You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

IKATLONG MARKAHAN

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
a. Nagagamit ang iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon ( balbal, kolokyal, banyaga )
b. Nabibigyang kahulugan ang mga halimbawa ng salitang di-pormal
c. Nakagagawa ng sariling halimbawa ng di-pormal ang mga mag-aaral

II. NILALAMAN
Paggamit sa iba’t ibang sitwasyon ng mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon ( balbal, kolokyal, banyaga )

III. PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Panalangin
 Pagsasaayos ng mga upuan at pagpulot ng kalat
 Pagtala ng liban
 Pagbabalik-aral

b. Pagganyak
May ipapakitang mga salita sa mag-aaral na kung saan bibigyan nila ng
kahulugan at magbibigay sila ng halimbawa kung saan madalas ginagamit ang
mga salita ipapakita.
 Sana all
 Flex ko lang
 Lodi
 Edi wow

c. Paglalahad
Batay sa inyong ginawang paunang gawain, ano kaya ang ating magiging paksa sa
araw na ito?
d. Pagtatalakay
Impormal – mga salitang karaniwang ginagamit at palasak na ginagamit sa mga
pang-araw araw na pakikipag-usap at sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa
impormal na salita

Uri ng impormal na salita


Lalawiganin – mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinanggagamit
nito.
Kolokyal – ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw araw na
pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may
anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.
Balbal – ito ay tinatawag sa mga ingles na islang. Ang mga salitang ito noong una
ay himdi tinatanggap ng matatanda at may mga pinag-aralan dahil hindi raw
magandang pakinggan.

e. Paglalahat
Magtatanong ang guro kung ano ang natutuhan ng mag-aaral sa talakayan.
Ano ang inyong naunawaan o natutuhan sa aralin natin ngayon?

f. Paglalapat
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang maunawaan mo ang mga salitang
ginagamit sa impormal na komunikasyon?

g. Pagtataya
Pangkatang Gawain
Gawan ng usapan ang komiks strip
( Usapan sa telepono ng magkakaibigan para sa kanilang nalalapit na reunion )
(balbal)

IV. TAKDANG ARALIN


Ano-ano ang mga estratehiya sa pangangalap ng mga impormasyon.

You might also like