Professional Documents
Culture Documents
KOMUNIKATIBO
FIL01_CO4
KAKAYAHANG
LINGGUWISTIK
Ponolohiya
Morpolohiya
Sintaksis
Semantika
“Sapagkat isang instrumento ang wika,
kung gayon, ang wika ay maaaring
iebalweyt, baguhin, ayusin, kontrolin, at
paunlarin.”
(Haugen, 1971)
“Ang wika ang pinakamalawak at
inklusibong sining na alam natin, isang
mabundok at
di-kilalang gawa ng walang malay na
henerasyon”
-Edward Sapir
PONOLOHIYA
Ito ay ang pag-aaral sa mahahalagang
tunog ng wika na nagbibigay kahulugan
sa pagbigkas ng salita o nagbibigay ng
pagbabago ng kahulugan.
Ebolusyon ng Alpabetong
Filipino
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a
b. mag.aaral
mag’a.a.ral
Hinto, antala – saglit na pagtigil sa pagsasalita
upang higit na maging malinaw ang pagbigkas
inuulit – kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa
dakong unahan ay inuulit.
Halimbawa:
araw- araw, isa-isa, baha-bahagi, minu-minuto
maylapi – binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang
panlapi na maaaring sa unahan, gitna, hulihan, kabilaan,
o laguhan
Halimbawa:
tumakbo, pagsumikapan,
tambalan – dalawang salitang pinagsama para
makabuo ng isa lamang salita na nawawala ang
gitling kapag nagkakaroon ng ikatlong kahulugan
Halimbawa:
bahay-kubo, bahaghari, dalagang-bukid
Mga Pagbabagong
Morpoponemiko
ASIMILASYON – pagbabagong nagaganap sa
/η/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng
ponemang
kasunod nito.
Halimbawa:
pang + k,g,h,m,n,ng,w,y, (patinig) =
pang
pang + d, l, r, s, t = pan
pang + p at b = pam
PAGPAPALIT PONEMA – mga ponemang
nababago o napapalitan sa pagbubuo ng
salita.
Halimbawa:
/d/ - /r/ /h/ - /n/
madapat – marapat
madunong – marunong
matutuhan – matutunan
tawahan – tawanan
METATESIS (may palit) – kapag ang salitang-
ugat ay nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng
[in], ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat at ang /n/ ng
gitlapi ay nagkakapalit ng posisyon.
Halimbawa:
-in + lipad = nilipad
-in + yaya = niyaya
PAGLILIPAT-DIIN (may lipat) – may mga
salitang nagbabago ng diin kapag
nahuhulapian.
Halimbawa:
basa – basahin
laro – laruan
PAGKAKALTAS PONEMA (may kaltas)
– kapag ang huling ponemang patinig ng
salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi.
Halimbawa:
takip + an = takpan
sara + han = sarhan
REDUPLIKASYON
– Pag-uulit ito ng pantig ng salita. Ang pag-
uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng
kilos ginagawa o gagawin pa lamang,
tagagawa ng kilos o pagpaparami.
Halimbawa:
aalis, matataas, magtataho, pupunta,
masasaya, naglalakad
MAY PUNGOS – pagkawala ng unang
pantig ng salita sa
pagbigkas ng salita
Halimbawa:
magpadala – padala
halika - lika
Reduksyon – pag-aangkop ng dalawang
salita
Halimbawa:
hintay ka – teka
tayo na – tena
Tukuyin kung anong
pagbabagong morpoponemiko
ang naganap sa bawat salita.
1.makalilikha 6.tablan
2.pandikdik 7.karunungan
3.duguan 8.sundin
4.karimlan 9.manguha
5.niloko 10.mandaragit
ANG MGA SALITA
Mga Kataga – karaniwang iisahing pantig lamang at
walang katuturan kapag nag-iisa.
Halimbawa:
pantukoy – si, sina, nina, kay, ni, ang, ang mga
panghalip – ka, ko , mo, nito
pang-abay – nang, lang, na, pa, po
pang-ukol – sa, kay
pangatnig – at, o, ni, pag, kung