You are on page 1of 9

NILALAMAN (WIKA)

1. Ayon sa kurikulum ng batayang edukasyon, kalian inaasahan na magbigkas ang mga alpabeto at nga simpleng
salita?
A. Pagkatapos ng unang baitang
B. Pagkatapos ng ikalawang baitang
C. Pagkatpos ng ikatlong baitang
D. Pagkatpos ng ikaapat na baitang

2. Ang mag-aaral ay nakapagsasabi ng pangunahing diwa ng kuwento o saknong ng tulang napakinggan at


nakapaglalarawan ng mga tao, bagay, pook. Kailan ito inaasahan?
A. Pagkatapos ng unang baitang
B. Pagkatapos ng ikalawang baitang
C. Pagkatapos ng ikatlong baitang
D. Pagkatapos ng ikaapat baitang
3. Kung ang mag-aaral ay nakababasa nang may pag-unawa at nakapagsasalaysay ng may buod ng pinakinggang
balita o ulat at naibibigay ang sariling palagay tungkol sa isyung pinag-uusapan, masasabing ang mag-aaral ay nasa
anong baitang?
A. Unang baitang
B. Ikalawang baitang
C. Ikatlong baitang
D. Ikaapat na baitang
4. Pagkatapos ng baitang na ito, ang mag-aaral ay gumagamit ng matatalinhagang salita at mga ekspresyong tuwiran
at di-tuwiran.
A. Unang baitang
B. Ikalawang baitang
C. Ikatlong baitang
D. Ikaapat na baitang
5. Kung nakakagamit ng diksyunaryo “thesaurus” at iba pang sanggunian sa paghahanap ng impormasyon at
nakasusulat na ng biro, anekdota, patalastas, poster at sulatin na may 15-20 na pangungusap, ang magaaral
ay_____________?
A. Patapos na sa ikatlong baitang
B. Patapos na sa ikaapat na baitang
C. Patapos na sa ikalimang baitang
D. Patapos na sa ikaanim na baitang
6. Ang mag-aaral ay nakasusulat na ng iskrip, paglalarawan, “pictorial essay,” o talumopati sa tulong ng mga ideya o
tala na binuo ng klase, siya ay________________?
A. Patapos na sa ikaapat na baitang
B. Patapois na sa ikalimang baitang
C. Patapos na ng ikaanim na baitang
D. Unang taon sa mataas na paaralan
7. Napagdudugtong-dugtong ang putol-putol na guhit sa tulong ng daliri, tsok, krayola, at lapis.
A. Mag-aaral sa unang baitang
B. Mag-aaral sa ikalawang baitang
C. Mag-aaral sa ikatlong baitang
D. Mag-aaral sa ikaapat na baiting

Page 1 of 9
NILALAMAN (WIKA)

8. Nabasa ang salita sa tulong ng hugis o anyong salita


A. Mag-aaral sa unang baitang
B. Mag-aaral sa ikalawang baitang
C. Mag-aaral sa ikatlong baitang

D. Mag-aaral sa ikaapat na baitang


9. Nagagamit ang mga uri ng pangungusap ayon sa tungkuling pasalaysay, pautos, patanong, padamdam sa
pagsasalaysay ng sariling karanasan
A. Mag-aaral sa unang baitang
B. Mag-aaral sa ikalawang baitang
C. Mag-aaral sa ikatlong baitang
D. Mag-aaral sa ikaapat na baitang
10. Nakapagpapakita ng iba’t ibang reaksyon sa diskursong napakinggan
A. Mag-aaral sa unang baitang
B. Mag-aaral sa ikalawang baitang
C Mag-aaral sa ikatlong baitang
D. Mag-aaral sa ikaapat na baitang
11. Nagagamit ang tuldok-kuwit sa paghihiwalay ng mga sugnay sa hugnayan at tambalang pangungusap
A. Mag-aaral sa ikatlong baitang
B. Mag-aaral sa ikaapat na baitang
C. Mag-aaral sa ikalimang baitang
D. Mag-aaral sa ikaanim na baitang
12. Nabibigay ang kahulugan ng mga salitang pareho ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan
A. Mag-aaral sa ikatlong baitang
B. Mag-aaral sa ikaapat na baitang
C. Mag-aaral sa ikalimang baitang
D. Mag-aaral sa ikaanim na baitang

