You are on page 1of 164

Filipino

MGA BATAYANG TEORETIKAL


KAKAYAHANG PANGWIKA
1. Kakayahang Lingwistika (Linguistic Competence)
- Ang kakayahan ng tao na makabuo ng mga pahayag na may wastong
kayariang pambalarila.
2. Kakayahang Komunikatibo (Communicative Competence)
- Ang kakayahan ng tao na maunawaan at magamit ang mga pahayag sa
wasto o angkop na mga sitwasyon.
ANG PAG-AARAL NG WIKA AY
NAHAHATI SA SUMUSUNOD:
1. Ponolohiya –pattern o kombinasyon ng mga tunog sa loob ng isang
wika.
2. Morpolohiya- may kinalaman sa pagbuo ng salita.
3. Sintaks- pagbuo at pagpapahaba ng mga pangungusap.
4. Semantika- may kinalaman sa interpretasyon ng mga kahulugan ng
mga salita at pangungusap.
PONOLOHIYA
a. Ang maagham na pag-aaral ng tunog
b. Pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na
PONEMA.
PONOLOHIYA
PONETIKO- ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung
saan isinagawa ng tunog sa pagsasalita o wastong pagbigkas.
PONEMA- tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika
(phoneme) phone- tunog
eme- makabuluhan
- Tumutukoy sa makabuluhang tunog at ang bawat ponema ay maaaring
makapagbago ng kahulugan ng isang salita
Hal. Basa-pasa
- Maaari ring di-makapagpabago
Hal. Babae-babai
2 URI NG PONEMA
• Ponemang Katinig – binubuo ng 16 na ponema: /b/, /p/, /k/, /g/,
/d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/, /ng/, /w/, /y/, /^’-/.

• Ponemang Patinig – ayon sa mga lingwista at ilang mananaliksik,


tatatlo lamang ang patinig ng Filipino: /a/, /i/ at /u/. Ayon kay Cubar
(1994), ang fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at English
ANG MGA PONEMANG SEGMENTAL
• Pares Minimal
• Diptonggo
• Klaster
• Arkiponem
• Silabikasyon
PONEMANG SEGMENTAL
Sabihin kung anong ponemang segmental ang mga sumusunod:

1. hilaw, baliw, beynte, kulay, tulot, aruy


2. Pwersa pyano premyo plato
3. Lalake -> lalaki abogado -> abugado
4. trans-por-tas-yon
PONEMANG SEGMENTAL
• Ang tunog na /e/ at /o/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na
hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita – Allophone
• Diptonggo/ Malapatinig – tumutukoy ito sa pinagsamang tunog na
isang patinig /a,e,i,o,u/ at tunog na isang malapatinig /w,y/ sa iisang
pantig.
• Klaster o Kambal Katinig – ito ay magkasamang tunog ng dalawang
ponemang katinig sa iisang pantig; matatagpuan ito sa – inisyal,
sentral, pinal
Hal. Blusa, kwento, hwag atbp.
PONEMANG SEGMENTAL
• Pares Minimal – magkatugmang salita na hindi magkaugnay na
kahulugan subalit tugmang-tugma sa bigkas maliban sa isang
ponema.
Hal. Pala-bala; hari-pari
• Ponemang malayang nagpapalitan (Allophone) – malayang
nagpapalitan ang e at i; o at u.
Hal. Lalaki-lalake
• Impit na tunog o glottal sa pasara – ang ponemang ito ang bukod
tanging inirerepresenta ng titik o letra sa halip ay tuldik na paiwa
PONEMANG SEGMENTAL
• (ʹ) para sa salitang malumi, tuldik na (^) para sa maragsa
Hal.
Salitang malumi Salitang Maragsa
bata ʹ - child pipi ^ - flattened
Nasa ʹ - desire tala ^ - list, note
Alin ang mga pares-minimal sa mga
sumusunod:
1. mesa- misa
2. Oso- uso
3. Ewan- iwan
4. Boto- buto
5. Tulo- kulo
6. Bigla- sigla
7. Hangin- bangin
8. Kape- kafe
Sabihin kung ano ang nabuong klaster sa mga
sumusunod:
1. Maprotektahan
2. Diskriminasyon
3. Mapwersa
4. Proteksiyon
5. Kriminal
6. Konstitusyon
7. Administratibo
8. aksyon
MGA PORMASYON NG PANTIG
1. P A,E,I,O,U
2. KP ba, be
3. PK ok-ra
4. KPK tak-bo
5. KKP blu-sa
6. PKK eks-tra
7. KKPK trum-po
8. KPKK a-part-ment
9. KKPKK tsart, trans-por-tas-yon
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
• TONO- taas at baba ng tinig (nakukuha ang mensahe ng kausap) hal.
Nangangaral, naiinis, nang-iinsulto, nagtatanong, nakikiusap o nag-
uutos
• HABA- haba ng bigkas sa pantig ng salita na may patinig o katinig
• DIIN- lakas ng bigkas sa pantig na kailangang bigyang diin
• ANTALA/HINTO/PAGTIGIL- saglit na pagtigil
ANG PRINSIPAL NA SANGKAP NG
PANANALITA
• Ang enerhiya ay ang nalilikhang presyon o presyur ng papalabas na
hiningang galling sa baga na siyang nagpapakatal sa mga babagtingang
pantinig na siyang gumaganap na artikulador
• Lumilikha ito ng tunog na minomodipika ng bibig na siya namang
nagiging patunugan o resonador
• Ang itinuturing na resonador ay ang bibig at guwang ng ilong
ANG PRINSIPAL NA SANGKAP NG
PANANALITA
Ang bibig ng tao ay may apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng
mga tunog.
1. Dila at panga (sa ibaba)
2. Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangala (sa itaas)
4. Malambot na ngalangala (sa likod)
Mga Ponemang Katinig / Konsonant ng Filipino
PUNTO NG ARTIKULASYON
PARAAN NG Pangangatal
ARTIKULASY
ON Panlabi Pang-ngipin Pang-gilagid Glottal
Palatal Velar

Pasara
w. t. P T K ,
m. t. b d g
Pailong
m. t. m n n
Pasutsot
w. t. s h
Pagilid
m. t. l
Pakatal
m. t. r
Malapatinig
Mga Ponemang Patinig/ Vawel ng Filipino
Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mahaba a

