You are on page 1of 32

Yunit 3: Puwersa, Galaw at Enerhiya

DRAFT
April 10, 2014
Chapter 1: Moving Objects

1
Agham 3

I. Layunin
Nailalarawan ang posisyon ng bagay kaugnay ng ibang
bagay.
II. Paksang-Aralin:
Kabanata 1: Gumagalaw na mga Bagay
Aralin 1: Paglalarawan ng Posisyon ng Isang bagay Kaugnay
ng Ibang Bagay
Gawain 1: Ano ang aking posisyon?
Sanggunian:
S3FE-IIIa-b-1
Kagamitan
Mga tunay na bagay gaya ng mesa o silya , cabinet, bola,
pinto, mga lobo
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
Laro: Hanapin Mo Ako
Pagsasagawa ng laro:
 Bumuo ng malaking bilog ang mga mag-aaral.
 Pumili ng dalawang batang magsisislbing
panimulang manlalaro.Hayaang pumagitna sila.
Piringan ang mga mata ng isang bata . Huwag hayaang
makalabas ang 2 ng bilog. Patayuin ang batang walang
piring sa isang lugar sa bilog.Hahanapin ng nakapiring na
bata ang batang walang piring habang sinusundan ang
boses nito.
 Palakpakan ang bata kung matunton niya ang
batang hinahanap.
 Gawin ito ng 2 beses lamang.
Itanong Paano natunton ng batang may piring ang
kinaroroonan ng batang walang piring?
B. Panlinang na Gawain

2
1. (Batay sa Laro)
 Ipasagot sa mfga bata ang dahilan kung bakit
natunton ng batang may piring ang batang walang
piring.
 Hayaang magbigay ng mga opinion ang iba pang
bata.
 Ipaliwanag ang kahulugan ng posisyon batay
Sa larong isinagawa.
2. Paglalahad ng Aralin
Pangkatang Gawain
 Pamantayan sa Paggawa
 Mga Hakbang sa Paggawa
1. Iayos ang mesa o silya sa isang puwesto na
nais ng pangkat. Lagyan ito ng label A bilang
unang posisyon.
2. Ilagay ang iba pang bagay na nakatala sa
kagamitan sa iba’t ibang lokasyon sa kanan,
kaliwa, ilalim, ibabaw, tabi .
3. Itala ang mga posisyon ng nasabing bagay
kaugnay ng posisyon ng mesa o silya.
Hal. Ang bola ay nasa ibabaw ng mesa.
4. Maari ding iguhit nila ang mga posisyon.
3. Pag-uulat ng bawat pangkat at pagproseso ng mga
sagot/ impormasyon.
4. Pagbubuo ng konsepto
Paano malalaman ang posisyon ng isang bagay?
5. Konsepto
Ang posisyon ng mga bagay ay maaring matukoy sa
pamamagitan ng posisyon nito relatibo o kaugnay ng
ibang bagay.
6. Paglalapat
Masdan ang mga larawan ng bagay sa isang silid.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa posisyon ng mga
bagay. Piliin sa kahon ang tamang salita.

Kanan kaliwa itaas ibabaw katabi ilalim, gitna loob

3
1. Ang ilawan ay nasa _______ ng plorerang may bulaklak.
2. Ang larawan ay nasa ________ng orasan.
3. Ang halaman ay nasa _______ng cabinet.
4. Ang cabinet ay nasa _______ng maliit na upuan.
5. Ang mahabang upuan ay nasa ______ng larawan.
6. Ang orasan ay nasa ______ng cabinet.
7. Ang dalawang unan ay nasa ______ng mahabang upuan.
8. Ang mga bulaklak ay nasa _______ ng plorera.
9. Amg mesa ay nasa _____ ng dalawang upuan.
10. Ang plorera ay nasa ______ng mesa.
IV. Pagtataya

Isulat ang wastong salita na naglalarawan ng posisyon ng tao,


hayop o bagay na nasa larawan. Pumili ng angkop na salita
sa kahon.
ibabaw Likod kanan Mesa kabinet
harap kaliwa bata
ilalim

4
a. Ang aklat ay nasa _______ng ___________.

b. Ang bola ay nasa _____________


ng _____________.

c. Ang pinto ay nasa _____________


Ng _____________.

d. Ang pusa ay
nasa_____________ ng
_____________.

e. Ang mga lobo ay ____ng


kamay ng ________.