13. Anong uri ng wika ang naimbento ng mga tao o iba pang institusyon sa iba’t ibang panahon?
A. Balbal C. Lalawiganin
B. Pambansa D. Kolokyal
14. Ano ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao?
A. Sosyolek C. Dayalek
B. Idyolek D. Register
15. Nagdaranas ng ____________ pangungulila ang mga nagtatrabaho sa ibang bansa.
A. malaking C. walang katumbas na
B. malubhang D. matinding
16. Alin ang mga bikabularyong dayalektal na ginagamit lamang sa mga particular na lugar?
A. Pampanitikan C. Balbal
B. Lalawiganin D.Kolokyal
17. Ano ang mga salitang pinaikli at ginagamit sa mga pagkakataong informal?
A. balbal C. panlipunan
B. lalawiganin D. kolokyal
18. Ang mga salitang ‘erpat’ at ‘ermat’ ay kabilang sa mga salitang______________.
A. balbal C. panlipunan
B. lalawiganin D. kolokyal
19. Balbal: Parak; Kolokyal:____________
A. antay C. syota
B. ba D. kabsat

Page 2 of 9
NILALAMAN (WIKA)

20. Mga salitang ginagamit sa mga sirkulasyong pambansa tulad ng libro .


A. balbal C.panlipunan
B. pambansa D. kolokyal
21. Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala at ginagamit ng nakararami.
A. pormal C. dayalekto
B. di-pormal D. wika
22. Ito ay ginagamit sa karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan katulad ng
mga salitang asawa, anak, tahanan, atbp.
A. Pambansa C. dayalekto
B. panlalawigan D. panretorika
23. Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malali, makulay at masining gaya
ng ‘kahati sa buhay’, ‘bunga ng pag-ibig’, at ‘pusod ng pagmamahal’.
A. Pambansa C.dayalekto
B. panlalawiganin D. panretorika
24. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas na gamitin sa pakikipag-usap ar
pakikipagtalastasan
A. Pambansa C. pampanitikan
B. balbal D. pormal
25. Ito ay gamitin ng mga tao sa partikulsr na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
A. lalawiganin C. kolokyal
B. balbal D. pampanitikan
26. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.
A. lalawiganin C. kolokyal
B. balbal D.pampanitikan
27. Mababa ang antas na ito ng wika at katumbas sa ingles sa slang
A. lalawiganin C. kolokyal
B. balbal D. pampanitikan
28. Ang ma salitang gumagamit ng patalinhagang pagpapahayag katulad ng mga idyomatikong pahayag at mga
tayutay.
A. balbal C. pampanitikan
B. lalawiganin D. kolokyal
29. Ang pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika gaya sa wikang Ilokano ay tinatawag na ____________.
A. dayalekto C. sosyolek
B. idyolek D. Register
30. Ang nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang individual o ng isang pangkat ng mga tao .
A. dayalekto C. sosyolek
B. idyolek D. register
31. Baryasyon ng wika batay sa batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa pangkat na kanyang kinabibilangan.
May kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko na nagsasalita .
A. dayalekto C. sosyolek
B. idyolek D. register
32. Isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika tulad ng mga tong kabilang
sa isang particular na disiplina.
A. dayalekto C. sosyolek
B. idyolek D. register
33. Alin ang isang maiksing muling pagpapahayag sa sariling salita ng mga pangunahing ideya ng isang teksto?

A. Wakas C. Gitna
B. Simula D. Buod

Page 3 of 9
NILALAMAN (WIKA)
34. Malaki ang sunog sa Tondo. Libo-libo ang mga taong nawalan ng bahay at mga kagamitan. Dumating ang mga
kagawad ng Red Cross. May dala silang mga pagkain at tolda. Ano ang kahuluhan ng talata?
A. Ililigtas ng Red Cross ang buhay ng mga tao.
B. Ililigtas ng Red Cross ang mga tao mula sa gutom at kawalan ng tulugan.
C. ILiligtas ng Red Cross ang mga tao mula sa sunog
D. Ililigtas ng Red Cross ang mga nasusunog na kagamitan.
35. “May dalang BOGA ang mga kabataang umaaligid sa aming bahay”. Ang boga ay salitang balbal na
nangangahulugan ng __________.