Ang /i/, halimbawa, ay tinatawag na taas-harap sapagkat


kapag binigkas ito, ang harap na bahagi ng dila ang
gumagana na karaniwa’y umaarko ng pataas.
MORPOLOHIYA
Tawag sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagbuo ng
mga ito sa salita.
Tinatawag din ito PALABUUAN.
MORPEMA
• Tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng
kahulugan
• May 3 uri ng Morpema
1. Istem/salitang-ugat (malayang morpema)
2. panlapi (di-malayang morpema)
3. morpemang binubuo ng isang ponema (paglalapi,pag-
uulit,pagtatambal)
MORPEMANG PANLAPI
• Istem/ salitang-ugat- ay ang payak na salitang walang panlapi.
Maaaring pangngalan, pang-uri at pandiwa.
• Panlapi- tinatawag na di-Malaya sapagkat nalalaman lamang ang
kahulugan nito kapag naisama na ito sa istem.
MORPEMANG BINUBUO NG ISANG
PONEMA
• Matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa kastila
Hal. Senado-senadora
mayor- mayora
Sa mga salitang nagtatapos sa o na nangangahulugan na lalaki at sa mga
salitang nagtatapos sa a na nangangahulugang babae
hal. Barbero- barbera
PAG-UULIT
A. PARSIYAL O DI-GANAP NA PAG-UULIT- unang pantig lamang ang
inuulit. Hal. Babasa, susulat, await
B. GANAP NA PAG-UULIT- buong salitang-ugat ang inuulit. Hal. Araw-
araw, gabi-gabi
C. KUMBINASYON NG PARSIYAL AT GANAP NA PAG-UULIT- hal. Tutulog-
tulog, sasayaw-sayaw, aalis-alis
PAGTATAMBAL
• Pinagsasama sa isang pahayag ang dalawang salitang pinagtambal
para makabuo ng isang salita.
a. Malatambalan – hal. Tsaang-gubat, bahay-ampunan
b. Tambalang-ganap – hal. Bahag+hari= rainbow, balat+sibuyas=
maramdamin
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
• Nagaganap dahil sa:
1. Impluwensiya ng kaligiran
2. Upang maging madulas ang pagkakabigkas
3. Dahil ang wika ay matipid
URI NG PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
• Asimilasyon
• Pagpapalit ng ponema
• Paglilipat diin
• Metatesis
• Pagkakaltas ng ponema
• Pag-aangkop
• Reduksiyon
• May sudlong o pagdaragdag
• Reduplikasyon
URI NG PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
1. Asimilasyon /n/ o /ng/
a. di-ganap/parsiyal
hal. Pangpalengke, pandama, pangkahoy
b. asimilasyong ganap
hal. Pamalengke, pamahay, pangahoy
URI NG PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
2. Pagpapalit ng ponema
a. /d/-/r/ =madami=marami
b. /d/-/r/ =lipad + in =lipadin= liparin
c. /h/-/n/ = kuha+han= kuhahan= kuhanan
d. /o/-/u/ = laro+an= laruan
URI NG PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
3. metatesis/maylipat
a. nagkakapalit ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat kapag ginigitlapian ng
[ -in] ang mga ito.
Hal. –in + laro= nilaro, -in + yari= niyari
URI NG PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
4. Pagkakaltas ng ponema- kung ang huling ponemang patinig ng
salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.
hal. Bukas+an = bukasan =buksan
Asin+ an= asinan= asnan
URI NG PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
5. paglilipat-diin – kapag nilalapian ang mga salita, nababago ang diin
nito.
hal. Takbo + han = takbuhan
uwi+an= uwian
URI NG PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
6. Pagdaragdag o pagsusudlong- pagdaragdag ng isa pang hulapi
gayong mayroon ng hulapi ang nasabing salitang-ugat.
hal. Tukso + han + an= tuksuhanan
URI NG PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
7. pag-iisa ng dalawa o higit pang salita o pag-aangkop- pagsasama ng
bahagi o pantig ng dalawang salita.
hal. Wika + mo= kamo
tayo + na = tena
hintay + na = teka
PAGBUBUO NG MGA SALITA
1. PAGLALAPI
2. PAG-UULIT
3. PAGTATAMBAL NG SALITA
SINTAKS
• Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama ang mga salita para
bumuo ng mga phrase at mga sentence.
• Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga rule at mga kategori na
siyang btayan ng mga sentence.
SUGNAY AT PARIRALA
SUGNAY- isang lipon ng mga salitang may simuno o paksa at panaguri
- buo o hindi buo ang diwa
a. sugnay na makapag-iisa- nagtataglay ng buong diwa o kaisipan.
hal. Ako ay nakahiga, nang siya ay umalis.
b. sugnay na di-makapag-iisa- di buo ang diwa
hal. Kung ako’y mayaman, hindi na ako magtatrabaho.
PARIRALA- lipon ng mga salita na walang paksa o simuno at panaguri at
wala ring buong diwa.
PANGUNGUSAP
• Lipon ng mga salita na may buong diwa.
2 Bahagi (simuno o paksa at panaguri)
2 Ayos (karaniwan –nauuna ang panaguri at Di-karaniwan- nauuna
ang paksa sa panaguri, may panandang pampredicate na “ay”)
ANG DALAWANG PANGUNAHING
PAGKAKAHATI NG MGA
PANGUNGUSAP
1. AYON SA GAMIT- tumutuon sa nilalaman ng isang pangungusap.
(substance)
2. AYON SA PAGKAKABUO- tumutuon sa pagkakayari o istruktura ng
isang pangungusap. (form)
PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
1. PATUROL O PASALAYSAY- pangungusap na maaaring naglalahad ng
impormasyon, nagsasalaysay ng isang pangyayari o naglalarawan.
Nagtatapos sa (.)
2. PATANONG- ginagamit kapag may impormasyong nais malaman.
Nagtatapos sa (?)
3. PAUTOS- nagsasaad ng isang gawaing nais ipasakatuparan.
Nagtatapos sa (.) o (o)
4. PADAMDAM- nagpapahayag ng matinding emosyon. Nagtatapos sa
(!)
PANGUNGUSAP AYON SA
PAGKAKABUO
1. PAYAK (Simple Sentence)- nagpapahayag ng iisang diwa o kaisipan. (1
Independent clause)
2. TAMBALAN (Compound Sentence)- nagpapahayag ng dalawa o higit
pang kaisipang pinag-uugnay ng mga pangatnig. Dapat makakatulad na
sugnay na makapag-iisa ang matitira. (2 Independent clause)
3. HUGNAYAN (Complex Sentence)- binubuo ng isang sugnay na nakapag-
iisa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa. (1 IC and 1 or more DCs.)
4. LANGKAPAN (Compound-Complex Sentence)- binubuo ng dalawang
sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di nakapag-iisa. (2
IC, 1 or more DCs)
PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP
• MGA INGKLITIK O PANINGIT
BA, KASI, KAYA, NA, SANA, DAW, RAW, DIN, RIN, NAMAN, YATA, HO,
PALA, MAN, PO, PA
POKUS NG PANDIWA
• Tumutukoy sa kaugnayan ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.
1. Pokus sa tagaganap o aktor –kapag ang paksa ng pangungusap
ang tagaganap o nagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Panlapi-mag ,um, mang , makapag, maka, at mag.
hal.Nagsulat ng tula si Perla
POKUS NG PANDIWA
2.Pokus sa Iayon - kung ang paksa ng pangungusap ay ang Iayon ng pandiwa.
Panlapi-i-, -an, ma, ipa, at – in
Hal. Iapadadala ko na kay lorna ang relong binili ko.

