You are on page 1of 8

Pagsulat ng Talata at Pag-uugnay ng Sariling Karanasan

Aralin
3 1

Mga Inaasahan

Mapagpalang linggo ng pag-aaral. Tayo ay nasa ikaapat na yugto at huling


bahagi ng ating modyul sa ikatlong baitang.
Layunin ng modyul na ito na malinang sa iyo ang sumusunod na
kasanayan
1. Nakasusulat ng isang talata (F3KM-IVd-3.1)
2. Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan (F3PB-IIa-1 F3PB-Ivc-1)

Sasagutan mo ang mga gawain at pagsasanay sa nakalaang sagutang papel.

Paunang Pagsubok
Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad at MALI
kung di-wasto.

1. Ang karanasan ay bahagi ng buhay ng tao na may hatid na aral.


2. Maaaring iugnay ang kuwentong binasa sa sariling karanasan.
3. Mahalaga ang tamang paggamit ng mga bantas sa pagsulat ng talata.
4. Ang talata ay binubuo ng tatlo o higit pa na hindi magkakaugnay na pangungusap
5. Ang talata ay nagtataglay ng isang paksa o kaisipan.

Balik-tanaw

Sipiin nang wasto at maayos ang talata. Gamitin ang rubrik bilang gabay. Nasisipi
nang wasto ang talata ayon sa:
a. Paggamit at pagsulat ng malaking titik- 2 puntos
b. Paggamit at pagsulat ng maliit na titik- 2 puntos
c. Paggamit ng wastong bantas- 1 puntos

Modyul sa Filipino 3
Ikaapat na Markahan: Ikatlong
Linggo
Si ana ay may Bisikleta. ang bisikleta niya ay kulay dilaw. Dalawa ang gulong nito. Mahilig
magbisikleta si ana tuwing hapon. ito ang gamit niya papunta sa palaruan. May mga kalaro siya
at may bisikleta rin sila.

Pagpapakilala ng Aralin

Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong sa ibaba at ilagay ang sagot sa
sagutang papel.

Aray! Ang sakit!


Likha ni Gng. Charrize Anne J. De Guzman

Masayang nakipaglaro si Roy sa kaniyang mga kaibigan. Nagtaguan sila sa malawak na


parke. Naisip ni Roy na magtago sa likod ng puno. Boom! Alice! Boom! Caloy! sigaw ni
Emman na siyang taya. Di nagtagal ay nakahanap si Roy ng pagkakataong lumabas. Mabilis
siyang tumakbo kaya hindi niya napansin ang basurahan sa kaniyang daraanan. Nadapa si Roy
at sumubsob.
Nagasgasan ang kaniyang tuhod at kamay. “Aray! Ang sakit!” sigaw niya dahil sa sakit na
naramdaman. Tinulungan siya ng kaniyang mga kaibigan.
Hinugasan ang kaniyang sugat upang maalis ang mga dumi at dugo. Nalungkot ang lahat sa
kinahinatnan ng kanilang paglalaro.

1. Ano ang naramdaman ng nagsasalita sa umpisa ng kuwento?


A. malungkot B. masaya C. nagalit D. natakot
2. Anong Larong Pinoy ang nilaro ng magkakaibigan sa parke?
A. taguan B. palayok C. palo-sebo D. tumbang preso
3. Ano ang nangyari kay Roy?
A. Nahulog sa butas.
B. Nadulas sa parke.
C. Nadapa at sumubsob.
D. Nasemplang sa bisikleta.
4. Ano ang ginawa ng mga kaibigan ni Roy matapos ang pangyayari?
A. Iniwan siya sa parke.
B. Tinulungan siyang tumayo at nilinisan ang mga sugat niya.
C. Umuwi sila sa bahay at nagsumbong sa nanay ni Roy.
D. Nagpatuloy sila sa paglalaro.
5. Ano ang gagawin mo kung ikaw ay isa sa mga kaibigan ni Roy?
A. Aalis na lang ako at uuwi sa bahay.
B. Maghahanap ako ng bago kong kalaro.
C. Iiwan ko siya at maglalarong muli.
D. Tutulungan ko siya at aakayin pag-uwi sa kanilang bahay.

Modyul sa Filipino 3
Ikaapat na Markahan: Ikatlong
Linggo
Mga Gawain
Bago ka magpatuloy sa mga pagsasanay na inihanda ko para sa iyo, ipapaliwanag ko
muna ang mga paksang nakapaloob sa mga kasanayan na dapat mong matutuhan tulad ng
pagsulat ng talata at pag-uugnay ng kuwento sa iyong sariling karanasan.

TALATA -ay lipon o grupo ng mga pangungusap na bumubuo ng isang kaisipan. Ito ay isang
maikling katha na binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may
layunin at pag-unlad ng kaisipang nakasaad sa pamaksang pangungusap.

Ang karanasan ay bahagi ng buhay na may hatid na aral. Nakatutulong ang pag-uugnay ng
karanasan sa kuwentong binabasa upang lubos itong maunawaan.

Gawain 1.1
Ayusin ang mga pangungusap sa ibaba upang makabuo ka ng isang talata.

