0% found this document useful (0 votes)
77 views4 pages

Detailed Lesson Plan 4th Observation

Ang dokumento ay tungkol sa pagtuturo ng iba't ibang bahagi ng pahayagan sa mga mag-aaral. Tinalakay ang mga bahagi ng pahayagan tulad ng pangmukhang pahina, balitang pandaigdig, balitang panlalawigan at iba pa. Pinag-aralan din ang kahalagahan ng pagbabasa ng balita.

Uploaded by

minda
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
77 views4 pages

Detailed Lesson Plan 4th Observation

Ang dokumento ay tungkol sa pagtuturo ng iba't ibang bahagi ng pahayagan sa mga mag-aaral. Tinalakay ang mga bahagi ng pahayagan tulad ng pangmukhang pahina, balitang pandaigdig, balitang panlalawigan at iba pa. Pinag-aralan din ang kahalagahan ng pagbabasa ng balita.

Uploaded by

minda
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02- Cagayan Valley
Division of the City of Ilagan
Ilagan Northwest District
STA. ISABEL SUR ELEMENTARY SCHOOL
Sta. Isabel Sur, City of Ilagan, Isabela

PAARALAN: STA. ISABEL SUR ELEMENTARY SCHOOL BAITANG/ANTAS: V


GURO: VENIA V. GALASI ASIGNATURA: FILIPINO
PETSA/ ORAS NG
PAGTUTURO: Ika-27 ng Pebrero 2019 MARKAHAN: IKAAPAT
I. LAYUNIN
A. MGA KASANAYANG PAGKATUTO:
Nakikilala ang ibat-ibang bahagi ng pahayagan F5PU-IV eh-2.11
II. NILALAMAN
A. PAKSA: Bahagi ng Pahayagan
III. KAGAMITANG PANGTURO
A. SANGGUNIAN: Filipino Gabay Pangkurikulum pp. 74 , Alab Filipino pp. 196-197
B. KAGAMITAN: PPT Presentation, larawan, tarpapel
IV. PAMARAAN
a. Paghahabi sa layunin ng aralin
Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa larawan.

b. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Pangkatang gawain:

Hanapin ang mga sumusunod na salita sa crossword puzzle.

Mukha Panlalawigan Anunsiyo Isports


Pandaigdig Editoryal Lifestyle Libangan

L P A N L A L A W I G A N
I L A D A C C C F V V D G
F K P A N D A I G D I G F
E M H M U K H A F H T C D
S F F V N C C C C H N D S
T B H I S O R T S H Q G D
Y D L L I B A N G A N V Z
L V H D Y C C C C H H B S
E D I T O R Y A L H H B H
c. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Modelling)
Ang diyaryo o pahayagan ay mayroong bahagi upang maging maayos ang pagbibigay ng balita. Narito
ang ibat-ibang bahagi ng dyaryo. Pag-aralan natin ito:

 Pangmukhang Pahina- Tinataglay nito ang pangalan ng pahayagan at ang mga pangunahong
balita sa araw na iyon.
 Balitang Pandaigdig- Mga balitang nagaganap sa ibat-ibang panig ng mundo ang tinataglay ng
bahaging ito.
 Balitang Panlalawigan- Mga balitang nagaganap sa mga lalawigan o rehiyon sa ating bansa ang
nilalaman ng bahaging ito.
 Pahinang Pangkomersiyo- Dito mababasa ang mga balita patungkol sa kalakalan ekonomiya at
mga negosyo.
 Editoryal/Pangulong Tudling- Tinataglay nito ang opinyon o kuro-kuro ng editor o patnugot
tungkol sa napapanahong isyu.
 Anunsiyong Klasipikado- Dito makikita ang mga anunsiyo para sa ibat-ibang uri ng hanapbuhay,
serbisyo, bahay,lupa, sasakyan at iba pang kagamitang ipinagbibili o kaya’y pinapaupahan.
 Lifestyle- Tinataglay nito ang mga artikulo tunglol sa pinakausong pananamit, sikat na kainan,
pasyalan, pamumuhay, tahanan, paghahalaman, kalusugan, at iba pa.
 Isports- Balitang pampalakasan ang nilalaman ng bahaging ito.
 Libangan- Mga balita tungkol sa artista, ipapalabas sa pelikula, programa sa telibisyon,
concert,play, at iba pa. Naririto rin ang crossword puzzle ,komik strip at horoscope.

d. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2(Guided Practice)


Tukuyin kung anong bahagi ng pahayagan ang akma sa bawat bilang.

