You are on page 1of 6

PAMBANSANG PAGSASANAY SA PAGTUTURONG PANLITERASI

Paunang Pagsusulit para sa mga sesyon ng Filipino


Lubos ang aming pasaalamat sa inyong pagdalo sa Pambansang
pagsasanay na ito. Nawaý Makita ninyo ang kahalagahan at kaugnayan
nito sa kasalukuyang gampanin. Gamitin ang resulta ng paunang
pagsususlit na ito para sa lalong ikauunlad ng aming mga programa.
1. IMPORMASYON
Pangalan:_________________________ Kasarian:_________
Posisyon: _________________________ Paaralan/Tanggapan________
2. Inaasahan sa Pagsasanay
TANONG TUGON
Ano ang iyong inaasahan sa
pagsasanay na ito.
Ano ang iyong inaasahang
matatamo sa pagsasanay na ito?

Kaalamang Pangnilalaman at Pedagohiya


1. Aling kaalaman ang unang ituturo sa panimulang pagbasa?
A. pagkilala ng tunog ng bawat letra
B. kamalayan sa pnolohiya
C. pagkilala sa detalye sa patnubay ng guro
D. lahat ng nabanggit
2. Aling gawain ang maaring maglinang sa kamalayang ponolohiya?
A. Pagkilala sa hugis at tunog ng bawat letra
B. Pagtukoy sa bilang ng pantig ng mga salita
C. Pagbibigay detalye sa narinig na kwento
D. Wala sa nabanggit
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga gawaing
A. Pagkilala sa tunog ng letra
B. Pagsasama sama ng mga tunog upang maka buo ng salita
C. Pagpapalakpak ng pantig sa salitang binigkas
D. Lahat ng nabanggit
4. Ano ang ponema?
A. Mga letra
B. Mga indibidwal na tunog ng bawat letra
C. Mga pantig ng salita
D. Lahat ng nabanggit
5. Paano tasahin ang kamalayang pnolohiya?
A. Sa pamamagitan ng paper and pen test
B. Sa pamamagitan ng laro at aktwal na performance
C. Sa pamamagitan ng pag gamit ng aklat
D. Lahat ng nabanggit
6. Tumutukoy sa mga porseyento ng mga salita na nababasa ng wasto
sa loob ng isang minute
A. Tatas
B. Bilis o speed
C. Kawastuhan o accuracy
D. Ekspresyon
7. Ito ay tumutukoy sa kakayahang magamit ng wasto ang wika sa
pagsasalita, makabasa ng mga babasahin na angkop sa kanyang
edad at baiting nang may otomatisiti.
A. Taas
B. Bilis o speed
C. Kawastuhan o accuracy
D. Ekspresyon
8. Naipamamalas sa pamamagitan ng wastong pagbigkas o phrasing,
tono at himig kung saan ang pagbasa ay nagiging controversial.
A. Taas
B. Bilis o speed
C. Kawastuhan o accuracy
D. Ekspresyon
9. Sino ang eksperto sa pagbaa ang nagsabi na Äng Pagbasa ay
pinaka pagkain ng ating utak (mental food).”
A. James Dee Valentin
B. Leo James English
C. Coady
D. Goodman
10. Rate ng pagbasa na nasusulat sa word per minute.
A. Taas
B. Bilis o speed
C. Kawastuhan o accuracy
D. Ekspresyon
11. Mayroong limang yugto ang pagbasa. Alin sa mga ito ang
panglimang yugto?
A. Kahandaan sa pagbasa
B. Pagpapapino at pagpapaunlad ng mga kasanayang natamo sa
pagbasa
C. Malawakang pagbasa
D. Pagpapaunlad ng kakayahan o mabilis nap ag unlad
12. Ang mga epektibong atityud sa pagbasa ay ang mga
sumusunod maliban sa:
A. Pagiging alerto
B. Mabilis na pagbasa
C. May fleksibilidad
D. Nakapagsasarili
13. Tawag sa koleksyon ng mga organisado at magkakaugnay na
ideya at konsepto na taglay ng isang mambabasa upang madaling
maunawaan ang binabasa
A. Ekplisit
B. Dekowding
C. Iskema
D. Saykology
14. Tawag sa kombinasyon ng istratehiyang nag-uugnay sa
mambabasa sa teksto at mundo?
A. Teksto at wika
B. Teksto at explicit
C. Teksto at iskema
D. Applied at implicit
15. “Hindi ko na ibig sabihin sa inyo ang sakit ng loob at malabis na
kalungkutang naghahari sa aming lahat. Mula noon, bata pa ako ay
nawalan na ng tiwala sa pakikipagkaibigan at akoý nag-aalinlangan
na sa mga tao.”
Ano ang tono ng pahayag?
A. Nalulungkot
B. Naghihinanakit
C. Nanghihinayang
D. Nagdadalamhati
16. Dinaig ninyo ang mga templo sa Bangkok maging ang mga