Pagkatapos, inayos na din niya ang kaniyang mga gamit sa pag-aaral. Isang Lunes ng
umaga, masayang gumising si Nathan.
Dumiretso siya sa kusina upang kumain ng almusal. Isinunod niya ang
pagsipilyo at paglinis ng katawan.
Sa huli, handa na siyang sumagot ng modyul sa Filipino.

Gawain 1.2
Iugnay ang mga sitwasyon sa sariling karanasan. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.

1. Dumating ang iyong tatay mula sa trabaho. Ano ang gagawin mo?
A. Pagsasaraduhan ko siya ng pinto.
B. Ipaghahanda ko siya ng pagkain at damit.
C. Ipagsasawalang-bahala ko ang kaniyang pagdating.
2. Naglilinis ang iyong nanay ng bakuran. Ano ang dapat mong gawin?
A. Kukuha ako ng walis at tutulungan ko siya.
B. Panonoorin ko siyang magwalis at aalis ako pagkatapos.
C. Kukunin ko ang mga basura at ikakalat sa harap ni nanay.
3. Nakita mong nabasag ng iyong kapatid ang baso. Ano ang dapat mong gawin?
A. Isusumbong ko siya kay nanay.
B. Tutulungan ko siyang linisin ito.
C. Aasarin ko siya hanggang umiyak.

Modyul sa Filipino 3
Ikaapat na Markahan: Ikatlong
Linggo
4. Paano mo maipakikita ang iyong pagsuporta sa iyong ate na nag- aaral para sa
pagsusulit?
A. Bibigyan ko siya ng tubig at pagkain.
B. Pupunitin ko ang kaniyang mga papel.
C. Itatago ko ang kaniyang mga aklat at gamit.
5. Paano mo matutulungan ang iyong lola sa pagluluto ng hapunan?
A. Uutusan ko si kuya na tulungan si lola.
B. Huhugasan ko at iaayos ang mga sangkap na gagamitin ni lola.
C. Hihiwain ko ang mga gulay kahit ayaw niyang gumamit ako ng kutsilyo.
D.

Tandaan

 Ang karanasan ay bahagi ng buhay na may hatid na aral.


 Ito ay maaring karanasan mo o ng ibang tao.
 Nakatutulong ang karanasan upang maunawaan ang ating binabasa.

Ang talata ay binubuo ng tatlo o mahigit pa na magkakaugnay na pangungusap.


Ang bawat pangungusap sa talata ay kailangan kaugnaysa
Pag-alam sa mga
pangunahing kaisipan o paksa ng
Natutuhan
talata.
A. Sumulat ng isang talata batay sa iyong karanasan. Ang talata ay tungkol sa pag-
Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Talata:
aaral mo sa asignaturang Filipino gamit ang modyul. Gamitin ang rubrik bilang
1. Nakasulat
gabaysasa
gitna ang pamagat.
pagsulat.
2. Dapat na may pasok o indensiyon sa pasimula ng talata.
3. Dapat may espasyo na palugit sa kaliwa at kanan ng papel.
4. Nagsisimula sa malaking titik ang bawat unang titik ng pangungusap, ginamit na
tiyak na ngalan at pamagat ng talata

5. Gumamit ng wastong bantas sa mga pangungusap tulad ng ( . , !?)

Modyul sa Filipino 3
Ikaapat na Markahan: Ikatlong
Linggo
“Ang Aking Pag-aaral Gamit ang Modyul”

Gamitin ang pamantayang ito sa pagbibigay ng iskor sa sarili.

Mga Pamantayan Iskor

Ang talata ay:


Magkakaugnay ang mga pangungusap Wasto ang
paggamit ng mga bantas Tama ang gamit ng maliit 5
at malaking letra
May iisang paksa na tinatalakay
Ang talata ay:
Magkakaugnay ang mga pangungusap Wasto ang
paggamit ng mga bantas 4
Hindi tama ang gamit ng maliit at malaking letra

Ang talata ay: 3


Magkakaugnay ang mga pangungusap Hindi
ginamitan ng wastong bantas Ginamitan ng maliit at
malaking letra na salita
Ang talata ay:
Hindi ginamitan ng wastong bantas
Hindi ginamitan ng maliit at malaking letra na salita 2

B. Basahin ang kuwento sa ibaba. Iugnay ang mga sitwasyon sa sariling


karanasan at sagutin ang mga tanong. Isulat ito sa sagutang papel.

Makikinig na po ako
Sulat ni: Gng. Charrize Anne J. De Guzman
Si Ella ay mahilig kumain ng tsokolate at iba pang matatamis na mga pagkain. Unti-unti
din siyang tumataba dahil dito. Minsan ay nalilimutan niyang magsepilyo pagkatapos kumain.
Pinagsasabihan siya nang kaniyang mga magulang na bawasan ang pagkain ng matatamis at
laging magsepilyo. Hindi ito sinusunod ni Ella. Isang araw ay nagising siya dahil sa sakit ng
kaniyang ngipin. Iyak siya nang iyak dahil hindi niya makaya ang sakit. Nagising ang kaniyang
nanay dahil dito. Alam ko na ang nangyari. “Magbihis ka at pupunta tayo sa dentista,”ang wika
ng nanay ni Ella. Takot si Ella na pumunta ng dentista ngunit alam niya na maaaring lumala ang
kaniyang nararamdaman. “Makikinig na po ako sa inyo nanay, “ang pangako ni Ella sa kaniyang
ina.

