You are on page 1of 6

FIL

217: Pagtuturo at Pagtataya ng Makrong Kasanayang Pangwika


Ikalawang Semestre Panimulang Pagsusulit

Pangalan Petsa
Guro G. Isaac N. Valdez Antas at Seksiyon

Ilagay sa patlang bago ang bilang ang titik ng tamang sagot.

____1. Isa itong kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating kausap (Yang, 1993).
A. Pagbasa B. Pakikinig C. Pagsasalita D. Pagsulat

____2. Isinasagawa sa yugto na ito ng pakikinig ang pagpukaw sa kawilihan ng mga mag-aaral ayon sa tekstong
pakikinggan.
A. Bago Makinig B. Habang Nakikinig C. Pagkatapos Makinig D. Sa susunod na Pakikinig

____3. Bakit mahirap ang pagpaplano ng aralin sa makrong kasanayang pakikinig?
A. Karamihan sa mga mag-aaral ay hindi marunong makinig.
B. Batay sa karanasan ng mga guro, mahirap humanap ng mga kagamitang panturo sa pakikinig.
C. Mahirap ituon ang atensiyon ng mga bata sa pakikinig sapagkat maraming eksternal na sagabal sa
kanilang kapaligiran.
D. Mahirap ang makrong kasayang pakikinig sapagkat dapat tiyak na maisaalang-alang ng guro ang
katangian ng pasalitang wika o spoken language.

____4. Sinasabing maraming tungkulin ang ginagampanan ng guro sa loob ng klasrum. Ang sumusunod ay mga
tungkuling dapat gampanan ng guro liban sa isa.
A. Pagbibigay ng maling impormasyon at paglalahad ng maling kaalaman.
B. Paglalaan ng patnubay at tulong sa mga mag-aaral upang pagsanayan ang natamong kaalaman.
C. Pagbuo ng mga makabuluhang gawain at pagtitiyak na magagawa ng mga mag-aaral ang gawain sa isang
kaligiran na walang pangamba o pagkabahala.
D. Pagbibigay nang angkop na pagganyak sa pamamagitan ng paglalaan ng iba’t ibang nakawiwiling gawain
na magbibigay ng pagkakataon upang magamit ang wikang natutuhan.

____5. Alin sa sumusunod na mga diyalogo ang gamit ng wika bilang pagbati?
A. Susan: Sana ay makapunta kayo…
B. Oscar: Malugod ko pong ipinakikilala si…
C. Prop. Reyes: Magandang umaga. Kamusta ka na?
D. Nestor: Salamat! Hamo’t pipilitin naming makarating…

____6. Ito ay may kinalaman sa paggising ng mga impormasyong nasa isipan ng tagabasa.
A. Istratehiya sa Pagpoproseso ng Impormasyon C. Kaalamang Semantika
B. Kakayahang Pangkaisipan D. Kaalamang Sintaktika

____7. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo (stimulus)
upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon o response).
A. Teoryang Bottom-Up C. Teoryang Iskema
B. Teoryang Interektib D. Teoryang Top-Down

____8. Ipinapahayag ng teoryang ito sa pagkatuto ng wika na ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa
pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang
kapaligiran?
A. Teoryang Behaviorist C. Teoryang Kognitib
B. Teoryang Innative D. Teoryang Makatao

____9. Ang salik sa pangkaisipan o mental ay mahalaga sa pagkilala ng salita at mga simbolo at pagpapakahulugan
sa mga simbolo; at ang kakayahang makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga simbolo at salita.
A. Kagulangang Mental C. Kagulangang Sosyal at Emosyunal
B. Kagulangang Pisikal D. Wika (Language Factor)

____10. Ano ang mapapansin sa pagpapantig sa salitang ‘’trans-por-tas-yon.’’
A. Pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa hulihan.
B. Pantig na binubuo ng atinig na mat tambal na klister sa unahan at hulihan.
C. Pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at klaster sa hulihan.
D. Pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at katinig sa hulihan.

____11. Alin sa sumusunod ang nagbibigay-katangian sa Pag-uulit o Redundancy?
A. Ang pagiging maligoy ng pasalitang wika.
B. Katangiang matulain ito ng isang wika na mahalaga sa pag-unawa.
C. Ito ay pagpapaikli na maaaring ponolohikal, morpolohikal, sintaktik, o pragmatic.
D. Sa pagsasalita, ito ang pag-aatubili sa sasabihin, pagbibigay ng maling panimula, paghinto at pagwawasto
ng sarili.