1. Nais ni Gerry malaman kung sino ang nanalo sa laro ng PBA kagabi. Saan niya ito maaring mabasa?
2. Naghahanap ng trabaho si mang Tonio, anong bahagi ng pahayagan ang dapat niyang basahin?
3. Gustong malaman ni Betty kung kalian magkakaroon ng concert si Moira Dela Torre?
4. Mahalagang alam mo ang mga nangungunang balita para sa takdang aralin niyo sa Araling
Panlipunan. Saan mo ito unang makikita?
5. Saang bahagi ng pahayagan makikita ang nasa ibaba?

6. Nais ni Jessa magbasa ng artikulo tungkol sa kalusugan. Saang bahagi ng pahayagan niya ito
mahahanap.
7. Saang bahagi ng pahayaganbalitang makikita ang nasa ibaba? “12 magigiting na pulis pinarangalan
sa Isabela”
8. Nais ni Romel magbasa ng balita tungkol sa ibang panig ng mundo, saang bahagi niya ito
mahahanap.

e. Paglalapat ng Aralin sa Pangaraw-araw na buhay


Isulat sa graphic organizer ang kahalagahan ng pagbabasa ng balita.

f. Paglalahat ng Aralin
Ano-ano ang ibat-ibang bahagi ng pahayagan?
Ano-ano ang makikita sa bawat bahagi?
g. Pagtataya ng Aralin

Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng bahagi ng pahayagan sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B
1. Pangmukhang Pahina a. Mga balitang nagaganap sa ibat-ibang
2. Balitang Pandaigdig panig ng mundo ang tinataglay ng bahaging
ito.
3. Balitang Panlalawigan b. Mga balita tungkol sa artista, ipapalabas sa
4. Editoryal pelikula, programa sa telibisyon,
concert,play, at iba pa. Naririto rin ang
crossword puzzle ,komik strip at
horoscope.
5. Annsyong Klasipikado c. Balitang pampalakasan ang nilalaman ng
6. Lifestyle bahaging ito.
7. Isports d. Tinataglay nito ang opinyon o kuro-kuro ng
8. Libangan editor o patnugot tungkol sa
9. Pahinang Pangkomersiyo napapanahong isyu.
e. Tinataglay nito ang mga artikulo tunglol sa
pinakausong pananamit, sikat na kainan,
pasyalan, pamumuhay, tahanan,
paghahalaman, kalusugan, at iba pa.
f. Dito makikita ang mga anunsiyo para sa
ibat-ibang uri ng hanapbuhay, serbisyo,
bahay,lupa, sasakyan at iba pang
kagamitang ipinagbibili o kaya’y
pinapaupahan.
g. Mga balitang nagaganap sa mga lalawigan
o rehiyon sa ating bansa ang nilalaman ng
bahaging ito.
h. Tinataglay nito ang pangalan ng pahayagan
at ang mga pangunahong balita sa araw na
iyon.
i. Dito mababasa ang mga balita patungkol sa
kalakalan ekonomiya at mga negosyo.

h. Karagdadang Gawain o Remediation


Isulat ang tsek (/) kung ang pahayag ay tama at ekis (X) naman kung hindi.
1. Ang mga balitang pangkalusugan ay makikita sa Pahinang Isports.
2. Ang pinakapangunahing balita ay mababasa o makikita sa Pangmukhang Pahina ng pahayagan.
3. Makikita ang mga anunsiyo para sa ibat-ibang uri ng hanapbuhay, serbisyo, bahay,lupa, sasakyan at
iba pang kagamitang ipinagbibili sa anunsyong klasipikado.
4. Aga balita tungkol sa artista, ipapalabas sa pelikula, programa sa telibisyon, concert,play, at iba pa.
Naririto rin ang crossword puzzle ,komik strip at horoscope ay makikita sa balitang pandaigdig.
5. Tinataglay ng Editoryal o Pangulong Tudling ang opinyon o kuro-kuro ng editor o patnugot tungkol
sa napapanahong isyu.
i. Takdang Aralin
Gumupit ng ibat-ibang bahagi ng pahayagan at idikit ito sa iyong notebook at isulat kung anong bahagi
ito.
V. MGA TALA

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

VI. PAGNINILAY
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Observers:

ARLENE RONDINA MARIVIC MACADAEG


Master Teacher 1 Master Teacher 2

You might also like