V. Takdang –Aralin
Magdala ng mga de-bateryang laruan gaya ng kotse, trak
at iba pa.

5
Agham 3

I. Layunin
Nailalarawan ang lokasyon ng isang nagalaw na bagay
II. Paksang-Aralin
Kabanata 1: Gumagalaw na mga Bagay
Gawain 2 : Paano malalaman na Nagalaw ang isang
bagay?
Sanggunian
S3FE-IIIa-b-1
Mga kagamitan
meter stick kotseng laruan o de
baterya
II. Pamamaraan
III. A. Panimulang Gawain
 Pagwawasto ng Takdang-Aralin
 Balik-aral:
Paano mo matutukoy ang lokasyon ng isang bagay?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Patayuin ang mga bata. Palakarin sila ng paharap,
pagilid. Dalawang hakbang sa harap. Dalawang
hakbang pabalik. Itanong kapag humakbang kayo ng
2 hakbang paharap? Naib aba ang inyong lokasyon?
2. Paglalahad
Pangkatang Gawain.
(Maaring isagawa sa loob o labas ng silid-aralan.
 Pamantayan sa Paggawa
 Pagsasagawa
(Kung sa loob ng silid-aralan)
1. Gamit ang yeso,Gumuhit ng isang linya sa isang
gilid ng mesa. Lagyan ito ng Label ng “simula.”

6
2. Ilagay ang bateryang laruan sa likod ng linya
gaya ng nakalarawan sa ibaba.
Simula

3. Itulak ang laruan o paandarin ito kung de-baterya.


4. Lagyan ng marka kung ito ay hihinto. Simula / Hinto stop
5. Gamitin ang meter stick, sukatin ang distansya o
pagitan mula “ simula” hanggang sa huminto ang
laruan. Sa notebook sagutin ang mga tanong.
start

stop

meter

a. Ano ang lokasyon ng laruang kotse bago ito


ginalaw/itinulak?
b. Gaano kalayo ang narating nito?
c. Ano ang lokasyon nito matapos gumalaw o
naitulak?
d. Ano ang batayang guhit o pinagmulang guhit nito
na tutumutkoy o nagpapahayag na gumalaw o
nagalaw ito?

7
3, Pangkatang pag-uulat ng kanilang obserbasyon
at pagproseso ng mga sagot
4. Pagbubuo ng Konsepto
Paano ninyo masasabi na nagalaw ang isang
bagay?
5. Konsepto:
Ang isang bagay ay nagalaw kapag ito ay
nagbago ng lokasyon mula sa batayang guhit
(reference point)
6. Paglalapat
Masdan ang larawan.

Tanong: Kailan ninyo masasabi na gumalaw ang kotse mula


lokasyon 1?
IV. Pagtataya
Masdan ang larawan. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

8
1. Nasaan ang tao sa itaas ng barko? ____________
2. Nasaan ang barko?_______________
3. Paano nyo nasabi na gumalaw ang tao sa ibabaw ng
barko?_____________________
4. Ano ang batayan na gumalaw ang barko?___________
5. Ano ang nababago kapag gumalaw ang isang bagay?
____________
V. Takdang-Aralin
Mgadikit ng larawan sa notebook na nagpapakita ng
halimbawa ng paggalaw ng bagay.

