You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
City Schools Division of Tacurong
SAN PABLO NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy.San Pablo, Tacurong City

Paunang Pagsusulit
FILIPINO 12
Taunang Panuruan 2022-2023

Pangalan:______________________________________ Iskor: _______________


Baitang at Pangkat:___________________________ Petsa:________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

I. KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

(Kasaysayan ng Wikang Pambansa)


1. Siya ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa
a. M.L Quezon c. L.K. Santos
b. J.P. Rizal d. F. Baltazar

2. Ama ng Balarilang Filipino ay si ______


a. M.L. Quezon c. L.K. Santos
b. J.P. Rizal d. J.E. Romero

3. Sa konstitusyong ito matatagpuan ang patunay sa probisyon ng wikang Pilipino_____


a. Art. XIV, Sek. 6-9 c. Art. XVI, Sek 4-6
b. Art. XIV, Sek. 3-6 d. Art. XIX, Sek. 4-6

4. Ang patakaran hinggil sa paggamit ng at paglinang ng kasanayan sadalawang wika ay tinatawag na


edukasyong ______
a. Multilingwal c. Trilinggwal
b. Monolinggwal d. Bilinggwal

5. Ito ang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa
bansa_______
a. Tagalog c. Kastila
b. Ingles d. Hapon
6. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at at isinaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
a. MAK Halliday b. Bernales et al. (2002)
c. Henry Gleason d. Prayle Domingo Navarette

7. Ayon sa kanya, ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng


simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
a. MAK Halliday b. Bernales et al. (2002)
c. Henry Gleason d. Prayle Domingo Navarette

8. Ito ay isang mahalagang instrumento sa pakikipagtalastasan.


a. wika b. kultura c. tao d. wala sa nabanggit

9. Halimbawa ng tungkulin o gamit ng wika na ito ay ang paggamit ng mga tayutay, idyoma, sagisag
at iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan.
a. Heuristiko c. Personal
b. Interaksiyonal d. Imahinatibo

10. Halimbawa ng gamit ng wika na ito ang pagsunod sa panuto, at mga babala.
a. Imahinatibo c. Regulatori
b. Impormatibo d. Heuristiko

11. Paghahanap ng impormasyon o datos.


a. Interaksiyonal c. Heuristiko
b. Regulatori d. Personal

12. Pagpapahayag ng opinyon sa mga isyu, tulad ng Racisim, ABS-CBN Shutdown, Curfew, Covid
19, maaari rin sa pormal o di pormal na debate.
a. Personal c. Instrumental
b. Imahinatibo d. Regulatori

13. Tumutugon sa pangangailangang interaksiyonal, teknikal, o propesyonal. Halimbawa nito ay


resume at sulat.
a. Interaksiyonal c. Heuristiko
b. Personal d. Regulatori
14. Upang hindi magdulot ng kalituhan sa iyong kausap, kailangang piliin ang tamang gamit ng mga
salita.
a. masistemang balangkas b. sinasalitang tunog
c. pinipili at isinasaayos d. arbitraryo
15. Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng tunog. Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng
tunog. Hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi rin naman lahat ng tunog ay makabuluhan.
a. masistemang balangkas b. sinasalitang tunog
c. pinipili at isinasaayos d. arbitraryo

16. Pagkakaroon ng sariling istilo ng paggamit ng wika, maging indibiduwal man o sa komunidad.
a. masistemang balangkas b. sinasalitang tunog
c. pinipili at isinasaayos d. arbitraryo

17. Ginagamit ang wika ayon sa lugar na kinabibilangan nito.


a. nakabatay sa kultura b. patuloy na ginagamit
c. nagbabago d. arbitraryo

18. Paraan ng pananalita nina Noli de Castro, Kris Aquino, at Gus Abelgas
a. sosyolek b. idyolek
c. dayalek d. barayti

19. “Mag-malling muna kaya tayo gurl bago mag-edit ng video presentation”. Ay isang halimbawa ng
__________.
a. sosyolek b. idyolek
c. dayalek d. barayti

20. “Naga – Mahigoson ka talaga, Andres!”, “Sorsogon – Maparangahon ka nagad, Andres!” “Naga –
Magayonon ka, Marita!” ay ilan lamang sa mga halimbawa ng ____________.
a. sosyolek b. idyolek
c. dayalek d. barayti
21. Alin sa mga sumusunod ang isang kakayahan kung saan nakikilala ng mambabasa ang nakasulat
na simbolo at nauunawaan ang kahulugan nito.
A. Pagsusulat B. Pagbabasa
C. Panonood D. Pakikinig
22. Sa kakayahang ito, nangangahulugan na nababasa at nauunawaan ng mambabasa ang mga
nakalimbag na tekstong binabasa kahit mahirap itong basahin.
A. Perception B. Vocabulary
C. Comprehension D. Fluency