____12. Isang malaking kontribusyon ng Teoryang Interaktib sa pagtuturo ng pagbasa ay ang pagbibigay-diin nito
sa pag-unawa bilang isang proseso at hindi isang produkto. Alin sa sumusunod ang tiyakang maiuugnay sa
ideyang ito?
A. Ito ay pagtanaw sa komprehensiyon bilang isang produkto.
B. Ang pagkatuto ay itinuturing na isang pangyayaring kognitib.
C. Ang tuon sa pagsusuri ng mga sagot sa pag-unawa ay ang proseso na nakaugat sa metakognisyon.
D. Sa mga nagdaang panahon, mas pinagtutuunan natin ng pansin kung ang sagot ng mag-aaral sa mga
tanong sa pag-unawa ay tama o mali.

____13. Isa sa mga layunin sa pagtuturo ng pagbasa ang ‘’Matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kusa sa
pagbabasa nang malaya.’’ Alin sa sumusunod ang tumutugon dito?
A. Ito’y nangangahulugang hindi dapat unawain ng mag-aaral ang lahat ng mga binanggit sa teksto.
B. Ang bilis ng pagbabasa ay hindi ito karaniwang dinidibelop ng mga guro sa pagtuturo ng pagbasa.
C. Ito ay nangangahulugang dapat kilalanin ng guro ang bawat mag-aaral bilang isang indibidwal at
kailangang matugunan ang teksto batay sa kaniyang sariling pag-iisip at pagkukuro.
D. Ito ay paggamit ng teksto upang malinang sa mga mag-aaral ang iba’t ibang kasanayan sa pagbasa na
magagamit niya sa pagbabasa ng iba pang teksto na kaniyang pipiliing basahin sa hinaharap.

____14. Bakit mahalagang maisaalang-alang ng guro ang istilo ng pagkatuto ng kaniyang mga mag-aaral?
A. Upang magkaroon ng isang istilong gagamitin sa kabuuan ng pag-aaral.
B. Upang masabing sensitibo ang guro sa istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
C. Makatutulong ito sa pagkakaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto.
D. Kapag natiyak ang istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral, matitiyak na walang babagsak sa klase.

____15. Sa pagtuturo ng pagsasalita, paano mababawasan ang pagkabahala o pag-aalala ng mga mag-aaral?
A. Sa pamamagitan ng paglalahad ng mga aralin mula madali patungo sa mga mahirap.
B. Sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang mga aralin ay nakahalayhay mula kompleks patungong payak.
C. Umpisahan ang gawain sa pagsasalita mula sa mahahabang salitaan patungo sa maikling usapan sa loob
ng klase.
D. Pilitin ang mga mag-aaral na magsimula sa pakikipag-usap sa mga kamag-aral na hindi masyadong
kakilala upang lumakas ang kanilang loob sa pagsisimula ng usapan.

____16. Ito ay yugto sa pagbasa kung saan nagpapatibay at nagpapalawak ng mga kanais-nais na mga kasanayan sa
pagbasa at mga pagpapahalagang natamo ng mga nagdaang taon at pagdedebelop pa ng mga bagong
kasanayan at pagpapahalaga na kakailanganin sap ag-unawa at pagkalugod sa mga kompleks na nakasulat/
nakalimbag na teksto.
A. Debelopment na Pagbasa C. Malawakang Pagbasa
B. Kahandaan sa Pagbasa D. Panimulang Pagbasa

____17. Alin sa sumusunod ang nagbibigay nang angkop na pagpapaliwanag kaugnay ng language-acquisition
device (LAD) ni Chomsky?
A. Ito ay pagtanggap ng impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika.
B. Ang wikang natanggap sa kapaligiran ay sinusuri at pagkatapos marinig ay bubuuin sa isipan ang mga
tuntunin.
C. Ito ay isang proseso na inilarawan sa pamamagitan ng isang analohiya ng isang likhang-isip na ‘’aparato’’
na taglay ng mga bata.
D. Ito ay sistema ng mga bata sa pagbuo ng mga tuntunin hanggang sa marating nila ang kaganapan ng
kanilang edad o maturation.