9
Agham 3

I. Layunin
Nailalarawan ang iba’t ibang paraan ng paggalaw
ng bagay
II. Paksang-Aralin
III. Kabanata 1: Gumagalaw na mga Bagay
Gawain 3 : Paano mo magagalaw ang mga
bagay?
Sanggunian
S3FE-IIIa-b-1
Mga kagamitan
Halu-halong bagay (Halimbawa: pambura, lapis,
notebook,susi, barya) mesa
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagwawasto ng Takdang-aralin
 Balik-aral
Paano malalaman na nagalaw ang isang bagay?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Maraming paraan ang paggalaw ng mga bagay. Alamin
natin nag mga paraang ito.
2. Paglalaha dng Aralin
Pangkatang Gawain
 Pamantayan sa paggawa
 Pagsasagawa
1. Kumuha ng 5 maliliit na bagay sa loob ng inyong bag.
Ilagay ang mga ito sa ibabaw ng mesa o ng sahig. 2.
Pagalawain ang mga ito sa iba’t ibang paraan.

10
Talahanayan 1: Iba’t ibang paraan ng paggalaw ng
mga bagay

Bagay Paano ko ito ginalaw?

Halimbawa: Itinulak ko ng mga daliri


pambura Iniangat ng kamay ko

1.

2.

3.

4.

5.
3. Pag-uulat ng mga pangkat at Pagproseso ng
mga naitalang paraan ng paggalaw ng bagay.
4. Pagbubuo ng Konsepto
Anu-ano ang mga paraan ng paggalaw ng mga
bagay?
5. Konsepto
Ang mga bagay ay maaring gumalaw sa
pamamagitan ng pagtulak, paghila, pag-angat o
pagbuhat, paggulong at iba pang paggamit ng
puwersa o lakas sa mga bagay.
6. Paglalapat
Tukutin kung anong paraan maigagalaw ang mga
sumusunod.
1. Pagsara ng pinto
2. Paglipat ng mesa
3. Pagbura ng pisara
4. Paggamit ng wheelbarrow
5. Paglipat ng sofa

11
V. Pagtataya
Isulat ang paraan ng paggalaw ng bagay na
inilalarawan ng mga larawan.

__________1.

__________2.

__________3.

__________4.

__________5.
VI. Takdang-aralin
Magsaliksik tungkol sa iba pang paraan ng
paggalaw ng bagay.

12
Agham 3

I. Layunin:
1. Ilarawan kung paano naigagalaw ng
hangin ang mga bagay.
2. Makagawa ng wing wheel
II. Paksang-Aralin
Kabanata 1: Gumagalaw na mga Bagay
Paglalarawan ng Paggalaw ng mga Bagay sa
Pamamagitan ng Hangin
Gawain 4: Paggawa ng Wind Wheel
Sanggunian
S3FE-IIIa-d-2
Kagamitan
Lapis na may pambura , papel, paperclip, tape
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagwawasto ng Takdang-Aralin
 Balik-aral
Anu-anong paraan ang paggalaw ng
mga bagay na napag-aralan natin.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Bakit gumagalaw ang mga dahoon ng
puno? Ano ang maaaring dahilan nito?
2. Paglalahad ng Aralin
Pangkatang Gawain
Pagsasagawa ng Gawain
1. Gumawa ng wind wheel. Sundin ang mga hakbang sa
pagsasagawa nito sa pamamagitan ng pagsunod sa
larawan.

13
-Hawak ang hawakan ng nagawang wind wheel ,
pagalawin ito. Subukan ang iba’t ibang paraan sa
paggalaw nito.
- Anu-ano ang mga paraan na naisagawa ang pag-ikot ng
wind wheel ?
a. Ano ang nagpaikot sa wind wheel ?
b. Masdan ang kapaligiran ng silid-aralan . Anong mga
bagay ang maaring galawin ng hangin?.
2. Pag-uulat ng mga bata at pagproseso ng mga sagot
sa mga tanong.
3. Pagbubuo ng Konsepto
Ano ang nagpagalaw o nagpa-ikot ng inyong wind wheel?
4. Konsepto
Ang hangin ay may lakas o puwersa na maaring
magpagalaw o magpaikot ng mga bagay.
5. Paglalapat
Anu-ano ang natatangay ng malakas na hangin kung may
bagyo?
Magtala ng 5 bagay.
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek (/) kung hangin ang nagpagalaw at
ekis (X) kung Hindi.