A. balisong C. pana
B. baril D. sumpit
36. Sa larangan ng pagsasalin, ang pagbabago lamang ng mga salita sa loob ng magkaparehong wika, ang prosesong
nagaganap ay______________.
A. Intalingual
B. Interlingual
C. Intersemiotic
D. Transmutation
37. Ayon kay Jacobson, ang pagsasalin ng isang mensahe mula sa isang masistematikong simbolo patungo sa iba ay
tinatawag na___________.
A. Intalingual
B. Intrlingual
C. Intersemiotic
D. Transmutation
38. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katuturan at layunin ng pagsasalin?
A. Ito ay paglalahad ng ibang wika ng katumbas ay kahulugan sa isang wika.
B. Ito ay isang paraan ng pagpapalit ng diwang inihayag sa isang wika ng katapat na diwa sa iabng wika.
C. Ito ay palitan ng kahulugan sa iabng wika at paglalahad nito sa ibang pananalita.

39. Ano ang kategorya ng pagsasalin ang nagaganap sa sumusunod?

Astronomy - astronomiya
Amplitude – taas ng alon

A. Saling nagbibigay ng kabatiran


B. Saling sapat
C. Saling sumasaklaw sa iba’t ibang porma
D. Saling teknikal
40. Ano ang kategorya ng pagsasalin ang naganap sa sumusunod?
The hour I spent with thee, dear heart
Are a string of pearls to me
I count them over, everyone part
My rosary, my rosary

Ang mga sandal na kasama kita


Sa pakiwari ko’y kwintas na perlas
Binibilang bilang paisa-isa
Na wari’y rosary ng wagas na pagsinta

Page 4 of 9
NILALAMAN (WIKA)
A. Saling nagbibigay ng kabatiran
B. Saling sapat
C. Saling sumasaklaw sa iba’t ibang porma
D. Saling teknikal

41.Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang tagasalin?


I. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin .
II. May sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.
III. May sapat na kaalaman sa gramatika sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
IV. May sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
A. I
B. I at II
C. I, II, at III
D. I, II, III at IV
42. Alin ang pinakawastong salin ng sumusunod na pangungusap.
“He belongs to the royal blood.”
A. Siya’t nabibilang sa dugong bughaw
B. Siya’y nabibilang sa sa dugong asul
C. Kulay bughaw ang dugo niya
D. Kulay asul ang baro niya.

43. Isalin ang sumusunod na pangungusap.


“You make the plans for the school year”
A. Magplano ka para sa taong panuruan.
B. Sa taong panuruan ka magplano.
C. gumawa ka ng plano para sa taong panuruan.
D. Nasa plano ang taong panuruan,

44. Alin ang pinakamalapit na salin ng sumusunod na pangungusap.


‘They move to another place’
A. Sila ay gumalaw sa ibang lugar.
B. Sila ay lumipat sa ibang lugar.
C. Sila ay lumikas sa ibang lugar.
D. Sila ay tumakbo sa ibang lugar

45. “Instrument”
A. Instrumento
B. Kagamitan
C. instrument
D. Gamit

46. “Civilization”
A. Sibilisasyon
B. Kaunlaran
C. Kabihasnan
D. Pag-iral
Page 5 of 9
NILALAMAN (WIKA)
47. “Index”
A. Talasalitaan
B. Talasanggunian
C. Talatuntunan
D. Palatuntunan

48. “He drank three bottles.”


A. Uminom siya.
B. Uminom siya ng tatlo.
C. Uminom siya ng tatlong bote.
D. Uminom siya ng tatlong bote ng serbesa.

49. “Don’t hurt his good name.”


A. Huwag mong siraan ang maganda niyang pangalan.
B. Huwag mo siyang siraan.
C. Huwag kang manira ng pangalan.
D. Huwag mong siraan ang pangalan niya.

50. Mahalaga sa pagsasalin ang kaisipan ng isinasalin at hindi kahulugan ng salita; mahalagang suriin ang ang mga pahayag na
kadalasan ay kinapapalooban nito. Ito ay ang _________________.
A. tunog C. bigkas
B. idyoma D. kaisipan

51. Sa “You can’t have your cake and eat it too.” Ito ay nangahuhulugang ____________.
A. Hindi lahat ay makukuha mo C. Masama ang maghangad ng higit
B. Hindi mo matatagpuan ang pagsisi D. Huwag maging sakim

52. Alin ang pinakamalapit na salin ng sumusunod na pangungusap.


“ I will praise my God all the days of my life”
A. Papuri sa Diyos sa buong buhay ko.
B. Ako ay magpupuri sa Diyos ko.
C. Pupurihin ko ang Diyos sa buong buhay ko.
D. Purihin ang Diyos sa araw-araw

53. Saan nakauri ang mga sumusunod na salita katulad ng website, cellphone, diskette at computer?
A. Ligaw C. Hiram
B. Likha D. Likas