____18. Alin sa sumusunod na gawain ang nakapaloob sa yugtong Habang Nakikinig?
A. Impormal na talakayan
B. Pag-uusap tungkol sa isang larawan
C. Pagtukoy sa mga maling impormasyon
D. Pagtatala ng mga mungkahi, opinyon, atbp.


____19. Masdan ang nilalaman ng kahon sa ibaba. Anong anyo ng wika ang ipinakikita nito?

Sigurado akong darating…
Maghanda ka ng maiinom…
Buti naisip moa ko…
Makaaasa kang darating ako…

A. Pag-anyaya B. Pagpapakilala C. Pagpapaliwanag D. Pangtanggap

____20. Isinasaad ng isa sa mga kabatiran sa mga layunin at proseso sa pagbasa na ‘’Ang pagbasa ay isang proseso
ng pag-iisip.’’ Alin sa sumusunod na konsepto ang maitatapat sa itinutuon nito?
A. Hindi sapat na nabibigkas ng tao ang anumang nakalimbag sa teksto.
B. Ang kakayahang umunawa ng isang mamababasa ay nakasalalay sa kaniyang kapasidad at lawak ng
kaalaman.
C. Maipakikita ang interaksiyon ng pagbasa sa pamamagitan ng pagtugon ng panang-ayon o pagsalungat, at
pagtatanong at pagsagot.
D. Upang maisagawa ang pagtatangka ng isang tagabasa sa pagunawa ng isang ideya, kinakailangan siyang
maghinuha, manghula, at magbuo ng kongklusyon.

____21. Ayon kina Howatt at Dakin (1974), kailan masasabing mahusay ang isang tagapakinig?
A. Nakikilala niya ang mga diskors marker tulad ng kung gayon, ngayon, sa wakas, atbp.
B. Napananatili niya ang mga mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng pagtatala o paglalagom.
C. Kaniyang matukoy ang mahahalagang kaisipan at pagbabalewala sa mga di-mahahalagang impormasyon.
D. Kaya niyang pagsabay-sabayin ang kasanayan sa pag-unawa sa diin at bigkas, balarila at talasalitaan, at
pagpapakahulugan.

____22. Anong Word Attack Skill ang ginamit sa sumusunod?




PUNO PUSO




A. Paggamit ng Disyunaryo C. Paggamit ng Palatandaang Konpigurasyon


B. Paggamit ng Larawan D. Pagsusuring Pangkayarian

____23. Alin sa sumusunod na mga tanong ang maihahanay sa Mapanuring Pagbasa?
A. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa binasang kuwento?
B. Bakit naging matigas ang pakikitungo ng ama sa kaniyang anak?
C. Kung hindi mo pamamarisan ang paraan ng pagpapalaki ng ama sa kaniyang anak, paano mo ito balak
gawin?
D. Kung ikaw ang tatayong ama sa kuwento, gagawin mo rin ba ang paraan ng pagpapalaki ng ama sa
kaniyang anak?

____24. Bakit sinasabing multidimensional na proseso ang pagsulat?
A. Ang paglalapit ng lapis sa papel ay isang mabagal at kompleks na proseso; ito’y isang sining.
B. Ang mag-aaral sa loob at labas ng klasrum ay nagagawang lumikha ng mga gawaing magbibigay ng
pagkakataon sa kanila na magmasid, makiramdam, humanga, magtanong, mag-isip at umunawa.
C. Dahil ang pagsulat ay nagaganap lamang kung ang tamang sangkap sa pagsulat ay mahusay na napag-iisa
sa isang sistematikong paraan na nilalahukan ng karanasan, kawing ng mga salita at mabisang kapaligiran.
D. Ang kahusayan sa pagsulat ay bunga ng magandang karanasan ng mga mag-aaral na nagagamit nila sa
paglalahad hindi lamang ng tuwirang karanasan kundi pati na tin ang sariling pagkukuro at impresyon
tungkol sa paksa.