3.Pokus sa ganapan - kung ang paksa ay ang lugar na pinangyarihan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Panlapi – an, pag, mapag, at pang – an /han.
Hal.Pinaglutuan ni Nena ng Bigas ang Kawayan.

4.Pokus sa tagatanggap o pinaglalaanan – kung ang paksa ng pangungusap ay ang tagatanggap o


pinaglalaanan ng kilos.

Panlapi – I, ipang, at ipag.


POKUS NG PANDIWA
5.Pokus ng kagamitan – (Instrumental) – kung ang paksa ay kagamitan o kasangkapan ng kilos.
Panlapi – ipang.
Hal.Ipang-aasim ni Rosa sa sinigang ang sampalok.

6.Pokus sa Sanhi – nasa pokus sa sanhi o kadahilanan ang pandiwa kung ang paksa ng
pangungusap ang sanhi o dahilan.
Panlapi – ika,
Hal.Ikaliligaya ko ang pagtira sa iyong bahay.

7.Pokus Resiprokal – kung ang paksa ng pangungusap ay siyang tagaganap o tagatanggap ng kilos.
Panlapi – mag, at mag – an.
Hal.Muling nagsumbatan ang magkaibigan.
DI – PAGPAPANAGURING
PANGUNGUSAP
- Penomenal
- Temporal
- Eksistensyal
- Paghanga
- Sambitla
- Pamanahon
- Amenidad
PENOMENAL
• Nagsasaad ng kalagayan ng panahong dulot ng kalikasan.

Umuulan.
Umaaraw.
Lumilindol.
Mainit.
Maginaw.
Madilim.
Temporal
• Nagsasaad ng kalagayang panandalian o panahuan lamang.

Bukas na.
Taglagas na.
Tagtuyot na.
Tagsibol doon.
Mayo na
Pasko na.
Linggo na.
EKSISTENSYAL
• Nagpapahayag ng pagkamayroon o wala.

Mayroon daw ganito roon.

May pangulong babae.


Walang dumating.
PAGHANGA
• Nagpapahayag ng damdaming paghanga.

• Ginagamitan ito ng panlapi para sa kaantasang pasukdol na napaka ,


ng kay at ng ang na sinusundan ng salitang ugat.

Kayganda ng babaing iyun!


Napakaganda ni Gemma!
SAMBITLA/PANDAMDAM
• Tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin.

Aray!
Naku!
Aba!
Saklolo!
Holdaper!
PAMANAHON
• Nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Maaga pa.
PORMULARYONG PANLIPUNAN/
AMENIDAD
• Mga pagbati, pagbibigay-galang , atbp. na nakagawian na sa lipunang
Pilipino.

Magandang umaga po.


Salamat po.
Walang anuman.
PAANO NAUURI ANG MGA
KAYARIANG PANGWIKA?
Ang mga kayariang pangwika ay nahahati sa dalawang
pangunahing uri:

1. Mga Salitang Pangnilalaman (Contents words) – Pangngalan ,


panghalip, pandiwa, pang – uri at ang Pang abay

2.Mga Salitang Pangkayarian (Function words) – Pang – angkop ,


pang-ukol, Pantukoy at Pangatnig
BAHAGI NG PANANALITA
PANGNILALAMAN PANGKAYARIAN
1.Mga Nominal 1.Mga Pang-ugnay
a. Pangngalan a.Pang-angkop
b. Panghalip b.Pangatnig
c. Pang-ukol
2.Pandiwa
2.Mga Pananda
3.Panuring a.Marker
a.Pang-uri b.Panandang
b.Pang-abay Pampanaguri
PANGNGALAN
• Mgan pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari.

• Ito ay ginagamit sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp.

a.Marker:Nominatib, posesib, obkektib


b.Kaurian:Pambalana at pantangi
c.Kailanan:Isahan, dalawahan, maramihan
d.Kasarian:Panlalaki, pambabae
PANGHALIP
• Paghalili sa pangngalan.

Hal.ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.

a.Panao – ako , kita, tayo, siya, sila


b.Pamatlig/demontratib – ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, dito,
diyan, doon
c.Pananong/Iterogatib – sino, kanino, para kanino
d. Panaklaw/Indepinit – sinumna, gaanuman, alinman
PANGHALIP
Kailanin / Panauhan Panghalip
Isahan
Una 1.Ako
Ikalawa 2.Ikaw, ka
Ikatlo 3.siya
Maramihan
Una 1.tayo, kami
Ikalawa 2.kayo
Ikatlo 3.sila

Isahan Maramihan
ito 1.ang mga tao
Iyan 2.ang mga iyan
Iyon 3.ang mga iyon

Isahan Maramihan
Akin 1.atin o amin
Iyo
PANDIWA
Binubuo ng salitang – salitang ugat at panlaping
makadiwa ang pandiwang nagsasaad ng kilos.

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng


pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.

Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi


ng pandiwa.
POKUS NG PANDIWA
• Nagkaroon ng iba’t ibang pokus ang pandiwa ayon sa kung ano ang
kaganapan ng pandiwa sa pusisyong pampanitikan o pansimuno ng
pangungusap.

• Halimbawa, kapag ang kaganapang tagaganap ay ginawang paksa o


simuno, ang pokus ng pandiwa ay pokus ng tagaganap
POKUS NG PANDIWA

1.Aktor pokus 5.Lokatib pokus


2.Gol pokus 6.Kawsatib pokus
3.Benepaktib pokus 7.Instrumentral pokus
4.Direksyunal pokus 8.Resiprokal pokus
POKUS NG PANDIWA
Pangungusap Paksa Pandiwa
Nagdiwang ng unang anibersayo ng
kanilang samahang sibiko ang mga
kabataan
Ang bata ay kumain ng suman at
manggang hinog.
Pinagtamnan ng gulay ang aming
bakuran.
Ipinampunas ko ng mga
kasangkapan ang basahang malinis.
Pinagpasyalan ko ng aking mga
panauhing kabilang sa Peace Corps
ang Tagaytay.
Magandang Umaga.
Takbo!
POKUS NG PANDIWA
Ang pokus ay ang relasyon ng pandiwa sa paksa ng
pangungusap.

