You are on page 1of 3

METODOLOHIYA

1. Alin sa mga ito ang pagtuturo ng sabay ng mga magkasamang gawain sa pakikinig, pagbasa
at pagsulat?
A. Grammar-salin C. karanasang pangwika
B. Tuwiran D. komunikatibo
2. Aling klasikong pamamaraan sa pagtuturo ng wika ang may mithiing Mabasa ang panitikan
at maisaulo ang mga tuntuning panggramatiko at talasalitaan?
A. Suggestopedia C. audio-lingwal
B. Grammar-salin D. tuwiran
3. Aling pamamaraan ang may batayang lingwistik at sikolohikal sa pagtuturo ng wika?
A. Awdio-lingwal C. komunikatibo
B. Sitwasyonal D. tuwiran
4. Ang pagpapaliwanag ng mga tuntuning panggramatika sa tulong ng mga halimbawa ay
pamamaraang ____________.
A. Tuwirang paraan C. grammar translation
B. Cognitive code D. audio lingwal
5. Anong Teknik kung may batayang teksto at pinag-aaralan ditto ang wika at akademik?
A. Awdio-lingwal C. komunikatibong pananaw
B. Grammar-salin D. pinagsanib na pananaw
6. Itinuturo ng guro ang mga kayariang panggramatika sa pamamagitan ng mga direktiboat
pautos na mga ekspresyon. Katangian ito ng pamamaraang _________.
A. Suggestopedia C. awdio-lingwal
B. TPR D. komunikatibo
7. Aling klasikong pamamaraan sa pagtuturo ng wika, ang mithiing Mabasa ang panitikan,
maisalulo ang mga tuntuning panggramatiko at talasalitaan ng target na wika?
A. Awdyo-lingwal C. suggestopedia
B. Grammar-salin D. tuwiran
8. Sa pag-aaral ng teyoryang pampanitikan, anong puna ang maaaring ilapat sa pagpapasya sa
binasang akda na may paglalahad ng ilang bahagi ng kaniyang buhay na kung iisipin natin ay
nakadaragdag sa ikagaganda ng kaniyang akda?
A. Pormalistiko C. bayograpikal
B. Siko-analitiko D. relalismo
9. Alin dito ang Sistema ng pagtuturo na pinahahalagahan ang kaalaman at pagkatuto ng mga
mag-aaral na isinalin sa pansariling kakayahan at hindi katayuan sa kabuuan?
A. Pagtuturong integratibo C. pasuliranin
B. Lubusang pagkatuto D. pagtuklas
10. Anong kahusayan/talion ang gusto mong idebelop kung ginagamit mo ang mga sumusunod
na estratehiya: pagbi-visualize ng mga larawan, paggamit ng simbolong grapiko, color cues,
picture metapors, at idea sketching?
A. Kinetiko C. matematikal
B. Spatial D. lingwistika
11. Anong mga estratehiya ang gagamitin mo kung nais mong malinang ang mga talinong
pangkatawan (kahusayan sa pagkontrol ng katawan, timing, trained response)?
A. Pagsunod sa ritmo, pag-awit, pagrarap at chants
B. Brainstorming, pagsulat ng journal, pagsasadula
C. Teatrong pangklasrum, charades, katawang-mapa
D. Pagninilay, feeling-toned moments, goal-setting
12. Alin ang pangganyak sa interes ng mga mag-aaral?
A. Pagkilala C. pagpapakita ng larawan
B. Pagpupuri sa mabuting ginawa D. pagbibitin ng stars