23. Sa kakayahang ito, nakikilala ng mambabasa ang salita at natutukoy kung paano ito bigkasin.
A. Perception B. Vocabulary
C. Comprehension D. Fluency

24. Sa teoryang ito, nagaganap ang proseso ng pagbabasa kapag sinusubukan ng mambabasa na
maunawaan ang wika na binabasa sa pamamagitan ng pagtingin ng kahulugan ng salita.
A. Teoryang Bottom-up B. Teoryang Interaktibo
C. Teoryang Top-down D. Teoryang Iskema

25. Alin sa mga sumusunod na teorya ang nagsasabing nahihinuha ng mambabasa ang susunod na
pangyayari gamit ang kaligirang impormasyong alam na niya.
A. Teoryang Bottom-up B. Teoryang Interaktibo
C. Teoryang Top-down D. Teoryang Iskema

26. Ginagamit ang pamamaraang ito kung may tiyak na impormasyon nan ais hanapin ang
mambabasa, tulad ng pagtingin ng salita sa diksyunaryo o paghahanap ng minamatamis o dessert sa
isang menu.
A. Masaklaw na pagbasa (skimming) B. Masusing pagbasa (scanning)
C. Pagalugad na pagbasa (exploratory reading) D. Mapanuring pagbasa (analytical reading)

27. Estilo ng pagbasa kung saan sinusuring Mabuti ng mambabasa ang kaugnayan ng mga salita at
talata upang mahanap ang kabuluhan ng ipinahihiwatig na mensahe.
A. Masaklaw na pagbasa (skimming) B. Masusing pagbasa (scanning)
C. Pagalugad na pagbasa (exploratory reading) D. Mapanuring pagbasa (analytical reading)

28. Tumutukoy ito sa pagsasama, pagsasanib at pag-uugnay ng mambabasa ng kaniyang mga


nakaraang karanasan gayundin ng mga bagong karanasan sa buhay.
A. Komprehensiyon B. Persepsiyon
C. Reaksyon D. Asimilasyon

29. Alin sa mga sumusunod ang tamang ayos ng proseso ng pagbasa?


A. Persepsiyon, Komprehensiyon, Reaksiyon, Asimilasyon
B. Komprehensiyon, Persepsiyon, Asimilasyon, Reaksiyon
C. Komprehensiyon, Asimilasyon, Reaksiyon, Persepsiyon
D. Asimilasyon, Persepsiyon, Komprehensiyon, Reaksiyon

30. Tumutukoy ito sa mga akda o babasahing ginagamit sa pag-aaral tulad ng teksbuk.
A. Tekstong akademik B. Tekstong propesyunal
C. Tekstong ekspositori D. Tekstong bokasyunal

31. Tumutukoy ito sa mga akdang katangi-tangi sa masining at malikhaing pagtatanghal ng mga
ideya.
A. Sining B. Sipnayan
C. Panitikan D. Agham
32. Tumutukoy ito sa mahahalagang impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa upang
madagdagan ang kaalaman ng mambabasa.
A. Tekstong impormatibo B. Tekstong Deskriptibo
C. Tekstong persuweysib D. Tekstong Naratibo
33. Layunin ng tekstong ito na kumbinsihin, hikayatin o himukin ang mambabasa na suportahan o
sang-ayunan ang paksa.
A. Tekstong impormatibo B. Tekstong Deskriptibo
C. Tekstong persuweysib D. Tekstong Naratibo

34. Ipinapakita mo sa harapan ng klase ang paraan ng pagluluto ng adobo. Anong paraan ng
pagsunud-sunod ng mga kaisipan ang iyong ginamit?
A. Tekstong Prosidyural B. Tekstong Persuweysib
C. Tekstong Deskriptibo D. Tekstong Impormatibo

35. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong naratibo maliban sa:


A. Maikling kuwento B. Pagdedebate
C. Alamat D. Tula

36. Ang pananaliksik na isinagawa ni Dr. Jeanette B. Muñoz ay tungkol sa mga Aeta na pinamagatang
“Pamumuhay ng mga Aeta”. Alin sa sumusunod na mga kaisipan ang wala sa kanyang pag-aaral?
A. Pananampalataya ng mga Aeta B. Ang pangarap ng mga Aeta
C. Pangunahing kabuhayan ng mga Aeta D. Mga ugali at pamahiin ng mga Aeta

