You are on page 1of 6

HEALTH 3

UNANG MARKAHAN
Pangalan ng Bata: _____________________Baitang: __________
Seksyon: ____________________________Petsa: _______________

LEARNING ACTIVITY SHEETS


Pagtukoy sa mga Problema sa Nutrisyon
Panimula (Susing Konsepto)
Noong taong 2013 ay ibinalita ng National Nutrition Council
of The Philipines na 80 porsiyento ng mga batang malnourished ay
naninirahan sa 20 bansa. Isa sa mga bansang ito ang Pilipinas. Ang
pinaka pangunahing sanhi ng malnutrisyon dito sa ating bansa ay ang
tinatawag na Protein-Energy Malnutrition o (PEM), ito ay ang
kakulangan sa pagkain na mayaman sa protina at enerhiya .
Isa rin sa mga itinuturing na dahilan kung bakit tumataas ang
bilang ng mga kabataang kulang sa timbang sa bansa ay ang
problema sa kahirapan, at kawalan ng pagkain, kaayusan at kawalan
ng sapat na kaalaman ng mga ina sa paghahanda ng masustansiyang
pagkain para sa pamilya.
larawan ng mga batang dumaranas ng
protein-energy malnutrition

Sintomas at Palatandaan ng Protein-Energy Malnutrition


1. Madaling mapagod
2. Magaan o kulang sa timbang, payat
3. Mabagal na paglaki
4. Malaki at namamaga ang tiyan
Epekto ng Protein-Energy Malnutrition
1. Mahina o matamlay at sakitin
2. Natitigil o bumabagal ang paglaki

Upang makaiwas at makontrol ang ganitong uri ng malnutrisyon ay


kinakailangang kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina at
pagkaing nagbbigay enerhiya.
1. Kumain ng isda at iba pang lamang dagat
2. Kumain ng mga beans gaya ng monggo, taho at tokwa
3. Kumain din ng karne gaya ng manok, baboy at baka
4. Masustansiya at mayaman sa protina ang laman loob gaya ng atay ,
balun-balunan, puso
5. Mayaman din sa protina at pampalakas ang itlog , gatas, keso
6. Mainam din sa katawan ang mga buto gaya ng kasoy, pili at mani

Ang protina ang tinatawag na building blocks ng katawan.


Kailangan sila sa pagsasaayos ng mga nasirang tisyu ng katawan.

Ang carbohydrates naman ang pangunahing


pinanggagalingan ng lakas ng katawan.
Lahat ng ating kinakain ay mayaman sa carbohydrates. Ang
carbohydrates ay pangunahing pinanggagalingan ng lakas ng ating
katawan. Mahalaga ang lakas na nakukuha natin mula sa carbohydrates
upang magawa natin ang maraming bagay. Ang kanin, harina, mais,
patatas at lamang ugat ay pangkaraniwan sa carbohydrates.

Bukod sa pagkain ng mga pagkaing masusustansiya


kinakailangan rin na maging malinis sa katawan upang makaiwas sa
sakit .

Kasanayang Pampagkatuto o Kompitensi


Natutukoy ang mga Problema sa Nutrisyon
(H3N-Icd-13).
Gawain 1
Panuto: Tingnan ang sumusunod na larawan. Piliin kung alin sa
mga ito ang mga pagkaing pampalusog. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel

gulay sopas isda

prutas hotdog itlog softdrinks

Gawain 2
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang Oo kung ang pahayag ay
dulot ng kakulangan sa protina at enerhiya at Hindi naman kung hindi
ang iyong sagot.

_________1. Mahina o matamlay at sakitin


_________2. Malaki at namamaga ang tiyan
_________3. Makinis ang kutis at malusog ang buhok
__________4. Madaling mapagod
__________5. Malakas ang pangangatawan

Gawain 3
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel kung Tama o Mali ang mga
sumusunod na pangungusap.
_________1. Ang batang malusog ay umiinom ng gatas araw- araw.
_________2. Ang protina ang tinatawag na “building
blocks ng ating katawan
_________3.Ang carbohydrates ay pangunahing pinanggagalingan ng
lakas ng ating katawan.
________ 4. Ang batang kumakain ng junkfoods ay siguradong
magiging malusog.
__________5. Ang pagiging malinis sa katawan ay isang paraan upang
makaiwas sa pagkakasakit.
Mga Sanggunian:
Music Art Physical Education and Health, Kagamitan ng mag-aaral
-Pahina 417-422
Music Art Physical Education and Health, Teacher’s Guide
Pahina 360-361
google.com/search?sxsrf=ALeKk01-
jYlmagNQOupPfkwi3B1HOMpv4w:1596608189716&source=univ&tbm=isch&q=caricature+of
+a+healthy+boy&sa=X&ved=2ahUKEwja5vj_tIPrAhXayosBHVEFDVkQ420oCnoECAoQKg
&biw=1350&bih=624#imgrc=FpuURPuYUsoqjM
https://mediko.ph/malnutrisyon-problema-ng-kahirapan-sa-pilipinas/

https://www.google.com/search?
q=caricature+of+a+child+with+protein+energy+malnutrition&sxsrf=ALeKk00xrK-
9SQ6DlCk2QBBRHSW1pvsAjQ:1596977510822&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=eHu5P2VEKWuMaM
%252CJR9ekh47raXJEM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kTxADg2qpR3bljx1S2K9ovvfLZLaQ&sa=X&ved=2ahUKEwjbsfzplI7rAhXKEqYKHbKuBK0Q9QEwAHoECAoQ
BQ&biw=1350&bih=575#imgrc=ys_C3nO_WzohlM

Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1
sopas, itlog, isda, gulay, prutas
Gawain 2
1. Oo
2. Oo
3. Hindi
4. Oo
5. Hindi
Gawain 3
1.Oo 4. Hindi
2.Oo 5. Oo
3. Oo
Inihanda ni:
RAQUEL R. ALAORIA
Guro III, KES

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please


include this in All Learning Activity Sheets.

You might also like