You are on page 1of 13

Lesson Exemplar in Science Using the IDEA Instructional Process

Learning Area SCIENCE


Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led Modality)
LESSON School SAN ILDEFONSO ES Grade 3
EXEMPLAR Teacher JAZTINE M. HERNANDEZ Subject SCIENCE 3
Date/ Time March 25, 2021 Grading THRID GRADING
MELC 16 Number of Days 1 DAY

I. OBJECTIVES
A. Content Standards Demonstrate understanding of sources and uses of heat and
light.
B. Performance Standards Apply knowledge of the sources and uses of heat and light.
C. Most Essential Learning Describe the different uses of light and heat in everyday life.
Competencies (MELC) (MELC 16)
D. Enabling Competencies
II. CONTENT Pinagmulan at Gamit ng Liwanag at Init

III. LEARNING RESOURCES


A. References
a. Teacher’s Guide Pages PIVOT 4A BOW WITH MELCs p. 122
b. Learner’s Material Pages PIVOT 4A LM- Module Science Ikatlong Markahan pp.19-25
c. Textbook Pages
d. Additional Materials from K to 12 Most Essential Learning Competencies
Learning Resources Pictures, activity sheets
B. List of Learning Resources for
Development and Engagement
Activities
IV. PROCEDURES
A. Introduction A. Balik-aral
Tingnan at suriin ang mga larawan. Ilarawan
kung paano masasabing gumalaw ang mga
bagay. Tingnan ang halimbawa.

1. Ang kahon ay nailipat sa


isang lugar dahil sa lakas
ng hila ng mga bata.

B. Panimulang gawain
Laro: Hulaan mo ang nasa larawan! (APPROACH: GAMES BASED
LEARNING)
Pagpapakita ng mga larawan.
Napansin mo Ba ang mga bagay sa larawan? Ito ang nagbibigay ng
liwanag at init sa atin.

A. Development A. Pagganyak
Panonood ng video habang sinasabayan ang awit
.(ICT UTILIZATION)
https://www.youtube.com/watch?v=CMOYt3vAqa0

Mga tanong:
1.Ano ang nagpapasaya sa batang babae?
2.Anong bagay ang ayaw alisin ng bata sa kanyang pang araw
araw na buhay?
3.Sa inyong palagay, ano ang liwanag na tinutukoy sa awit?

Basahin at unawain ang kuwento, pagkatapos ay sagutin ang


mga sumusunod na tanong sa ibaba.

Ang Batang Si Allan

Isinulat ni: Elizabeth S. Hernandez


Masunuring bata si Allan. Lahat ng bilin ng kaniyang
Nanay ay kaniyang sinusunod. Tulad ng pagsusuot ng
sumbrero at pagsasalamin upang maprotektahan ang kanyang
sarili sa init at sikat ng araw.
Paborito ni Allan ang mga nilulutong ulam ng kaniyang
Nanay. Nagluluto ang kaniyang Nanay gamit ang kalang de-
uling. Matapos magluto, agad niya itong hahanguin gamit ang
panapo o basahan upang mailagay sa hapag-kainan. “Nanay,
bakit po kayo gumagamit ng basahan kapag naghahango ng
nilulutong pagkain?”, tanong ko kay Nanay. “Mahalaga ito
upang hindi ka mapaso o mainitan,” sagot ni Nanay.
“Napakahalaga rin ng init, ano po nanay?” muling pang-uusisa
ko. “Oo, anak. Dahil sa init nakapagpapatuyo tayo ng ating
mga damit, nakapagluluto ng pagkain, at nakatutulong din ito
sa halaman upang lumago at mabuhay,” tugon ni Nanay.
Habang kumakain, nagpatuloy sa pag-uusap ang mag-
ina. “Naalala ko nga po pala, naituro na rin po ni Gng.
Hernandez sa aming klase na ang pangunahing
pinagmumulan ng liwanag at init ay ang araw, at mayroon din
po itong dalawang uri, ang “artificial” o di-tunay na bagay na
gawa ng tao, at ang natural o tunay ay mga bagay naman po
na gawa ng Diyos,” masayang sinabi ko kay Nanay. “O, anak
busog na ako sa kwento mo ah! Ha-ha-ha,” ang natutuwang
tugon ni Nanay.
Nagustuhan mo ba ang kuwento? Alam kong marami kang
natutunan sa kuwentong iyong binasa, ngayon naman,
subukin mong sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Developing HOTS questions
1.Ilarawan si Allan bilang isang bata.
2.Ano ang pangunahing pinagmumulan ng liwanag?
3.Ano-ano ang dalawang uri ng liwanag? Ipaliwanag ang
pagkakaiba nito.
4.Magbigay ng mga halimbawa ng wastong paraan ng
paggamit ng liwanag na binanggit sa kuwento.
5.Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili laban sa
matinding sikat ng araw?
6. Paano mo naman mapangangalagaan ang iyong sarili
kapag nasa labas ka at nakikipaglaro sa iba? CSE
INTGRATION
7. Sa panahong ito ng pandemya, maaari ba tayong lumabas
ng bahay upang maglaro? Bakit ?