_____1. ______4.

_____2. ______5.

_____3.
V. Takdang-Aralin
Magdikit ng mga larawan na nagpapakita na ang
nagpagalaw ng mga bagay an gang hangin.

14
Agham 3

I. Layunin:
1. Nailalarawan kung paano naigagalaw ng tubig
ang mga bagay
2. Nakagagawa ng bangkang papel
II. Paksang-Aralin:
Kabanata 1: Gumagalaw na mga Bagay
Paggalaw ng mga Bagay sa Pamamagitan ng Tubig
Gawain 5: Paggawa ng Bangkang papel
Sanggunian
S3FE-IIIa-d-2
Mga Kagamitan
Plangganang may tubig, papel,
tape
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagwawasto ng takdang-aralin
 Balik-aral
Ang mga barkong may layag ay pinagagalaw ng anong
puwersa?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Kapag malakas ang ulan ano ang nagiging epekto nito sa
Metro Manila? (Bumabaha)
Ano ang maaring matangay ng baha? Bakit kaya nitong
tumangay ng mga bagay?
2. Paglalahad ng Aralin
 Pamantayan sa paggawa
 Pagsasagawa ng pangkatang gawain
Gawain 5 Paggawa ng Bangkang Papel

15
a. Gagawa tayo ng bangkang papel. Sundan ang mga
hakbang sa larawan.

b.Hawakan ang bangkang papel at hayaang lumutang ito


sa tubig. Galawin ito sa loob ng malaking plangganang may
lamang tubig sa pamagitan ng iba’t ibang kaparaanan.
Itala ang mga obserbasyon sa notebook.
 Anu-ano ang mga paraan ng pagpapagalaw ng
inyong Bangka sa tubig?
a. Ano ang nagpagalaw sa inyong Bangka?
3. Pag-uulat ng bawat pangkat at pagtalakay sa mga
sagot sa tanong
4. Pagbubuo ng Konsepto

16
Ano ang nagpagalaw sa bangkang papel sa
planggana?
5. Konsepto
Ang tubig ay may puwersang nagpapagalaw sa mga
bagay sa ibabaw nito gaya ng Bangka , barko, balsa at
iba pang sasakyang pantubig.
6. Paglalapat
Magtala ng mga bagay na maaring pagalawin o
tangayin ng tubig baha.
1-5
IV. Pagtataya
Isulat ang tsek (/) kung tama ang pangungusap at ekis (X)
kung mali.
_____1. Ang tubig ay may puwersa.
_____2. Maaring tangayin ng malaka sna agos kahit
malalaking bagay gaya ng bahay o kotse.
_____3. Ang baha ay halimbawa ng pagpapakita na ang
tubig ay may puwersang nagpapagalaw.
_____4. Hindi nagpapagalaw ng bagay ang agos ng ilog.
_____5. Natatangay ng malakas na agos kahit ang mga
malalaking troso mula s akabundukan.
VI. Takdang-Aralin
Saliksikin ang epekto ng pagbaha sa ating rehiyon
kapag tag-ulan o may bagyo.

17
Agham 3

Layunin:

1. Nailalarawan kung paano nakagagalaw ng mga


bagay ang magnet o batubalani
2. Natutukoy ang mga bagay na maaring
maigalaw ng magnet o batubalani
II. Paksang-Aralin
Kabanata 1: Gumagalaw na mga Bagay
Aralin 2: Paglalarawan ng Lokasyon o Posisyon ng mga
Bagay Matapos itong Galawin
Paggalaw ng mga Bagay Gamit ang Magnet o
batubalani
Gawain 1: Galawin Ito!
Sanggunian
S3FE-IIIa-d-2
Mga Kagamitan
( 15 cm) sari-saring mga bagay na metal (hair pin, small
nails, round Paperclip , magnet o batubalani , cardboard (15
cm ) fastener, eraser, crayon, mga tansan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagwawasto ng takdang-aralin
 Balik-aral
Paano naigagalaw ang bangkang papel sa tubig?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Nakakita na ba kayo ng magnet o batubalani? Ano ang
nagagawa nito?
2. Paglalahad ng Aralin
Pangkatang Gawain

