You are on page 1of 5

Sabjek: Filipino Baitang: III

Petsa: Sesyon: 1
Pamantayang Pangnilalaman Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto
at maayos na pagsulat.
Kompetensi Nasisipi nang maayos at wasto ang mga talata
F3PU-IIIa-e-1.2 F3PU-Iva-e-1.5

I LAYUNIN Naisasa alang-alang ang pagsipi ng talata na may


Kaalaman tamang baybay ng mga salita, palugit sa
magkabilang panig ng papel at pagpasok ng unang
salita sa talata.
Saykomotor Nasisipi nang tama ang isang talata
Apektiv Naisasagawa nang masigla ang gawain
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pagsipi ng Talata
B. SANGGUNIAN Bagong Filipino sa Salita at Gawa, Batayang Aklat
sa Wika pp 199-201
C. KAGAMITANG
PAMPAGTURO
III PAMAMARAAN
Subukin
A. PAGHAHANDA Panuto: Basahin mo ang talatang nasa ibaba.
Pangmotebisyunal na Isulat sa isang buong papel kung ano ang sa
tanong: palagay mo ay mga mali sa talatang ito.
Aktiviti/ Gawaing
Pagsusuri
Masipag Ako
ako si roberta Soriano. Naka tira
ako sa kapalangan gapan city. tuwing umaga ay
naglilinis ako ng aming BAHAY. tinutulungan ko si
naNAY sa mga gawain sa bahay. tumutulong din
ako sa aking mga LOLO at lola sa pagdi dilig sa
kanilang mga halaman.

Ano-ano ang ginagawa mo tuwing bakasyon?


Narasanasan mo na bang mamasyal sa ibang lugar
dito sa Pilipinas?

B. PAGLALAHAD Basahin ang maikling talata na pinamagatang


Abstraksyon “ Ang Pilipinas” mula sa Batayang Aklat sa
( Pamamaraan ng Wika na Bagong Filipino sa Salita at Gawa pahina
Pagtalakay) 200.

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod


na tanong.
1. Ano ang pamagat ng maikling talata na iyong
binasa?
2. Saan nakasulat ang pamagat? Sa ilalim ba o sa
ibabaw ng talata?
3. Sa anong titik nagsisimula ang unang salita ng
talata?
4. Sa anong titik nagsisimula ang mga pangalan ng
lugar sa talata?
5. Pansinin mo ang palugit sa kaliwa at sa kanang
bahagi ng talata. Alin ang higit na malapad na
palugit?

Ang talata ay binubuo ng tatlo o mahigit na


pangungusap. Ang bawat pangungusap ay
nagsasabi tungkol sa isang paksa.
Mayroong mga tuntunin sa pagsipi
ng talata.
1. Sipiin ang wastong baybay ng mga salita.
2. Sipiin nang wasto ang bawat bahagi ng talata.
a. Nakagitna ang pamagat
b. Nakapasok ang unang salita ng talata.
c. May palugit sa kaliwa at sa kanan. Mas
malapad ang palugit sa kaliwa kaysa sa kanan.
d. Nagsisimula sa malaking titik ang unang
salita sa talata . Gayundin sa susunod pang
simula ng pangungusap.
Halimbawa:

Maging Masikap
Noong bakasyon, nag-alaga si Mario
ng dalawang kambing. Tuwing hapon
pagkagaling niya mula sa paaralan ay
pinakakain niya ang mga ito. Ngayon ay
umabot na sa sampung kambing ang
kaniyang alaga. Ang kinikita niya sa pag-
aalaga ng kambing ay kaniyang ibinibigay sa
kaniyang nanay upang pambili ng kanilang
pagkain.________________

C. PAGSASANAY GAWAIN 1
Panuto: Sipiin ang talata . Isulat ito sa isang
buong papel.

Nakabaong Pera sa Lupa


Masisispag ang mga batang sina Don
at Ruel.Kapag walang pasok sa paaralan ay
tumutulong sila sa kanilang tatay sa
pagsasaka.
Tuwing sabado at Linggo ay
sinasamahan nila ang kanilang ama sa paglilinis
at pagtatanim sa bukid. Maraming-marami na
silang tanim. Ipinagbibili nila ang mga ani
nilang gulay sa palengke. Marami ring pera ang
kanilang kinikita.
Tunay ngang may nakabaong pera sa
lupa.

GAWAIN 2
Panuto: Kopyahin sa iyong sagutang papel ang
talata na tungkol sa Siyudad ng Gapan . Iwasto ang
sa palagay mo ay mga dapat iwasto sa talatang ito

Siyudad ng Gapan

Ang Gapan ay isa sa pinaka kilalang


siyudad sa NuevaEcija sa ngayon. Ito ay dahil na
rin sa malinis na kapaligiran at magandang plasa o
night market.
Patuloy rin ang pag-asenso ng gapan dahil
sa mahusay na pangangalaga ng mga namumuno
sa bayan. May disiplina rin ang bawat tao at
sumusunod sa mga alituntunin at tungkulin sa
pamayanan.

D. PAGLALAPAT Gawain 3
Aplikasyon Panuto: Sumulat ng maikling talata tungkol sa
inyong bahay. Sundin ang mga tuntunin sa pagsipi
ng talata.

E. PAGLALAHAT Ang talata ay binubuo ng tatlo o mahigit na


Generalisasyon pangungusap. Ang bawat pangungusap ay
nagsasabi tungkol sa isang paksa.
Mayroong mga tuntunin sa pagsipi
ng talata.
1. Sipiin ang wastong baybay ng mga salita.

2. Sipiin nang wasto ang bawat bahagi ng talata.


a. Nakagitna ang pamagat
b. Nakapasok ang unang salita ng talata.
c. May palugit sa kaliwa at sa kanan. Mas malapad
ang palugit sa kaliwa kaysa sa kanan.
d. Nagsisimula sa malaking titik ang unang salita sa
talata . Gayundin sa susunod pang simula ng
pangungusap.

IV PAGTATAYA Panuto: Sipiin ang talata sa ibaba. Gawin ito sa


iyong sagutang papel.

Halaman at Hayop , Yaman ng


Bansa
Sari-saring halaman at ibat-ibang
hayop ang matatagpuan saanmang dako ng
Pilipinas. Ang mga ibon sa himpapawid , ang mga
isda sa mga ilog at karagatan ay mga yaman ng
bansa.
Ang mga halamang gulay, mga
ornamental na halaman , at malalaking puno sa
mga bundok at gubat ay yaman rin ng ating bansa.

V. TAKDANG ARALIN Panuto: Kumopya ng isang maikling talata sa


isang libro o magasin o dyaryo. Pansinin kung
nasunod mo ang mga tuntunin sa pagsipi ng talata.
Ipabasa ang iyong ginawa sa nakatatandang
kasama mo sa bahay
TUGON:

PAGNINILAY-NILAY:

Inihanda ni :

RAQUEL R. ALAORIA

TANDAAN : Magsanay ng mga Personal na Protocol sa Kalinisan sa Lahat ng Oras.

You might also like