____25. Alin sa sumusunod ang may pinakaangkop na paliwanag kaugnay ng Teoryang Kognitib sa pagkatuto ng
wika?
A. Ito ay isang pagtanaw sa mga pagkakamali bilang integral na bahagi ng pagkatuto.
B. Ayon sa kognitibist ang pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito
kagyat at tuwirang iwinawasto.
C. Ito ay malimit na pagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mga mag-aaral ng wika o di
kaya nama’y naiilapat nang mali ang mga ito.
D. Ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging
nangangailangang mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang
pumapailalim na tuntunin at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap.

____26. Ginagamit ng tao ang wika upang maisagawa ang nais niyang mangyari. Maaari siyang makiusap, mag-utos,
tumanggi o pumayag sa ipinagagawa o maging masigasig sa nais mangyari.
A. Tungkuling Direktiba C. Tungkuling Personal
B. Tungkuling Interaksyunal D. Tungkuling Transaksyunal

____27. Ano ang skill-using-stage?
A. Ito ay isang kakayahan C. Ito ay pagtitiyak sa kayarian ng wika.
B. Ito ay nakatuon sa pormularyong sosyal D. Ito ay yugto o aktuwal na pagsasalita.

____28. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng katuturan ng Prosesong Bottom-Up sa pakikinig?
A. Ito ay pagbuo ng sariling pagpapakahulugan habang nakikinig.
B. Ito ay pag-uugnay ng dating kaalaman sa pinakikinggang impormasyon na nagiging patnubay sa
pakikinig.
C. Ito ay unti-unting pagbuo ng kahulugan (building blocks) sa pamamagitan ng pag-unawa sa lahat ng mga
datos lingguwistika.
D. Ito ay pagbibigay-pansin sa mga tunog na napakinggan kung saan pinagsisikapang maunawaan at
maipaliwanag ang mga ito.

____29. Kailan magiging mapanuri ang pagbasa?
A. Nakapokus sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto.
B. ang mga sagot sa mga tanong ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang.
C. Gumagamit ang tagabasa ng kakaibang kasanayan sa pag-iisip na lagpas sa antas ng pag-unawang literal,
interpretasyon at mapanuring pagbasa.
D. Magiging mapanuri ang pagbasa kung naipakikita ng mga mag-aaral ang pagpapahalaga,
nakapagbabahagi ng sariling paninindigan at paghahambing ng kaisipan.

____30. Alin sa sumusunod na proseso sa pagtuturo ng guro ang nakapaloob sa yugtong Habang Nakikinig?
A. Magpapanuod ang guro ng isang Travel Vlog kung saan itinatampok ang ilang sikat na lugar sa Pilipinas.
B. Gawain sa pagsasalita. Tatalakayin sa klase kung aling lugar ang gusto nilang bisitahin at bakit.
C. Pagbibigay ng mga larawan ng iba’t ibang magandang lugar sa Pilipinas. Itanong kung aling lugar ang
nakita/ napasyalan na at talakayin kung bakit dinarayo ito.
D. Ang mga mag-aaral ay makikinig at sasagutin ang mga tanong tungkol sa mahahalagang detalye. Input na
pakikinggan: Ttalong maikling paglalarawan ng tatlong magagandang lugar sa Pilipinas.

____31. Ito ang pinakagamiting uri ng sulatin ng mga bata dahil nagagawa nila iugnay ang anumang paniniwala,
damdamin, pag-iisip, o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili.
A. Malikhaing Sulatin C. Personal na Sulatin
B. Kompleks na Pagsulat D. Transaksyunal na Sulatin

____32. Uri ng sulatin ayon sa anyo na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o
magbigay ng isang Biswal na konsepto ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari.
A. Eksposisyon B. Palarawan C. Panghihikayat D. Pasalaysay

____33. Bakit mahalaga ang paggamit ng motibasyon sa pagtuturo?
A. Sinusukat nito ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng bagong aralin.
B. Ginagamit ito ng guro upang makita kung sino-sino sa mga mag-aaral ang marurunong at hindi.
C. Isinasam ito sa pagtuturo upang makakain ng oras.
D. Mahalagang bahagi ito sa proseso ng pagtuturo upang ganyakin ang mga mag-aaral sa pagkatuto ng
bagong aralin.