AKTOR – POKUS O POKUS SA TAGAGANAP


ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?”.

[mag, um , mang, ma, ,maka, makapag, maki, magpa]

Hal.Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan


Hal.Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin.
Hal.Bumili si Rosa ng bulaklak.
Hal. Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kaynyang suliranin.
POKUS NG PANDIWA
POKUS SA LAYON
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na “ano?”.
[-in, I, ipa, ma, an]

Sa ingles, ito ay ang direct object.

Hal.Nasira mo anfg mga props para sa play.


Hal.Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa
amin.
Hal.Binili ni Rosa ang bulaklak.
POKUS NG PANDIWA
LOKATIBONG POKUS O POKUS SA GANAPAN
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap;sumasagot sa tanong na “saan?”.

[pag/an, an/han, ma/an, pang/an, mapag/an]

Hal.Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.


Hal.Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng
masarap na ulam.
Hal.Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak
Hal.Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablados
POKUS NG PANDIWA
BENEPAKTIBONG POKUS O POKUS SA
TAGATANGGAP
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa
pangungusap;sumasagot sa tanong na “para kanino?”.

[i-, -in, ipang-, ipag-]

Sa Ingles,ito ay ang indirect object.


Hal.Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
Hal.Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.
POKUS NG PANDIWA
INSTRUMENTONG POKUS O POKUS SA GAMIT
Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa sa pangungusap;
Sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”.

[ipang-, maipang-]

Hal.Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.


Hal.Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
Hal.Ipinanghambalos niya ang ang hawak na tungkod sa magnanakaw.
POKUS NG PANDIWA
KOSATIBONG POKUS O POKUS SA SANHI
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap ; sumasagot sa tanong na “bakit?”.

[i-, ika-, ikina-]

Hal.Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.


Hal.Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.
Hal.Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag – anak.
POKUS NG PANDIWA
POKUS SA DIREKSIYON
Ang paksa ang nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?”
[-an, -han, -in, -hin]

Hal. Sinulatan niya ang kaniyang mga magulang.


Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.
ASPEKTO NG PANDIWA
1. PERPEKTIBO
2. IMPERPEKTIBO
3. KONTEMPLATIBO
PANG-URI (ADJECTIVE)
Mga salitang nagpapahayag ng katangian o mga salitang naglalarawan.

1. Kaantasan – lantay, pahambing, pasukdol


2. Kailanan- isahan, maramihan
3. Pamilang-
a. patakaran/kardinal (1,2,3)
b. panunuran/ordinal (una, ikalawa)
c. pamahagi (paghahati-hati o fraction)
d. palansak (isa-isa)
e. patakda (iisa)
PANG-ABAY (adverb)
Nabibigay buhay o turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay
1. PAMANAHON
2. PANLUNAN
3. PAMARAAN
4. PANGGAANO
5. PANG-AGAM
6. PANANANG-AYON
7. PANANGGI
8. KUNDISYUNAL
PANG-ANGKOP
Mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Pinagagandanito ang mga pariralang pinaglalagyan.
1. -g
2. -ng
3. na
PANG-UKOL (prepositions)
Kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan o panghalip sa iba
pang salita sa pangungusap.
Para sa tao: ni/nina ayon kay hinggil kay
kay/kina para kay alinsunod kay
laban kay tungkol kay ukol kay
Para sa bagay: ng, laban sa, ayon sa, para sa, hinggil sa, alinsunod sa,
tungkol sa, ukol sa
PANTUKOY
Katagang lumilinaw sa kailanan ng kasamang pangngalan o panghalip
at kung ito ay tumutukoy sa tao o sa bagay o pook.
si/sina –pantukoy sa tiyak na ngalan ng tao
ang/ang mga- pantukoy sa pangngalang pambalana at
pangngalang pantangi para sa bagay o pook
PANGATNIG
Kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

Sa pangkalahatan ay may dalawa itong uri:


1. nag-uugnay ng mga sugnay na magkatimbang o kapwa nakapag-iisa
(both independent clauses)
2. Nag-uugnay ng isang sugnay na nakapag-iisa at di-nakapag-iisa
(idependent at dependent)
PANGATNIG
1. nag-uugnay ng mga sugnay na magkatimbang o kapwa nakapag-iisa
(both independent clauses)
at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat
2. Nag-uugnay ng isang sugnay na nakapag-iisa at di-nakapag-iisa
(idependent at dependent)
Kung, nang, bago, upang, kapag, pag, dahil, sapagkat, palibhasa,
kaya, kung gayon, sana
SEMANTIKA
Sistema ng pagbibigay ng kahulugan sa mga pangungusap.

Nauugnay ito sa pag-aaral ng kahulugan ng wika:


1. denotasyon- dictionary meaning
2. konotasyon- sariling pakahulugan
3. sinonim- magkasingkahulugan
4. antonim- magkasalungat
5. polisemi –maraming kahulugan, pareho ang ispeling pero iba ang bigkas (hal.
Marka)
6. homofon- pareho ang bigkas at diin pero iba ang kahulugan
(hal. Bangka)
FILIPINO
NILALAMAN (WIKA)
ANG WIKANG FILIPINO
PAGLALAHAD NG BATAYANG DESKRIPSYON NG FILIPINO
 
IPINAPASYA, GAYA NG GINAGAWANG PAGPAPASYA NGAYON, na sa layuning maisakatuparan ng
Komisyon sa Wikang Filipino ang mga tungkulin nito, ang batayang deskripsyon ng Filipino ay ganito:
  
Ito ay ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at
sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon
ng iba’t ibang baryedad ng wika para sa iba-ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalita nito na may
iba’t ibang sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag.
 
Pinagtibay ngayon ika-13 araw ng Mayo, 1992.
KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
• 1935- Sa bisa ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso “ay inaatasang
magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika”. Ibig sabihin, wala pa
noong ahensiya ng pamahalaan na mangangasiwa o magpapalaganap
ng mga patakaran hinggil sa pambansang wika. At wala pa ring
napipili noong 1935 kung aling katutubong wika ang magiging batayan
ng pambansang wika. (Seksiyon 3, Art. XIV)
KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
• 1936- paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ayon sa utos ng
Pang. Manuel L. Quezon
• 1937- ang SWP ay naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)
ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na pinamumunuan ni
Virgilio Almario.
KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
TAGALOG (1937 Batas Komonwelt Blg. 184)
- Ipinahayag ni Pang. Manuel L. Quezon na maging batayan ang wikang
Tagalog ng wikang Pambansa
PILIPINO (1959 Kautusang Pangkagawaran Blg. 7)
- Kailanman ay tutukuyin ang wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ay
siyang gagamitin
FILIPINO (1987 Artikulo XIV, Seksiyon 6-9)
- Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino
ANTAS NG WIKA
• BALBAL
• KOLOKYAL
• LALAWIGANIN
• PAMBANSA
• PAMPANITIKAN
TEORYA NG WIKA ayon kay Dr. David S.
Berlo
1. Bow-wow – paggaya ng tao sa tunog kalikasan (hal. Tunog ng kulog)
2. Pooh-pooh- tunong na naibubulalas ng tao dala ng emosyon (hal.
Aray)
3. Yum-yum- nakabatay sa stimulus response theory (Thorndike)
pagtugon ng tao sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay
na nangangailangan.
4. Yo-he-ho- pinaniniwalaan na ang wika ay nagmula sa ingay na
nilikha ng taong makasama o nagtutulungan sa kanilang gawain.
TEORYA NG WIKA