Modyul sa Filipino 3
Ikaapat na Markahan: Ikatlong
Linggo
1. Ano ang hilig kainin ni Ella?
2. Bakit sumakit ang ngipin niya?
3. Ano ang gagawin mo upang hindi sumakit ang iyong ngipin?
4. Sino ang dapat mong puntahan kung sakaling sumakit ang iyong ngipin?
5. Tutularan mo ba si Ella? Bakit?
6.

Pangwakas na Pagsusulit
Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat ang letra nang
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Bakit mahalaga na maiugnay sa sariling karanasan ang kuwentong binabasa? Ito
ay mahalaga dahil
A. ito ang nais ng sumulat
B. ito ang hinihingi ng guro
C. nakaaaliw itong gawin
D. mas mauunawaan ang kuwento kung maiuugnay ito sa sariling
karanasan
2. Paano mo maipakikita ang iyong pagsuporta sa iyong bunsong kapatid na
nag-aaral para sa pagsusulit?
A. Aagawan ko siya ng lapis at papel.
B. Aayain ko siyang maglaro sa labas.
C. Itatago ko ang kaniyang mga modyul.
D. Tutulungan ko siyang mag balik-aral sa kaniyang mga leksyon.
3. Ano ang tawag sa grupo ng magkakaugnay na pangungusap na may isang paksa
o kaisipan?
A. talata B. parirala C. pangungusap D. sanaysay
4. Aling pangungusap ang hindi nagsasaad ng katangian ng isang talata.
A. Ang talata ay ginagamitan ng mga bantas.
B. Gumagamit ng maliit at malaking titik sa pagsusulat ng talata.
C. Kailangan magkatugma ang mga salitang gagamitin sa talata.
D. Ang talata ay binubuo ng tatlo at higit pang magkakaugnay na pangungusap.
5. Piliin ang angkop na pangungusap upang mabuo ang talata sa ibaba.
“Ang Modyul”
Ako ay mag-aaral sa ikatlong baitang. Nadaragdagan ang aking
kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral gamit ang modyul. Mahirap man sa una subalit kung
ito ay babasahin at uunawaing mabuti, magiging madali na lamang sa huli .
A. Dahil sa modyul naipagpapatuloy ko ang aking pag-aaral ngayong pandemya.
B. Nais kong mag-aral nang mabuti gamit ang modyul.
C. Masayang mag-aral ng modyul.
D. Mabuti naman at may modyul na magagamit.

Modyul sa Filipino 3
Ikaapat na Markahan: Ikatlong
Linggo
Pagninilay

Sumulat ng isang talata base sa iyong karanasan. Ang talata ay tungkol sa pagkasabik mong
pumasok sa paaralan matapos ang pandemya. Gamitin ang rubrik bilang gabay sa pagsulat.
“Masaya Akong Papasok sa Paaralan”

Iskor:

Gamitin ang pamantayang ito sa pagbibigay ng iskor sa sarili.

Mga Pamantayan Iskor

Ang talata ay:


Ginamitan ng wastong bantas
Ginamitan ng maliit at malaking letra na salita 5

Ang talata ay:


Ginamitan ng wastong bantas
Hindi ginamitan ng maliit at malaking letra na salita 3

Ang talata ay: 3


Hindi ginamitan ng wastong bantas Ginamitan ng
maliit at malaking letra na salita
Ang talata ay:
Hindi ginamitan ng wastong bantas
Hindi ginamitan ng maliit at malaking letra na salita 1

Katangi-tangi ang iyong ipinakitang kahusayan! Buong puso kitang binabati dahil
napagtagumpayan mo ang pagsagot sa modyul na ito

Modyul sa Filipino 3
Ikaapat na Markahan: Ikatlong
Linggo
FILIPINO 3
SAGUTANG
PAPEL
Ikaapat na Markahan- Ikatlong Linggo
Pangalan: Guro: Pangkat:
Iskor: Petsa:
V. PAG-ALAM SA NATUTUNAN
I. PAUNANG PAGSUBOK:
1. A.
2.
3.
4.
5.

II. BALIK TANAW:

B.

1.

2.
III.PAGPAPAKILALA NG ARALIN
1.
2.
3.
3.
4.
5.
4.
IV. MGA GAWAIN
GAWAIN 1.1
5.

V. PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1.
2.

. 3.
GAWAIN 1.2 4.
1. 5.
2.
3. VI. PAGNINILAY
4. MAMARKAHAN NG GURO
5. ANG SAGOT NG BATA
BASE SA RUBRIKS.

Modyul sa Filipino 3
Ikaapat na Markahan: Ikatlong
Linggo

You might also like