B. Paglalahad ng konsepto Ngayon, mas higit mong


mauunawaan ang pinagmulan ng liwanag, ang mga
halimbawa nito, kung paano ito ginagamit, at ang
wastong paraan ng paggamit ng liwanag upang hindi
ito masayang.
Isa-isahin natin nang lalo mo pang maintindihan.
(STRATEGY: CONTEXT BASED LEARNING)
A. Araw - Pangunahing pinagmumulan ng liwanag at
nakatutulong upang lumago at mabuhay ang mga
halaman at nagbibigay ng enerhiya sa solar power
bilang pamalit sa kuryente.
B. Dalawang Uri ng Liwanag:
1. Natural na Liwanag - Ito ay liwanag na nilikha
ng Diyos. Ito ay nagbibigay ng liwanag sa gabi.
Mga Halimbawa: araw, buwan, at bituin
2. Artipisyal na Liwanag - Ito ay liwanag na gawa
lamang ng tao dahil ito ay napoproseso upang
magamit sa pang-araw-araw na gawain.
Mga Halimbawa: kandila, solar power,
bombilya, at flashlight

C. Gamit ng Liwanag
Ito ay nakatutulong sa mga pang-araw - araw na
gawain at natutugunan ang ating pangangailangan, ilan
sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
Ang mga halaman ay nakagagawa ng pagkain
dahil sa liwanag na nanggagaling sa araw.
Ang mga ilaw trapiko (traffic lights) ay tumutulong
upang makontrol ang daloy ng trapiko sa daan.
Ang mga parola (lighthouses) ay ginagamit upang
gabayan ang mga barko sa madilim na lugar, ito rin
ay nagbibigay ng bababala kung may panganib.
Ang mga maliliwanag na ilaw ay ginagamit upang
pagandahin ang paligid, gaya ng mga nakikita sa
parke at pasyalan.
Gawain 1:
Isulat ang 3 kung ang mga sumusunod na
pinanggagalingan ng liwanag at init ay natural at 6
naman kung ito ay artipisyal. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

_____1. araw
_____2. buwan
_____3. streetlight
_____4. kandila
_____5. ilaw ng mga sasakyan
_____6. bombilya
_____7. flashlight
_____8. siga (bonfire)
_____9. lampara
_____10. kalan (LPG)
B. Engagement Upang higit nating maunawaan ang ating aralin, narito pa ang ilang
gawain na ating uunawain at sasagutan.
Gawain 2:
Maglista ng mga bagay na pinanggagalingan ng
liwanag at init. Pangkatin ito tulad ng talaan sa
ibaba.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Nagbibig Nagbibigay ng init Nagbibigay ng


ay ng parehong
liwanag liwanag at init

Gawain 3: ARTS integration


Gumuhit ng iba pang mga gamit na hindi nabanggit sa
nakaraang mga gawain na matatagpuan sa inyong bahay at
paligid na nagbibigay ng init at liwanag. Isalaysay kung paano
ito gumamagamit ng init at liwanag. Kopyahin ang talaan sa
ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Bagay na pinanggagalingan ng liwanag Gamit ng liwanag

Bagay na pinanggagalingan ng init Gamit ng init

Assimilation Tingnan at suriin ang mga larawan. Tukuyin ang pinagmulan ng


liwanag at kung paano ito ginagamit. Gawin mo ito sa iyong
kuwaderno.

LARAWAN :

PINANGGAGALINGAN PINANGGAGALINGAN
NG LIWANAG NG LIWANAG

Paglalahat:
Ano ang pagkakaiba ng natural na liwanag at artipisyal na liwanag?

Pagtataya:
Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang / (tsek) kung ito ay
nagsasaad ng gamit ng liwanag at init at X (ekis) naman kung hindi.
____1. Pagpapatuyo ng nilabhang damit sa pagbibilad nito sa
arawan.
____2. Nakikita natin ang mga bagay sa paligid at nagagawa ang mga
bagay-bagay dahil sa liwanag at init.
____3. Kailangan ng halaman ang sikat ng
araw upang
makagawa ito ng sarili niyang pagkain.
____4. Ang power plants ang pinanggagalingan ng koryente na dahilan
upang magkaroon ng ilaw ang mga tahanan.
____5. Maaaring panggalingan ng init ang kalan.
V. REFLECTION Bilang pangwakas, sagutan ang concept map.

Isulat ang hinihingi sa bawat kahon upang mabuo


ang concept map. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Liwanag at init
Natural na Artipisyal na
pinangagalingan pinangagalingan
ng Liwanag at ng Liwanag at

Gamit ng Liwanag Gamit ng init

Prepared by :
JAZTINE M. HERNANDEZ
Teacher I

Noted:
ELITA S. GARCIA
Principal I

You might also like