6. Sing-song – nagmula sa di-maiwasang pag-awit ng tao. May melodiya at tono


ang pag-usal ng tao.
7. La-la – mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa
tao upang magsalita. (hal. Mga wika o salita ng mga tula at awitin ng pag-ibig)
8. Ding-dong – may sariling tunong na kumakatawan sa lahat ng bagay sa
kapaligiran. Tulad ng kampana, relo, tren at iba pa.
9. Tarara-boom-de-ay – mga dasal o orasyon ng mangkukulam
10. ta-ta – salitang pranses na ibig sabihin ay “paalam” . Sumasalamin sa
pagkumpas ng kamay na itaas-ibaba na ibig sabihin ay paalam.
VARYASYON NG WIKA
1. DIYALEKTO – pagkakaiba-iba ng isang particular na wika.
hal. Pakiurong nga po ang plato (Bulacan- hugasan)
Pakiurong nga po ang plato ( Maynila- iusog)
2. IDYOLEK – nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang
indibidwal o isang pangkat ng tao.
hal. Bakit? –Maynila; Bakit ga? – Batangas; Bakit ah? - Bataan
VARYASYON NG WIKA
3. SOSYOLEK- baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng
nagsasalita o sa pangkat na kaniyang kinabibilangan. May kinalaman sa
katayuang sosyo-economiko ng nagsasalita. Hal. Wika ng mag-aaral;
wika ng matanda
4. REGISTER – baryasyon ng wika na may kaugnayan sa taong
nagsasalita o gumagamit ng wika. Mas madalas nakikita/nagagamit sa
isang particular na disiplina.
GAMIT NG WIKA
1.Instrumental – Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari/maganap ang
mga bagay – bagay.Pinababayaan ng wikang pagalawin ng tagapagsalita ang
kanyang kapaligiran.
Hal.Mga bigkas na ginaganap-
Pagpapangalan/pagbabansag, pagpapahayag, pagtataya

2.Regulatory – Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap. Ito
ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga pangyayaring
nagaganap.
Hal.pag – ayon , pagtutol, pag – alalay sa kilos/gawa,pagtatakda ng mga alituntunin
at alituntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati.
GAMIT NG WIKA
3.Representasyunal – Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa
daigdig , pag – uulat ng mga pangyayari, paglalahad, paghahatid ng mensahe
atbp. Karamihan sa pang – araw – araw na gamit ng wika ang gamit na ito.
Hal. Pag – uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng mensahe,
pagbibigay ng tama/maling impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayag.

4.Interaksyunal – Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa – tao.


Nangangailangan ang matagumpay na interaksiyon ng wastong pag – uugali.
Hal.pagbati,pagpapaalam,panunudyo,pag –
anyaya,paghigiwalay,pagtanggap,atbp.
GAMIT NG WIKA
5.Personal – Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao.alam ng bawat
isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika.Malaya siyang magbuka ng bibig o
magsawalang – kibo kung nais niya .
Hal.pagsigaw,pagrerekomenda,pagmumura o maingat na pagpili ng
salita ,pagpapahayag ng galit,paghingi ng paumanhin.

6.Heuristic – Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag


– unawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdaig.
Hal.pagtatanong,pagsagot,pangangatuwiran,pagbibigay – kongklusyon,paggawa ng
hypothesis,pagpuna,pag – eeksperimento ,pagsang – ayon ,di pagsang – ayon ,
pagtaya.
GAMIT NG WIKA
7.Imahinatibo – Ito ang wikang ginagamit para sa kasiyahan sa
paggamit ng wika bilang tunig at pag – iisip ng walang magawa sa
kabilang dako.
Hal.pag – iingay ng sanggol,pag – awit ng isang mang – aawit,mga
larong pangwika,panunukso,panunudyo,pagsasaaysay nang labis.
FILIPINO
METODOLOHIYA
MGA PANANAW NA
TEORETIKAL
PAANO NATUTUHAN ANG
WIKA?
• Teoryang Behaviorist (Pavlov, Skinner, Watsons)
• Teoryang Innative (Noam Chomsky)
• Teoryang Kognitib (Jean Piaget)
• Teoryang Makatao (Rogers, Maslow, Glasser)

*Pag – uusapan ang mga teoryang ito sa Professional Education.


MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO
• Mithiin (Goals)
• Tunguhin (Aims)
• Layunin (Objectives)
ABCD PORMAT
• A – Audience
• B – Behavior
• C – Condition
• D – Degree
MGA DOMEYN NG LAYUNING
PAMPAGTUTURO
• Kognitib Domeyn – kakayahang pang – kaisipan
• Afektib Domeyn – lumilinang sa mga saloobin , emosyon,kawilihan, at
pagpapahalaga ng mga mag – aaral
• Saykomotor Domeyn – mga layunin na ang tinutungo ay ang
paglinang ng mga tinutungo ay ang paglinang ng mga kasayanang
motor at kasananayang manipulatib
KOGNITIB DOMEYN
• Kaalaman
• Komprehensyon
• Aplikasyon
• Analisis
• Sintesis
• Ebalwasyon
ANG BANGHAY – ARALIN
I. Mga layunin
II. Paksang Aralin
III. Pamaraan
IV. Takdang Aralin
4As Lesson Plan
1. Activity
2. Abstraction
3. Application
4. Assessment
DULOG, PAMARAAN, TEKNIK
• Dulog – isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika,
pagkatuto, at pagtuturo

• Pamaraan – isang panlahat ng pagplano para sa isang sistematikong


paglalahad ng wika at batay ito sa isang dulog.