37. Isang prosesong intelektwal at pang-eksperimento na binubuo ng isang hanay ng mga


pamamaraan na inilalapat sa isang sistematikong paraan, na may layuning imbestigahan ang isang
bagay o paksa , pati na rin ang pagpapalawak o pagpapaunlad ng kanyang kaalaman, maging ng pang-
agham, makatao, sosyal o teknolohikal na interes.
A. Pananaliksik B. Sistematikong Pagsusuri
C. Pag-aaral D. Istatistika

38. Ito ay bahagi ng pananaliksik na kung saan ang mga konsepto, mga tao, sitwasyon o kalagayan at
maging hangganan ng pag-aaral.
A. Katuturan ng mga Terminong Ginamit B. Saklaw at Limitasyon
C. Paglalahad ng Suliranin D. Kaugnay na Pag-aaral

39. Bahagi ng pananaliksik na tumatalakay sa mga naunang pag-aaral na may kaugnayan sa


kasalukuyang pag-aaral ng mga mananaliksik.
A. Katuturang ng mga terminong ginamit B. Saklaw at Limitasyon
C. Paglalahad ng Suliranin D. Kaugnay na Pag-aaral

40. Ito ay naglalahad ng mga paraan ng pagbuo at pagsasagawa ng pananaliksik o pag-aaral.


A. Respondente B. Disenyo ng Pananaliksik
C. Metodolohiya D. Paglalahad ng Suliranin

41. Piliin ang tamang pagkakasunod-sunod ng bahagi ng pananaliksik.


a. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura, Suliranin at Kaligiran Nito, Lagom, Konklusyon at
Rekomendasyon, Metodolohiya, Paglalahad at Pagpapakahulugan
b. Suliranin at Kaligiran Nito, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura, Metodolohiya, Paglalahad at
Pagpapakahulugan, Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
c. Suliranin at Kaligiran Nito, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura, Metodolohiya, Lagom,
Konklusyon at Rekomendasyon, Paglalahad at Pagpapakahulugan
d. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura, Suliranin at Kaligiran Nito, Metodolohiya, Lagom,
Konklusyon at Rekomendasyon, Paglalahad at Pagpapakahulugan

42. Ito ay ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba
pang impormasyon ukol sa kanya.
a. Abstrak b. Bionote c. Sintesis d. Talumpati

43. Ito ay isang buod ng pananaliksik, artikulo, tesis,disertasyon, rebuy, proceedings at papel
pananaliksik upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
a. Abstrak b. Bionote c. Sintesis d. Talumpati
44. Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng
kwento,salaysay,nobela,dula,parabola,talumpati at iba pang anyo ng panitikan.
a. Bionote b. Sinopsis c. Abstrak d. Sintesis

45. Sa pagsulat ng buod o sinopsis iwasang magbigay ng _______________.


a. sariling pananaw b. ideyang sang-ayon sa orihinal c. obhetibong d. di obhetibong pananaw

46. Sa pagsulat ng sinopsis o buod basahin ang buong ________________ at unawaing mabuti
hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa.
a. simula lamang ng seleksyon b. wakas lamang ng seleksyon c. buong seleksyon o akda
d. gitna lamang ng akda

47. Ito ay para maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon.
a. Memorandum b. Agenda c.Bionote d. Panukalang Proyekto

48. Ito ay isang dokumento na naglalaman ng listahan ng mga pag-uusapan at dapat talakayin sa isang
pagpupulong.
a. Agenda b. Panukalang Proyekto c. Memorandum d. Katitikan ng Pulong

49. Upang hindi makasuhan ng plagiarism, laging isaalang-alang sa pagsipi ng mga tala
ang________________ .
A. hindi pagkopya ng tuwirang sabi sa lahat ng pagkakataon.
B. pangalan at petsa ng orihinal na awtor.
C. wastong pagbubuod/rephrasing ng mga tala.
D. lahat ng nabanggit

50. Ang sumusunod ay maituturing na mabuting etika sa pananaliksik at pagsulat ng mga


akademikong tala maliban sa______________.
A. bigyang-pansin ang datos sa halip na personal na pananaw.
B. magsumikap sa pagkalap ng datos gaano man ito kahirap.
C. kilalanin sa tuwina ang ideya ng mga orihinal na awtor.
D. sadyain ang mga kapapanayamin kahit na walang abiso.

You might also like