You are on page 1of 4

HEALTH 3

UNANG MARKAHAN

Pangalan ng Bata: _________________________ Baitang : _____


Seksyon: __________________________________ Petsa : _______

LEARNING ACTIVITY SHEET


Pagsuri sa Estilo ng Buhay ng Isang Tao

Panimula

Ang mga pagkain na ating kinanakain at ating mga gawi ay


nagiging batayan ng ating kalusugan.

Ang pagkain ng sapat at tama ay malaking tulong upang


magkaroon pa tayo ng mahaba at malusog na pamumuhay samahan pa
ng pag-eehersiyo na dapat hindi ipinagpapaliban.
Ang layunin ng mga programang pangkalusugan ay ang
magkaroon ng malusog na gawi ang bawat kabataan. Sa pagkakaroon ng
malusog na pamumuhay ng mga bata nakapaloob ang tamang pagkain,
responsibilidad, respeto at pagkakaroon ng magandang pagtingin sa
katawan at sa isip.
Ang mga taong hindi naninigarilyo ay apektado ng mga
gumagamit nito. Lahat ng nakapalibot sa taong naninigarilyo ay
apektado ng binubugang usok nito o ang “second-hand smoke” na
maaring maging sanhi ng sakit na katulad ng sa mga naninigarilyo. Ang
mga bata ang pinaka apektado ng second-hand smoke kung mayroong
taong laging naninigarilyo sa bahay.
Mayroon ding tinatawag na third-hand smoke. Ito ang usok na
nananatili o kumakapit sa buhok, balat, damit, mga gamit sa bahay at
laruan na maari ring maging sanhi ng malubhang sakit.

Kasanayang Pampagkatuto o Kompetensi


Nasusuri ang estilo ng buhay ng isang tao ( H3N-Ij-20)

Gawain 1:
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga
sumunusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Si Mang Cardo
Si Mang Cardo ay laging umiinom ng alak sa tindahan. Madalas na
siya ay napapaaway. Natatakot sa kaniya ang kaniyang pamilya lalo na
ang kaniyang mga anak dahil madali siyang magalit. Mabilis ang
pagbagsak ng kaniyang timbang dahil hindi siya nakakakain nang wasto
at mas gusto pa niyang uminom ng alak.

1. Ano ang masasabi mo kay Mang Cardo?

2. Sa iyong palagay, mabuti ba sa kalusugan niya ang kaniyang


ginagawa? Bakit?

3. Ano ang maipapayo mo sa kaniya?

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga
sumunusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Ang Tatay ni Luisa


Ang tatay ni Luisa ay mahilig manigarilyo sa loob ng tahanan.
Madalas ito ay nalalanghap ng mga kapatid niya. Minsan ay inubo si
Robert, ang bunso sa pamilya. Dinala siya sa doktor at tinanong kung
may naninigarilyo sa pamilya. Akala ng Nanay ni Luisa na hindi naman
ito makakaapekto sa kanilang mga anak dahil ang tatay lang naman ang
naninigarilyo. Ipinaliwanag ng doktor ang tungkol sa third-hand
smoking.

1. Sino ang mahilig manigarilyo?

2. Malusog na gawi ba ang paninigarilyo? Bakit?

3. Ano ang maipapayo mo sa tatay ni Luisa?


Gawain 3 :
Panuto: Piliin ang makabubuti sa ating kalusugan. Kopyahin ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

A B E
C D

F H
G

L
K
J

M N O

Sanggunian:
Cristo, Rizaldy R. et.al, Music Art Physical Education and Health
Kagamitan ng Mag-aaral pahina 459-462

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
Ang mga sagot ay depednde sa nais ng bata
Gawain 1
Ang mga sagot ay depednde sa nais ng bata
Gawain 3
A, D, F, G, H, I, K, L, M, N
Inihanda ni:

RAQUEL R. ALAORIA
Guro III, KES

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include


this in All Learning Activity Sheets.

You might also like