2023-2024

Pangalan Seksyon/Baitang
:
Petsa: Iskor:

PANGUNAHING GABAY SA PAGSAGOT: Iwasan ang pagbubura ng iyong kasagutan.

I. PAGPIPILI. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (1 Puntos)

1. Ito ang wikang itinalaga ng tiyak na institusyon para maging wika ng opisyal na
talastasan o pakikipagtransaksiyon.
A. Wikang panturo B. Wikang pantulong C.Opisyal na wika D. Wika
2. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskwelahan sa pagsulat
ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo.
A. Wikang panturo B. Wikang pantulong C. Opisyal na wika D. Wika
3. Ano “Ang wikang Filipino sa Akademya.” Ayon kay Teresita Fortunato sa kanyang
presentasyong papel?
A. Wika B. Bilinggualismo C. Multilinggual D. Global
4. Ito ang patakarang pangwika kung saan ginagamit ang wikang global bilang
mahalagang wika ng lahat..
A. Wika B. Bilinggualismo C. Multilinggual D. Global
5. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita.
A. Dayalekto B. Idyolek C. Register D. Mode
6. Isang barayti kaugnay ng personal na kakayahan ng tagapagsalita o indibidwal.
A. Dayalekto B.Idyolek C. Register D. Mode
7. Mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit ng
nakakarami.
A. Di-pormal B. Pormal C. Pampanitikan D. Balbal
8. Isang barayti kaugnay ng ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa
oras ng pagpapahayag.
A.Estilo B.Dayalekto C.Register D.Mode
9. Mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa tula, sulatin at aklat.
A. Balbal B. Jargons C. Pampanitikan D.Mode
10. Ang barayti ng wikang ginagamit sa isang particular na propisyon, lebel o katayuan sa
buhay.
A. Sosyolek B. Jargons C. Dayalekto D. Balbal
11. Tinatawag na _______ ng isang tao ang kinagisnan n'yang wika sa pamayanang
kinalakihan niya.
A. Wikang opisyal B. Unang wika C. Wikang panturo D. Mode
12. Ang barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaaring pormal,
kolokyal, o personal.
A. Mode B. Register C.Dayalekto D. Estilo
13. Ang barayti na kaugnay sa gagamiting midyum sa pagpapahayag kung ito’y pasalita
o pasulat.
A. Mode B. Register C.Dayalekto D.Estilo
14. Ito ang mga salitang karaniwan, pang araw-araw na madalas gamitin sa pakikipag
usap sa mga kakilala at kaibigan.
A. Balbal B. Jargons C. Lalawaganin D. Kolokyal
BATANGAN INTEGRATED SCHOOL
2
Batangan, Valencia City, Bukidnon
HIGH SCHOOL DEPARTMENT

15. Isang ng wika na napaunlad sa kadahilanang praktikal, tulad ng mga pangangalakal sa


mga pangkat ng taong hindi alam ang wika ng iba.
A. Balbal B.Pidgin C. Estilo D.Isogloss

16. Ito ang espesyal na teknikal na bokabularyo ng isang larang.


A. Balbal B. Jargons C. Creole D. Kolokyal
17. Ito ang itinuturing na wika ng kalye na ginagamit ng karaniwang usapan. Ito din ang
tinatawag na pinakamababang uri ng komunikasyon.
A. Jargons B. Creole C. Balbal D. Mode
18. Aspekto ng pagbigkas ng bawat rehiyon.
A. Punto B. Creole C. Isogloss D. Mode
19. Ito ang wikang nahirang na maging batayan ng wikang pambansa ayon sa kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134, s. 1937 na ipinatupad ni Pangulong Manuel L. Quezon.
A. Cebuano C. Ilocano
B. Ingles D. Tagalog
20. Petsa kung kalian sinimulan ang pagtuturo ng Pambansang wika sa lahat ng paaralang
publiko at pribado sa buong bansa.
A. Ika-30 ng Disyembre 1939 C. Ika-30 ng Nobyembre 30, 1943
B. Ika-19 ng Hunyo 1940 D. Ika-3 ng Enero 1944

II. Suriin ang gamit ng wika sa lipunan. Isulat kung pang-instrumental, pangregulatori, pang
interaksyonal, pampersonal, pangheuristiko, panrepresentatibo o pang-imahinasyon.

21. “Tuloy po kayo” na pahayag sa isang bisita sa kanilang tahanan.


A. Instrumental C. interaksyonal
B. Regulatori D. personal
22. Simbolismo raw ang pusa sa konsensya ng isang tao.
A .Instrumental C. interaksyonal
B. Regulatori D. representatibo
23. Ginawang tauhan sa isinulat na pabula ay mga tao sa halip na mga hayop
A. Instrumental C. interaksyonal
B. Regulatori D. representatibo
24. Pangangalap ng mga datos tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng wikang pambansa
ng Pilipinas.
A. Heuristiko C. interaksyonal
B. Regulatori D. personal
25. Pagsunod sa direksyon kung paano pumunta sa parke ng isang lugar.
A. Instrumental C. interaksyonal
B. Regulatori D. personal
26. Pakikisuyo na idaan sa kanilang bahay ang kaniyang mga aklat dahil hinihiram ng
kapitbahay.
A. Instrumental C. interaksyonal
B. Regulatori D. personal
27. Pagbibigay ng reaksyon na dapat pahalagahan ng kabataan ang wikang pambansa ng
bansa.
A. Instrumental C. interaksyonal
B. Regulatori D. personal
28. Pagsulat ng patalastas tungkol sa Timpalak Talumpatian ng paaralan.
A. Instrumental C. interaksyonal
B. Regulatori D. personal
29. Pagpapatibay sa sariling argumento na ginagamit sa pakikipagtalo.
A. Instrumental C. interaksyonal
B. Regulatori D. personal
30. Pagbibigay ng wakas sa isang kuwento.
A. Instrumental C. interaksyonal
B. Regulatori D. personal
BATANGAN INTEGRATED SCHOOL
3
Batangan, Valencia City, Bukidnon
HIGH SCHOOL DEPARTMENT

III. ENUMERASYON. Isulat sa bawat Hanay ang hinihinging kasagutan.


1.
Magtala ng walong (8) Barayti ng wika at 2.
magbigay ng halimbawa sa bawat bilang. 3.
4.
5.
6.
7.
8.

IV. Aplikasyon. Naipapahayag ang mahalagang kaisipan ukol sa paksang tinalakay.


1. May maitutulong ba sa isang mag-aaral sa hinaharap ang pagkakaroon ng maraming
wika? Ipaliwanag. ( 10 puntos)
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________.

“ Ang hindi magmahal ng sariling Wika, ay higit pa sa hayop at malansang isda. “


– Dr. Jose P. Rizal

Inihanda ni:

MAE S. ESTIANDAN __________________________


SST-1 Pangalan at Lagda ng Magulang

Binigyang Pansin:

RANILLO C. GAMUTAN
Secondary School Head IV

You might also like