You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO V

Petsa:

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng 75%


na kasanayan na:

a. Natutukoy ang mga paraan ng panghihiram ng mga salita


b. Nababaybay ng wasto ang mga salitang natutuhan at salitang hiram at,
c. Napahahalagahan ang gamit ng salitang hiram sa pang-araw-araw na pamumuhay.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Salitang Hiram at Iba’t-ibang Paraan ng Panghihiram ng mga Salita
B. Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=n2ufoQJa2kM&t=453s
C. Kagamitang Panturo: Laptop, T.V, Mga larawan na may kinalaman sa paksa

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtala ng liban sa klase
5. Pagpapasa ng takdang- aralin

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

B. Pagganyak

GAWAIN 1: “Talasalitaan Mo, Palawakin Mo!”

Bago tayo dumako sa ating paksang aralin ay


magkakaroon tayo ng gawain na tatawaging
“Tasalitaan mo, Palawakin mo!” Mayroon ako ritong
mga inihandang larawan na inyong susuriin at
sasagutin. Para sa unang larawan, ito ay isang uri ng
sasakyang panglupa na ginagamit sa paglalakbay. Ano
ito?

Ang sagot po ay JEEP, Ma’am.


Mahusay! Para naman sa ikalawang larawan, ito ay
isang tindahan kung saan maraming klase ng produkto
ang binibenta. Ano ito?

Ang sagot po ay GROCERY, Ma’am.

Tama! Para naman sa ikatlong larawan, ito naman ang


bumibili ng mga produkto sa pamilihan.

Ang tamang sagot po ay CUSTOMER, Ma’am.

Mahusay! Para sa ika-apat na larawan, ito ay isang


bagay na ginagamit sap ag-inom ng mga inumin. Ano
ito?

Ang tamang sagot po ay STRAWBERRY, Ma’am.


Magaling! Para naman sa ikahuling larawan, ito ay
isang prutas na sikat sa Baguio na ginagawang
sangkap sa mga pagkain. Ano tio?

Ang tamang sagot po ay strawberry.

Ma’am, sa tingin ko po, ang pag-aaralan po natin


ngayong araw ay tungkol sa mga salitang hiram.
Napakahusay! Kung mapapansin natin ang mga
halimbawang salita, ito’y walang direktang traslasyon
sa wikang Filipino. Klas, ano sa tingin ninyo ang pag-
aaralan natin ngayong araw?

(Ang mga mag-aaral ay binabasa na ang layunin)


C. Pagtalakay sa Aralin

Tumpak! Bago tayo dumako sa ating talakayan ay nais


kong basahin ninyo muna ng malakas at mayos ang Opo, Ma’am.
ating layunin para sa araw na ito.

Salamat sa inyong mahusay na pagkakabasa! Dyip,


Grcery, Straw, Strawberry at Customer. Naalala ninyo
pa ba ang mga salitang ito na ginamit natin kanina?

Ang mga salitang ito ay salitang banyaga nahiniram


natin sa mga dayuhan kaya ito ay tinatawag nating
salitang hiram. Ito’y mga salitang walang direktang
translasyon sa wikang Filipino kaya hiniram na lang
ang pagbigkas at pagbaybay ng banyaga rito.

Salitang hiram ang tawag sa mga salitang galing sa


ibang wika. Maaaring ang mga ito ay may taglay na
hiram na titik gaya ng c, f , j, q, v, x, z .

Alam ninyo bang maraming banyagang salita ang


hiniram natin sa pagsasalita na naging bahagi na ng
ating wika tulad na lamang ng mga salitang nasa chart.

Sorry
Straw
Strawberry
Costumer
Grocery
Trapik
Bilib
Interbyu
Traysikel Opo, Ma’am.
Dyip
Taxi
Cake po, Ma’am
Madalas ninyo bang gamitin ang salitang ito lalo na sa
pakikiag-usap o kaya’y pagsusulat?
Ciudad po, Ma’am

Magbigay nga kayo ng iba pang halimbawa ng salitang Magasin po, Ma’am.
hiram, klas?

Tama! Ano pa? Hindi pa po.

Mahusay, ano pa?

Tumpak! Klas, alam ninyo bang may paraan ng


panghihiram ng mga salita?

(Ipaliliwanag ng guro ang mga paraan ng panghihiram


ng mga salita.)

Ika-una, sa panghihiram ng salita na may katumbas sa


wikang Ingles at sa Kastila, unang preperensiya ang
hiram na kastila.

Ikalawa, kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin


ito ng walang pagbabago.
Ikatlo, kung hindi konsistent ang baybay ng salita,
hiramin ito at baybayin ng konsistent.

Ika-apat, sa pagsulat ng pagbabaybay, kung ano ang


bigkas ay siya ring sulat at kung ano ang sulat ay siya
ring bigkas.
Nakatutulong po ang mga salitang hiram sa pang-
araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng
pakikipag-usap gamit ang mga salitang hiram na
walang direktang traslasyon sa wikang Filipino.
Nakatutulong ito upang mas mabilis na maunawaan
ang aking ipinapahayag sa aking kausap.

