You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
San Rafael West District
MAGUINAO ELEMENTARY SCHOOL
Third Quarter CHERRY C. HERNANDEZ Mother Tongue 3 March 17, 2021
I.LAYUNIN
A.Pamantayang Ang mag-aaral ay matututong matukoy ang iba’t ibang bahagi ng pahayagan.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Magagawa ng mag-aaral na kilalanin at ibigay ang kahulugan ng bawat bahagi ng
Pagganap pahayagan.

C. Mga Kasanayan sa Natutukoy ang iba’t ibang bahagi ng pahayagan


Pagkatuto Values: Pagiging mapagmasid sa nangyayari sa bansa

Isulat ang code ng MT3SS-IIIi-i-12.3


bawat kasanayan
II.NILALAMAN Pagtukoy Sa Mga Bahagi ng Pahayagan
KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga pahina sa Pahina 249 - 250
gabay ng guro
1.Mga Pahina sa Pahina 282-286
Kagamitang Pang
Mag-aaral
2.Learner’s Materials Pahina p. 282
Pages
3.Mga pahina sa Pahina 145
Curriculum Guide
4.Karagdagang Powerpoint Presentation
Kagamitan Mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Iba Pang Tarpapel, tsart ng tula, mga larawan, powerpoint presentation, tunay na bagay,
Kagamitang Panturo laptop

III.PAMAMARAAN
A.Balik-aral sa Punan ang patlang ng angkop na panghalip pananong.
nakaraang aralin at/o
pagsisimula sa bagong 1.______ ipagkakaloob ang medalya ng karangalan?
aralin (ACTIVITY)) 2.______ naganap ang aksidente?
3.______ ang bili mo sa gitarang ito?
4.______ sa dalawa ang pipiliin mo?
5.______ ang kulay ng kagitingan?

Maglaro Tayo!
B.Paghahabi sa layunin
ng aralin Tumawag ng 6 na bata at hatiin sa dalawang pangkat. Bubuuin ng bawat pangkat
(ABSTRACTION) ang puzzle na ibibigay ng guro. Ang unang pangkat na makabuo ng larawan ang
mananalo.
Pagpapakita ng larawan ng isang batang nagtitinda ng dyaryo?

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


Ano ang hawak ng bata sa larawan?
Nakakita na ba kayo ng dyaryo? Nakabasa na ba kayo nito?

Sagutin ang tanong.

Si Morris ay nagtitinda ng dyaryo sa umaga para makatulong sa kanyang mga


magulang. Ang halaga ng dyaryo na kanyang tinitinda ay 8 piso kada piraso. Siya
ay nakapagbenta ng 12 pirasong dyaryo sa isang araw. Magkano ang kabuuang
halaga ng kanyang napagbentahan sa isang araw?

Kung ikaw si Morris, paano ka mkatutulong sa iyong mga magulang?

C.Pag-uugnay ng mga Ipabasa ang maikling kwento.


halimbawa sa layunin
ng aralin
(ABSTRACTION)
Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang binabasa ng Lolo tuwing umaga?

2. Sino ang nagtanong kay Lolo tungkol sa kanyang binabasa?

3. Ano-ano ang mga mababasa sa pahayagan?

4. Sino ang maaaring magbasa ng pahayagan?

5. Bakit mahalagang magbasa ng pahayagan?

Pagtalakay sa bahagi ng pahayagan.

Bahagi ng Pahayagan

Pangunahing Balita- naglalaman ng pangunahin at pinakamalaking balita sa


bansa.

Editoryal- dito nababasa ang pangunahing kuro-kuro ng patnugutan.

Anunsyo Klasipikado- bahagi ng pahayagan na naglalaman ng mga impormasyon


tungkol sa anunsyo tulad ng bagong bahay, bagong sasakyan, trabaho atbp.

Palakasan- kung gusto mong malaman kung anong koponan sa basketball o iba
pang isport ang nanalo.

Obituwaryo- naglalaman ng mga pangalan ng namatay na tao.

Lathalain- nagpapahayag ng artikulo tungkol sa isang tao, lugar, o bagay na nais


ilathala.

Negosyo- naglalaman ng takbo ng hanapbuhay, ekonomiya at negosyo sa bansa.

Libangan- naglalaman ng artikulo tungkol sa talaan ng pelikula at iba pang


libangan.

Pagpapakita ng tunay na pahayagan o dyaryo.

 Paano nakatutulong sa ating buhay ang pahayagan?

 Bakit mahalaga ang dyaryo o pahayagan?

 Sang-ayon ka ba na ibalik ang pagtangkilik ng mga mamayan sa pagbili ng


dyaryo o pahayagan? Pangatwiranan.
D.Pagtalakay ng
bagong konsepto at Itaas ang kung ang pangungusap ay naglalahad ng tamang bahagi ng
paglalahad ng bagong pahayagan at naman kung hindi.
kasanayan #1
(ANALYSIS) _____1. Nais ni Karl na maghanap ng bagong trabaho kaya
tinignan niya ito sa Pangunahing Balita ng pahayagan.