elepante sa mga liwasan. Sa panghahalina at pag-aakit sa mga
turista! Gabi-gabi, tumututok ang iba’t ibang lahi sa inyo, upang
pulutanin ang hubad ninyong katawan.”
Ano ang tono ng nagsasalita?
A. Nanglalait
B. Nanghihinayang
C. Nagmamalaki
D. Natutuwa
17. “Ah, ano…? Bahagyang nagulat si mundo. OO ka Andoy,
Tinanong na rin sa akin ni Ka Ipe. Pero sabi ko sa kanya, hindi na
magbabago ang desisyon.”
Ano ang tono ng nagsasalita?
A. Nagugulat
B. Nagtataka
C. Nagtatanong
D. Nagmamalaki
18. Mahalagang maunawaan ng mga guro na _____________.
A. Tumitindi ang mga kasanayan sa pagtukoy sa sanhi at bunga
habang tumataas ang baiting ng mag-aaral.
B. Ang pagtukoy sa sanhi at bunga ay lagging nagsisimula sa
pagkilala sa mga grapikong pantulong.
C. Hindi nakabatay sa karanasan ng mag-aaral ang kasanayan sa
sanhi at bunga
D. Nakapokus lamang sa panitikan ang kasanayang pagtukoy sa
sanhi at bunga.
19. Masasabing may ganap na pagkaunawa ang mga mag-aaral sa
pagtukoy sa sanhi at bunga kung _________.
A. Nakikilala niya ang sanhi at bunga sa isang format lamang sa
teksto.
B. Nauunawaan ng mag-aaral kung alin sa mga pangyayari ang
pwersang nag-uudyok upang mangyari ang isa pang
pangyayari.
C. Nasasabi ng mag-aaral na ang sanhi ay palaging isinusulat na
nauuna sa isang akda.
D. Napagpapalit-palit niya ang mga hudyat na salita para sa sanhi
na maari ring gamitin sa bunga.
20. Ang pahayag ng guro na nagpapakita ng panimula sa pagtuturo
sa mga mag-aaral na walang pangkasanayan sa pagtutukoy ng sanhi
at bunga ay _________.
A. Bakit nangyari?
B. Nangyayari ba ito?
C. Alin ang naiibang pangyayari?
D. Ano ang nangyari?
21. Isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring
napatunayan at tanggap ng lahat n totoo at hindi napapasubalian
kahit sa ibang lugar.
A. Kapahayagan
B. Katotohanan
C. Kaugalian
D. Kagalingan
22. Ang pagtuturo ng tahasan ay nangangailangan ng ________.
A. Pagmomodelo
B. Pagsasanay
C. Paggawa
D. Pagbasa
23. Ayon kay Anderson at Freebody, ito ang tanging pinaka
mahusay na predictor kung gaano mauunawaan ang mambabasa
ang kaniyang binabasa
A. Wikang pansalita
B. Paghihinuha
C. Kaalamang pantalasalitaan
D. Katatasan
24. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat kasama?
A. Paglinang ng talasalitaan
B. Activitang Prior Knowledge
C. Paglalapat
D. Pagganyak na tanong
25. Ito ang pinka epektibong paraan sa paglinang ng
talasalitaanpara sa unang yugto ng oagkatuto ng mag-aaral.
A. Context clues
B. Paggamit ng diksyunaryo
C. Realia
D. Grapikong Biswal
26. Ito ay mga mahalagang kaisipan o mga susing pangungusap o
kataga na may kaugnayan sa paksang pangungusap.
A. Pantulong na mga detalye
B. Komprehensyon
C. Pangunahing detalye
D. Paksa
27. Alin sa mga kasanayang ito ang pnaka tugatog ng pagtuturo sa
pagbasa?
A. Kalaalamang ponolohikal
B. Decoding
C. Koprehensyon
D. Graphic organizers
28. Aling estratehiya ang gumamagamit ng pagmomodelo upang
mas malinang ang kasanayan sa Pagtukoy ng detalye ng teksto?
A. Iskima
B. Explisit o Direktang pagtuturo
C. Metakognisyon
D. Kognisyon
29. Ang pagsunod-sunod ay naglalayong ipabatid sa mga
mambabasa ang isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng
impormasyon sa pamamaraang ________.
A. Kronolohikal
B. Sekwensyal
C. Prosidyunal
D. Kronolohikal, sekwensyal at prosidyural
30. Alin sa mga sumusunod na tanong ang nakatutulong sa mga
mag-aaral para mapagsunod-sunod nila ang mga pangyayari?
A. Paano nasolusyunan ang suliranin ng pangunahing tauhan?
B. Sino ang tauhan?
C. Ano ang mensahe ng binasa?
D. Ano ang kaugnayan ng binasa sa pang-araw-araw na
pamumuhay?

You might also like