____34. Ang sumusunod ay mga patnubay/ simulain sa pagtuturo ng pakikinig liban sa isa.
A. Tiyakin na lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin bago ito simulant.
B. Maglaan ng mga tanong o set ng mga gawain na mas mataas sa kakayahan ng mga mag-aaral.
C. Sikaping gumamit ng mga input at mga gawain na kalulugdan ng buong klase at tiyakin na matutugunan
ng halos lahat ng mga mag-aaral ang mga gawain.
D. Maglaan ng maraming gawain bago makinig at tiyaking makatutulong ang mga ito upang
mapagtagumpayan ng mga mag-aaral ang anumang gawain na ipagagawa sa kanila.


____35. Sa yugtong ito ng pakikinig, maaaring bigyan ang mga mag-aaral ng mga gawaing bunga ng ginawang
pakikinig.
A. Bago Makinig B. Habang Nakikinig C. Pagkatapos Makinig D. Sa susunod na Pakikinig

____36. Alin sa sumusunod ang mabisang nagpapaliwanag ng katuturan sa paggamit ng Ugnayang Tanong Sagot
(UTS)?
A. Ang UTS ay tinatawag ding Question Answer Relationship sa Ingles na binuo ni Raphael (1982, 1986).
B. Nabuo ang UTS mula sa isang obserbasyon sa mga guro sa lagian nilang pagtatanong sa klase.
C. Ang UTS ay kinapapalooban ng iba’t ibang uri ng tanong gaya ng: nasa teksto mismo, isipin at hanapin,
ikaw at ang awtor, at sa aking sarili.
D. Ito ay isang istratehiya sa pagbuo ng tanong na naglalayong mapataas ang antas ng kakayahan ng mga
mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ng sistematikong pagsusuri sa tanong.

____37. Isang sistema para sa isang komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusulat/ inuukit
sa isang makinis na bagay tulad ng papel, tela o di kaya’y isang malapad at makapal na tipak na bato.
A. Pagbasa B. Pagsulat C. Pakikinig D. Pagsasalita

____38. Ang tekstong pinakikinggan ay ikinukumpol sa maliliit na pangkat ng mga salita.
A. Clustering B. Interaksiyon C. Pinaikling Anyo D. Redundancy

____39. Uri ng sulatin ayon sa anyo na nagpapahayag ng kaisipan, paniniwala o kuru-kuro na naglalayong
mapaniwala ang kausap o bumabasa sa opinyon, palagay at paniniwala ng nagsasalita o ng sumusulat.
A. Eksposisyon B. Pangangatuwiran C. Palarawan D. Pasalaysay

____40. Alin sa sumusunod ang may angkop na paliwanag kaugnay ng Teoryang Makatao sa pagkatuto ng wika?
A. Nakatuon sa mga mag-aaral ang mga pagkaklaseng batay sa teoryang makatao.
B. Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at emosyunal.
C. Sinasabi nito na ang pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak na may ‘’likas na
salik’’ sa pagkatuto ng wika.
D. Ito’y nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari lamang kung angkop ang kaligiran,
may kawilihan ang mga mag-aaral ay may positibong saloobin sila sa mga bagong kaalaman ay
impormasyon.

____41. Alin sa sumusunod na mga kasanayan ang hindi maihahanay sa Tungkuling Transaksyunal?
A. Nakapaghahatid ng mensahe
B. Nakapagkukuwento at nakabibigkas ng tula
C. Nakapagtatanong nang may iba’t ibang layunin
D. Nakasusunod at nakapagbibigay ng mga panuto at direksyon.

____42. Isa sa mga pangangailangan sa pagbuo ng isang sulatin na nakatuon sa pagtitiyak ng kaayusan sa
pagkakasulat ng isang sulatin.
A. Konbensyon B. Layunin C. Mekaniks D. Wika

____43. Ito ay pakikinig na hangga’t maaari’y malapit ka sa nagsasalita o nag-uusap para sa ganap na pag-unawa sa
nilalaman ng usapan upang magkaroon ng angkop na kabatiran sa pangunahing ideya o paglalahat ng
tagapagsalita.
A. Marginal o Passive na Pakikinig C. Mapanuring Pakikinig
B. Malugod na Pakikinig D. Masigasig na Pakikinig