18
 Pamantayan sa Paggawa
 Paraan ng Pagsasagawa
a. Ilagay ang paperclip sa ibabaw ng kardbord.
b. Hawakan ang magnet o batubalani sa ilalim nito.
c. Subukang maglagay ng iba pang mga bagay na
sa ibabaw ng kardbord metal. Pagalawin isa-isa ang
mga bagay na ito.
d. Itala sa notebook ang mga nakatala
sa talahanayan at isulat ang mga bagay na inilagay
ninyo sa ibabaw ng kardbord sa Hanay A at ang sagot
namn sa Hanay B.

A B
Mga Gumalaw ba ito?
Bagay

paperclip Oo

e. Anong mga bagay ang napagagalaw ng magnet o


batubalani?
f. Sa anong materyales gawa ang mga ito?
3. Pag-uulat ng bawat pangkat at Pagproseso ng mga sagot
4. Pagbubuo ng Konsepto
Sa anong materyales gaw aang mga bagay na napagalaw ng
magnet o batubalani? Bakit?
5. Konsepto:

19
Ang magnet o batubalani ay maaring magpagalaw sa mga
bagay na gawa sa metal. Dumidikit dito ang mga metal na
bagay dahil sa atraksyon.
6. Paglalapat
Lagyan ng Tsek(/) ang mga bagay na mapagagalaw ng
magnet o batubalani at Ekis (X) kung hindi.
_____1. Papel
_____2. Perang papel
_____3. Tansan
_____4. Pako
_____5. Paperclip
IV. Pagtataya
Isulat ang Oo kung mapagagalaw ng magnet at Hindi
kung hindi mapagagalaw ng magnet o batubalani.

_____1.

_____2.

_____3.

_____4.

_____5.
V. Takdang-Aralin
Magdikit sa notebook ng mga bagay o kasangkapang
pinagagalaw ng magnet o batubalani.

20
Agham 3

I. Mga Layunin
1. Nakikilala/ Natutukoy ang mga polo ng magnet o
batubalani
2. Nahihinuha na ang magnet o batubalani ay may
dalawang polo
3. Nasasabi na ang magkaparehong polo ay
nagtutulakan palayo at ang magkaibang polo ay
nagdidikit sa isa’t isa
4. Nahihinuha na ang lakas ng magnet o batubalani ay
nasa mga polo nito
II. Paksang-Aralin
Kabanata 1: Gumagalaw na mga Bagay
Gawain 2: Nagdidikit o Nagtutulakan Palayo
Sanggunian
S3FE-IIIa-d-2
Mga kagamitan
Mga Paperclip (metal) magnet o batubalani
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagwawasto ng Takdang-Aralin
 Balik-aral
Anong mga bagay ang dumidikit sa batubalani o
magnet? Bakit?
B. Panlinang Na Gawain
1. Pagganyak
Anong bahagi ng magnet o batubalani ang may
malakas na atraksyon sa metal?
2. Paglalahad ng Aralin
Pangkatang Gawain
 Pamantayan sa Paggawa
 Paraan ng Pagsasagawa

21
1. Maglagay ng bar magnet o batubalani sa
loob ng kahong may mga paperclip.