Ngayong alam na natin ang wastong paraan ng


pagbabaybay ng mga salitang hiram ay mahalagang
magamit natin ito ng tama.

Ngayon klas, paano nakakatulong sa inyo ang mga


salitang hiram sa pang-araw-araw na pamumuhay?

GAWAIN 2: “GALING MO, LILINANGIN KO!”

Mahusay! Ngayon klas ay magkakaroon muli tayo ng


isa pang gawain. Sagutan ito sa inyong kwaderno.

A. Isulat ang wastong baybay ng mga salitang


hiram sa katumbas na baybay sa wikang
Filipino.
Salitang hiram:
1. Column Sagot:
2. Sorry
3. Grocery A.
4. Costumer 1. Kolum
5. Traffic 2. Sori
B. Isulat ang orhinal na baybay sa Ingles ng mga 3. Groseri
sumusunod na salita. 4. Kostumer
6. Bilib 5. Trapik
7. Traysikel
8. Dyip B.
9. Interbyu 6. Believe
10. Trapik 7. Tricycle
8. Jeep
9. Interview
10. Traffic

D. Paglalahat
Para sa paglalahat ng ating aralin, basahin at
unawain ng sabay-sabay ang nasa presentasyon.
E. PAGPAPAHALAGA (Binabasa at inuunawa ng mga mag-aaral ang buod.)

Sagutin ang tanong na: Bilang isang mag-aaral,


papaano nakakatulong ang gamit ng salitang hiram sa
inyonf pang-araw-araw na pamumuhay?

____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

Maaaring maging sagot:


  Nakatutulong po ang mga salitang hiram sa pang-
araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng
pakikipag-usap gamit ang mga salitang hiram na
walang direktang traslasyon sa wikang Filipino.
Nakatutulong ito upang mas mabilis na maunawaan
ang aking ipinapahayag sa aking kausap.

Mahusay! Ngayon ay dumako na tayo sa ating


maikling pagsusulit.

IV. PAGTATAYA
A. Basahin ng mabuti ang bawat bilang at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ito’y mga salitang walang direktang translasyon sa wikang Filipino kaya hiniram na
lang ang pagbigkas at pagbaybay ng banyaga rito
a. Salitang banyaga
b. Saitang hiram
c. Ekolek
d. Sosyolek

Piliin ang orhinal na baybay sa Ingles ng mga sumusunod na salita.

2. Titser
a. Teacher
b. Teatcher
c. Ticher
d. Teecher
Isulat ang wastong baybay ng mga salitang hiram sa katumbas na baybay sa wikang
Filipino.
3. Customer
a. Kostumer
b. Kustomer
c. Costomer
d. Kostomer
4. Tricycle
a. Trisikel
b. Traycycle
c. Traysekil
d. Traysikel

5. Bakit mahalagang malaman mo ang wastong pagbabaybay ng mga salitang hiram?


a. dahil sa pagkakaiba ng kultura sa mga bansa , may salitang banyaga na kung atin
isalin ay hindi matatagpuan sa salitang filipino. sa pangyayaring ito napaka
importante na ating malaman ang mga tamang paraan ng paghihiram ng salita.
b. Upang malaman mo ang pinagmulan ng wika
c. Dahil magagamit ito sa mga pandiplomatikong usapan
d. Wala sa nabanggit

B. Isulat ang titik T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M naman kung
mali.

___6. Sa pagsulat ng pagbabaybay, kung ano ang bigkas ay siya ring sulat at kung ano ang
sulat ay siya ring bigkas.

___7. Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin ng hindi rin
konsistent.

___8. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa wikang Ingles at sa Kastila, unang


preperensiya ang hiram na kastila.

___9. Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito ng walang pagbabago.

___10. Salitang hiram ang tawag sa mga salitang galing sa ibang wika. Maaaring ang mga ito
ay may taglay na hiram na titik gaya ng c, f, j, q, v, x, at z.

V. TAKDANG ARALIN
Gamitin sa mga makabuluhang pangungusap ang mga salitang hiram na pinag-
aralan natin kanina. Gumawa ng isang maikling kuwento o sanaysay upang magamit
ang mga salitang hiram. Gawin ito sa inyong kwaderno.

PAMANTAYAN PUNTOS
May 5 o higit pang salitang hiram ang makikita sa ginawangg 5
sanaysay.
Wasto ang pagbabaybay ng mga salitang hiram na ginamit sa 5
paggawa ng sanaysay.
Kaaya-aya sa mga mambabasa ang ginawang sanaysay sapagkat ito ay 5
ginamitan ng imahinasyon sa paggawa.

Inihanda ni:

CLARICE NICOLE S. SUMADSAD

LSB TEACHER

You might also like