You are on page 1of 5

Unang Markahang Pagsusulit

Sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Akademiyang Pilipino


S.Y 2022-2023

Pangalan: Marka:
Baitang: 11 Sprout. Petsa:

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang
titk o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t ibang
Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit bilang______.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal
c. Lingua Franca d. Wikang Panturo

2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o komunikasyon sa
gobyerno, pasulat man o pasalita,gamit ito bilang _____.
a. Lingua franca b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo

3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo.
a. Paz Hernandez b. Henry Allan Gleason,Jr.
c. Charles Darwin d. Lope K. Santos

4.Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng


mga etnikong grupo.
a. Filipino b. Ilokano
c. Bisaya d.Waray

5.Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng mga tao sa
komunikasyon.
a. Sapiro b. Hemphill
c. Gleason d. Hutch

6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987 na ang Wikang
Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV b. XII
c. XIV d.XVI

7.Ano ang ating wikang Pambansa?


a. Ingles b. Ilocano
c. Tagalog d. Filipino

8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.
a. Gleason b. Sapiro
c. Quezon d. Hemphill

9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Pang-sekundarya?


a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya
c. Ingles at Filipino d. Ingles at Kastila

10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.


a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal d.Wikang Pandaigdig

11. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro


lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
a. Etnolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Idyolek
12. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa
Tagalog ng mga taga- Metro Manila.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Etnolek

13. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang malutong
niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
a. Sosyolek b. Idyolek c. Etnolek d. Dayalek

14. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago
pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t
isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng
sinuman sa kanila.
a. Idyolek b. Etnolek c. Pidgin d. Creole

15. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa
mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-
aari ninuman ay siyang naging unang wika ng mga naging anak nila.
a. Creole b. Pidgin c. Dayalek d. Sosyolek

16. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a.
“Dana” ang mga salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register b. Idyolek c. Etnolek d. Sosyolek

17. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae
sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at
grading sheets. Mula rito’y alam niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
a. Coño b. Jejemon c. Sosyolek d. Register

18. Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at
nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga
kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang nag-
iba at naging pormal angb paraan nila ng pagsasalita.
a. Sosyolek b. Etnolek c. Register d. Idyolek
19. Natutunan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa
Batanes. Saanman siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay
alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang
pananggalang sa init at ulan.
a. Dayalek b. Etnolek c. Sosyolek d. Idyolek

20. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa
kanyang programang Rated K.
a. Idyolek b. Register c. Pidgin d. Creole
21. Litong-lito si Gabrielle sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang
niyang pumunta sa Silid-aklatan upang magsaliksik.
a. INSTRUMENTAL b. HEURISTIK
c. IMAHINATIBO d. REGULATORI

22. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa pagkakaroon


ng kasunduan upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang
bansa sa West Philippine Sea.
a. PERSONAL b. IMAHINATIBO
c. REGULATORI d. HEURISTIK

23. Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada nabawasan
ang mga aksidenteng dulot ng hindi pagtawid sa tamang daanan.
a. INTERAKSYONAL b. INSTRUMENTAL
c. PERSONAL d. REGULATORI

24. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang layuning
masugpo ang kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.
a. HEURISTIK b. IMPORMATIB
c. IMAHINATIBO d. INSTRUMENTAL

25. Nahirapan si Caeli sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman


nagsimula siyang magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang talaarawan.
a. INTERAKSYONAL b. HEURISTIK
c. PERSONAL d. REGULATORI

26. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa


unahan
a.anapora b. katapora
c. kohesyong gramatikal d.pananggi

27. Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananada sa pinalitang pangalan sa hulihan


a. kohesyong gramatikal b. anapora
c. pamanahon d.katapora

28. Instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang bawat


isa.
a. wika b. text message
c. social media d. sign language

29. Sa aling sitwasyon makikita ang higit na kahalagahan ng Wikang Pambansa?


a. kausap ang ina sa telepono
b. binatang nanliligaw sa kanyang napupusuan
c. naliligaw ng daan
d. nanonood ng balita

30. Magpapadala ka ng liham sa iyong magulang sa probinsya. Anong wika ang iyong
gagamitin?
a. Lingua Franca b. Wikang Filipino
c. Wikang Ingles d.Unang Wika
31. 1. Nagmula sa dalawang (2) salitang sanay at pagsasalaysay, na isang piraso ng
sulatin
na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha pagpuna,
opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-
ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao
a. Talumpati b. Sanaysay
c. Maikling Kuwento d. Dula

32. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng


masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa; naglalaman ng
mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod
upang lubos na maunawaan ng bumabasa ang mga salita’y umaakma sa piniling
isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa
asignaturang ginawan ng pananaliksik
a.Pormal b. Di-pormal
c. Sanaysay na Naglalarawan d. Sanaysay na Nagkukuwento

33. Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-


araw at personal karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng
isang may akda; naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay
at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda
a.Pormal b. Di-pormal
c. Sanaysay na Naglalarawan d. Sanaysay na Nagkukuwento

34. Itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito


ang unang titingnan ng mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon.
a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon
35. Bahagi ng sanaysay na tumatalakay sa mahahalagang puntos ukol sa
tema at nilalaman ng sanaysay.
a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon

36. Ano ang katutubong wika na ginamit sa Pilipinas bilang wika ng komunikasyon?

a. Ingles b. Filipino
c. Taglish d. Cebuano

37. Ang KWF ay ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na binuo upangmagsagawa ng


mga pananaliksik, paglilinang, pagpapalaganap, at pagpapaunlad ng Filipino at iba pang
wika sa bansa. Ano ang kinakatawan ng acronym na KWF?

a. Kawanihan ng Wikang Filipino


b. Komisyon ng Wikang Filipino
c. Kaukulang Wikang Filipino
d. Kongregasyong ng Wikang Filipino

38. Sa panahon ng pagsasarili, ano naging wikang opisyal?

a. Tagalog at Ingles b. Filipino


c. Taglish d. Cebuano

39. Sa panahong ito ipinaturo ang Nihonggo at inalis ang Ingles.

a. Rebolusyunaryo b. Hapon
c. Amerikano d. Pagsasarili

40. Naging masigasig at masigla ang mga Pilipino sa paggamit ng sariling wika sa
panahong ito.

a. Amerikano b. Pagsasarili
c. Kasalukuyan d. Hapon
1. A tunog module 1
2. B komunikasyon
3. B salita
4. A
5. C
6. C
7. D
8. B
9. C
10. A

Subukin at Tayahin-module 3
1.D
2.A
3.B
4.C
5.A
6. D
7.D
8.C
9.B
10. A

Subukin at Tayahin module 4


1. B
2. C
3. D
4. B
5. C
6.a

7.d

8.c

9.a/d

10.c

1. b
2. a
3. b
4. a
5. b
1.a
2.b
3.d
4.b
5.a

You might also like