• Teknik – mga tiyak na gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo at


konsistent sa isang pamaraan at katugong dulog.
PAMARAANG GRAMMAR
TRANSLATION
• Ang pokus sa pagtuturo ay ang tuntunin sa balaila,pagsasaulo ng mga
talasalitaan at iba’t ibang deklensyon at pagbabanghay ng pandiwa,
pagsasalin at maraming pagsasanay.
PAMARAANG DIRECT
• Nanalig ito sa kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay tulad
din ng pag – aangkin ng unang wika – may interaksyong
pasalita ,natural na gamit ng wika , walang pagsasalin sa pagitan ng
una at pangalawang wika, at halos walang pagsusuri sa mga tuntuning
pambalarila.
PAMARAANG AUDIOLINGUAL
(ALM)
• Batay sa mga teoryang sikolohikal at linggwistik. Inilalahad sa
pamamagitan ng dalayog ang mga bagong aralin.
MGA “DESIGNER METHODS”
• Community Language Learning (CLL) – batay sa domeyn na
pandadamin .
• Suggestopedia – paglalagay sa mga mag – aaral sa palagay at relaks na
isipan
• Silent Way – naniniwalang mas mabisa ang pagkatuto kung ipauubaya
sa mga mag – aaral ang kanilang pagkatuto (Discovery Learning o
pamaraang pagtuklas)
MGA “DESIGNER METHODS”
• Total Physical Response (TPR) – ang pagkatuto ay epektibo kung may
kilos na isinasagawa kaugnay ng wikang pinag – aaralan .

• Natural Approach – kailangang komportable at relaks ang mga mag –


aaral sa isang klasrum na pangwika.
PAMARAANG
KOMUNIKATIBO
• Linguistic competence – kakayahang umunawa at makabuo ng mga
istruktura sa wika na sang – ayon sa mga tuntunin sa gramatika.

• Sociolinguistic competence – isang batayang interdiciplinary,


nakakaunawa at nakakagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika .
PAMARAANG
KOMUNIKATIBO
• Discourse competence – kakayahang bigyan ng interpretasyon ang
isang serye ng mga napakinggang pangungusap upang makagawa ng
isang makabuluhang kahulugan.

• Strategic competence – ang mga istratehiya na ginagamit upang


matakpan ang mga imperpektibong kaalaman.
APAT NA LABEL NG PAG – IISIP
1.PAKTWAL – may kinalaman sa memori o simpleng paggunita ng mga
importasyong tuwiran.

2.INTERPRETATIB – kasanayan sa paghihinuha at ang pag – uugnay ng mga


impormasyon.

3.APLIKATIB – paghula sa maaring maganap

4.TRANSAKTIB – may kinalaman sa sariling pagpapahalaga, ipinapalagay ng


tagabasa na siya ay isa sa mga tauhan sa kwento
MGA DULOG AT ISTRATEHIYA SA
PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
• Ugnayang tanong sagot
• DR – TA (Directed Reading Thinking Activity) o pinapatnubayang
pagbasa – pag – pag – iisip
• DRA (Directed reading Activity) o pinatnubayang pagbasa
• REQUEST (Reciprocal Questioning) o tugunang pagtatanong
• STORY GRAMMAR (Pagsusuri sa kayarian ng kwento )
MGA DULOG AT ISTRATEHIYA SA

PAGLINANG NG
KOMPREHENSYON
• GMA (GROUP MAPPING ACTIVITY)
• KWWL (What I Know , What I Want to Learn ,Where Can I Learn
This ,What I Learned) o AGSN (Ano ang alam, Gustong malaman, Saan
malalaman, at Ano ang nalaman)
PAGSASALITA, PAKIKINIG,
PAGBASA,PAGSULAT
PAKIKINIG
• Ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng
ating kausap (Yagang,1993).

-Paghihinuha sa paksa ng usapan


-Pagkilala sa mga diskors marker
-Pagkilala sa mga cohesive devices
-Pag – unawa sa hulwarang intonasyon at paggamit ng diin na maaring
maging hudyat mng mensahe at kalagayang sosyal
-Pag – unawa sa mga pahiwatig na impormasyon
URI NG PAKIKINIG
1.Pasiv o Marginal – ang pinakikinggan ay digaanong napagtutuunan ng pansin
(nakikinig sa radio habang nagaaral)

2.Atentiv – taimtim at puno ng konsentrasyon (habang nakikinig sa guro)

3.Analitikal – pahusgang pakikinig;magbigay ng reaksyon

4.Kritikal – mapanuring pakikinig; pagcocompare sa ibang napakinggan, yung


similarities at difference

5.Apresyativ – mapagpahalagang pakikinig.


MGA PROSESO SA PAKIKINIG
1.Pagdinig vs. pakikinig
2.Prosesong top – down
3.Prosesong bottom – up
4.Aktibong proseso ng pakikinig
LAYUNIN SA PAGTUTURO NG
PAKIKINIG
• Elementarya:
- Nagagamit nang may ganap na kahusayan ang mga batayang
kasanayan sa pakikinig.

- Sekundarya :
- Napapalawak ang mga kasanayan sa pag –
unawa ,pagpapakahulugan, pagsusuri at pagbibigay – halaga at mga
kaisipan o paksang napakinggan.
BAKIT MAHIRAP ANG
PAKIKINIG?
• Pagkukumpol o clustering
-Ang tekstong pinakikinggan ay kinukumpol natin sa maliit na pangkat
ng mga salita
• Pag – uulit o redunduncy
-Dahil ang pasalitang wika ay maligoy , ang pag – uulit ay nakatulong
sa tagapakinig sa pagpapakahulugan ng napakinggan
• Pinaikling Anyo
-Ang pagpapaikli ay maaring ponolohikal,morpolohikal, o sintatik.
BAKIT MAHIRAP ANG PAKIKINIG?
• Mga baryabol sa pagsasalita
-Nagiging sagabal sa pag – unawa ang pagiging alangan o pag –
aatubili sa sasabihin at pagbibigay ng maling panimula ng nagsasalita
• Paggamit ng mga kolokyak na salita
• Bilis ng pagkakabigkas
• Diin, indayog at intonasyom
• Interaksyon
PAGSASALITA
Sa pagsasalita, isaalang – alang ang mga sumusunod:

• Gamit ng wika
• Anyo ng wika
• Kagyat na pagtugon
• Kaangkupan ng sasabihin
• Ang paksa
PROSESO NG PAGBASA
A.Persepsyon – kinikilala sa hakbang na ito ang mga simbolong nakalimbag

B.Komprehensyon – inuunawa ang mga kaisipang inihahatid ng mga


nakalimbang na simbolo.