54. Alin ang paraang inilalahad ang mga detalye sa isang tuwirang balita?
A. Pabalak C. Hiram
B. Pasaklaw D. Pabuod

55. Anong paraan inilalahad ang mga detalye sa isang tuwirang balita?
A. Pabuod C. Piramide
B. Baligtad na piramide D. Pasaklaw

Page 6 of 9
NILALAMAN (WIKA)
56. Ang paksang katawa-tawang pangyayari sa klase ay akma sa anong lathalaing ito?
A. Makataong damdamin C. Pansariling karanasan
B. Nagpapabatid D. Pangkatauhang dagli

57. Ang mga ito ay ginagamit sa isang lathlain.


A. lahat ng nabanggit C. sinisiping sabi
B. retorikang tanong D. panggulat na pahayag

58. Alin ang ipababasa mo sa mag-aaral kung ang takdang-aralin ay isang napapanahong isyu sa pamamagitan ng larawan?
A. ilustrasyon C. larawan sa huling pahina
B. kartong pang-editoryal D. larawan sa pangmukhang pahina
59. Saan mo titignan ang pahayag na “Binabati naming ang milyun-milyong masisipag na mga magsasaka at mangingisda na ang
pag-araw-araw na gawain ay nag aambag sa akmang nutrisyon ng kabuuang bansang Pilipino?
A. Lathalain C. Pamamahayag
B. Balita D. Editoryal
60. Alin dito ang kuro-kuro ang kuro-kuro at paninindigan ng patnugutan ng pahayagan?
A. Balita C. Tanging lathalain
B. Editoryal D. Kolum
61. Ano ang kahalaghan ng unang dalawang balita sa isang talata?
A. Buod C. Panimula
B. Pamatnubay D. Newspeg
62. Ang mga sumusunod ay patnubay sa pagsusulat ng taning lathalain. Alin ditto ang HINDI kasama?
A. Gamitan ng masining na paglalarawan
B. Gawing makatawag pansin ang simula
C. May news peg
D. Gamitan ng isitilong pampanitikan

63. Ang pagbabasa ng lathalain ay nagpapahusay ng kaisipan ng bata at matanda. Aling bahagi ng pangungusap ang nagbibigay
impormasyon tungkol sa paksa?
A. Nagpapahusay ng kaisipan C. Ang pagbabasa
B. Ng lathalain D. ng bata at matanda
64. Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik na mahahalaga sa balita?
A. mga pangyayari o detalye
B. kawilihan
C. mambabasa
D. imprenta

Page 7 of 9
NILALAMAN (WIKA)
65. Ang mga tao na kalimitang natutulog ng mas kaunti sa pitong oras ay may mataas na pnganib sa pagtaas bg presyon ng dugo,
ayon sa pag-aaral ng WHO. Ano ang kahalagahan ng balita?
A. Nagbibigay ng impormasyon
B. Nagtuturo
C. Lumilibang
D. Nakapagpapabago
66. Matapos na masangkot sa anomalya ang mga pulis ng Quezon City, inuuto ng Alkalde ng syudad ang pagbabalasa sa mga
istasyon ng QCPD. Ano ang kahalagahan ng balita?
A. Nagbibigay impormasyon
B. Nagtuturo
C. Lumilibang
D. Nakapagpapabago
67. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang mahusay na balita?
A. ganap ng kawastuhan
B. may kinikilingan
C. kaiklian
D. may kawastuhan
68. Hindi sa dating labanan ng Super Feather Weight Divission maaring magkita muli sina Filipino boxing hero Manny Pacquiao at
Mexican world champion Juna Manuel Marquez. Anong sangkap ang matatagpuan sa balita?
A. Pakikihamok
B. Kakaiba
C. EStadiskita
D. Romansa

69. Inilabas na kahapon sa East Avenue Medical Cemter ang isang sanggol na pinapak ng mga dambuhalang daga noong isang
lingo sa kanilang tahanan sa Montalban , Rizal. Anong sangkap ang matatagpuan sa balita?
A. Kakaiba
B. Pagsulong
C. Aksyon
D. Pakikipagsapalaran
70. Anong uri ng pamatnubay ang ginamit sa isang balita kung nilalaman nito ang kasagutan sa mga tanong na ano, sino, bakita,
kalian at paano ?
A. Kombensyonal
B. Di-kombensyonal
C. Payak

Page 8 of 9
NILALAMAN (WIKA)
D. Di-payak

Page 9 of 9

You might also like