2. Buhatin ang bar magnet . Itala sa inyong


notebook ang mga sagot sa sumusunod na
mga tanong:
 Dumikit ba nag mga paperclip sa magnet o batubalani?
 Anong bahagi ng magnet dumikit ang mga paperclip?
 Ano ang ibig ipahiwatig nito sa laka sng magnet o batubalani?
3. Kumuha ng 2 bar magnet . Pagdikitin ang magkabilang
polo (Hilaga sa Hilaga o Timog sa Timog).
4. Pagdikitin din ang magkasalungat o magkaibang polo (
Timog sa Hilaga o Hilaga sa Timog)
 Nagdikit baa ng mga polong magkapareho?
 Ano ang nagyari sa magkaibang polo?
 Kailan sila nagdikit o nagkaroon ng atraksyon?
 Kailan sila nagtulakan palayo sa isa’t isa?
 Iguhit ang posisyon ng mga magnet ng magdikit at magtulakan
palayo.

3. Pag-uulat ng bawat pangkat at pagproseso ng


mga sagot
4. Pagbubuo ng Konsepto
Kailan magkakaroon ng atraksyon ang mga
magnet o batubalani? Kailan sila magtutulakan?
5. Konsepto
Kapag nagdikit ang Hilaga at Timog na mga polo o
magkaibang polo sila ay nagkakaroon ng atraksyon
at nagdidikit (attract). Kapag magkaparehong polo
ang pinatabi sila ay magtutulakan palayo sa isa’t isa
(repel).

22
6. Paglalapat
Saan ginagamit ang lakas ng mga magnet o
batubalani?
Ang magnet ay nagpapagalaw ng mga makina o
mga kagamitan gaya ng electric fan, washing
machine, at iba pang kasangkapan sa bahay.
Pinagagalaw din nito ang mga makina o robot na
nagbubuhat ng mabibigat na bagay sa mga
pagawaan ng sasakyan o mga bakal na
kagamitan.Bahagi na ito ng makabagong
teknolohiya sa paggawa.
IV. Pagtataya
Isulat ang Oo kung magdidikit at Hindi kung
magtutulakan palayo ang mga magnet o batubalani
sa larawan.

e)
V. Takdang Aralin
 Magdidikit ng magkapareho at magkaibang polo
ng magnet o batubalani. Iguhit ang resulta ng
sariling eksperimento.
 Magdala ng mg akotseng laruan na hindi remote
control o de- baterya

23
Agham 3

I. Mga Layunin:
1. Nailalarawan ang iba’t ibang paraan ng
pagpapagalaw o pagpapaandar ng laruang kotse.
2. Natutukoy ang mga bagay na makapagpapagalaw
sa laruang kotse.
II. Paksang-Aralin
Kabanata 1: Gumagalaw na mga Bagay
Gawain 2: Ready, Set, Go!
Sanggunian
S3FE-IIIa-d-2
Mga Kagamitan
Mga laruang kotse, Magnet Pamaypay
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagwawasto ng Takdang-aralin
 Balik-aral
Ano ang dalawnag polo ng magnet o batubalani?
Kailan sila nagdidikit o may atraksyon at kalian
nagtuutlakan palayo?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ano ang mga bagay na maaaring magpagalaw s alaruang
kotse na dala ninyo?
2. Paglalahad ng Aralin
Pangkatang Gawain
 Pamantayan s apaggawa
 Paraan ng Pagsasagawa
1. Magkaroon ng karerahan ng laruang kotse. (Ipinadala
sa kanila)
2. May apat na karera.

24
Karera 1: Isang bata ang nakatalaga sa bawat laruang
kotse na magtutulak nito mula sa simulang guhit. Ang
unang kotseng makarating sa Huling guhit o linya ang
mananalo.
Karera 2: Isang bata ang hihila ng laruang kotse mula s
asimulang guhit. Ang unang kotseng makarating sa
huling guhit o linya ang mananalo.
Karera 3: Gamit ang pamaypay ng isang bata simula
unang guhit hanggang huling guhit. Ang unang
makarating sa huling guhit ang mananalo.
Karera 4: Gamit ang magnet o batubalani sa pagtulak
ng kotse hanggang sa huling guhit. May isang magnet
na nakadikit sa kotse at ito ang itutulak ng isa pang
magnet o batubalani.Ang unang makarating sa huling
linya ang mananalo.
Mga tanong