Page 1 of 3
METODOLOHIYA
13. Alin sa mga awtentikong gawaing ito ang iyong ipagagamit kung gusto mong maging tunay
na malikhain ang iyong mga estudyante?
A. Pag-interbyu C. pagkakaroon ng journal
B. Pag-ieksperimento D. pagsasagawa ng nature trek
14. Alin ang hindi pangunahing layunin ng interaktibong pamamaraan?
A. Mabigyang-daan ang multiple intelligence
B. Matugunan ang mga indibidwal na kakayahan at pangangailangan
C. Makaangkop sa lengwahe, edad at grado sa klase
D. Madebelop ang mapanuri at malikhaing pag-iisip
15. Anong istratehiya ito na nakatuon ang pagtuturo hindi lamang sa paglinang ng kasanayang
pangwika, kundi sa nilalaman at mga istratehiya sa pagkatuto?
A. Komunikatibong pagtuturo
B. Pagtuturong batay sa nilalaman
C. Ekletik na pagtuturo
D. Pagtuturong awdyo-lingwal
16. Ang kuwentong Uhaw ang tigang na Lupa ay isang pampanitikang katha na kapupulutan ng
mga ginintuang aral sa bawat isang Pilipino. Anong teoryang pampanitikan ang maaring
gamitin sa nasabing kuwento?
A. Siko-analitiko C. bayograpika
B. Pormalistiko D. realism
17. Anong uri ng lingwistika ang maaring pakinabangan ng mga guro sa pagtuturo ng wika?
A. Theoretical linguistics C. structural linguistics
B. Applied linguistics D. sociolinguistics
18. Nakapokus ang guro sa mag-aaral, gumagamit siya ng multi-media at nililinang ang mga
kasanayang pangwika at pampag-iisip. Inilalapat niya ang __________.
A. Komunikatibong pagtuturo C. pagtuturong batay sa nilalaman
B. Tuwirang pagtuturo D. pagtuturong awdio-lingwal
19. Maghahanda ka ng kagamitang magsisilbing batayan sa mga planong gagawin para
pagkatuto ng mga mag-aaral. Alin ang makatutulong sa iyo?
A. Talahanayan ng espisipikasyon
B. Pagsusulit
C. Banghay ng pagtuturo
D. Mga layunin
20. Si Mr. Ramirez ay nagpapakitang-turo ng isang demonstrasyon sa klase ng ika-anim na
baitang. Anong karanasan ang hindi niya naibibigay sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng
ganoong pamamaraan?
A. Paghahalaw sa mga bagay na itinuturo
B. Pakikipagtalakayan sa klase
C. Pagkuha ng bagong kaalaman
D. Paghawak ng mga materyales ng guro
21. Ano ang pinakamahalagang elemento ng responsableng pagtuturo?
A. Modelong pag-iisip sa klase.
B. Maingat na paggawa ng banghay-aralin
C. Magandang silid-aralan
D. Pantay na paggagrado sa mag-aaral
22. Ano ang mga tiyak na gawain na makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang pamamaraan?
A. Simulain C. teknik
B. Istratehiya D. hakbang
23. Maraming halimbawa ang sinusuri ng mga mag-aaral upang makabuo ng paglalahat.
Anong istratehiya ito?

Page 2 of 3
METODOLOHIYA
A. Pamamaraang konseptwal C. pasaklaw
B. Pabalak na pamamaraan D. pabuo
24. Anong pamaraang angkop para sa mga batang mag-aaral ng wika na nakapokus sa mensahe
at wala pang kakayahan sa malalim na pagsusuri?
A. Eklektik C. pabuod
B. Pabalak D. pasaklaw
25. Ano ang mabisa na pamamaraan sa pagtuturo ng araling panlipunan na nagbibigay-diin sa
paghahanda ng kaisipan ng araling itinuturo?
A. Pagdulog na konseptwal C. pagdulog sa proseso
B. Pagdulog sa kasanayan D. pagdulog sa aralin
26. Alin ang pinagkukunan ng guro ng mga kasanayang dapat matupad sa pagtuturo?
A. Takdang-aralin C. kompitensi sa pagkatuto
B. Banghay-aralin D. lubusang pagkatuto
27. Paano tinuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak noong unang panahon?
A. Pinapalo at sapilitang pinagtatrabaho.
B. Lagging sinesermunan
C. Binibigyan ng gagawin sa araw-araw
D. Sa pamamagitan ng pagmamasid at paggagaya
28. Ang Samahang Gabriela ay aktibong nagpapahayag at naglalarawan ng mga gawaing
pangkababaihang handang ipaglaban at ipagtanggol ang kanilang Karapatan. Anong teorya
ang maaring gamitin sa ganitong pagkakataon?
A. Klasismo C. dekonstruksiyon
B. Feminismo D. istrukturalismo
29. Anong teorya ng wika ang nagsasaad na nahuhubog ang pagkatuto ng isang bata sa
pamamagitan ng pagkontrol ng kaniyang kapaligiran?
A. Makatao C. innativo
B. Behaviorismo D. komunikatibo
30. Anong istratehiya ang ginagamit kung hinati-hati ng guro ang isang mahabang teksto at
nagsasagawa sa mag-aaral ng pagbasang jigsaw?
A. Pangkatan C. isahan
B. Trayadik D. lahatan
31. Anong Teknik ang ginamit kapag inilalagay sa komportableng sitwasyon ang mga mag-aaral
upang higit silang matuto?
A. Kumunikatibo C. tuwirang pamamaraan
B. Awdyo-lingwal D. suggestopedia
32. Anong pamamaraan ang ginagamit kung ang guro ay nagbibigay ng integratibong mga
pagsusulit na angkop sa pagtuturong nakatuon sa gamit ng wika?
A. Tuwirangpamamaraan C. komunikatibo
B. Awdyo-lingwal D. grammar-translation
33. Alin ang pinakatamang kahulugan ng wika sa pananaw na struktura?
A. Pagpapahayag ng sarili C. daan ng komunikasyon
B. Sistema ng mga tunog D. gamit sa komunikasyon
34. Anong hakbang sa pamaraang Araling Pagpapahalaga ang nagbibigay-daan sa pagtalakay sa
kayarian ng mga taludtod, tugma, sukat at talinhaga?
A. Paglalapat ng himig C. pagtalakay pangkaisipan
B. Pagtalakay pangkagandahan D. ikatlong pagbasa

Page 3 of 3

You might also like