_____2. Nalaman ni Jubz kung sino ang nanalo sa laro ng PBA


kagabi sa pahina ng Palakasan.

_____3. Gusto ni Ysha malaman kung paano nanalanta ang


malakas na bagyo kaya binasa niya ang Obituwaryo sa
pahayagan.

_____4. Dahil natapos na sa gawaing bahay si Rea, siya ay


nagbasa ng komiks sa Lathalain.

_____5. Sa Obituwaryo ko nalaman ang detalye ng mga namatay


na tao.

E. Pagtalakay ng
bagong konsepto at Magpapakita ng dice na may larawan ng iba’t ibang bahagi ng halaman ang guro.
paglalahad ng bagong Ihahagis ng bata ang dice at sasabihin ang bahagi ng halaman na makikita sa
kasanayan #2
ibabaw ng dice. Sasagutin ng bata nag katumbas na tanong nito.
(ABSTRACTION)

____1. Iba pang tawag sa Editoryal.


____2. Makikita rito ang mga anunsyo para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay
bahay, lupa, sasakyan at iba pang kagamitang ipinagbibili.
____3. Kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan
____4. Nakasaad dito kung saan at kailan nakaburol ang namatay.
____5. Makikita rito ang mga crossword, komiks at horoscope.
F. Paglinang sa (Tungo sa formative assessment)
Kabihasaan
(Tungo sa formative “Halu-Letra”
assessment)
(ANALYSIS)

Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang tamang sagot. Gamitin ang mga
palatandaan na ibinigay sa pangungusap. Isulat ang nabuong salita sa sagutang
papel.

1.Naglalaman ng takbo ng hanapbuhay, ekonomiya at negosyo ng bansa.


E O Y G S O N

2.Naglalaman ito ng ng mga balita tungkol sa isports.


A N A S P A L A K

3.Dito nababasa ang pangunahing kuro-kuro ng patnugutan.


T L A O R Y E I D

4.Naglalaman ng artikulo tungkol sa talaan ng pelikula, artista at iba pang sining.


I L A A G N B N

5.Naglalaman ng detalye ng namatay na tao.

T R O Y A B O I U W

G. Paglalapat ng Pangkatin ang klase sa 4 na pangkat.


aralin sa pang-araw-
araw na buhay Ang bawat pangkat ay bibigyan ng iba’t ibang gawainmga gawain. Ipaliwanag ang
(APPLICATION) pamantayan sa paggawa ng pangkatang-gawain.

Pangkat 1

Hanapin ang mga bahagi ng pahayagan. Bilugan ito gamit ang pulang krayola.
Maari itong pahalang, pababa, pahilis at pataas.

N H N P N A G N A B I L R Q U
I R T N P U Z W F B N L Q C Y
A S Y M K L Z P Q D G B C K H
L X O U T Y N L P T Y N M X C
A R B B X B E D I T O R Y A L
H T P V I Q W P C M L P S X Z Pangkat 2
T R P S D T C M N K L P Z X G
A R N S Y N U V M K H M I P C
L R U H G G N W M Q U P X K B Gumuhit ng
Q C B H J K L O A F N K G Y N larawan ng
S G Y H J M B N M R P Z A S M pahayagan at isulat
K K S B M K L L P X Y C N W X
N A S A K A L A P M B O H P X
ang mga bahagi
nito.
Pangkat 3

Magtala ng iba’t ibang pangalan ng pahayagan.

Pangkat 4

Sumulat ng 5 pangungusap gamit ang iba’t ibang bahagi ng pahayagan.


Salungguhitan ang bahagi ng pahayagan na ginamit sa pangungusap.

H. Paglalahat ng
Aralin Ang pahayagan ay may iba’t ibang bahagi. Ito ay ang mga Pangunahing Balita,
(GENERALIZATION Editoryal, Anunsyo Klasipikado, Palakasan, Obituwaryo, Lathalain, Negosyo at
) Libangan.

I.Pagtataya sa Aralin
Punan ang patlang ng tamang bahagi ng pahayagan upang mabuo ang
pangungusap.

1.Ang __________________ ay naglalaman ng mga pangalan ng namatay na tao.


2.Sa __________________ nababasa ang pangunahing kuro-kuro ng patnugutan.
3.Ang bahagi ng pahayagan na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa
anunsyo tulad ng bahay, bagong sasakyan, trabaho at iba pa ay ang
____________________.
4.Ang ______________ ay naglalaman ng pangunahin at pinakamalaking balita sa
bansa.
5.Ang _______________ ay bahagi ng pahayagan na naglalaman ng mga balitang
isports.

J. Karagdagang
Gawain para sa Sumulat ng isang pangako tungkol sa pagpapahalaga sa pahayagan.
takdang-aralin at
remediation Ako si _______________________________________________
ay nangangakong ________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________.

Inihanda ni:

CHERRY C. HERNANDEZ
Guro I

Binigyang-Pansin ni:

DIVINA V. MENDOZA
Dalub Guro II

You might also like