a. Anu-anong paraan ang nagpagalaw sa mga kotse?Itala


ang mga ito.
3. Pag-uulat ng bawat pangkat at pagproseso ng mga
sagot
4. Pagbubuo ng Konsepto
Anu-anong paraan ang ginamit upang mapagalaw ang
laruang kotse?
5. Konsepto
Ang pagtulak at paghila ng bagay ay magpapagalaw
nito. Gayundin ang hnagin at magnet o batubalani.
6. Paglalapat
Isulat kung ano ang nagpapagalaw sa mga bagay na ito.

_____1. _____2.

25
______3. _______4.

______5.

IV. Pagtataya
Isulat kung Tulak, Hila, Hangin o Magnet ang
nagpapagalaw s amga bagay na nas alarawan.

______1. _______2.

______3. __________4.

______5.
V. Takdang-Aralin
VI. Magdikit ng mga halimbawa ng mga larawang
nagpapakita ng paggalaw ng mga bagay
sa pamamagitan ng pagtulak, paghila, hangin at
magnet o batubalani.Magdala ng mga laruang kotse.

26
Agham 3

I. Mga Layunin
1. Nailalarawan ang galaw ng bagay kung
mabilis o mabagal
2. Nailalarawan ang gala wng isang bagay
kung pasulong o paurong (pabalik).
II. Paksang-Aralin
Kabanata 1: Gumagalaw na mga Bagay
Aralin 3: Paglalarawan sa Ibat’ibang paraan
ng Paggalaw ng Bagay
Gawain 1: Mabilis o Mabagal. Pasulong o
Paurong
Sanggunian
S3FE-IIIa-d-2
Kagamitan
Mga Laruang Kotse
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagwawasto ng Takdang-aralin
 Balik-aral
Anu-ano ang maaring makapgpagalaw
ng mga bagay?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Naobserbahan ba ninyo kung paano umandar o gumalaw
ang inyong mga nasakyang dyip, kotse o anong uri man ng
transportasyon ito ?
2. Paglalahad ng Aralin
Pangkatang Gawain
 Pamantayan sa Paggawa
 Paraan ng pagsasagawa
1. Lagyan ng label ang mga laruang kotse ng “1” at“2”.
2. Markahan ang sahig ng Simulang linya o Guhit.

27
3. Ilagay ang dalawang kotse sa likod ng simulang guhito
linya.
4. Sumukat ng isang metro mula sa simulang guhit.
Gumuhit ng linya.
Simulang Guhit/Linya 1-m na Linya

Sabay na dahan-dahang itulak ang dalawang kotse . Itulak ng


mahina ang isa, at malakas namn ang pangalawa. Itala ang
obserbasyon sa notebook .
Alamin:
 Alin sa 2 kotse ang unang nakarating sa 1 metrong linya?
 Alina ng mas mabilis sa 2? Bakit?
 Ano ang ginawa ninyo upang mapabilis ang takbo ng kotse?
Bakit?
 Ano ang ginawa ninyo upang mapabagal ang takbo ng
kotse?
 Paano ninyo ito itiunlak pasulong o paurong?
 Ano ang gagawin ninyo upang tumakbo ang kotse ng
paurong?
3. Pag-uulat ng bawat pangkat at pagproseso sa mga
sagot
4. Pagbubuo ng Konsepto
Paano mapabibilis ang takbo ng kotse? Paano ito
mapababagal?
5. Konsepto
Ang pagtulak ng malakas sa kotse ay nagpapabilis

28
sa takbo nito samantalang ang mahinang pagtulak ay
nagpapabagal dito. Ang pagtulak sa harap ay
nagpapatakbo o nagpapaandar dito ng paurong
samantalang ang pagtulak nito sa likurang bahagi ay
nagpapaandar nito ng pasulong.
6. Paglalapat
Ano ang ginagawa sa totoong kotse upang ito ay
bumagal ? Paano naman ito patatakbuhin ng mabilis?
(Pag-apak ng madiin(malakas na puwersa) sa
accelerator at pag-apak nito ng marahan o mahinang
puwersa)
IV. Pagtataya
Isulat kung mabilis o mabagal ang gumagalaw o
umaandar na bagay.