____44. Alin sa sumusunod na pamamaraan ng guro sa pagbibigay ng feedback ang maituturing na tama?
A. Maaari namang ipagpaliban ng isang linggo ang pagwawasto ng mga gawain sa pagsasanay o dril.
B. Hindi na kailangan pang iwasto ang mga gawain sa pagsasanay o dril dahil pagsasanay lamang ito.
C. Para naman sa gawain kaugnay ng paglinang sa pagiging matatas sa pagsasalita, kailangan iwasto ito
habang nagsasalita ang mag-aaral.
D. Para naman sa gawain kaugnay ng paglinang sa pagiging matatas sa pagsasalita, itala ang mga
pagkakamali habang nagsasalita at talakayin ang mga ito sa pagkatapos ng gawain.

____45. Ang sumusunod ay mga kakayahan sa pagsulat na nililinang sa sekundarya batay sa programang
pangkurikulum. Alin sa mga ito ang lihis na kasanayan sa nasabing lebel?
A. Naisusulat ang mga titik nang may wastong porma o hugis.
B. Naipakikita ang pagkamasining at pagkamalikhain sa pamamagitan ng mga anyong pagsulat.
C. Naipamamalas ang kakayahang gumamit ng mga kaalamang pambalarila sa tulong ng mga batayang
kaalamang pangwika.
D. Naipapakita ang kakayahang pumili ng pamamaraan at batayang panretorika upang maipahayag ang
sariling kaisipan, ideya, opinyon, damdamin at mga saloobin.

____46. Bakit kailangang lubos na nakikilala ng guro ang katangian ng kaniyang mga mag-aaral?
A. Upang malaman kung sino-sino mga mag-aaral ang dapat niyang itangi.
B. Upang higit na maging matagumpay ang isang guro sa kanyang pagtuturo.
C. Isa itong pamamaraan upang paghiwalayin ang mga marurunong sa hindi.
D. Isa itong patunay na mahusay siyang guro na maipagmamalaki niya sa kaniyang mga katrabaho.

____47. Ang sumusunod ay mga gawiang mailalapat sa isang tekstong nakatuon sa pagsunod sa panuto liban sa
isa.
A. Pag-awit ng mga awiting may kilos o galaw
B. Pagbibigay ng mga impormasyong personal
C. Pagbibigay ng panuto habang binubuo ang dayagram o larawan ng isang tagapakinig.
D. Pagbibigay ng isa hanggang dalawang panuto na maaaring isagawa ng isang kamag-aral o ng buong
klase.

____48. Isang paraan ng pagbuo ng simbolo na kapag pinagtabi ay maaaring kumakatawan sa mga salita.
A. Mga Batayang Patnubay C. Sulat-Kamay (Handwritting)
B. Story Grammar D. Word Processor

____49. Bakit sinasabing ‘’Hindi basta nangyayari ang pagsulat sa tunay na buhay’’ na may paglalapat sa loob ng
klasrum?
A. Kailangang may mabigat na dahilan para sumulat ang isang tao.
B. Sapagkat dapat isaalang-alang ng guro ang dalawang aspekto na dapat gawin sa pagsulat.
C. Kailangang lumikha ang guro ng mga sitwasyon na maghahawi sa landas ng mga mag-aaral tungo sa
pagbuo ng komposisyon.
D. Ang mga praktikal at makabuluhang gawain sa pagsulat tulad ng paggawa ng ng talaan ng mga panauhin,
talaan ng mga bibilhin, pagsulat ng mga mensahe at tagubilin ay mga gawaing ‘di dapat kalugdan ng mga
batang bago pa lamang natututong sumulat.

____50. Isang teknik na maaaring gamitin sa paglikha ng mga ideya sa proseso ng pagsulat na pinasisimulan ng
guro sa pagsulat ng pangunahing salita o ideya sa gitna ng pisara. Ito’y sinusundan ng pagsulat ng mga
kaugnay na ideya sa paligid ng ulong salita o ideya.
A. Brainstorming C. Mind-Mapping
B. Mabilis na Pagsulat D. Pagtatala

Inihanda ni:
(SGD)
G. ISAAC N. VALDEZ, MAED.
Instructor III

Iwinasto ni:

GNG. APRIL R. CRUZ
Department Head, Education

G. ARIEL T. VIBAR
OIC - Department Head
Business and Accountancy

You might also like