C.Aplikasyon – Paglalapat at pagpapahalaga sa kaisipang ibinabahagi ng teksto

D.Integrasyon – Pag – ugnay – ugnay ng mga bago at nagdaang karanasan sa


pagbibigay – kahulugan sa teksto
TEORYANG ISKEMA
Nagapapaliwanag na ang lahat ng ating kaalaman tungkol sa mga bagay
– bagay ay napapangkat sa dalawa:

1.Ayon sa dating kaalaman at karanasan na nagsisilbing salaigan ng


kaalaman ng mambabasa; at

2.Ayon sa kayarian balangkas ng dating kaalaman na tinatawag na


iskemata
TEORYANG BOTTOM – UP
• Tradisyunal na pananaw sa pagbasa na bunga ng impluwensiya ng
teoryang behaviorist na binibigyang pokus ang kapaligiran sa
paglinang ng pag – unawa sa pagbasa .

• Ang pag – unawa sa teksto ay batay sa mga salita, pangungusap,


larawan,dayagram, at iba pa.
TEORYANG TOP – DOWN
• Tinatawag ding inside – out o conceptually – driven sa dahilang ang
kahulugan o impormasyon ay nagsisimula asa mambabasa patungo sa
teksto.
INTERAKTIB NA PROSESO
• Ito ay kumbinasyon ng bottom – up at top – down na pagbasa.

• Isang proseso na gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan upang


lunusang maunawaan ang teksto.
METAKOGNITIB NA PAGBASA
• Ang pag – unawa sa salita ay napakaloob sa dalawang mahahalagang
kasanayan:

1.Decoding – kinikilala ang mga salitang binabasa at binibigyan ng


kaukulang kahulugan.

2.Encoding – ang tekstong binasa at inuunawa ay inaayos at binibigyan


anyo.
MGA PARAAN NG PAGBASA
1. SCANNING- pagbasa nang mabilisan
2. SKIMMING- pagbasa ng pasaklaw upang makuha ang
pangkalahatang ideya o impresyon.
3. PREVIEWING- Pagbasa na hindi kaagad nakatuon ang pansin sa
nilalaman ng akdang babasahin bagkus sinusuri muna ang
pangkalahatang kaanyuan ng akda.
MGA YUGTO NG PAGSULAT
1. Prewriting
2. Unang Burador (First Draft)
3. Revising
4. Editing
KATANGIAN NG ISANG EPEKTIBONG
TALATA
1. KAISAHAN
2. KOHIRENS –pagsunod sa panuntunan
3. EMPHASIS
Ang Kurikulum sa Filipino
Ang Kurikulum sa Filipino
Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1)
kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip at, (3)
pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang
pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang
makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. Sa
ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng
mga guro bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa
administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at publiko,
pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.
Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at
global na pamayanan, maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral.
Pinagbatayan din ang mga legal na batas pang-edukasyon, at mga teoryang
pilosopikal ng edukasyon at wika nina Jean Piaget (Developmental Stages of
Learning), Leo Vygotsky (Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery Learning),
Robert Gagne (Heirarchical Learning ), David Ausubel (Interactive/Integrated
Learning),Cummins (Basic Interpersonal Communication Skills-BICS at Cognitive
Academic Language Proficiency Skills-CALPS) at ng ating pambansang bayaning si Dr.
Jose P. Rizal na nagsabing “nasa kabataan ang pag-asa ng bayan”.
Ang Kurikulum sa Filipino
Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang mga
teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mga teorya / simulain sa
pagsusuring panliterasi at mga pagdulog sa pagtuturo ng wika (W1, W2,
W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at tekstong palahad.
Pamantayan ng Programa ng Baitang 1-6
(Core Learning Area Standard)
Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at
maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit
ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan,
damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng
nagbibigay at tumatanggap ng mensahe.
Pamantayan ng Programa ng Baitang 7-10
(Core Learning Area Standard)
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan
gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at mga akdang
pampanitikang rehiyunal, pambansa, saling-akdang Asyano at
pandaigdig tungo sa pagtatamo ng kultural na literasi.
Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto
(Key Stage Standards)
• K–3
Sa dulo ng Baitang 3, nakakaya ng mga mag-aaral na ipakita ang
kasanayan sa pag-unawa at pagiisip sa mga narinig at nabasang teksto
at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama.
Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto
(Key Stage Standards)
• 4–6
Sa dulo ng Baitang 6, naipapakita ng mga magaaral ang sigla sa
pagtuklas at pagdama sa pabigkas at pasulat na mga teksto at ipahayag
nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama.
Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto
(Key Stage Standards)
• 7 – 10
Sa dulo ng Baitang 10, naipamamalas ng magaaral ang kakayahang
komunikatibo, replektibo/ mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang
pampanitikan sa tulong ng mga akdang rehiyonal, pambansa at
salintekstong Asyano at pandaigdig upang matamo ang kultural na
literasi.
Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto
(Key Stage Standards)
• 11 – 12
Sa dulo ng Baitang 12 naipamamalas ng magaaral ang kakayahang
komunikatibo, replektibo/ mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang
pampanitikan sa tulong ng iba’t ibang disiplina at teknolohiya upang
magkaroon ng akademikong pag-unawa
Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level
Standards)
K- Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pagpapahayag ng
iniiisip at damdamin sa wikang katutubo at ang kahandaan sa pagbasa
at pagsulat upang makilala ang sarili at matutong makisalamuha sa
kapwa.
1- Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nauunawaan ng mga mag-
aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at
nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa
mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang
sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga
teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura.
Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level
Standards)
2- Pagkatapos ng Ikalawang Baitang, inaasahang nasasabi ng mga mag-
aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan,
nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong
paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat upang maipahayag at
maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at
nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng
kanilang kultura.
Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level
Standards)
3- Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, inaasahang nasasabi na ng mga
mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinngan at
nakapagbibigay ng kaugnay o katumbas na teksto, nagagamit ang mga
kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong palipon ng mga salita
at maayos na nakasulat gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita
upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at
karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang
antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura.
Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level
Standards)
4- Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang, naipamamalas na ng mga mag-
aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pakikipagtalastasan nang
wasto upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming angkop
sa kaniyang edad at sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok sa
pagpapaunlad ng pamayanan.
5- Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang
kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at,
pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang
teksto/ babasahing lokal at pambansa.
Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level
Standards)
6- Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang
kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at
pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag-
unlad ng bansa.
7- Pagkatapos ng Ikapitong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang
kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at
pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri
ng teksto at akdang pampanitikang rehiyunal upang maipagmalaki ang
sariling kultura, gayundin ang iba’t ibang kulturang panrehiyon.
Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level
Standards)
8- Pagkatapos ng Ikawalong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang
kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at
pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri
ng teksto at akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang
kulturang Pilipino.
9- Pagkatapos ng Ikasiyam na Baitang, Naipamamalas ng mag-aaral ang
kakayahang komunikatibo,mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at
pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri
ng teksto at saling-akdang Asyanoupang mapatibay ang
pagkakakilanlang Asyano.
Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level
Standards)
10- Pagkatapos ng Ikasampung Baitang, naipamamalas ng mag-aaral
ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at
pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri
ng teksto at saling-akdang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng
kamalayang global.
FILIPINO
PAGTATAYA AT EBALWASYON
PAGSUSULIT AT
EBALWASYON
TATLONG PANAHON NG
PAGSUSULIT WIKA
• Ayon kay Bernard Spolsky
• PRE – SCIENTIFIC O INSTUITIVE STAGE
• - Sa panahong ito binigyang diin ang pagsasaulo ng depinisyon at mga
tuntunin , at mga pagsasalin ng mga salita o pangungusap.

