You are on page 1of 4

HEALTH 3

Unang Kwarter/Ikalimang Linggo


Pangalan ng Bata: ________________ Baitang: ___________
Seksyon: ___________________________ Petsa: _____________

LEARNING ACTIVITY SHEET


PARAAN NG PAG-IWAS SA IBA’T- IBANG ANYO NG
MALNUTRISYON

Panimula (Susing Konsepto)

Ang food pyramid ay isang modelo na nilikha at dinisenyo na maging


gabay sa paghahanda ng sapat na dami ng masustansiyang pagkain. Nilikha ito
upang magkaroon ng malusog na pangangatawan ang isang bata at madaling
malabanan ang anomang uri ng malnutrisyon.

Pag-aralan ang food pyramid guide. Pinapakita rito kung gaano kadami
ang nararapat na ihanda upang maging sapat ang kakainin ng isang batang
katulad mo.

4 Kaunti lamang

3 Tamang-tama lang

2 Marami

Mas marami
1

Level 1: Carbohydrates Pagkaing nagbibigay ng lakas sa


katawan.
Level 2: Bitamina at Pagkaing tagapagsaayos ng takbo
Mineral ng katawan.
Level 3: Protina Pagkaing tagapagbuo ng katawan.
Level 4: Fats and Oils Pagkaing tumutulong sa pagdaloy ng
ilang mga bitamina sa buong
katawan.

Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates, protina, taba,


bitamina, at mineral ay may kaukulang sapat na dami. Sa pamamagitan nito ay
tiyak na malabanan ang malnutrisyon. Kapag kakaunti at kulang sa sustansiya ang
kakainin hahantong ito sa undernutrisyon. Ang pagkain naman ng sobrang-sobra
1
ay hahantong sa overnutrition. Kaya kinakailangang sapat ang dami sa paghahanda
ng kakainin upang malabanan at malayo sa anumang uri ng malnutrisyon ang mga
batang katulad mo.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipapaliwanag ang paraan ng pag-iwas sa iba’t- ibang anyo ng
malnutrisyon (H3N-Ief-15)

Panuto
Ang Learning Activity Sheet na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral sa
Ikatlong Baitang. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit nito:

1. Ingatan at gamitin ng wasto ang kagamitan sa pagkatuto na ito. Iwasang


sulatan ang alinmang bahagi nito.
2. Maghanda ng sagutang papel o kagamitan na gagamitin sa mga
pagsasanay.
3. Basahing mabuti ang mga panuto/direksiyon bago simulan ang bawat
pagsasanay.
4. Maging matapat sa pagsagot sa mga pagsasanay.
5. Tapusin muna ang unang gawain bago dumako sa susunod na gawain.
6. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
7. Pakibalik ang kagamitan na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Umaasa ako, sa pamamagitan ng kagamitan na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Gawain 1
Basahin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (✓) ang pahayag na
nagsasaad na malalabanan ang anumang uri ng malnutrisyon ( X ) kung hindi.
1. Iwasan ang pagkain ng may sapat na nutrisyon.
2. Ang balance diet ay panatilihin.
3. Ang palagiang pagkain ng matatamis ay nakabubuti sa ating katawan.
4. Nararapat na may prutas sa hapag-kainan.
5. Kumain nang sapat na dami ng pagkain upang maging aktibo at
manumbalik ang tiwala sa sarili.

2
Gawain 2
Punan ng tamang sagot ang patlang upang mabuo ang bawat
pangungusap. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat sa isang papel.

malnutrisyon kaunti

malabanan protina

carbohydrates Tamang-tama

1. Ang pagsunod sa Food Pyramid Guide ay isang paraan upang __________


ang malnutrisyon.
2. Ang pagkaing mayaman sa _____________ ay nagbibigay lakas sa ating
katawan.
3. _____________ lamang ang dapat kainin ng mga pagkaing mayaman sa
protina.
4. Kinakailangan __________ lamang ang kainin sa mga pagkaing mayaman sa
“fats at oils” upang maiwasan ang overnutrition.
5. Malabanan ang _____________ kung ikaw ay kumain nang sapat.

Gawain 3
Tingnan ang dalawang bata, ano-ano ang dapat nilang gawin upang
malabanan ang malnutrisyon? (5 puntos)

A B

1. __________________________________________________
2. __________________________________________________
3. __________________________________________________
4. __________________________________________________
3
5. __________________________________________________

Repleksyon
Ang pagpili ng sapat na pagkaing base sa food pyramid guide ay isang
paraan upang malabanan ang malnutrisyon. Ang mga batang katulad mo ay
nararapat na kumain ng mga masusustansiyang pagkain at kumain nang sapat
lamang. Kung ikaw ay kakain ng mga pagkain nang higit sa tamang dami, ano
ang maaaring mangyari sa iyong katawan?Normal ba ito sa iyong katawan?

Mga Sanggunian
Music Art Physical Education and Health 3, Kagamitan ng Mag-aaral pahina 425-
426

Music Art Physical Education and Health 3, Patnubay ng Guro pahina 384-385

https://www.slideshare.net/edithahonradez/3-health-lm-q1

Inihanda ni:

CATHERINE L. FAJARDO
Guro I, SCES

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.


Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

1. x
2. /
3. x
4. /
5. /

Gawain 2
1. Malabanan
2. Carbohydrates
3. Tamang-tama
4. Kaunti
5. Malnutrisyon

Gawain 3
Maaaring iba-iba ang sagot (5 puntos)

You might also like