__________1. ________2.

__________3. __________4.

__________5.
V. Takdang-Aralin
Alamin kung ano ang nagpapabilis sa mga
gumagalaw na bagay?
Magdala ng mga sumusunod: gomang may
ibat’ibang kulay para sa bawat kasapi ng
pangkat
garter

29
Agham 3

I. Mga Layunin:
1. Nailalarawan ang gawaing pagbanat o paghatak
(stretching) at napapaiksi (compressing) ng mga
bagay
2. Pangalanan ang mga bagay na maaring mabanat
(mahatak) o napapaiksi
II. Paksang-Aralin
Kabanata 1: Gumagalaw na mga Bagay
Aralin 3: Paglalarawan sa Ibat’ibang paraan ng
Paggalaw ng Bagay
Gawain 2: Nababanat ba ito o Napapaiksi?
Sanggunian
S3FE-IIIa-d-2

Mga Kagamitan
garter mga goma
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagwawasto ng Takdang-Aralin
 Balik-aral
Paano mo ilalarawan ang takbo o galaw ng bagay
na pinaandar gamit ang malakas na puwersa? Ang
pinaandar ng mahinang puwersa?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Paano ginagamit ang tirador? Anong mayroon ito?
2. Paglalahad ng Aralin
Pangkatang Gawain
 Pamantayan sa Paggawa
 Paraan ng pagsasagawa

30
1. Bawat kasapi ng pangkat ay may isang goma, Dapat
ay iba’t ibang kulay ang goma.

2. Bawat pangkat ay nasa posisyon sa likod ng


minarkahang guhit.

3. Banatin ang mga goma at pakawalan ng sabay-sabay.


Itala s abnotebook ang mga sagot sa mga sumusunod na
tanong:

a. Ano ang nangyari nang pakawalan ninyo ang goma?


b. Kaninong gom aang malayo ang narating?
c. Kaninong goma ang malapit sa guhit pagkatapos
pakawalan?
d. Anong mga bagay ang maaring mabatk gaya ng
goma? Magbigay ng 2 halimbawa.

4. Ang susunod na gagamitin ay ang garter. Pahabain ito.


a. Paano ninyo ito mapapahaba?

5. Paiksiin ito.Make the garter shorter.


a. Paano ninyo napaiksi ang garter?
b. Anong mga bagay ang maaring mapaiksi? Magbigay
ng 2 halimbawa.
31
c. Naglalaro ba kayo ng Chinese garter? Paano ninyo ito
mapaphaba at mapapaiksi?
3. Pag-uulat ng bawat pangkat at pagproseso ng mga
sagot
4. Pagbubuo ng Konsepto
Paano napahaba at napaiksi ang mga bagay gaya ng
goma at garter?
5. Konsepto
Ang goma at garter ay napahahaba kung hahatakin o
babanatin ito. Napapaiksi namn kung papakawalan o
hahayaan sa likas na ayos nito.
6. Paglalapat
Paano napahahaba at napapaiksi ang goma ng
bisekleta?
IV. Pagtataya
Sagutin ng Oo o Hindi ang mga tanong.
_____1. Ang garter ay napapahaba.
_____2. Ang braso ng tao ay napapaiksi.
_____3. Ang goma ay napapahaba.
_____4. Ang lobo ay napapaiksi.
_____5. Ang sinulid ay napapahaba.
V. Takdang-Aralin
Magdala ng mga larawan ng pinagkukuhanan ng
liwanag o ilaw.

32

You might also like