• SCIENTIFIC STAGE

• -Sa panahong ito nagsimulang maging popular ang mga objective test .
Nagsimula rin ang aural – oral approach sa pagtuturo ng wika.Ito ay ang salig
na mahalaga ang anyo kaysa kahulugan.
TATLONG PANAHON NG
PAGSUSULIT WIKA
Ayon kay Bernard Spolsky

• COMMUNICATION STAGE
-Ang pokus ng mga pagsusulit sa panahong ito ay pangkalahatang
kasanayan sa wika dahil ang binibigyang diin sa pagtuturo ng wika ang
paggamit nito, hindi ang mga sangkap nito.
MGA URI NG PAGSUSULIT
1. Pagsusulit sa natamong kabatiran o achivement test
2. Panuring pagsusulit o diagnostic test
3. Pagsusulit sa kakayahan o proficiency test
4. Pagsusulit sa aptityud o Aptitude Test
AYON SA DAMI NG KAKAYAHANG
SINUSUBOK NG BAWAT AYTEM
1. Pagsusulit na discrete point
2. Pagsusulit na integrative
- Cloze (fixed – ration deletion, variable – ratio deletion , multiple –
choice , basic cloze)
- Pagsusulit na idinidikta o dictation test (standard dictation o partial
dictation)
-Ayon sa kakayahang sinusubok (pakikinig, pagsasalita, pagbasa,
pagsusulat)
AYON SA GAMIT NG
KINALABASANG PAGSUSULIT
• Pagsusulit sa norm – referenced
• Pagsusulit sa criterion – referenced
AYON SA PARAAN NG
PAGAMAMARKA AT PAGWAWASTO
• Pagsusulit na obhektibo (objective type)
-Maraming pagpipilian
-Pagtatapat
-Pagpupuno sa puwang/patlang

• Pagsusulit na subhektibo
-Pagsulat ng sanaysay
-Pagsasalin
-Tanong na walang limitasyon ang sagot
ANG PAGHAHANDA SA
PAGSUSULIT
1. Pagplano ng pagsusulit
2. Paghahanda ng pagsusulit
a. Isulat ang mga aytem (Talahanayan)
b.Suriin at ayusin ang mga aytem
c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit
d. Ihanda ang mga panuto
3. Pagbibigay ng pagsusulit at pagwawasto
4. Pagpapahalaga ng pagsusulit
ANG PAGHAHANDA SA
PAGSUSULIT
4. Pagpapahalaga ng pagsusulit
a.Kahirapan ng aytem
b.Kakayahang magtangi
c.Pagkamabisa ng bawat distraktor

5. Pagbibigay ng kahulugan sa kinalabasan ng pagsusulit


MGA URI NG AYTEM NG
PAGSUSULIT
1. Pagsusulit na tama o mali
2. Pagtukoy ng mali o error recognition
3. Pagsusulit na may piangpipilian
4. Pagsusulit na pagpuno sa patlang o completion test
MGA SIMULAING DAPAT SUNDIN SA
PAGBUO NG PAGSUSULIT NA MAY
PAMIMILIANG SAGOT
A . Ang stem
- Ang pangunahing layunin ng stem ay mailahad
sa kumukuha na pagsusulit ang suliranin ng aytem.
Dapat maging maikli ngunit malinaw ang stem.
- Iwasan ang pag – uulit sa mga opsyon ng mga salitang
maaaring ilagay sa stem .
- Isulat ang stem sa anyong positibo
MGA SIMULAING DAPAT SUNDIN SA
PAGBUO NG PAGSUSULIT NA MAY
PAMIMILIANG SAGOT
B. Ang mga opsyon
- Hanggat maaari, gawing halos magkasinghaba ang mga opsyon.
Kung hindi maiiwasan, may mga padron na maaaring sundin.

C. Ang mga distraktor


- Ang bawat distraktor ay dapat maging kaakit – akit sa mga sagot ng
pagusulit
- Hindi dapat maging mas mahirap ang mga distraktor kaysa
tamamng sagot
MGA SIMULAING DAPAT SUNDIN SA
PAGBUO NG PAGSUSULIT NA MAY
PAMIMILIANG SAGOT
D. Ang mga tamang sagot
- Tiyaking isa lamang ang tamang sagot
- Pag – iba – ibahin ang posisyon ng wastong sagot
- Iwasang gawing pinakamababa o pinakamaikli ang wastong sagot

E. Ang boung aytem


- Dapat sukatin ng bawat aytem ang layuning kinakatawan nito.
- Iangkop ang bokabularyo at kayarian ng aytem sa mga sasagot nito
APAT NA MAKRONG KASANAYAN
SA WIKA
• PAKIKINIG
- Ibat – ibang anyo ng pagsusulit sa pakikinig
-Paglalahad o pahayag
-Mga tanong
- Maikling usapan
- Pagtukoysa kayariang pambalarila o leksikal
- Pagtatala ng mga detalyeng semantiko
- Mga tanong na pang unawa
- Pagtukoy sa mga salik na sosyolinggwistik
APAT NA MAKRONG KASANAYAN
SA WIKA
• PAGSASALITA
- Monolog
- Pagsasatao
- Interbyu
- Pagtatalo o debate
- MGA HALIMBAWANG PAGSUSULIT
-Pagbasa nang malakas
-Pagkukuwentong muli
-Paggamit ng mga larawan
-Pagbibigay ng mga angkop na tungkuling pangwika
APAT NA MAKRONG
KASANAYAN
SA WIKA
• PAGBASA
- Ang pag – unawa at pagpapakahulugan ng salita
-Pagkilala ng mga salitang magkakaugnay

- Pagkilala sa mga salitang magkasingkahulugan


APAT NA MAKRONG KASANAYAN
SA WIKA
• PAGSULAT
-Pinatnubayang Pagsulat (Guide Writing)
-Pagsulat na ginagamitan ng pantulong na mga salita o parirala upang
makabuo ng isang talata

You might also like